Share

Limangpu’t Kabanata

"Clark...!." masayang salubong ni Senyora Clara sa binata. Tinanggal nito sa pagkakasuot ang guwantes sa mga kamay.

Kakababa lang rin ni Clark mula sa pick-up nito. Nagkataon namang nasa hardin pa ang senyora at abala sa mga orkidyas nito. Kaya't agad nitong napansin ang pagdating ng binata.

“Magandang araw po tita Clara." nakangiting bati ni Clark sabay beso sa babae. May dala itong fruit basket. Sari-saring prutas ang laman katulad ng saging, hinog na papaya, mangga, dalandan, mansanas at iba pa.

"Naku at nag-abala ka pa. Presensya mo ay sapat na pagka't natutuwa akong makita ka iho. Mabuti at napadalaw ka. Kumusta ang iyong mama't papa? Hindi na kami nakakadalaw ng Villa dahil abala rin kami ni Ramon."

“Maayos naman po sila. Ang mama lately ay nawiwili po sa kanyang mga halamang gumamela. Ang papa naman ay abala rin sa iba pa niyang mga negosyo " magiliw na tugon ni Clark. "Kayo po kumusta?" baliktanong ng binata.

“Mabuti naman iho. Pumasok tayo sa loob. Tamang-tama gumawa ako ng
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status