Share

Chapter Twelve

  [ AMIEL ]

 - Monday, February 14, 5:35 pm

"Happy Valentine's Day!" aksidente ko namang nabagsak ang hawak kong ball pen matapos marinig ang sabay-sabay na sigaw ng mga kaibigan ko.

Lumingon ako sa likuran ko at nakita sila na papalapit papunta dito habang bahagya pang patalon-talon.

They look so excited, anong meron? I mean, aside sa Valentine's ngayon.

"Hmm, Happy Valentine's Day din," tugon ko sa kanila bago pulutin ang nahulog na ballpen at nagpatuloy sa pagsusulat.

Subalit napakunot na lang ang noo ko nang may kumuha ng aking panulat mula sa akin, walang iba kung hindi si Rome.

Mas lalo lang akong naguluhan nang sabay-sabay nila akong tiningnan, habang naka-cross arms pa, at medyo masama rin ang tingin na binabato nila sa akin.

"Bakit?" takang tanong ko.

"Don't tell me nakalimutan mo?" Tiningnan ko naman si Joelene na na-upo sa bakanteng upuan sa tabi ko habang tinataasan pa ako ng kilay.

Nakalimutan?

"Ano bang meron?" muli kong ibinalik ang aking tingin kina Sammy at Rome.

"Gago ka talaga, so kung hindi ka pala namin pinuntahan dito, hindi mo maaalala at hindi ka na makaka-attend?" Napakurap na lang ako sa sinabi ni Rome.

"You promised Kayden na pupunta ka sa event nila 'di ba?"

Promise, Kayden, event, Valentine's...

"Ah!" sigaw ko at malakas na hinampas ang mesa. Dali-dali naman akong tumayo para ligpitin ang mga gamit ko.

"Shit, nakalimutan ko talaga!" dahil sa pagmamadali, ay nagkanda-laglag na ang mga gamit na nilalagay ko sa bag ko.

Napapikit na lang ako nang marinig ang tawanan na nanggaling sa mga kaibigan ko. Shit, para akong binuhusan ng kahihiyan.

"Tangina nito, bilisan mo na!" pabirong suntok ni Rome sa braso ko.

"Oo nga," pagsang-ayon ni Sammy. ""Di ba 5 ang simula ng event nila then 6 ang tapos?"

"Ha?!" hindi nakatulong ang sinabi ni Sammy, mas lalo lang akong nag-panic.

"Anong oras na ba?!"

Tumingin si Joelene sa relo niya. "5:40."

"Pakshet!"

---

Fuck, fuck, fuck!

Paulit-ulit kong tina-tap ang paa ko sa sahig ng jeep na kasalukuyan kong sinasakyan habang palipat-lipat ang tingin ko sa aking relo at sa kalsada.

I'm so late! Bwiset!

Kanina, matapos sabihin ni Joelene kung anong oras na, ay hindi na ako nakapagpaalam nang maayos sa kanila dahil sa kagustuhan na umabot pa sa event.

Kahit 'yong last song na lang, oh!

Sa sobrang pagmamadali ko nga ay hindi na ako.nag-abala pang magpalit ng damit o mag-ayos ng sarili. Wala na rin naman akong pake!

"Manong, para po!"

At exactly, 5:47, nakababa na ako ng jeep at nakarating na sa plaza, kung saan ginaganap ang event ng bandang 'Marahuyo.'

"Naka-abot pa ako," hingal kong saad habang pinupunasan ang pawis ko at sinisilip ang stage mula sa kinatatayuan ko.

I'm looking for Kayden, nasaan siya?

Dahil na rin siguro sa malabong mata ko, ay nabigo kong makita si Kayden, kaya naman nakisiksik ako sa mga nagkukumpulang tao upang mas mapalapit sa entablado.

And I'm impressed, mas marami ang taong dumalo kaysa sa inaasahan ko, sa sobrang dami nga ay parang hindi na mahulugan ng karayom ang lugar na ito. Siguro ganoon kasikat ang bandang ito.

Tahimik ang banda maging ang audience, looks like they re still preparing for the last performance.

I took the time to search my surroundings. Gusto kong alamin kung nai-apply ba ang mga napag-meetingan namin.

