Share

Chapter 12

Binuksan `uli ni Atty. Ivy ang ilaw sa kuwarto at lalo ako’ng napatitig sa bagong pasok na lalaki. Mukhang dala n’ya ang cinnamon rolls ko, kaya s’ya na late.

“Mrs. Diaz, Mr. Safiro, this is my collegue, Atty. Del Mirasol,” pakilala ni Atty Ivy sa amin.

“Good morning, Mrs. Diaz, Atty. Louie Del Mirasol po.” nakipag kamayan siya sa Mama ko, “Mr. Safiro...”

Iniabot din n’ya ang kamay n’ya sa akin, at parang’ng batang mahiyain ako’ng dahan-dahan na naglahad ng kamay. Sobra! Pakiramdam ko, nagliliyab ang mukha ko. Naghihintay s’ya sa `kin, ang ganda pa ng ngiti n’ya! Inilapit ko na ang kamay ko, at inabot n’ya iyon, at...

Parang nakuryente ako nang nagdikit ang mga daliri namin!

Nagulat ako at hahatakin sana pabalik ang kamay ko, pero bigla hinablot ni Atty. Del Mirasol ang makay ko at hinawakan ito ng mahigpit.

Napatitig kami sa isa’t-isa.

Dumaloy `uli `yung kuryente sa kamay namin, at para ba’ng umikot `yun sa buong katawan ko!

psynoid_al

- One Way Talk - Naranasan mo na ba'ng makuryente? a. Oo, it was love at first sight! b. Oo, as sobrang kinilabutan ako! c. Oo, nakulot ang buhok ko! d. (post your own answer below)

| Like
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
ghost the gray
c - na kinky ako! ...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status