Share

CHAPTER 88.1

Sa loob ng kahong ipinadala ni Vanessa noon ay naglalaman ng iba't ibang liham galing sa kaniya.

Sa gitna ng mga nagpatong-patong na sulat ay may mga pictures na silang dalawa ni Hexy.

Nanginginig ang mga kamay ni Hexy na kumuha ng isang liham at binasa iyon.

Naluha siya nang mabasang nagpapasalamat sa kaniya si Vanessa nang tulungan siya nitong ayusin ang mga papers niya sa kaniyang trabaho.

Huminga siya nang malalim at kumuha ulit ng isa.

Napakunot-noo siya at napalunok nang makitang iba ang sulat-kamay ni Vanessa roon. Para itong nagmamadali.

Isinulat ni Vanessa kung gaano siya kagalit nang makita niyang binilhan siya ni Maverick ng kaniyang paboritong inumin at pagkain, habang si Vanessa ay hindi man lang nito mabilhan.

Tumango-tango si Hexy nang maalalang minahal nito si Maverick noon pa man.

Sunod niyang binasa ang liham na may kulay itim na papel at kulay puti ang tinta ng ballpen na kaniyang ginamit.

Bumilis ang tibok ng puso ni Hexy at pigil-hiningang binasa ang sulat ni Van
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status