The stage, napapalibutan ito ng mga ilaw at ilang makukulay na LED lights. Ang mga haligi rin na nakatayo sa gilid ng stage ay may mga nakasabit na dekorasyon, na walang iba kundi mga ginupit na papel na puso.

Para naman sa mga damit ng bawat miyembro ng banda, lahat sila ay magkakaterno ng maong pants na suot, samantalang ang pantaas nila ay magkakaiba, subalit nalalapit ang kulay sa isat isa. Ano pa ba, edi different shades of red.

"They look good," Napatango na lang ako habang sinisiyasat ang mga lalaki sa entablado. Joy did a great job, bagay na bagay sa kanila ang mga outfit-

"Kayden! Kayden! Kayden!"

Napapikit na lang ako matapos ang nakabibingi na sabay-sabay na pagsigaw ng mga tao sa paligid ko ng pangalan ni..

Nang mapansin ko ang lahat na nakatuon ang tingin sa entablado, ay napagpasiyahan kong ilipat din ng atensiyon dito. At putangina.

"Kayden?" I'm not even sure if the person who just came out of the backstage is him, pero I think siya nga 'yon.

Lumingon ako sa paligid at talaga namang nabigla sa mga nakita.

Karamihan sa audience ay sumisigaw at nagtatatalon, ang iba nga ay may mga hawak pang banner na nakasulat ang pangalan ni Kayden.

Napangiti na lang ako nang bahagya bago ibalik ang tingin sa entablado. Famous pala siya, ah?

"Good afternoon? Evening?"

Itinuon ko naman ang aking atensiyon sa lalaking may hawak ng mic at nagsasalita ngayon. Ah, they're starting na yata.

"So the next and last song we' re gonna play,"

Napa-iling na lang ako kasabay ng nagsasalita sa stage nang makatanggap ng mga dismayado at tumatanggi na sigaw mula sa mga manonood.

They're all disappointed dahil huling kanta na agad, I mean, I can't blame them, dismayado rin ako eh.

Duh! Ni hindi ko nga naabutan yong simula ng event so, pwede talaga akong magreklamo! Ugh!

"Grabe 'yong mga reklamo niyo ah," natatawang komento nung lalaki.

"Anyway, this last song ay bagay-bagay for today's holiday. Sa mga may jowa diyan, you can dedicate this song to them, pero para naman sa mga nagc-celebrate ng Valentine's nang mag-isa,"

Sa pangalawang pagkakataon, nagsigawan na naman ang audience. May narinig pa nga akong nagmura na siya namang ikinatawa nang karamihan.

Valentine's is a lovely holiday, oo, pero nakaka-bitter din minsan. Hays.

"Bawi na lang kayo sa next life," dugtong ng nagsasalita at muling ibinalik sa mic stand ang mikroponong hawak niya tsaka pumusisyon sa gitna ng entablado.

Ayan na, they're finally starting!

Sa kagustuhang makita nang mas malapitan ang banda, ay pinilit kong isiniksik ang aking sarili sa pagitan ng mga tao upang makapunta sa harapan.

Ugh, this is hard, lalo na't hindi naman ako ganoon kalakasan para suwagin ang mga tao sa paligid ko, pero bahala na! Gusto kong hanapin si Kayden

Matapos ang makapigil-hiningang pakikipagsiksikan, sa wakas ay nakahanap na rin ako ng magandang pwesto upang mapanood ang performance nila.

Sa oras na tumingala ako para tingnan ang nagaganap sa stage, ay halos tumigil ako sa paghinga dahil sa sumalubong sa akin.

Kayden, there he is, on the stage.

Nakakalula siyang tingnan, para akong tumitingin sa isang malalim at delikadong bangin, and I'm willing to take the risk and fall in it. Ganoon ang nararamdaman ko habang tinitingnan siya.

He looks different today, he seems different to the Kayden I usually talk to. 

Ang buhok niya na kadalasan kong nakikita na nakalugay lang, ngayon ay nakatali at may mga bangs pa na nakaharang sa mukha niya. Ang pulang polo naman na suot niya ay bagay na bagay sa hubog ng katawan niya. It fits him.

