Imbis na sumagot ay yumuko siya at tinakpan ang mukha niya kaya napairap ako. Wow, parang siya pa yung galit. Hindi na ako nagsalita pa at umupo na lang sa upuan na nasa kabilang dulo.
Hindi ko siya makita dahil madilim. Tss, bakit ba kasi walang kailaw-ilaw rito?
"'Wag mong sabihing ikaw yung ka-match ko?" pagputol ko sa katahimikan.
Nag-angat siya ng tingin at tinginan din ako sa mata. Parang kung may anong mahika ang humihila sa akin ang mga mata niya. I want to see his eyes without glasses.
Umiling ako nang ma-realize kung ano ang iniisip ko. There's no way I would like to see his eyes. Ang pangit ng ugali niya, antipatiko.
"Then I won't," sagot niya.
Hindi ko na lamang iyon pinansin, kahit sa boses niya ay naiinis ako.
"Bakit kasi siya pa?" inis na bulong ko.
"As if I like you to be my match too," he sarcastically said.
Nagulat man pero hindi ko na iyon pinahalata. How come? Ang hina-hina lang no'n ah tapos medyo malayo pa ako sa kaniya. Inirapan ko siya at tumapat sa puwesto ng pintuan.
Umalis din ako sa pagkakasandal nang may marinig na mga yabag. Palalabasin na ba kami? Huminto sa harap ng pinto namin ang isang lalaki kaya agad akong tumayo at tumakbo papunta rito.
"Wait!"
Hindi siya nagsalita at basta na lang naglusot ng papel sa ilalim ng pinto sabay takbo.
"Ano 'to?! Hey, sandali lang palabasin ninyo kami rito!" sigaw ko habang kinakalabog ang pinto.
Humanda sa akin yung lalaking 'yon kapag nakita ko siya.
"Stop, hindi yan makatutulong,"
Sa sobrang focus ko sa pagkalabog ng pinto ay hindi ko na namalayang nasa tabi ko na siya at hawak-hawak ang papel na nilusot no'ng lalaki kanina.
"Ano 'yan?" I asked.
"Paper,"
"Alam ko. I mean, anong nakasulat!" malakas na sabi ko at bakas ang pagkairita sa boses.
"Why are you always shouting when you're talking to me? Could you please calm down," nakakunot ang noong aniya. Ang tingin ay nanatiling nasa papel pa rin.
Napairap ako at humawak sa magkabilang bewang ko. Parang kasalanan ko pa na binibigyan niya ako ng rason para mainis sa kaniya, e, hindi naman ako ganito sa iba sa kaniya lang. Iyong tipong kahit wala siyang ginagawa naiinis ako.
"Blah blah blah." Humarap ako sa kaniya. Saktong humarap din siya sa akin kaya muntik na kaming magkabanggaan. Napaatras ako nakahawak sa d****b ko dahil sa gulat samantalang siya ay parang wala lang sa kaniya ang nangyari dahil wala na namang reaksiyon ang kaniyang mukha.
Inilahad niya sa akin ang papel na binabasa niya kanina. "Read it."
Kinuha ko ito nang dahan-dahan at binasa. What is this? Quiz about each other?
Napahawak ako sa noo ko nang matapos kong basahin ito. Kailangan naming malaman sa isa't isa ang mga nakasulat dito, pagkatapos ay ite-test kami at kung perfect ay puwede na kaming lumabas, kapag may mali naman ay uulitin at iibahin ang questionnaire.
"Anong gagawin natin?" Ibinalik ko ang tingin sa kaniya.
"We'll do the instruction, I want to get out of here " Tumalikod siya at bumalik sa upuan niya, gano'n na rin ang ginawa ko. Hindi na ako umimik pa dahil gaya niya, gusto ko na ring makalabas rito.
"Sisimulan ko na." Tumikhim ako at sumulyap sa kaniya na agad ko ring tinuon uli sa papel dahil hindi ko makayanan ang tingin na binibigay niya.
"Name?"
"Alizon Craige Levigne," mahinang sagot niya pero sapat na para marinig ko
Mukhang pinag-isipan name niya, huh.
"Course?"
"What about you?" I was stunned by his sudden question.
Dahan-dahan akong napatingin sa kaniya at napalunok. "Ha?" kalmado kong tanong.
Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin at bigla akong nagkaganito. Para na akong si Melissa sa hinhin.
"Your name." Pinagkrus niya ang mga braso niya at sumandal sa pader.
