“Hi bro, what’s up?” Tanong ni Steve sa kausap na nasa kabilang-linya. Nasa opisina siya ng kanilang kumpanya ng matanggap ang tawag ng kambal. “Bro, ano ‘tong narinig ko na sabi ng papa na nakikipag-mabutihan ka kay Crystal?” Balisang tanong naman ni Stefano. “Yeah bro, nakarating na pala sa iyo ang balita?” Malungkot na wika ni Steve. “Hindi nakatiis si Papa tinawagan niya ako kanina para kausapin kang huwag ng ituloy ang plano mong panliligaw kay Crystal,” sabi pa ni Stefano. “Habang maaga pa bro tigilan mo na ‘yan, kakausapin ko si mama nang matauhan na siya,” inis pang sabi ni Stefano. “Huwag na bro, it’s okay itutuloy ko ‘to,” sabi ni Steve. “We all know the reason why you step into that decision bro, but come to think of it masaya ka ba?” Tanong ni Stefano sa kambal. “Sa palagay mo hindi masasaktan si Loisa kung sakaling makarating sa kanya ang balita?” Saad pa ng kanyang kambal. “Huwag mong sabihin sa akin na nawalan ka na nang pag-asa na mahanap pa si Loisa at dumati
“Walang hiya ka talaga Loisa!” Galit na itinapon ni Crystal ang kanina pang hawak na wine glass.Pagkagaling niya sa opisina ni Steve at dagli niyang inutusan ang kasambahay upang bumili ng mamahaling red wine. Gusto niya maging kalmado upang makapag-isip ng paraan kung papaano mawawala sa kanyang landas ang kinamumuhiang babae. Ang paboritong inumin lamang ang tanging karamay niya lagi sa tuwing magulo ang kanyang mundo.Kasalukuyan na niyang binubuksan ang isa pang bote ng inumin nang maalalang tawagan si Kimberly.“Berly, nahanap mo na ba siya?” Inis na tanong nito sa babae.“Ma’am Crystal, pasensiya na po hindi ko pa rin po alam kung nasaan ngayon si Loisa,” kinakabahang pag-amin nito sa amo.“Maging sina Ma’am Abegail, nahihirapan rin pong hanapin si Loisa,” sabi pa niya.“So anong ibig mong sabihin, wala ka nang plano na hanapin siya?” Galit na sabi ni Crystal.“Stupida! Ang laki ng binabayad ko sa ‘yo pagkatapos ‘yan lang ang sasabihin mo?”Sigaw na nito sa kausap.“Bilisan mo
“Kaytagal ka naming hinanap dito ka lang pala sa mismong Hotel nag tatrabaho, Loisa,” nangingiting bulong pa rin ni Abegail sa sarili.Agad nitong kinuha ang telepono sa bag at pinindot ang numero upang itanong kung anong oras ang pasok ng babae.“Good morning Ma’am Abegail, sa ngayon po nag-emergency leave po si Miss Sanchez,” balita ng nasa kabilang-linya.“Ganon ba, bakit naman raw at kelan pa?” Usisa naman ni Abegail.“Nagkaroon raw po ng emergency sa bahay nila Ma’am,” sabi ng babae.“Kalalabas niya lang po ng building ma’am e,” dagdag pang sabi ng tauhan ng kumpanya. “Bakit po ma’am may-iuutos po ba kayo, tatawagan ko po ang guard sa employee’s entrance baka nandoon pa po,” sabi pa ng HR staff nila.“Segi nga pakisabi kilangan ko siyang makausap dito sa restaurant sa may baba,” utos naman ni Abegail.“Anong meron at bakit nag-emergency leave si Loisa?” Nagtatakang tanong ni Abegail sa sarili.Hindi pa man tatlong minuto ay bigla tumunog ang telepono ni Abegail.“Hello?” Sabi ni
“‘Yan ang hirap sa’yo Roy kapag humihingi ako ng pera ang dami mong reklamo at rason, hindi ba pwedeng sabihin mo man lang na gawan mo ng paraan?” Galit na sabi ni Loisa.Ganito ang kanilang drama noong magkasama pa sila sa iisang bubong maging hanggang ngayon. Tuwing humihingi siya dito ng pera ay nauuwi sa sigawan ang kanilang pag-uusap. Buong akala niya ay nag bago na ang lalaki makalipas ang halos limang taon. Kaya nga sinubukan n’yang tawagan ito at nagbabakasakaling meron itong iaabot kahit papano, katwiran niya nga sa sarili ay anak pa rin naman ni Roy si Loyd. Ngunit mali siya ng inakala.“Talaga naman ah, wala akong pera anong gusto mong gawin ko magnakaw?!” Pabalik na tanong ni Roy.“Ewan ko sa’yo kung gusto mong makulong bahala ka, may utak ka naman gamitin mo nga!” Hindi niya rin napigilan na hindi sigawan ang nasa kabilang-linya.“Matagal na tayong hiwalay bakit ka ba nanghihingi pa sa akin? Akala ko ba kaya mong buhaying mag-isa ang bata, baka nakakalimutan mo ipinamukha