Nakakapanibago, but he looks beautiful. 

/ O kay gandang pagmasdan ang iyong mga mata, /

The song finally started.

With the vocalist's voice resonating throughout the place, accompanied by the strums of guitar and bass. Pakiramdam ko ay lumulutang ako at tumungo sa ibang dimensiyon.

Subalit nagtaka naman ako matapos mahagip ng mata ko si Kayden na sa ngayon ay hindi pa tumutugtog dahil hindi pa naman kailangan.

Mukha siyang... malungkot? He seems so down. He looks like he's looking for something, waiting for something.

Maya't maya rin ang tingin niya sa paligid. He probably invited someone to come, pero hanggang ngayon ay hindi pa dumadating, kaya siguro ganoon na lang ang ekspresiyon niya.

Whatever, I hope he feels better soon though.

Inalis ko sa kaniya ang aking tingin at itinuon ito sa kanta na talaga namang napakaganda at bagay na bagay sa okasyon.

Gumuhit sa aking labi ang isang malit, subalit kontentong ngiti.

Ikaw lang, my favorite song.

"Kumikinang-kinang, 'di ko maintindihan," sumabay ako sa pagkanta.

/ Ang iyong mga tingin, labis ang mga ningning, /

As the beat drops, kasabay nito ang pagtama ng tingin namin ni Kayden sa isa't isa. It's as if my eyes unconsciously found its way to meet his eyes.

And I swear, naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

His empty, longing eyes and expression earlier, ngayon ay napalitan ng emosyon na pinapakita.

Saglit na nanlaki ang kaniyang nga mata at dahil sa sinusubukan niyang 'wag putulin ang eye contract namin, ay halos nakalimutan pa nga niyang tumugtog.

Ang itsura niya ngayon, ay parang sa wakas, ay nakita na niya ang hinahan hanap niya.

Matapos ang ilang segundo, tsaka lang namin ini-alis ang tingin sa isa't isa.

A smile slowly crept on my lips, habang ang pisngi ko naman ay unti-unti nang namumula.

Hindi nakaligtaang pansinin ng mga mata ko kanina ang mga mata niya. Tsk, paanong hindi ko mapapansin, eh doon nga lang nakatutok ang paningin ko kanina. I'm totally captivated by his eyes.

At tulad ng liriko sa kanta, sa kabila ng hugis ng mga mata niya at ang distansiya sa pagitan namin, ay kitang-kita ko pa rin ang pagningning ng kaniyang mga tingin.

/ Tumingin ka sa'king mga mata, /

Ang lahat ay nakisabay sa pagkanta pagdating ng chorus, isa na ako sa kanila syempre.

"At hindi mo na kailangan pang-" Itinigil ko ang pagkanta para lang muling ibalik sa pwesto ni Kayden ang tingin ko.

Agad namang bumagsak ang balikat ko nang makitang abala si Kayden sa pagtingin at pagngiti sa audience habang natugtog.

Tsk, hayaan mo nga, bakit ba dismayado ako na hindi rin siya nakatingin sa akin?

"Magtanong nang paulit-ulit."

Sa susunod na liriko, ay nagulat na lang ako nang muling magtama ang paningin naming dalawa.

Hindi ko na nagawa pang i-lip sync ang susunod na lyrics at napanganga na lang dahil sa sunod na ginawa ni Kayden.

He's looking directly at me, with a small smile drawn at his face, while mouthing the lyrics.

"Ikaw lang ang iibigin."

Nag-init ang magkabila kong pisngi at nagmamadaling umiwas ng tingin. What the fuck?!

/ At sa iyong paglalambing,

Ako ay nahulog din

Di ko alam kung ano ang gagawin /

"Di ko alam kung saan titingin."

Napabuntong-hininga na lang ako matapos

kantahin ang parte na iyon.

That's exactly what I'm feeling right now. Eh kahit nga kailan eh, basta kasama ko si Kayden, I never got my shits together. Para akong nababaliw na hindi ko malaman.

Ewan, it's complicated. Very complicated.

/ Halik sa labi,

Tinginan natin /

Sa pagkakataong ito, may ginawa na naman si Kayden, at hindi ko alam kung matatawa ba ako, kikiligin, o mandidiri.

