Share

Blind Ashes 17

VERA's POV:

NAIINIS ako sa isang tabi dahil sa ginawang pag-eskandalo ni JennyLyn. Muntikan pa nga niyang masira ang mga plano ko ngayong gabi. Matinding preparasyon pa naman ang inihanda ko ngayon. Idagdag pa itong si Moira, nakipagmatigasan pa ang bruha. Mabuti nalang talaga at naawat sila ng kapatid ko, kundi tuluyan nang masisira ang aking mga plano.

Pinahupa ko muna ang tensyon sa paligid, bago ko inanunsyo sa lahat na magkakaroon kami ng palaro. Medyo nagbago ang timpla ng mood nila. Napalitan ng kasabikan.

Hinati ko ang mga bisita ko sa dalawang grupo. Pero sinigurado ko muna na hindi magkakampi sina Moira at Jenny Lyn upang maiwasan ulit ang anumang pagbabangayan. Pinasali ko rin ang dalawang usher para maenjoy rin nila ang gabi.

Nasasabik akong ipaliwanag sa kanila ang mechanics ng naturang laro. Game naman itong sinang-ayonan nilang lahat.

Simple lang naman ang unang game. Pahabaan ng linya. Siyam ang myembro ng bawat grupo. Pinakinggan ko muna ang kani-kanilang mga komento
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status