Hindi ko na masyadong napansin ang mga pinirmahan ko noon. Masyado ako’ng na-overwhelm sa balita nila sa `kin, lalo na `yung tungkol sa biglaang paglipat ko.
Kinabukasan, pagpasok ko sa school, nilapitan ko agad ang mga kaibigan ko para ipaalam sa kanila ang bad news.
”Benjo...” tawag ko sa seatmate ko, pero ini-snub n’ya ko at lumabas ng kuwarto.
Napatingin ako sa isa ko pang kaibigan na si Finn, papalapit s’ya sa `kin, nakasimangot.
”Josh! Ba’t `di mo sinabing aabsent ka kahapon?”
”H-ha?”
”Alam mo ba na umasa kami nina Zion sa promise mo’ng design, `yun pala mag-aabsent ka?!”
”Ay! Oo nga pala!” napakapit ako sa bibig ko. ”Naku! Sorry, nalimutan ko!”
”Nalimutan? O sinadyang kalimutan? Mula nga nang tumaas ang grades mo, yumabang ka na!”
”H-ha?”
”Oo nga,” lumapit sa amin si Ion, ”porket maganda-ganda lang ang drawing mo, akala mo na kung sino ka! Feeling mo ba ikaw na pinakamagaling dito sa class natin?!
- One Way Talk - Maiba ang isupan... Nasa Chapter 13 na pala tayo! naniniwala ba kayo na malas ang numero trese? a. Oo, malas sa akin ang numero na ito. b. Hindi, mas sinuswerte panga ako sa trese, eh! c. No comment, wala s'yang effect sa akin. d. (share a 'trese' moment, malas man ito o swerte :)
Pagdating namin sa pina-reserve na cafe ni Mama, sinalubong ako ni Atty. Ivy at ni Atty. Louie. “Happy 19th birthday, Josh! O, nasaan na ang mga classmates and friends mo?” tanong sa `kin ni Atty. Ivy. Napatingin naman ako sa paligid. Sa cafe na may mga banderitas pa at banner ng pangalan ko with matching portrait. Nakaayos na ang isang mahabang dessert buffet table na punong-puno ng mga cakes at pastries, ang gaganda ng mga design ng cakes dito, pati na ang mga ngiti ng servers na sumalubong sa `kin, pero may kulang. ”N-nasaan si Mama?” tanong ko kay Atty. Ivy. Lumapit sa akin si Atty. Louie noon at kumapit sa balikat ko. ”Josh, umalis lang sandali ang Mama mo, may importante daw kasing nangyari sa opisina, kaya kinailangan n’ya munang umalis, pero babalik daw s’ya agad...” Biglang bumigat ang dibdib ko noon. Sumikip ang paghinga ko at tuluyan na ako’ng napangawa na parang bata. ”G-gusto ko si Mama!” sigaw ko, ”Bakit wala nana
”Mukhang close na agad kayo ni Atty. Del Mirasol, ha?” tanong sa `kin ni Yaya nang pauwi na kami. ”Si Louie?” napangisi ako sa tuwa, ”Ang gwapo n’ya, `no? Ang bait-bait pa!? Alam mo ba, alpha pala s’ya?” ”Mm, alpha pala s’ya...” ”Oo, Yaya, at saka ang bango-bango n’ya! Amoy cinnamon rolls! Ang sarap-sarap n’yang amuyin! Pati nga si Beck, love na rin s’ya, eh! `Di ba, bhebhe Beck?” ”`Wag mo’ng sabihing inamoy mo s’ya?” tanong ni Yaya na bahagyang natawa. ”Opo! Napaka bango n’ya talaga! Gusto ko nga s’yang kainin, eh! Pero mas gusto ko s’yang i-hug nang mahigpit na mahigpit hanggang sa matabunan ako ng amoy n’ya!” Natahimik si Yaya. ”Alam mo ba, may tatlong anak na raw s’ya, `yung dalawa mas matanda pa sa `kin, pero matagal nang patay `yung asawa n’yang omega, at 14 years na s’yang walang kasama! Kawawa naman s’ya `di ba?” ”Mm,” sagot ni Yaya na busy sa pagmamaneho. ”Ang tagal nun, `di ba? 14 years? Feeling ko, `d
Ang galing talaga ni Atty. Louie! Napapayag n’ya sina Principal Villa na isama ako sa grade 12 kahit pa mababa ang score ko sa exam! Matapos doon ay sinama ako ni Mrs. Villa sa class namin kung saan pinakilala n’ya ako sa mga magiging kaklase ko. “Good afternoon, class, I would like to introduce to you a new classmate, this is Mr. Joshua Safiro who will be joining us for the rest of the school year.” Nagbulungan ang mga kaklase ko. Co-ed ang school, kaya for the first time, may mga kaklase ako’ng babae at malamang, pati na mga beta at alpha! “Mr. Safiro, would you like to introduce yourself?” “Yes, Ma’am!” Humarap ako sa mga kaklase ko at ngumiti. “Hello, nice to meet you all, I am Joshua Bernard Leonides Safiro, but you can call me Josh, I’m from St. Davies’ Academy, I am now I9 years old, and I am taking up the Arts and Design strand.” “St. Davies’? That makes you an omega then,” sabi ng blond na lalaki na nakaupo sa may gitna ng classroom.
