hello po readers. new writer here sa Goodnovel. Please follow me and support me guys. thank you. PS. Nasa ibang novel na po ito dati kaso iniba ko ang bawat chapter. hope you like it and enjoy reading po.
Nasa mukha ang pagkainis ni Seb nang umalis ito sa kinauupuan niya. Hindi ko alam kung napaano 'yon dahil abala kami ni kuya Zander sa pag-uusap. Maya't-maya ay nagpaalam na din si kuya Zander pagkatapos namin mag-usap. Napasinghap ako, naisipan ko na lang na magtungo ng kusina para tanungin si ate Ana kung may laptop ba ito pero malabong mangyari 'yon na may laptop ba akong mahihiram sa kan'ya. Naisipan ko na lang na huwag na lang ituloy at baka nga wala. Nahiya naman kasi akong manghiram kay Seb at baka sungitan na naman ako 'yon pero subukan ko kung pahihiramin niya ko. Nasa tapat na ko ng kan'yang pintuan. Kinakabahan ako lalo nang makita ko siya kaninang naiinis sa amin. Pero hindi naman masamang magtanong eh. Huminga muna ko ng malalim bago katukin ang pinto ng kan'yang kuwarto. Nakatatlong katok na ko pero wala itong balak buksan ang pinto. Alam kong dito lang siya pupunta eh. "Seb!" mahinahong tawag ko sabay katok ng pinto. Wala talagang bakas na may tao sa loob ng kan'ya
"Seb!" sabay bigkas namin ni kuya ZanderIniluwag pa nito ang pintuan bago pa ito pumasok rito sa loob. Habang nakatitig ako sa mga mata niya, lalo lamang ako kinakabahan dahil sa kakaibang paninitig nito. Napalunok na lang ako ng laway dahil sa kabang nadarama ko para kay Seb. Alam kong ginabi na ko pero ito naman ang gusto niya kaya wala siyang karapatan na magalit sa akin. "Are you done your assignment?" ani nito. Himala, ang bait niya. "Ahmm.. Oo, ipriprint na lang," sagot ko. Medyo nawala ang aking kaba na kanina ay sobrang lakas ng pitik ng puso ko."Okay after that uuwe na tayo. I'll wait you in my car," ani nito."Hintayin mo na lang siya dito dude. Ilang pages na lang at matatapos nang maprint," ani ni kuya Zander.Pero hindi siya nakinig dahil umalis na lang ito pagkasabi niya iyon. Pero pansin ko ang mga mata niya kanina nang tumingin siya sa akin. Pero ano naman ngayon kung ganoon. Wala naman mababago eh. Galit pa rin siya sa 'kin."Anong nakain 'yon at pabigla bigla ang
Sabay na umuwe kami ni Seb. Magdidilim na din ang paligid habang pauwe na kami ng mansion. Sobra akong napagod sa mga ipinagawa niya kanina sa akin sa kan'yang opisina na pwede naman niyang ipautos sa iba. Hindi na rin ako nasundo ni kuya Zander na kanina pang nag-aantay mula sa labas ng gate kanina. Nakanguso ako nang mapatingin ako kay Seb. Nanlaki ang mga mata ko dahil nakatingin na pala siya sa 'kin. Mabilis akong umiwas sa paninitig niya. Agad na tinakpan ko ang mukha ko gamit ang libro dahil nakaramdam ako ng pagkaba sa aking dibdib. Aktong nahuli niya din akong nakatingin sa kan'ya. Nakakahiya!"Are you tired Marina? P'wede ka naman magpahinga." Magpahinga daw? Eh malapit na nga kami sa mansion. Hindi ako umimik. Impit siyang napatawa. "Huwag ka ng magtago diyan sa likod ng libro," sabay kuha niya sa librong nakatakip sa mukha ko. Napaawang ang ibabang labi ko sa ginawa niya. Nagulat ako. "Tinatakpan mo ang mukha mo dahil namumula na ang pisngi mo. Sabi ko na nga ba't may gusto
Muli kong pinasadahan ang aking sarili sa salamin. Maaga akong nagising para maumpisahan ang pag ehersisyo. Nang kontento na ko sa ayos ko. Agad na lumabas ako ng kuwarto. Tahimik ang bawat kilos ko para wala akong maabalang ibang tao. Palabas pa lang ako nang makarinig ako ng mga yabag nga mga paa. Lumingon ako at nakita ko si Sebastian. Nagtaka na lamang ako. Maaga din pala siya nagigising sa umaga."Halika na para maumpisahan na natin," ani niya. Nangunot ang aking noo. Naunang lumabas siya sa maindoor. Dinaana niya lang ako."Maumpisahan? Para saan?" Mabilis na lumingon siya sa 'kin."Hindi mo alam? Matulog ka na lang muna at baka nananaginip ka pa rin hanggang ngayon," pasupladong sagot niya saka patakbong umalis siya.Napasimangot ako. Bakit kasi hindi niya pa sabihin na sasamahan niya ko. Kunwari pa kasi siya. Sumunod na lang ako sa kan'ya at talagang iniwan niya ko rito."Sir Seb!" sigaw ko. "Hintayin mo ko." Patakbong hinabol ko siya sa labas ng gate. Ang layo na niya.Hindi k
