Share

Chapter Eleven

 [ AMIEL ]

  - Sunday, February 13, 7:09 pm

Fuck it, T'm gonna approach them.

Mahigpit akong napahawak sa mga bitbit ko habang tahimik at dahan-dahan na naglalakad patungo sa kwarto ko, pakiramdam ko kasi ay baka bigla ko itong mabitawan dahil sa namumuong takot sa bawat hakbang na tinatahak ko papalapit sa anino.

Inis naman akong napa-iling. Ano ba'ng

kinakatakot ko?! Tsk, multo? Really? Hindi pa naman malalim ang gabi at February pa lang, imposible!

"Amiel?"

"Ay kabayo!"

Dahil sa pagkagulat matapos makarinig ng boses ng lalaki na tumawag sa akin, ay aksidente kong nabitawan ang mga bitbit ko.

Napabuntong-hininga na lang ako bago sinimulang pulutin ang mga nagkalat na papel sa sahig. Shit naman, oh.

Habang ang mga kamay ko ay abala sa paglilikom.ng mga nagkalat na papel, ang mga mata ko naman ay inilihis ang atensiyon mula sa mga ito at tumingala upang hanapin kung kanino man nanggaling ang boses na iyon.

Naramdaman ko naman ang sarili ko na saglit na tumigil sa paghinga nang sumalubong sa akin ang isang matangkad na lalaki, at naglalakad papalapit sa akin.

Narinig ko siyang tumawa bago ako tulungan sa pagpulot ng mga papeles. "Mukha ba akong kabayo para sa' yo?"

Napa-irap na lang ako. "Kayden naman, ginulat mo ako, eh!" inis kong sigaw sa kaniya bago pabirong sinuntok siya sa braso.

Napanguso na lang siya bago i-abot sa akin ang mga natitirang folders at papel. "Sorry. hindi ko naman sinasadya, eh."

Nginitian ko na lang siya bilang tugon because I somehow can't find the right words to say something back.

/ Tsk, wala kang masabio naduduwag ka lang? /

Agad na nawala ang ngiti sa labi ko dahil sa sinabi ng utak ko. What the fuck?

Muli kong ibinalik ang tingin ko sa kaniya, at bakas sa mukha niya ang pagtataka sa biglaang pagpapalit ng ekspresiyon ng mukha ko, bago siya iwan doon at na-una na sa paglalakad.

I'm sure he doesn't have anything to do with me naman 'di ba? I mean, we always met this way before. Aksidenteng nagkabanggaan, o kaya naman ay nakita ang isa't isa sa public places, just plain coincidence. So I guess he'll leave me alone.

"Amiel!"

Ack?!

Napatigil ako sa paglalakad at mabilis na lumingon kay Kayden, na siyang sinusundan pala ako at ngayon ay katabi ko na.

What, susundan niya rin ba ako hanggang sa kwarto ko? Oh, magkatabi lang pala ang kwarto namin. Silly me.

"Bakit?" Iwas ko ng tingin sa kaniya at nagpatuloy.sa paglalakad.

"I actually have something to say to you, kaya nga hinihintay kita sa tapat ng kwarto mo, eh."

What?! So siya 'yong nakita kong anino kanina sa harap ng kwarto ko?!

Saglit akong nagtatakang tumingin sa kaniya. Ano naman kayang gustong sabihin nito?

"Pwede ba? Saglit lang naman 'to, eh," saad niya habang nakatayo lang siya sa likuran ko at abala naman ako sa pagbubukas ng pinto ng kwarto ko.

"Yeah, pero pumasok ka muna, let's talk inside." Walang lingunan na sagot ko sa kaniya at dire-diretso nang pumasok sa loob.

Thinking that he already went inside, tumalikod na ako para isara ang pinto subalit nabalot na lang ng pagtataka ang mukha ko nang makita ko siyang nakatayo pa rin sa labas.

He's just standing there, at parang namumutla pa nga yata. Hindi ma-ipinta ang mukha niya ngayon, para bang excited siya na at the same time, he just saw the most ridiculous thing in his life.