“Good morning, miss kanina ko pa po kayo napapansin na nakatayo riyan sa tapat ng pinto at pasilip-silip,”puna dito ng gwardiya. “Ah e, mamang ano k-kasi po..,”naputol ang kanyang sasabihin ng biglang tumalikod at tumakbo ang kanyang kausap ng marinig nito ang pamilyar na bosena ng kotse. “Bastos ‘yon ah, may sasabihin pa ako at bigla na lang akong iniwan dito,”maktol na sabi ni Loisa sa sarili. “Maayos naman ang itsura ko ah,”dagdag pa nitong wika ng mapagmasdan ang sarili sa wall glass ng building. Biglang tumunog ang cellphone ni Loisa, ng makita ang pangalan ng kanyang kaibigan ay agad nitong pinindot ang receive call. “Good morning, beshy nasa loob ka na ba ng building? Tinawagan kasi ako ng dati kung kaklase, tinatanong kung nasaan ka na raw?”Sabi nito sa kaibigan. “Beshy, nandirito pa ako sa labas e, nilapitan nga ako nong guwardiya kaya lang nang sasabihin ko na sana ang pakay ko e, bigla akong tinalikuran at tumakbo ng walang pasabi.”Sumbong nito kay Ysabelle. “Bakit
Tumunog ang telepono sa lamesa ni Ciara.“Monteclaro Corporation, Good morning, this is Ciara Lapid may I help you?”Nakangiting bati ni Ciara sa kabilang-linya.“It’s me Ciara, let her in,”utos ni Abegail dito.“Yes po ma’am,”sagot naman ni Ciara.“Miss Loisa Sanchez, pumasok na raw po kayo ulit sa opisina ni Sir Steve sabi po ni Ma’am Abegail.”Sabi ng batang sekretarya kay Loisa.“Ha? Ah e, ganon ba?”Kinakabahang tanong niya sa sekretarya.“Huwag na po kayong mag-alala, kapag ganyan pong si Ma’am Abegail na ang nag-utos na papasukin po kayo ay malamang natalo na po si Sir Steve sa tungali nilang mag-pinsan.”Pakalma nitong wika sa babae.“Sana nga Ms. Ciara hindi na galit ang amo mo,”sabi nito sa kausap na kinakapa pa rin ang dibdib sa kaba.“Sigurado po ‘yon Miss Loisa,”nakangiti nitong sabi.Kumatok muna ng tatlong beses si Loisa bago niya narinig ang hudyat para sa kanyang pagpasok.“Have a seat Miss Sanchez,”sabi ni Abegail sabay turo sa bakanteng upuan na nasa harapan ng lamesa n
“Hey! Where’s my dad?”Bulyaw ng batang babae kay Loisa. “Aba! Kay bata-bata mo pa wala kang galang ah! Hindi ka ba tinuruan ng tatay mo kung ano ang magandang asal? Bastos to ah!”Gigil na sabi ni Loisa ng nalingunan niya ang may-ari ng munting boses. Abala sya noon sa pag-aayos ng mga folders sa cabinet nang bigla siyang sinigawan ng bata. Kaya hindi rin siya nakapagtimpi at kinagalitan niya ito. Nakapamaywang pa siyang tinaasan ng boses ang batang babae. “Bakit mo sa akin hinahanap ang ama mo? Taguan ba ako ng tatay?”Matapang na tanong niya sa bata. “Isusumbong kita sa daddy ko,”umiiyak ng sabi ng bata. “E, di magsumbong ka, tawagin mo ng maturuan ko rin ng leksiyon ang konsentidor mong ama,”dagdag pa nitong sabi sa batang umiiyak. Nasa ganon silang sitwasyon ni Loisa at ng batang babae ng halos magkasabay na dumating si Ciara mula sa stock room, samantalang si Steve naman nagmula sa opisina ni Abegail na nasa 5th floor. “What happened baby?”Alalang tanong ni Steve sa anak ng
“Be honest with me Miss Sanchez, ano ba ang totoong nangyari?”Malumanay na tanong nito sa bagong sekretarya. Dinala siya ni Abegail sa opisina nito pagkagaling nila sa opisina ni Steve Monteclaro. Awang-awa siya sa babae, unang araw pa lang nito sa trabaho ay ang bulyaw na agad ni Steve ang pa-welcome sa kanya. “Huwag kang mag-alala Miss Sanchez hindi ko kinokonsente ang ano mang maling ginagawa ng mga empleyado ng Monteclaro Corporation, walang exemption dito kahit ang CEO pa ng kumpanya.”Seryoso niyang sabi kay Loisa. “P-pasensiya na po Ma’am Abegail, hindi ko po sinasadyang pagtaasan ng boses ang bata kanina.”Nakayukong sabi nito sa among babae. “Hindi ko rin naman po masisisi si Sir Steve na magalit po sa akin kaya huwag nyo na po siyang awayin Ma’am Abegail,”dagdag pang sabi ni Loisa. “It’s okay, ganyan talaga kami ni Steve, laging nagbabangayan. Kung minsan naman kasi ay sumusobra na siya, gaya ngayon pyshical injury na ‘yang ginawa niya sa iyo.”Sabay turo nito sa pasa na n