"Ah Jamara Nicole Domingo." Mabilis na ani ko. Wala na siyang sinabi pagkatapos no'n kaya nagpatuloy na ako sa pagtatanong.
Ngunit sa kasagsagan ng pagtatanong ko ay nagsisimula na naman akong mainis. Hindi ko alam kung sinasadya ba niya o ano.
"Isang color lang," pigil ang inis na sambit ko.
"Why? They're all my favorite colors,"
Napapikit ako nang mariin, pagkatapos ay matalim na tumitig sa kaniya. "Hindi natin puwedeng sabihin 'yan," mabagal at may diing ani ko, animo'y pinapaintindi sa kaniya.
"Black,"
"Black is not a color. Puwede ba, ayusin mo naman yung sagot mo. Akala ko ba gusto mong makalabas? So please, maki-cooperate ka naman." Asik ko.
Napahawak ako sa noo ko nang ilang segundo bago nagpatuloy sa pagtatanong. Buti na lang ay umayos na siya. Walang maririnig sa buong silid maliban sa pagpapalitan namin ng sagot at tanong, para na kaming nagpipinoy henyo.
"Umayos ka ah," nakataas ang kilay na sabi ko sa kaniya.
Tumango siya bilang sagot at saka tumayo. Medyo nakahinga na ako nang maluwag dahil natapos na kami sa pagkilala sa isa't isa pero nakakakaba pa rin dahil ite-test pa kami, hindi ko pa naman sure kung puwede second chance rito. Muli kong binalikan ang naging tanungan namin kanina at inalala itong mabuti. Bakit pa kasi may ganitong booth.
"Reiner, kunin mo na," utos no'ng nasa kanan ko.
Agad na sumunod ang tinawag niyang Reiner at inabot sa kaniya ang dalawang piraso ng white board at marker. Grabe, may paganito rin sila.
"First, favorite color." Basa ni Reiner sa papel na hawak niya kasabay nang pagpindot niya sa timer.
Ilang segundo matapos kong maisulat ang favorite color niya ay tumunog na ang timer. Sabay namin itong ipinakita. Green ang sinulat ko at purple ang kaniya.
"Course."
"BS Accountancy." Pagkapakita namin ng white board napangiti ako nang kaunti dahil tama ang naisulat niya.
"Ay wow HRM, dream course ko rin 'yan kaso takot ako sa mantika," may bakas ng pagkamanghang sabi ni Reiner, napalitan iyon ng gulat nang batukan siya ng kasama niya.
Napatawa ako nang mahina at tinuon ang tingin sa harap, naabutan kong nakatingin sa akin si Ali na agad ring nag-iwas ng tingin.
"Favorite food!"
Napapitlag ako at muntik nang mabitawan ang hawak na white board at marker dahil sa gulat.
"Bakita ka ba nanggugulat, Alfred?" Siko ni Reiner sa kasama niya.
"Aba siyempre para magising sila," katwiran niya.
"Do we look like we're asleep?"
Sabay-sabay kaming napatingin kay Ali nang magsalita siya, malamig siyang nakatingin kay Alfred. Samantalang si Alfred at pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa habang nakangisi. Hindi siya sumagot at tinuon na lang ang tingin sa papel at pinindot ang timer.
Sinulat ko ay Burger samantalang ang sa kaniya ay macarons. Nagpatuloy iyon at wala pa kaming mali kahit isa hanggang sa umabot kami sa last question.
"Height and weight," nakangising sabi ni Alfred, nakakrus ang braso at nang-uuyam na nakatingin kay Ali.
"Wala naman 'yan sa binigay ninyo ah," bakas ang inis sa boses ko.
"Dinagdag ko, late ko na naisip, e," tila nang-aasar na sabi niya.
"No. We're not going to answer that. Wala 'yan sa questionnaire so basically hindi namin dapat 'yan sagutin." May diing saad ko habang hindi inaalis ang tingin sa kaniya.
"Marco!"
Naputol ang pagtitig ko at nabaling iyon sa tinawag ni Reiner na Marco. Siya yung nanghuli sa akin kanina.
"Tama na 'yan, palabasin ninyo na sila," sabi niya kay Alfred.
Tinapunan niya ako ng tingin at saka bumaling uli kay Alfred na napipilitang tumango.
Sinenyasan kami ni Marco na sumunod sa kaniya. Hindi pa kami nakakalayo nang sumigaw si Alfred.
"Sana next time masagot ninyo na yung height and weight!"
Nang makarating kami sa labas ay hinarap kami ni Marco nang nakangiti. Mukhang ang saya-saya niya ah, sana all.
