"W-wala… wala akong kasama," utal-utal kong sabi, sabay ang pag-lock ng pinto. "Tara na, hindi ba sabi mo. Sabay na tayo kumain."
"Teka nga lang, may kasama ka, narinig ko—"“W-wala nga akong kasama. Mag-isa lang ako rito. Tingin mo, sinong may gusto na makasama ang gaya ko?” putol-puto kong sabi.“Hindi e… may narinig ako,” akmang ididiin niya pa ang tainga sa pinto pero hinila ko na siya.“Bakit ba ang kulit mo? Halika na nga.”“Hoy, Erica—” Panay lingon pa rin siya, kahit hila ko na siya palabas."Alam mo, Myra. Gutom ka lang, kaya kung ano-ano na lang ang naririnig mo. At saka, kanina pa nga rin ako gutom. Tiyan ko lang siguro 'yong narinig mo," palusot ko habang ni-lo-lock ang pinto."Ito naman, masyadong malihim. Talaga namang may narinig ako–" Kamot na naman niya ang ulo sabay haba ng nguso.“ 'Wag ka ngang praning. Sino naman kaya ang magkakagustong makasama ako—” halos pabulong kong sabi. Nasa labas na nga kasi kami.“O, bakit biglang tahimik ka na naman?” nagtatakang tanong ni Myra. Binangga pa ang braso ko, kaya napilitan na naman akong lumingon sa kanya.“Talagang nagtatanong ka pa?”“Hay naku, Erica. Hindi ka talaga titigilan ng mga demonyo nating mga kaklase kapag lagi kang ganyan. Hindi ka ba napapagod sa kayuyuko? Maglakad ka naman ng tuwid.”“Sanay na nga ako na ganito ako. Ang hindi ako sanay ay ang dumaldal ng dumaldal,” nilingon ko siya habang sinasabi ‘yon.“Gano’n ba? ‘Wag kang mag-alala. Masasanay ka ring dumaldal gaya ko,” nakangisi nitong sabi sabay lingkis ng mga kamay niya sa braso ko.“Saan ba tayo, kakain?” panay na ang lingon ko habang nagtatanong. Napapalayo na kasi kami sa apartment.“ ‘Wag ka ngang praning. Hindi naman kita kikidnapin. D'yan lang tayo pupunta sa restaurant na may delicious bulalo.”“Mahilig ka pala sa bulalo?”“Mahilig akong sumipsip—”“Myra! Kababae mong tao. Bastos bunganga!”Umaasta siyang nagulat sa narinig, sabay tanong, “Bastos?” ngiti niya, nangaasar. “Mahilig sumips¡p ng bulalo. Ikaw ha, dumi ng isip. Green na nga ang damit mo, green pa ang utak!”“Nakakaasar ka na sa totoo lang!”“Alam ko, kaya nga masanay ka na,” binangga na naman niya ako. Bully na nga, ang hilig pang manakit.“Ewan, hindi kasanay-sanay ang ugali mo—”“Sa ngayon, oo, hindi ka pa sanay, pero sure naman akong masasanay ka rin sa ugali ko, lalo na sa pagmumukha ko.”Talagang hindi siya nauubusan ng sasabihin. Literal na taklesa. Lahat ng sasabihin ko ay may counter agad siya.“I'm sorry, Erica. Ayaw naman talaga sana kitang istorbuhin, kaya lang katulad mo, wala rin naman akong ibang kakilala rito. Bagong lipat nga lang ako. Ikaw lang ang kaibigan ko rito, so wala kang choice kung hindi ang samahan ako.”“Wala nga akong choice. Kasama mo na nga ako, hindi ba? ‘Tsaka nasaan na ba ang resto na sinasabi mo? Napapalayo na tayo sa apartment ko.”Sa daldal nitong si Myra, hindi ko namalayan na masyado na kaming napapalayo.“Malapit na. Dapat kasi, boyfriend ko ang kasama ko ngayon. Plano sana namin, to go out tonight, but he phoned earlier. Sabi niya, he couldn't come, may important meeting daw siya. Kaya ayon, ikaw na lang ang ginulo ko—”“May boyfriend ka pala?” tanong ko. Nagulat ako. Akala ko kasi, wala siyang boyfriend kasi nga bully siya.“Ay, reaction mo, nakaka-sakit. Gulat na Gulat? Hitsura kong 'to, iniisip mong wala akong boyfriend?”Napangiwi ako nang wala sa isip. “Hindi ka lang pala bully. Mahangin din,” napapailing pa ako habang sinasabi ‘yon.“Maganda naman talaga ako. Sexy pa. At sure ako na nakikita mo naman ‘yon,” sabi niya habang humahaba na naman ang nguso. “Siguro, iniisip mo, that a bully like me is, hindi kaibig-ibig? Just so you know, matindi kami magmahal, bigay na bigay, sagad na sagad. Sinasabi ko sa'yo,” taas noo niyang sabi.