Share

Chapter 5

Marahan kong minulat ang aking mga mata at isang nakakabinging tunog ng aircon at sinag ng araw na tumatagos sa sliding window. Ngayon ko lang napagtanto wala na pala ako sa appartment. Pagkatapos ng kasalan ay dito na ako natulog sa mansion ng mga Mitra. Wala na akong nagawa dahil ito ang kagustuhan ng mga magulang namin at napahanga ako ni Lucas dahil nasa sofa siya natulog buong gabi.

Mabilis naman akong bumangon sa kama at diretsong pumasok sa banyo. Napa awang ang aking labi nang makita ko ang disenyo ng banyo ni Lucas, parang kwarto ng appartment ko ang lawak nito, hindi naman ako nag tagal dahil may trabaho pa ako ngayon lalo't malapit na ang national pagent and I need to comply my design to our head of team.

Nasa hagdan palang ako ay dinig ko na ang ingay sa baba.

"Good morning Senyorita," bati sakin ng mga katulong. Medyo nahihiya ako pag tinatawag nila akong senyorita hindi kasi ako masiyadong sanay sa ganitong buhay.

"Good morning din po, nasaan na po pala si Lucas?"

"Nasa kusina po senyorita kayo nalang po hinihintay."

"Salamat manang fe, huwag niyo na po akong tawaging Senyorita kahit Bea nalang po okay na ako." Nag tinginan pa silang lahat na tila nag uusap gamit ang mga mata.

"Naku po, pinagbilinan po ni Madam na Senyorita ang itawag namin sayo dahil asawa na kayo ni Senyorito Lucas." Napabuga nalang ako ng hangin sa kanilang tinuran, wala na ata akong magagawa sa kong anong itawag nila sakin. Masiyado silang formal and I'm not comfortable with it.

Hindi na ako nag reklamo pa at gumayak na ako sa kusina. Hindi ko pa masiyadong nalibot ang buong mansiyon kaya medyo namamahay pa ako.

Malayo palang ako sa hapagkainan ay natatanaw ko na ang bulto ni Lucas at ni mommy, Yes, mommy na ang itawag ko sa kaniya dahil mother in law ko na siya.

"Good morning po, I'm sorry dahil natanghali ako ng gising." Hinging paumanhin ko pagkarating ko sa lamesa. May platong nakalagay sa tabi ni Lucas so I asume na sa akin ito kaya dito nalang ako umupo.

"Okay lang anak, alam kong napagod ka kahapon. Are you comfortable living here?" Tila may ibig sabihin ang ngisi ni mommy sakin, pabaling baling ang tingin niya sa amin ni Lucas.

"Medyo, po mommy." Sagot ko sabay kuha ng kanin at ulam upang ilagay sa plato ko. Hindi naman kumikibo si Lucas sa tabi ko, naka focus lang ito sa pagkain niya.

"Siguro may apo na ako sa tiyan mo."

Muntik ko pang maluwa ang kanin sa bibig ko, shit! Bakit nasa apo agad ang usapan? Ano yon mabubuntis ako na walang may nangyari samin? And never over my sexy body na may mangyari samin, ibibigay ko lang ang buong katawan ko sa taong mahal ko at mahal ako at hindi si Lucas yon dahil hindi namin mahal ang isa't isa.

Kukunin ko na sana ang pitsel ngunit na una nang kinuha ni Lucas at nilagyan ang baso ko. Napatulala ako sa ginawa niya, may pagka gentleman din pala ito, akala ko cold hearted lang.

"Are you okay anak? I'm sorry nabigla ata kita and don't pressure yourself na bigyan kami ng apo. Enjoy niyo muna ang buhay magasawa." Nakangiti niyang sabi kaya naka hinga naman ako ng maluwag. "Anyway, Son nag book pala ako ng flight niyo sa Amanpolo Island for one week Honeymoon niyo."

Napaangat uli ang tingin ko ay mommy at tinignan ulit si Lucas. Kahit siya napatingin din sa ina niya. Naka ilang lunok ako ng laway dahil sa kaba. Ngayon lang nagsagi sa isipan ko ang honeymoon. Kasal na pala kami at kailangan may honeymoon. Nakakatakot naman ito at hindi ako pwede dahil I'll be busy next week for preparation.

"Ahmm.. mommy, need po ba honeymoon agad? I'm busy sa company at may problema pa naman." Sagot ni Lucas na kasing lamig ng yelo.

"Yes, mommy even me I'm busy. Malapit na kasi ang national pagent at kailangan ko mag comply ng new design to be finalize." Sagot ko. Jusko ang tibok ng puso ko parang lalamunin ako dahil sa mga tingin ni mommy.