Patungo na kami sa school ni Seb. Tila aligaga pa ito sa kan'yang kinauupuan dahil sa ilang mga text messages niyang natanggap mula pa kanina. Malapit na kami sa school ay saka pa lang siya nagsalita. "Hindi kita masusundo mamaya Marina," panimula niya. "Mauna ka na lang umuwe mamaya dahil may importante pa kong lakad after this class. Hindi ko alam kung makakauwe ako agad," ani niya. "Okay," tipid kong sagot. Lihim akong napangiti. Sana matagalan siya sa pag-uwe. Kasi kung narito siya. Hindi ko makakain ang mga gusto kong ulam."Parang masaya ka pa. Huh!" Tila nakaramdam siya sa pagkasabik ko. Napaangat pa ang sulok ng kan'yang labi. "Ako masaya? Hindi naman. Paano mo naman nasabi na masaya ako?" Maang-maangan kong sagot.Tipid siyang napatawa. "What do you think of me? Na hindi ko alam ang nasa isip mo? No meat Marina and I'll make sure na hindi ka makakakain ng mga pagkaing paborito mo," asik niya. Naunang bumaba na siya ng sasakyan pagkapark niya rito sa parking area. Habang a
After 4 years"Congratulation anak, hanga kami ng tatay mo na nakapagtapos ka na ng pag-aaral mo. Ngayon magkokolehiyo ka na, sana pagbutihin mo pa para makamit mo ang iyong minimithi," ngiting sabi ni inay at itay.Tipid akong ngumiti, "Salamat po inay itay, pagbubutihin ko pa po ang pag aaral ko para po sa atin, kayo po ang inspirasyon ko, tutuparin ko po lahat ng mga pangarap natin.""Anak pagkatapos mo dito pumunta ka kina lolo at lola Fermina mo, may ibibigay daw siya sayong regalo.""Naku kapag nalaman na naman ito ni Sebastian lalo ka na naman iinisin yun. Dalaga at binata na kayo at baka yung pang iinis niya sayo magkatuluyan kayong dalawa," biro ni tatay. "Tay, may gf na iyon at kahit kailan hindi magkakagusto yun sa akin.""Tignan nga natin kung hindi siya mafall sayo sa gandang mong yan," dagdag pa ni tatay."Itay masyado mataas ang standard nun, isa pa isa pa rin akong nerd na kinaiinisan niya," giit ko."Oh anak ibigay mo na itong pinitas namin ng tatay mo. Mga sariwang
Nakatulog ako sa pag iisip kung paano ko pakikitunguhan ng maayos si Sebastian lalo na kapag nasa iisang bubong kami nakatira. Araw araw na kaming magkikita dito. Haist! paano na iyan baka hindi ko kayanin ang pang iinis niya sa akin bahala na nandiyan naman si lolo at lola.May kumatok sa pintuan, tumayo ako agad upang pagbuksan kung sino ang kumakatok. Bumungad sa akin si Sebastian pagkabukas ko ng pintuan.Kunot noong nakatingin sa akin at nakapameywang pa ito sa harap ko. "Hindi ka prinsesa dito para magkulong ka lang dito sa loob ng silid. Oras na ng hapunan patulog tulog ka lang diyan," naiinis na sabi niya."Sorry po napagod lang po ako sa pangangabayo kanina. Pinagpahinga muna ako ni lola kaya nakatulog ako," nakayukong sabi ko."Sumunod ka na sa baba, kakain na tayo." Galit niyang sabi.Pababa na ko ng hagdan, nadatnan ko na ang mga ito sa hapag-kainan. Tahimik akong nagtungo roon."Sa tabi ka na lang ni Sebastian tumabi Marina," sabi ni lola.Hindi ko alam kung uupo ba ako
Nasa kalagitnaan kami ni kuya Antony sa pangangabayo nang may makita akong isang kabayo na may sakay na dalawang pares at walang iba kundi si Sebastian at ang gf niyang si Sofie. Naabutan niya kami dahil sa bilis ng pagtakbo ng kanilang kabayo dahil magaling naman si Sebastian sa pangangabayo. Simula pagkabata daw niya ay nakahiligan na niya itong sumakay sa kabayo sabi ng lolo ni Sebastian."Ang taba mo kasi Babs kaya nila tayo naabutan," pangungutya nito sa akin."Tse! tumigil ka na nga lang kuya. Hindi naman nakakatulong yang pang aasar mo sa akin eh. Saan ba sila pupunta, bakit parang tayo tuloy sumusunod sa kanila?" "Baka sa ilog din ang punta nila," sabi nito. Lumiko na nga sila at ganoon din kami. Tanaw ko na huminto na ang kabayo nila. Huminto na din kami ni kuya Antony pagkarating namin. Biglang natanggal ang suot kong salamin sa mata nang hindi masadyang napasubsob ang aking mukha sa likod ni kuya Anthony kaya ito nahulog ito sa lupa."Kuya ang salamin ko pakipulot.""Sorr