“Oo na, matindi ka na nga magmahal. Pero boyfriend mo, matindi rin ba magmahal? At saka, kaibig-ibig din ba siya? Mahal ka ba niya talaga?”“Naman! Pero teka lang, Erica? Parang pinagdududahan mo ang boyfriend ko, ah? Hoy ‘wag kang ganyan, hindi mo pa nga siya nakita at hindi mo siya kilala.“ Dinuro-duro niya ako. Pero bigla namang tumigil sa ginagawa niya, at wala na sa akin ang tingin niya.“Hoy, Myra!” untag ko sa kanya. Hindi na kasi siya nagsasalita.We were about to enter the restaurant, pero para namang natuod siya sa kinatatayuan niya. Her eyes were fixed on the couple, na nauna nang pumasok sa restaurant na papasukin na rin sana namin.“Myra, ano ba? Bakit ba bigla kang nagkakaganyan?” Hindi pa rin siya nagsasalita, but her eyes are crimson as if she was about to cry.She bit her bottom lip, then wiped her tears and smiled bitterly.Hindi ko naman maiwasang magtaka, sabay lingon sa sweet na magsyotang tinitingnan niya.“Sorry, Erica, lipat na lang tayo ng restaurant. Hindi pala masarap d'yan,” sabi niya kalaunan. She is grasping my hand once again as we begin to leave the restaurant, but she abruptly stops.“Teka, bakit ako ang aalis?”“Ewan ko sa'yo,” sagot ko.Ngumisi siya ng kakaiba. Medyo nakakatakot, bumakas ang pagiging mald¡ta niya. Maski ako ay kinabahan sa galit na nakikita ko sa mga mata niya. “Let’s head back to that damn restaurant!” gigil na gigil niyang sabi.“Teka... dahan-dahan naman.” Halos kaladkarin na niya ako. Kung kanina ay malungkot siya at bakas sa mga mata nito na nasasaktan, ngayon ay hindi na. She’s enrage, ‘yong tipong handang makipagbasagan ng mukha.As we entered the restaurant, her eyes wandered. Her gaze was drawn to a couple that we had previously seen, and then she smiled wickedly.Habang ako, nakatayo lang, nearly frozen while watching the couple kissing indifferently. Nasa malapit na nila si Myra, pero dahil busy nga sila, hindi nila napansin ang kaibigan ko na kulang na lang ay magliyab sa galit habang nakatingin sa kanila.“Is she a good kisser?” walang kahiya-hiya na tanong ni Myra. The two looked up at the same time. Both eyes widened, and the faces flushed red. Tumikhim pa ang lalaki at umayos sa pag-upo habang ang babae ay yumuko na lang. “Is she better than me?”“M-Myra…” utal-utal na sa sabi ng lalaki. Akmang tatayo, pero pinigil siya ng babae. Takot yatang makalbo kaya ayaw niya na tumayo ito. Mawawalan siya ng harang.“Pinigil ka niya, oh! Sige lang, just keep going. Kiss her, hanggang sa ubos ang laway niyo. Hanggang sa maubos ang katas ninyo at matuyot!”Rinig ko na ang bulungan sa paligid at mahinang mga tawa. Hindi ako directly involve sa away nila, pero hindi ko pa rin maiwasan na makaramdam ng hiya. First time ko makaranas ng ganito.“Myra… shut up, please,” pabulong na pakiusap ng lalaki, sabay libot ng paningin sa paligid. “Don't make a scene here,” dagdag niya pa. “Hindi ka ba nahihiya?”Myra giggled and shrugged her shoulders.“Me? Making a scene? Para namang hindi mo ako kilala, Ben. Alam mo na kapag ako ang nag-eskandalo, hindi lang nguso ninyo ang mamamaga! At saka, bakit naman ako mahihiya? Ako ba ang taksil?”Hindi na nakapagsalita ang lalaki pero nilingon naman niya ang babaeng katabi na medyo lumayo pa sa kanya. Talaga naman ang mga taksil, nahihiya lang kapag nahuli.“Kaya, if I were you, umalis na kayo! You don't belong here, kasi ang kinakain dito ay masarap na bulalo, hindi nguso!”“ Hindi ka na talaga nagbago—”“Mali ka.” Dinuro ni Myra ang lalaki at hindi na hinayaang magsalita.