"No, kailangan niyo mag honeymoon. Please mga anak huwag niyo munang alahanin ang trabaho." Nag puppy eyes pa si mommy at talagang kinukunsensiya niya kami..

"Okay, mom. We will look our schedule." Tinignan ko ng masama si Lucas, anong we will look our schedule? Okay lang sana kong sa kaniyang schedule dahil hawak niya ang oras niya how about me? Baka ma sinanti pa ako. In the middle of buzyness days a-absent ako? Mukang dragon pa naman ang senior editor namin.

"Bakit ka pumayag na mag honeymoon tayo sa Amanpolo for one week? I have work that I need to comply and I can't snub it." Naiinis kong tanong sa kaniya. Nasa kotse kami ngayon habang binabagtas ang daan patungo sa trabaho ko. He presented kay mommy na siya na ang maghatid sakin, okay naman sakin dahil nasa appartment ang Scoter ko.

"Do you think favor ako kay mommy? Of course not may problema ang kompanya ko at kailangan ang presensiya ko." Napakunot naman ang noo ko sa tinuran niya. Naka ngisi ito na tila tinutudyo ako.

"Ano ibig mong sabihin?"

"Sa condo ko tayo titira for one week and also I suggest to mom, that after our honeymoon ay sa condo ko tayo titira until my house done constructioning." Sagot niya na hindi ako tinatapunan ng tingin naka focus lang ito sa daan.

"Bakit sa condo mo tayo titira after our honeymoon or chu-chu-chu? Pwede naman sa mansiyon niyo nalang tayo titira ang laki kaya ng bahay niyo." I pouted my lips na parang bata.

"Subrang layo ng mansiyon sa trabaho ko even you. May kasama naman si mommy sa mansiyon dahil ang dalawa kong pinsan na kambal sa mansiyon tumitira."

"What may pinsan ka? How? Bakit hindi ko sila nakita nong wedding?"

"Yes, they are girls 20 years old na. Nag aaral pa sila sa college. Their parents was died 8 years ago by car accident. 12 years old palang sila when mommy adopt them. Nasa Iloilo kasi sila kay lola bakasiyon walang pasok. But next week uuwi na sila for enrollment."

Napatango naman ako sa sinabe niya, paano kaya siya nakikitungo sa dalawa niyang pinsan? Mukang kapatid niya nalang sila dahil malaki ang age gap. I'm excited to meet them.

"Siguro, mabait sila kisa sayo na hindi marunong ngumiti." Bulong ko sa sarili.

"Ano ibig mong sabihin?" Napasubsub ako at muntikan ng tumama ang noo ko sa

Napatakip ako ng bibig sa pagka bigla, paano niya narinig ang sinasabe ko? Subrang hina kaya. "Don't worry hindi m*****a ang kambal at siguradong magkakasundo kayo. Kung gaano ka kulit si mommy mas dubli pa sa kanila."

"Ayy, dito nalang ako Lucas." Saad ko sa kaniya pagkadating namin sa harap ng building. Tama nga si Lucas malayo ang mansiyon sa trabaho namin. Dati one hour before working hours ay dito na ako pero ngayon 15 minutes nalang.

"Okay, what time pala ang off mo? I will fetch you here." Napabuntong hininga nalang ako sa kaniya, bakit minsan may pagka sweet pero minsan robot.

"5pm, sige na bye." Paalam ko sa kaniya at kusa ko nalang binuksan ang pinto wala naman atang plano ito na pagbuksan ako. Lalabas na sana ako ng hawakan niya ang kamay ko. "What?"

"You ring." Napatingin ako sa kamay kong hinawakan niya, oo nga pala number one rule be single outside the house

"Yeah, I'm sorry." Sabay kuha ko ng wedding ring at lagay sa bulsa ko. "Are we now okay?"

"Yeah, you can go now." Tipid niyang sagot sabay bitaw ng kamay ko. Hindi ko na siya hinintay pa mag paalam at lumabas na ako sa kotse. Malapit na ako sa front door ng building ng may biglang umakbay sa balikat ko.

"Typhoon?" Gulat kong tanong sa kaniya, papatayin ata ako ng lalaking to.

"Good morning bea, roses for you." Napatingin ako sa pulang rosas, araw-araw binibigyan niya ako ng rosas hindi ko naman alam kong bakit niya ako binibigyan nito. Kay lapad pa ng ngiti niya. Gwapo naman si typhoon at sa tingin ko anak mayaman ito.

Akma ko sanang kunin ang rosas ngunit na gitla ako ng may bumusina ng napaka lakas sa likuran namin, and I know the noise. Kotse 'yon ni Lucas at pinaharurut bigla ang kotse niya, na akalama mo mayari ng building. Tssk, napaka teretorial.

"Problema non?" Bulong ko sa aking sarili at pumasok na kami ni Typhoon sa building.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status