"Sana nag-enjoy kayo," ngiting aniya.
Inirapan ko siya kaya napatawa siya. "Sige na, may gagawin ka pa diba?" tanong niya ba tinugunan ko lang ng tango.
Pagkatapos ay tumalikod sa kaniya at naglakad palayo. Napalingon ako sa tabi ko nang maalalang may kasama pala ako , kasabay ko siyang naglalakad pero hindi siya malapit sa 'kin.
"Hindi mo man lang ako tinulungan kanina,""For what?" aniya habang nasa daan pa rin ang tingin."Pasalamat ka dahil sa akin nakalabas tayo," pagyayabang ko.Tumingin siya sa akin. "Why would I?" sambit niya dahilan para mawala ang ngiti ko."Kung hindi ko tinanggihang sagutin yung huli edi sana nasa loob pa tayo!" asik ko.Antipatikong 'to, di man lang magpasalamat."Tss, sama ng ugali," bulong ko"Tss, pikon,"Bigla akong napatingin sa kaniya nang gayahin niya ako."Arogante!" malakas na ang pagkakasabi ko.Huminto siya at tumingin sa akin kaya huminto rin ako, nilaban ko ang titig niya."Uto-uto," mabagal ang pagkakasabi niya, dinidiinan ang bawat pantig.Unti-unting sumama ang tingin ko sa kaniya at pa
Nakabusangot na nakayuko ako habang pinaglalaruan ang mga daliri ko sa ibabaw ng hita ko."Anong ginaagwa mo rito? diba sabi ko 'wag ka muna pumasok dahil baka lalong lumala iyang paa mo?" inis na asik ni Claris, sa tono ng boses niya ay para tuloy siyang nai-stress sa anak.Nanatili akong nakayuko at hindi na sumagot. Gusto ko lang naman bumawi dahil sa nangyari kahapon kahit hindi niya sabihin alam ko namang nahihirapan siya. Baka nga wala siyang maayos na tulog at kain kakaintindi nitong booth."Elmer," tawag niya kay Elmer na nag-aayos ng mga upuan."Yes, madam!" ngiting aniya nang makalapit sa amin na ikinatawa ko, ang energetic niya.Pabirong inirapan ni Claris si Elmer at hinawakan ito sa balikat. "Puwede bang pakihatid si Jam sa bahay nila? Baka kasi mapano," pakiusap niya.Tututol na sana ako nang may naisip akong plano kaya sa halip na magreklamo ay
Hindi ko na inulit dahil mukhang wala siyang balak sabihin sa 'kin. Hindi ko na rin siya sinagot at tinuon na lang ang pansin sa paa ko, naaaninag ko pa siya sa peripheral vision ko na pilit inaaninag ang paa ko. Sinubukan kong tumayo pero hindi ko pa nailalapag ang paa kong may pilay nang matumba ako. Napapikit ako sa kirot. Kung alam ko lang na may impact yung pagbagsak ko edi sana hindi ko na sinubukan. "Let me help you," rinig kong sabi niya, ramdam ko ang presensiya niya sa likod ko. Kinakabahan man at gulat sa naging akto niya ay maingat ko siyang nilingon, siyempre hindi ko hahayaang makita niya ang emosyong meron ako. First time ata naming magkaroon ng maayos na usapan at siya pa ang nag-initiate. Oo maayos na 'to sa 'kin dahil compare sa nagdaang usapan namin, ito lang ata ang walang inisan. Hindi pa ako nakakasagot nang yumukod siya at marahang hinawakan ang kamay
It's been 2 days since nangyari ang tagpo namin ni Ali no'n. Dalawang araw na rin akong absent kaya ngayon ay naisipan ko nang pumasok. Hindi naman na masakit yung paa ko pero iniiwasan ko pa rin ang maglakad nang mabilis. Abot-abot ang sermon ko kina mama at papa no'ng nagkapilay ako, dagdag mo pa si kuya na kung makapag-react e parang naputulan ako ng paa. Saka gusto ko pa rin na makatulong sa booth at ma-experience yung ibang booth, except doon sa matching booth. Psh. "'Yung paa mo ingatan mo. Sinasabi ko talaga sa 'yo." Duro ni kuya sa paa ko. Seryoso niya iyong sinabi pero hindi ko maiwasang matawa. "Yes, father." biro ko at saka siya kinawayan. Inirapan pa niya ako bago pumasok sa kotseng hinuhulugan pa nita at umalis. Sungit, palibhasa walang lovelife. Nang papasok na ako sa gate ay may pamilyar na bulto akong nakita, bumibili ng taho. Naii