“Nagbago na ako. Sinubukan kong baguhin ang sarili ko, for you! Pero anong ginawa mo? You cheated on me.”Lumapit pa ng todo si Myra sa lamesa ng dalawa. Mas umaapoy pa sa galit ang mga mata niya. Kulang na lang ay hilahin nito ang buhok ng babae at ilampaso sa sahig.“At ikaw, hitad na babae! Paliguan kaya kita ng alcohol baka sakaling mawala ang kati sa katawan mo!”“Mrya—” maluha-luha ang mga mata ng babae, at hindi makatingin ng deritso kay Myra.“Nahihiya ka? Pumatol ka nga sa lalaki na alam mong may girlfriend na, tapos ngayon, magtatago ka ng mukha? Galing! Gagawa-gawa ng kalandian, hindi naman pala kayang panindigan!”“Myra shut up!”“You, shut up, Ben! Kasi wala kang utak. Mambababae ka lang din naman, kilala ko pa. At dito mo pa dinala sa restaurant na alam mong paborito ko.” Hindi na naman nakapagsalita ang lalaki. Laging na lang siyang nababara ni Myra.Ewan, habang nakatingin ako kay Myra na sinasabon ang mga taksil, bumilib ako sa kanya. Ang tapang-tapang nga niya, kasi nakaya niyang bigyan ng leksyon ang mga taong nanakit sa kanya. Nakakainggit. Sana ako rin ganyan katapang, pero hindi, napakalaki kong duwag.“Alam mo, nakakahiya kang kasama, Ben. Katawan lang kasi ang malaki sa sa'yo. Utak mo, parang monggo. Lalo na 'yang pagkalalaki mo!”Her stare moves down to the guy's manhood, and then she folds her arms and laughs mockingly.“Soft and tiny! So cute—”“Sumusobra ka na, Myra!”The man stood up, his jaw clenched, and his eyes widened.“Tumahimik ka na! I might lose my temper and–"“Anong gagawin mo? Sasaktan mo ako? Subukan mo!” sabi ni Myra, as she squeezed his manhood hard, then pushed him back to his seat.“Lakas mo mambabae, wala ka na mang ipagmamalaki!” sigaw niya sa pagmumukha nito, sabay ang pagtalikod.Matapos ang ginawang eksina, hinila naman ako ni Myra palabas ng resto. Ang bilis ng paglalakad niya, halos hindi na ako makahabol. Ang higpit pa ng paghawak niya sa kamay ko. Wala akong nagawa, kung hindi tingnan lang kamay ko na hawak-hawak niya.Napalingon-lingon lang ako, as we approached a narrow and gloomy lane. Hindi na ako mapakali, nakaramdam na ako ng takot. Even though I have lived in Manila for a long time, hindi ko pa rin kabisado ang pasikot-sikot ng lugar na ‘to.“Saan ba tayo pupunta, Myra?” Hindi na ako nakapagpigil. Nagtanong na ako.At saka, gusto ko lang naman sanang kumain ng bulalo na sinasabi niya, pero drama ng buhay niya ang nasaksihan ko.“Hoy, Myra! Natatakot na ako,” niyugyog ko na ang kamay niya kasabay ng pagsasalita ko. Hindi ko na nga gusto itong pinapasok naming lugar. Nakakatakot, ang dilim, at walang katao-tao.“Myra, ano ba?!” sikmat ko na. “Uwi na lang tayo,” halos maiiyak ko nang sabi.“Erica—” Biglang huminto sa paglalakad si Myra, kasabay ng pagtawag niya sa pangalan ko, saka dahan-dahan na hinarap ako. Para naman akong natuod habang nakatingin sa kanya.“M-myra!” sigaw ko.“Hoy, ano ba, Myra?” My hands were trembling, habang tinatapik-tapik ang likod ni Myra. Sobra akong nagulat nang bigla siyang sumalpak sa lupa at umatungal na parang bata. Wala na nga rin siyang pakialam sa lugar kung nasaan kami ngayon, hindi niya alam, kung gaano ka dumi ang inuupuan niya. Sapo niya ang mukha, umiiyak at parang hindi na ako naririnig.“Tumayo ka na, Myra.” Umupo ako sa harap niya at tapik na naman ang balikat niya. “Tahan na, hoy, bilib pa naman ako sa’yo kanina. Ang tapang-tapang mo. Nagkukunwari ka lang pala,” parang maiiyak na alo ko sa kanya.“Ang sakit-sakit… mahal ko ang gagong ‘yon. Ni minsan, hindi ko naisip na magagawa niya sa akin ‘to. Akala ko, mahal niya rin ako, gaya ng pagmamahal ko sa kanya. Hindi ako nagkulang, Erica,” halos hindi na maintindihan ang sinasabi niya. Puro ngawa niya ang naririnig ko.“Gano’n? Kahit maliit ang manhood niya, mahal na mahal mo pa rin siya?” sandali niya akong sinulyapan, saka humaba na naman ang nguso. Hindi ko kasi alam