He just sent a flying kiss, na nasundan pa ng pagkindat niya.

At hindi na ako nagtaka sa sumunod na nangyari.

Dumagundong sa plaza ang malakas at sabay-sabay na sigawan ng mga tao rito, all because of Kayden's fying kiss. Psh.

Fan service at its finest.

/ 'Di akalaing

Mahuhulog ka sa 'kin /

Bahagya akong napangiti nang marinig ang linyang iyon.

Hindi ko alam kung bakit, pero habang pinakikinggan ko ang kantang ito, I feel very nostalgic. Na para bang basta na lang nagf-flashback sa utak ko ang mga bagay na nangyari sa buhay ko noon.

Pero parang kulang pa rin, eh. There's still a

space left.

Napa-iling na lang ako. Ewan.

Nagpatuloy ang pagtugtog ng kanta, at nasa

second chorus na kami ngayon, papunta sa

instrumental and bridge part.

Mapakla akong muling napangiti. Sayang naman, ang saya ng event na ito at ang huling kanta lang ang naabutan ko? Tsk.

/ At sa paglisan ng araw, akala'y 'di ka mahal,

At ang nadarama'y hindi magtatagal /

This is my favorite song at hindi na mabilang kung ilang beses ko itong nalakinggan, but this part, it never fails to give me goosebumps.

The harmonization of every instruments along with the vocalist's voice. Isama pa ang sabay-sabay na pagkanta ng audience. What an experience.

Muntikan naman akong matumba at sumalampak sa sahig matapos may makasagi sa akin, naging dahilan din ito para mawala ang tingin ko sa stage.

Mariin naman akong napapikit at napakagat sa aking ibabang labi, habang ang kamay ko ay nakasabunot sa sarili kong buhok.

Tangina, out of all times, ngayon pa talaga?!

Pilit kong sinusubukang alisin agad ang sakit ng ulo ko at maging ang balanse ko sa pamamagitan ng pagsandal sa ibang tao, at mukha namang umepekto.

/ Malay ko bang hindi magpapagal /

I finally regained my balance at muli akong nakatayo nang diretso, subalit hindi ko pa rin inaalis ang kamay ko sa aking ulo, because the pain is not going away.

Muli kong ibinalik ang aking tingin sa entablado, my eyes automatically landing on Kayden, na sa laking gulat ko ay nakatingin na sa akin.

Our eyes met. His shiny, expressive eyes looking back at my hazy ones, that is also getting blurrier at every seconds passed.

Subalit sa kabila nito, kinaya ko pa ring sabayan siya sa pagkanta ng huling linya bago ang last chorus.

"Iibigin kita kahit ga'no pa katagal."

/ Tumingin ka sa 'king nga mata,

At hindi mo na kailangan pang

Magtanong nang paulit-ulit,

Ikaw lang ang iibigin. /

Along with his concerned look, ang linyang iyon at ang ibang nagp-panic na sigaw ng mga tao ang huling bagay na narinig ko bago matumba at sumalampak sa sahig.

I can't feel my own body anymore, at kahit anong pilit ko ay hindi ko na mai-dilat ang mga mata ko. Tanging pandinig na lang ang nagagawa ko.

Nararamdaman ko rin ang tibok ng puso ko na pabago-bago ng ritmo. Bumabagal, bumibilis, bumabagal, tapos bibilis na naman.

"Amiell

After hearing that loud voice, na nasundan ng nakabibingi na matinis na tunog na tila mula sa isang mikropono na bumagsak sa sahig, I felt my hand flinched as a reaction.

Nakarinig ako ng nagmamadali at sunod-sunod na yapak mula sa bandang kanan ko, hanggang sa may naramdaman akong may umalalay sa likod at ulo ko.

I even felt a soft, cold hand caressing my cheeks.

Bago pa man ako tuluyang mawalan ng malay, ay gumuhit sa aking labi ang isang maliit at kontentong ngiti.

Nagkamali pala ako. It was him, his voice, ang huling narinig ko. It was his touch, ang umalalay sa walang malay kong katawan.

After all, it was / him. /

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status