Pagkatapos ng senaryong iyon ay feeling ko wala na akong mukhang maihaharap sa kanila. Hindi ko rin naman naisip ang posibilidad na magkamag-anak sila pero kasi hindi naman halata. Pero noong ma-realize ko na wala namang nakakaalam na gano'n ang iniisip ko maliban kay Claris, nagkunwari akong hindi ko naisip ang bagay na 'yon.It's ironic because after the meeting, we bond like we're long lost best friends. Sumali kami sa iba't ibang game booth, we also tried eating, kung ano ang madaanan namin at mukhang masarap ay game na game kami. Though hindi masyadong umiimik si Ali, feeling ko naman nag-eenjoy siya kasi hindi naman siya sasama sa 'min hanggang sa matapos kami kung hindi siya nag-eenjoy no?It's been a week since that happen, simula no'n ay hindi ko na nakausap pa si Ali. Kapag hindi hectic ang schedule ko ay sinusundan ko siya at sinusubukang kausapin pero kahit paghinga niya ay hindi mabigay sa 'kin. The truth is I don't feel d
"Ah basta naiinis ako sa kanila," maktol ko habang kumakain ng chips at nakadikit sa tenga ko ang phone."Kanino ka ba kasi naiinis? kanina ka pa paulit ulit." Napatawa ako sa isip ko nang marinig ang tono ng boses ni Ali parang gusto na niya kong tirisin dahil hindi niya ako maintindihan.He's being grumpy again, pero sanay naman na ako. Hindi siya si Ali kung hindi siya grumpy."Sa binabasa kong libro, kasi ang chu-choosy nila mahal naman ang isa't isa tapos ang daming excuse hindi na lang manligaw at sumugal daig pa nila yung 12 years old na naghahanap ng true love sa Facebook" tuloy-tuloy na sabi ko."What?! You're talking too fast. I can't understand." Kahit hindi ko pa siya nakikita ay naiimagine ko na nakakunot ang noo niya ngayon."Sabi ko, ang ganda ko," pagbibiro ko.Kahit na naiinis siya ay patuloy ko pa rin siyang inaasar. Hindi ko na napigilan an
Magkakrus ang dalawang braso ni kuya habang taas-babang nakatingin kay Ali. Kanina pa siya ganiyan, ewan ko ba kung bakit hindi siya nahihilo. Napatingin sa kaniya si Ali at maangas niya itong tinanguan kaya siniko ko si kuya."Kuya!" bulong ko.Lumabas si mama mula sa kusina dala ang isang baso ng juice at palabok. Abot tainga ang ngiti nito at panay asikaso kay Ali. Sumunod na rin si Papa, seryoso lang ang mukha niya ngunit hindi gaya ng kay kuya na parang nanghahamon ng away."Bagong kaibigan ka ba ni Jammy?" malambing na tanong ni mama habang binibigay ang isang baso ng juice kay Ali.Pasimple pa munang tumingin sa 'kin si Ali bago kunin at inumin. Sa tingin ko ay nahihiya siya kahit na walang reaksyon ang mukha niya. Tatlo ba naman ang nakatingin sa kaniya, e."Ah yes po. May usapan po kasi kami ni Jam ngayon kaya po sinundo ko siya." Tumingin siya sa akin at ginalaw-gilaw a
Kapag naaalala ko talaga ang pagpapasalamat sa akin ni Ali ay natutuwa na nalulungkot ako. I'm happy because he's thankful and grateful. Nalulungkot dahil mukhang ngayon lang niya naranasan ang gano'n. Nobody deserve to be treated like that. Naniniwala ako na regardless of your physical appearance, you deserve to be loved and appreciated. Katatapos lang ng klase namin at mag-isa na naman ako, ayaw ko pang umuwi dahil wala rin naman akong gagawin sa bahay. I want to invite Ali, but I'm shy. Charot.Tumayo ako at naglakad. Sa park na lang ako pupunta tutal ay marami namang pagkain doon, marami ring mga tao pwede ko silang panoorin.Napahinto ako sa paglalakad nang may mga kamay na tumakip sa mata ko. Medyo natakot na rin ako dahil baka mamaya ay holdapper na 'to pero imposible dahil wala namang nakatutok sa bewang ko na kutsilyo."Sino ka?!" sigaw ko."Hulaan mo," Pamilyar ah?Medyo nawala ang takot ko dahil mukang wala