Agad ako’ng nangiti. `Di ko napigilang tumulo ang isang luha ko. “Y-yes, please, Aveera!” tumakbo ako papalapit sa kan’ya at kumapit sa kanyang braso, “A-akala ko, galit kayo’ng lahat sa `kin!” “Ugh! What’s your problem?!” Tumitig sa `kin ng masama ang mga mata n’yang kulay pine green. ”Don’t be so clingy! At bakit ka umiiyak?!” “S-sorry...” Bumitaw ako sa kan’ya at suminghot. ”B-bigla kasi silang nagalit sa `kin...” ”They’re just following the dominant alpha in the class,” sabi n’ya. “Dominant alpha?” napatingin ako sa kan’ya, “Si teacher Villa?” “Idiot!” pinitik n’ya `ko sa noo. ”Ow!” ”Since when did a female become an alpha? I meant Carlos, of course!” “Si Juan Carlos? Alpha s’ya?” “Wow, ang galing, napansin mo rin?” Tinitigan ako ni Aveera na tumaas ang isang kilay. “Hindi nga, eh, bakit parang ang tapang ng pabango n’ya? Ang sakit sa ilong!” Natawa si Aveera, tapos ay kumapit
”Students, for today, we have a special person to introduce to you all.” sabi ni Principal Villa sa morning assembly. “Last week, we were saddened by the news that our dear superintendant, Sir Wilhelm Johannes Safiro, had passed away in Australia, but today, we are blessed to welcome into our mids, his only child and heir, Mr. Joshua Safiro!” Nagpalakpatan ang mga tao sa loob ng malaking gymnasium na napuno ng bulungan, “Mr Safiro, can you please come up stage and impart some words to your fellow Erminguardians.” Nanlaki ang mga mata ko at napatunganga sa principal. “Josh, umakyat ka raw sa stage,” bulong ni Aveera sa tabi ko. “Wow, Josh, I can’t believe that’s you?!” sabi ng mga kaklase ko. Mukhang `di na sila galit sa `kin. “Come on, I’ll escort you to the stage,” sabi ni Carlos na ngumiti sa akin. “A-Aveera...” napatingin ako sa kaibigan ko, “I-ikaw na lang sumama sa `kin...” “HA?” napatingin ito sa paligid at pansin kong pi
”Louie, ano `uli `yung sinabi mo kanina? `Yung kasunod ng sale’s plan?” ”Operation...” sagot ni Louie na nakaupo sa silya n’ya. ”Matapos mong isulat ang plano mo, isulat mo naman kung paano mo balak mag-operate.” ”Okay, alam ko na!” kumagat ako sa pinabili n’yang burger sa secretarya nya at muling nagsulat. Pinalipat ako ni Louie sa harap ng desk n’ya kung saan ako nakapuwesto ngayon. Ang dami n’yang pinabago sa `kin! Pinahabaan n’ya ang sentences ko tapos pinatama pa `yung mga maling spelling. Naka-ilang revisions na ko nang kumalam ang tiyan ko at magpabili s’ya ng burgers. “Ayan! Tapos na!” umikot ako sa mesa n’ya at iniabot iyon sa kan’ya. “Hmm, patingin muna...” kinuha n’ya ang papel at binasa ito nang buo. Umupo naman ako sa hawakan ng chair n’ya. Buti na lang magaan ako. “Um... kunin mo na lang yung isang upuan para`di ka mahirapan...” bahagya s’yang lumayo sa `kin. “Okay.” umikot `uli ako at hinatak ang upuan ko
Matapos ko’ng malaman na fated pair ko si Louie ay naging curious na `ko sa fated pairs. Nag-research ako sa internet tungkol sa fated pairs at nakakita ng iba’t-ibang mga stories at legends tungkol sa mga soul mates na alpha at omega na hinahamak ang lahat, makasama lang ang isa’t-isa! Ang sweet nila! May nabasa pa ako’ng comics tungkol sa alpha na bad boy na naging good person para sa beloved omega n’ya. Ang dami rin mga short stories sa net, kaya lang, inantok na `ko nang alas-onse, kaya natulog na ko after mabasa `yung comics. Kinabukasan, ikinuwento ko kay Yaya yung mga nabasa ko. Natawa s’ya at natuwa, kaya lang, nawala ang good mood namin nang sa pagdating namin sa school ay isangkatutak na cinnamon pastries ang naghihintay sa akin! “A-ano `to?” tanong ko sa dalawang lalaki na nag-uunahang mag-abot sa `kin ng bitbit nila. “This is for you, Joshua! I would like to formally court you, as a marriage prospect.” sabi ng isa. “No, I was here
Pagdating namin sa office ay pinatuloy na kami ng secretary n’ya sa loob.”Ikaw na lang ang pumasok, para mas makapag-concentrate kayo sa pag-aaral,” sabi ni Yaya na umupo sa silya sa tapat ng secretary ni Louie.”Okay, Yaya,” lumuhod ako at niyakap si Beck, ”Good boy ka, Beck ha?” hinalikan ko `to bago pumasok sa kuwarto.”Good evening Lou-” tatakbo na sana ako sa kan’ya nang makita na may kausap s’ya sa telepono habang nag-aayos ng mga papeles sa kanyang mesa.Tinaas ni Louie ang kamay n’ya sa bibig `di ako mag-ingay.“Ayon nga po sa kakilala ko’ng doktor, masyado’ng matapang para sa isang bata na may weight na 85 pounds at height na 5 feet ang mga gamot na iyon.” umupo ako sa seat sa tapat ng mesa n’ya. “What’s more, hindi ba’t masyado ata’ng marami siyang iniinom na gamot?”May cinnamon rolls `uli s&rs