"Erica?” bulaslas ng lalaking nabangga ko. “Nasaktan ka ba?" tanong niya pa.“H-hindi—” sagot ko, pero nanlaki naman ang mga mata ko nang mamukhaan ang lalaking napatungan ko—si Reynald. Kapag minalas nga naman. Ang dami namang lalaki na pwede kong mabangga, ito pang ungas na demonyo na ‘to."S-sorry… hindi ko sinasadya," utal-utal kong sabi at yumuko.Ngumiti kasi ang demonyo ng kakaiba at ayoko ang klase ng ngiti niya—ngiting manyak. Sumabay pa ang paglapat ng palad niya sa balakang ko na lalong ikinaasiwa ko. Pero nag-init naman ang bunbunan ko at gusto ko na siyang sakalin. Hahawak-hawak pa talaga ang sira-ulo."Ayos lang, you don’t need to apologize. Sa lahat ba naman ng atraso ko sa’yo, kulang pa itong pagsalo ko sa’yo para mabawasan ‘yon. At saka, ang mahalaga, hindi ka nasaktan dahil pumatong ka—" He pursed his lips, alam niya kasi na hindi ako natutuwa sa sinabi niya, lalo na sa ayos namin ngayon. Ang sarap na ngang hambalusin ang pagmumukha niya. "Sana nga, nasaktan na lan
"Honestly, Pinsan, I didn't expect her to smell so good. Her scent is so addictive; I feel like I am on cloud nine when she is on top of me," Reynald said as if he were dreaming. "The next time I bump into her, I'll make sure; ako naman ang la-landing sa ibabaw niya." Hindi ko napigil ang sarili, napalingon ako kay Reynald. Muntik na rin akong hindi makapagtimpi at gusto na sana siyang hambalusin. “Ang lakas ng tama mo, Reynald!” natatawang sabi ni Myra. “Hindi ko alam kung sinasabi mo lang ‘yan, for you to boast your kamanyakan o totoong tinamaan ka lang.” Mabuti na lang at resbak naman kaagad itong kaibigan ko. Kung nagkataon na hindi siya nagsalita, baka tinadyakan ko na ang pagkalalaki ni Reynald at nakita ng lahat ang pagsabog ng nerd. “Don’t tell me..." Nagpalipat-lipat ang tingin ni Justin sa pinsan niya at kay Myra. “Siya ang pumatong sa’yo?” Turo niya si Myra, pero na kay Reynald ang tingin. Pero imbes na sumagot si Reynald, tumawa na parang baliw. “Gago ka, sumagot ka,
"What did you do, Justin?" Gulat na napalingon si Justin nang biglang sumulpot si Reynald. Ang tangkang pagtulong nito sa akin ay hindi na rin natuloy. Tumayo siya ng tuwid, humalukip, at sumandal uli sa locker. "Anong ginawa n’yo kay Erica?" Nilapitan ako ni Reynald at umupo sa harapan ko. Ang talim din ng tingin nito sa pinsan niya at kung makasinghal kuno ay parang totoong galit. Alam ko namang um-acting lang siya. "Erica, what did they do to you?" I was writhing in pain, at hindi ko kayang sagutin ang fake niyang concern. "Erica…" Hinawakan nito ang kamay ko na hinayaan ko lang. "Masakit ba?" hinihipan niya pa iyon na sandaling ikinalaki ng mga mata ko. Impaktang Shaira. Alam kong nagseselos siya dahil sa paglapit-lapit nitong si Reynald sa akin, kaya niya ginawa sa akin 'to. Ito nga rin kasi ang ginagawa nila sa mga babaeng umaaligid-aligid dito sa malanding lalaki na 'to. "Sumosobra na kayo. Hindi na tama itong ginagawa n'yo!" Na kay Justin na ang tingin niya. Matalim at ma
