Share

Flying to You (S1)
Flying to You (S1)
Author: J Villarreal

Prologue

" Mommy... Mommy, wake up..." mahinang bulong ng isang maliit na tinig sa tabi ko. Napakislot ako at minulat na ang mga mata.  

I looked at my 5 year old son who's sitting beside me. Nakatingala siya sa akin habang nakangiti. I looked at his eyes that always reminded of someone that I've been with years ago, but not anymore.

Hinaplos ko ang pisngi ng aking anak at nginitian din siya."I'm sorry I fell asleep," sabi ko sabay haplos sa buhok ng aking anak.

"It's okay, mommy," tugon niya. "Is the airplane going to land now?" tanong niya habang nililibot ang tingin.

"I don't know... I'll ask, okay?"

"Okay,mommy," he said then chuckled.

I pressed the button to call for an FA and just a few seconds, a woman wearing an FA uniform appeared at my sight. Naipilig ko ang aking ulo nang maalala na kung hindi niya nagawa sa akin iyon, paniguradong nakasuot din ako ng FA uniform.

Pero, wala akong pinagsisihan. Masaya ako sa buhay ko ngayon. Masaya ako sa trabaho ko at sa katotohanang may anak ako.

"Is the plane about to land?" I asked the FA.

"Yes, ma'am. We'll be landing in 30 minutes," sagot ng kaharap ko habang nakangiti.

"Aayden, do you want something to eat?" tanong ko sa aking anak na abala na sa pagguhit sa kanyang sketchpad. Isa iyan sa namana niya sa akin, ang galing sa pagguhit.

"I want pizza, mommy," sagot niya nang hindi ako tinitingnan. I chuckled. "Pizza isn't available here, honey."

Bumaling ako sa FA na titig na titig kay Aayden at parang sinusuri ang mukha nito. "I would like two pieces of mamon and two canned juice please," sabi ko na nakaagaw ng atensiyon niya.

"Give me a minute, ma'am," wika nito saka naglakad palayo sa amin.

I set my watch into timer and started the 1 minute timer.

Tingnan natin kung nandito na 'yon ng isang minuto.

Napatawa ako sa isipan dahil sa sariling kalokohan. Nasa 30 seconds pa lang nang makarinig ako ng ingay ng isang cart na papalapit sa gawi namin. Nang tumigil ito sa tabi namin ay inaasikaso ko pa ang color pencil ni Aayden dahil naputol ito.

"Ma'am, here's the-"

Nang mag-angat ako ng tingin ay parehong nanlaki ang mata namin ng lalaking nakatayo sa aking tabi habang hawak ang cart. Napaawang ang bibig niya at hindi makapaniwala na nakita na ako.

"Avi..." he uttered my name. He then turned his gaze to the seat next to me which is being occupied by my son. Mas napaawang ang bibig niya at nagugulat na binalik ang tingin sakin.

"Nero, to the cabin." May tumawag sa kanya pero hindi niya inalis ang tingin sa akin.

"Mommy... Mommy," pagtawag sakin ni Aayden pero hindi ko maikalas ang titig ko sa lalaking nakatayo sa aking tabi.

Ano ang dapat kong gawin?! The father of my son is here!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status