"Kayden!" Kaway ko sa kaniya at ito ang nagpabalik sa kaniya sa sarili niya.

"S-Sorry," dali-dali niyang saad at agad na pumasok sa kwarto ko, squeezing his way in between me and the door frame.

Nakakunot ang mga noo kong sinundan siya ng tingin, na ngayon ay parang estatwa na nakatayo sa gilid ng sofa.

He stuttered earlier, iba rin ang inaasta niya ngayon kaysa sa nakasanayan ko. What's wrong with him?

Shrugging off the thought, dumiretso ako sa kusina matapos siyang utusan na ma-upo sa sofa. Mukha kasi siyang mannequin na naligaw doon if he would just stand there.

"Kayden, do you want anything?" sigaw ko mula sa kusina habang hinahalughog ang laman ng refrigerator ko.

"Tubig na lang!" Napakurap na lang ako. He responded way too fast.

"Here," inilahad ko sa kaniya ang baso ng malamig na tubig habang na-upo naman ako sa tabi niya.

Nakatungo niya namang tinanggap ang baso sa akin, at napansin ko rin ang pag-urong niya papalayo sa akin while he sipped on the cup.

Ngayon ay punong-puno na ng mga nakababahalang tanong ang utak ko. Whatever.

"So ano nga pala 'yong sasabihin mo?" I leaned back on the couch at kinuha ang remote control na nasa gilid ko tsaka ito pinaglaruan. Dahil sa inaasta ni Kayden ay nahihiya na rin ako, eh.

"Oh, about that," sagot niya tsaka humarap sa akin. "Bukas kasi. ano," he failed to finish his sentence.

Itinaas ko ang dalawang kilay ko, "Ha?"

"T'm actually... part of a band" panimula niya habang nanlaki naman ang mga mata ko sa narinig.

What?! Ha?

Habang nakanganga lang ako at hindi mapaniwalang nakatingin sa kaniya, ay nagpatuloy lang siya sa pagpapaliwanag.

"And tomorrow, may event kami to celebrate Valentine's day, so, gusto sana kitang imbitahan na pumunta," he ended his sentence with a small smile while rubbing his hand on his nape, probably out of embarrassment.

Matapos lumipas ang ilang minutong katahimikan, ay hindi ko na nagawa pang pigilan ang tawa na lumabas sa bibig ko. "Wait lang! Wait!" saad ko habang nakataas ang dalawa kong kamay na para bang ina-aresto ako.

"Bakit?" nakisabay na rin siya sa pagtawa ko.

"Nir-register ko pa yong sinabi mo," sagot ko at saglit na pumikit para mag-isip.

"And actually, si Kuya Axel? The one you held a meeting with?" Napadilat naman ako dahil sa sinabi niya.

Oh? What about him?"

"He's our manager."

"What?!" muli kong sigaw at nanlalaki ang mga mata na tumingin kay Kayden.

OA na kung OA, pero putangina, seryoso?!

Nakangiti na lang siya tumango bilang tugon, habang ako naman ay kulang na lang ay magdugtong ang mga kilay ko sa kung paano ito sobrang magkasalubong.

Grabe, mind blowing.

"So you mean, he's looking for an event organizer kasi he's holding an event for his band 'di ba?" Tumango naman siya.

"And that band is your band?" muli siyang tumango at napabuga na lang ako ng hininga.

Shut the fuck up, kaya ba nag-usap sila bago nagsimula yong meeting namin?!

"Anyway, hindi naman sa pinipilit kitang pumunta, kung busy ka bukas, then neverm-"

"No!" Ihinarang ko ang aking hintuturo sa bibig niya para pigilan ang pagsasalita niya. "Pupunta ako, I'll attend the event!"

Saglit siyang napatingin sa akin, probably still processing what I said.

Nagulat na lang ako nang mabilis niyang hinablot ang pulsuhan ko at halos kuminang na ang mga mata niya sa sobrang saya na kanyang nararamdaman. "Talaga?! Weh? Pupunta ka?!"