“May masakit ba sa'yo, Erica? Nahihilo ka ba?" nag-aalalang tanong Reynald. Hindi ko napigil ang pagsalubong ng mga kilay ko. Rinig ko pa ang labas sa ilong na tawa ni Myra. " 'Wag mo nga akong hawakan," sita ko, sabay tampal sa kamay niya at tinulak pa siya. Ang lakas ng loob niya na haplusin ang pisngi ko. Pinakita ko sa kanya kung paano ko pinahid ng paulit-ulit ang pisngi ko na parang diring-diri sa ginawa niya."Erica, sorry, concern lang naman ako. Baka kasi may iba ka pang nararamdaman o baka may iba pang masakit sa’yo. Balik na lang kaya muna tayo sa clinic. Pahinga ka muna do'n—""Pwede ba, Reynald. Tigilan mo na itong fake mong pagbait-baitan," madiin kong sabi saka nilampasan siya."Reynald, isip ka ng ibang tactic. 'Di umobra ang pagbait-baitan mo," pang aasar pa ni Myra, bago sumabay sa paglalakad ko."Haba ng hair mo today! Um-effort si Papa Reynald, 'yon nga lang hindi umobra sa nerd,” ngisi na naman nitong sabi at panay din ang lingon niya. Hindi ko alam kung sumusun
Paulit-paulit akong napapailing. "You like me huh?" naiirita kong tanong. Sarap supalpalin ng bibig niya. Sinadya niya pang lakasan ang boses, halatang kumukuha ng atensyon sa mga taong dumadaan. Gusto yata nito na dumugin ako ng lahat. Ngiti at paulit-ulit na nagpagtango ang sagot niya kasabay ang paglapit sa akin. "D'yan ka lang." Pandidilat ang kasabay ng sinabi ko. May kasama pang duro. Akmang hahawakan na naman niya kasi ako. Feeling talaga 'to. "Erica, hindi pa ba sapat ang ginawa ko kanina? Pinagtanggol na nga kita sa mga kaibigan ko. Ano pa ba ang dapat kong gawin, maniwala ka lang na gusto kita?" Nasapo ko ang noo ko. Gusto ko pa nga sanang tumawa ng tumawa, pero baka naman isipin niya na natutuwa ako dahil gusto nga raw niya ako. "Feeling dehado ka rin 'no? So, gusto mo magpasalamat ako dahil you chose me over your friends? Tingin mo, happy ako dahil gusto mo ako? Gusto ako ng isang Reynald Punzalan—ang pantasya ng mga kababaihan na saksakan ng yabang at kamanyakan." Hi
Yuko ang ulo at parang wala sa sarili akong naglalakad papunta sa school. Paanong hindi ako mawala sa sarili, demonyo ang kapareha ko sa project. Buo ang loob ko na ipasa ang lahat ng subjects ko para maka-graduate at maka-alis na sa paaralang ‘to. Paano pa mangyayari ‘yon? Hindi ko nga alam kung paano e-approach si Justin. Hindi ko alam kung paano namin gagawin ang project.“Erica,” mahinahong boses ang narinig kong tumatawag sa akin, pero hindi ako nag-abalang pansinin. “Good morning,” sabi pa nito habang nasa tabi ko na. “Sayang, ako na lang sana ang partner mo, at hindi ang pinsan ko." Napilitan akong lumingon. Kaagad sumalubong ang fake na ngiti ni Reynald. Gusto ko nga sanang talakan na naman. Pero wala na nga akong energy. Naubos kahapon. “Tingin mo, gusto kitang maging partner?” medyo gigil kong tanong. “Alam ko namang ayaw mo rin akong maging partner, but me, gustong-gusto ko. Ang malas lang at si Myra pa ang partner—”“Wow! Ikaw pa talaga ang malas?” biglang sulpot ni My
“Ano na naman ang ginawa mo, Justin?” Narinig kong sigaw ni Reynald kasabay ang pagbagsak sa mga bigsig niya. “Wala akong ginawa, Reynald—” “Ano ba? Talagang magtatalo pa kayo? Kita n’yo na nga na kailangan ng tulong ang kaibigan ko!” sikmat na sabi naman ni Myra, bago tuluyang nagdilim ang paningin ko. “Erica?” Kapa ko ang ulo ko, at hindi pa kaagad maidilat ang mga mata. “Erica, pinag-aalala mo ako,” Nag-aalalang mukha ni Myra ang bumungad sa akin pagmulat ko. “Kumusta na ang pakiramdam mo?” tanong nito sabay hawak sa noo ko. “Ang init mo pa.” “Ayos na ako, at saka, hindi pa naman ako mamamatay,” sabi ko sabay naman ang paggala ng paningin ko sa kwartong kinalalagyan ko ngayon. “Hindi mamamatay! Bunganga mo din minsan walang preno. Kilabutan ka nga sa sinasabi mo,” sita nito sa akin. “Ano ba kasi ang nangyari? Bakit ako nandito?” tanong ko habang ang tingin ay nasa dextrose bag na nakasabit sa stand. Napatingin din ako sa kamay kong balot na balot. “Ewan sa’yo, Erica! Tatano