Share

CHAPTER 5

CHAPTER 5- Pregnancy

MARIA

Pregnancy test kit.

Tumayo ako at inilalayan naman ako ni macey papuntang cr na ipinagpasalamat ko dahil nangangtog na ang mga binti ko. I don't know why but I'm feeling mixed emotions. Kanina nga ay kinakabahan ako pagkatapos ay ibang emosyon na hindi ko mapangalanan, ngayon naman ay sinalakay ulit ako ng kaba.

I closed my eyes to calm my self. I bit my lower lip when I entered the Cr. Pagkatapos ay agad kong binasa ang instructions na nakalagay at naghintay ilang minuto bago ko tinignan yun. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang mararamdaman ko. Happiness, anxious and excitement. There are still some that I can't name.

Para akong babagsak sa sahig kaya naman kumuha ako ng supporta sa dingding habang naglalakad palabas. Sinalubong naman ako ng nag aalalang mukha ni Macey. Wala sa sariling binigay ko ang test kit kay doktora.

Pinagpawisan ako at alam ko na bakas sa mukha ko ang kaba. Naramdaman siguro iyon ni Macey kaya agad nya akong hinawakan sa kamay para supportahan.

Hinihintay lamang namin ang magiging reaksyon ng doctor at hindi naman kami nabigo dahil pagkaraan ng ilang minuto ay bumaling ito sakin at nakangiting hinawakan ang kamay ko.

"Congratulations! You're Six weeks pregnant!" Masayang sabi nito kaya ngumiti lang ako at nabalik na naman sa malalim na pag iisip. May sinasabi ito sa kaibigan ko pero hindi iyon na proseso sakin. I was drowned with my thoughts to even understand what they were saying. Hindi ko nga namalayan na nakauwi na pala kami.

DENRICK

"How dare you to dictate me what to do? I'm the CEO of this company, and I will not accept trashy opinions from the people who is under my position." Walang ka ngiti ngiti kong turan. Mariin ko na ring nakuyom ang mga kamao ko dahil sa tinuran ng mga taong nakapalibot sa akin ngayon.

We are currently in a meeting and they suddenly brought up a topic that made my blood boil. How dare them? And they think that I will accept it? It is my life so I can do whatever I want to do.

"But Mr Moncuedo it is already a tradition in your family to marry when you turned thirty. And now, you're in your thirties and you need a wife to be by your side. You also need a successor." Turan ng isang matandang ka meeting ko. He is one of the stock holder and what he said just made me pissed even more. Like I care if it is our tradition.

"Yeah I agree with Mr. Villanueva. Ito na ang nakasanayan na mangyari sa pamilya nyo. Para masiguro na may mamamahala pa sa kompanya nyo ay kailangan mo ng magiging asawa. You need a successor, may it be a girl or a boy." Pag sang ayon naman ng isang may edad na babae. Si Mrs. Delacruz na asawa ng gobernador na si Edmundo Delacruz.

I sighed. Yeah, we have the same tradition as Chinese businessmen. The only difference is that it is okay if we have a girl successor. They don't underestimate the capabilities of our next successor.

"Kung hindi mo magagawa 'yon ay baka mapipilitan kaming alisin ka sa posisyon mo ngayon Mr.moncuedo." Saad naman ng isa kaya marahas akong napabuntong hininga at napabaling ang tingin ko sa ama kong nakaupo at nakatingin lamang sa amin. Bumuntong hininga ito at binalingan ang mga tao sa loob ng silid na iyon.

"This meeting is adjourned. Leave this to me, everyone." Matigas na turan ng ama ko kaya naman agad nagsitanguan ang mga ito at walang imik na lumabas.

I look at him and I feel like I am just looking at my reflection. The only difference is that he looks older than me but the eyes, nose and lips are the same. He has this icy attitude that only my mom can melt. His eyes are cold and his aura screams authority. And just like me, he was also named as a monster in business. Well he was labeled as a 'devil in business.'

While looking at his eyes, I know what he was thinking. I sighed and closed my eyes tightly. Napaayos ako ng upo sa swivel chair dahil alam kong hindi na mababali ang desisyon nito. Whatever he is thinking right now, I know I am doomed.

"Son. You need to do what they've said. They are right. Kailangan mo ng pamilya. Nang anak para maging successor mo. If you will not obey then I don't have a choice but to remove you from that posisyon. You know the tradition of our family at hindi pwedeng ganito nalang. Kailangang may magmana ng kompanya. Ang susunod sa yapak mo. Me and your mom wants a grandchild too. You're in the right age to do that. Now it's up to you kung sino ang gusto mong maging ina ng anak mo." He stopped and looked intently at me. He is looking at me with a very serious face before he spoke again. "Remember. We are in the business world. Everyone wants your position. They have the desire to take it from you. They know the tradition of our family at kaunting mali mo lang ay magkakaroon na sila ng pagkakataon na makuha ang pwesto mo." Mahabang litanya nito kaya napahawak ako sa sintido ko. I am having a headache because of those fvckers. Oh Fvck! Fvck those stock holder. They won this time--No, I will let this slide but I will make sure that this will be the last. Hindi nila gustong makalaban ang isang Denrick Moncuedo.

Isang tapik sa balikat ang natanggap ko mula sa aking ama bago ako nito inayang lumabas. Wala naman akong nagawa kundi ang mapabuntong hininga nalang bago sumunod sa ama.

This news is really frustrating the hell out of me. I can't believe that I will follow those m0therfvcker's request. Nasuklay ko ang buhok gamit ang kamay at wala sa sariling natuon ang tingin sa isang babaeng wala sa sariling nakaupo sa harap ng computer nito.

A smile slowly crept on my face. Now I just need to execute my plan.

**Written by: Stringlily**

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status