With his hand tightly holding onto my wrist, napa-iwas na lang ako nang tingin dahil sa dalawang bagay. Una, dahil nasasaktan ako sa ginagawa niya, at pangalawa, dahil pakiramdam ko ay namumula ako dahil sa naging reaksiyon niya.

Like why does he look so happy after knowing na pupunta ako? It's not like... I'm someone important to him 'di ba?

"O-Oo nga, ang kulit eh," awkward na sagot ko sa kaniya, at marahil ay napansin niya ito dahil binitawan niya na ang pulsuhan ko.

Then there it is, the usual awkward silence na kadalasang mamagitan sa aming dalawa.

Tahimik lang kaming naka-upo sa gilid nang isa't isa, walang naglalakas-loob na magsimula ng usapan. Pakiramdam ko nga ay tumigil din ako sa paghinga dahil sa kung gaano ka-awkward ang sitwasyon namin.

Tiningnan ko naman siya sa gilid ng mga mata ko,.at nakita na nakatungo lang siya habang pinaglalaruan ang kanyang mga daliri.

Umiwas ako ng tingin. Gusto ko sana siyang tanungin kung hindi pa ba siya uuwi since mukhang wala na siyang sasabihin pa, but that would make me look rude, right? Kaya 'wag na lang.

"Amiel?"

"Hm?" agad kong sagot at lumingon sa kaniya.

Para bang nag-aalangan siyang tumingin sa akin, tsaka niya itinuro ang pinto. "I-I'm gonna go now, 'yon lang naman 'yong sasabihin ko, eh."

My gosh, nabasa ba niya 'yong isip ko?

Binigyan ko naman siya ng maliit na ngiti. "Sige, bye." Gosh, I nearly cringed. Sobrang awkward naman ng pagkakasabi ko!

Sinundan ko na lang siya nang tingin habang naglalakad siya papalabas ng kwarto ko. Natawa na lang ako bago siya kawayan pabalik matapos niya ako bigyan ng isang malaki at masigla na kaway tsaka dumiretso ng takbo papunta sa kwarto niya.

Tsk, cute.

Agad na kumunot ang noo ko. What?!

Napa-iling na lang ako, bago sumalampak ng sandal sa sofa tsaka nagpakawala ng malalim na hininga.

Now that I'm finally alone, ngayon lang nag-register sa utak ko ang mga nangyari simula noong maka-uwi ako rito.

Una, halos mag-collapse na ako sa takot at kaba dahil sa anino sa tapat ng kwarto ko. Pangalawa, si Kayden lang pala 'yon and he suddenly wants to say something to me? Pangatlo, he invited me to attend the event tomorrow, at ang pang-apat, at ang pinakamakabuluhang nangyari ngayong araw, ay ang pagpayag ko sa imbitasyon niya.

Bakit makabuluhan? Dahil napakarami kong dahilan kung bakit pwede naman akong tumanggi sa alok niya.

Una, nagsinungaling ako sa part na sinabi kong hindi naman ako masyadong busy bukas. Ang dami kayang pending sa e-mails ko!

Pangalawa, it's not like we're close, right? Hindi naman siguro ako kawalan kung sakaling hindi ako makapunta sa event nila. I'm not a special someone kumbaga.

At pangatlo, I genuinely hate going on social events, nakakasakal siya. Never naman kasi akong nahumaling sa pagpunta sa mga ganyan-ganyan, sadyang nahihila lang ako ng mga kaibigan ko.

Pero bakit? Bakit tinanggap ko pa rin?

Honestly, hindi ko rin alam kung bakit, pero may pakiramdam ako sa loob-loob ko, and it's telling me na I did that because I wanted to apologize to him, bumawi sa kaniya kumbaga.

But that's still not a valid reason though, like bakit kailangan kong mag-sorry sa kaniya? Dahil ba sa pag-ignore ko sa kaniya kaninang tanghali? Meh, mukha ngang wala siyang pake doon eh!

Pero whatever, I'll just attend kasi una, I promised him, at pangalawa, I wanted to support him. Maybe para na rin makita ko kung paano siya mag-perform.

Yeah, right. That's right.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status