Share

Chapter 13

Saktong 9 am ng umaga nang makapasok si karrie sa kanilang kompanya, madaling madali siya dahil ngayon ang appointment niya with Mr. Cuangco. Sa sobrang dami ng iniisip kagabi ay mangani- ngani nang makalimutan ng dalaga ang kanyang meeting sa poging investor na iyon

Kasalukuyan siyang naglalakad ng mabilis papasok sa kaniyang opisina upang makapag handa ng proposal para kay Mr. Eran Cuangco,  napansin naman ni daisy ang pagmamadaling iyon ng boss niya kaya sinundan niya ito 

" Ma'am, karrie. Bakit po kayo nagmamadali?" Saglit na nakuha ng sekretarya ang atensyon ni karrie na labis ang pag a- atubili sa pag- aayos ng sarili at kagamitan

"I have an appointment with Mr. Cuangco, I need to set up my presentation to our meeting room! "

Napangisi na lamang si daisy sa kaniya at nanatiling kalmado dahil naayos niya nang i- set up ang mga gamit na iyon

"Okay na po yun, ma'am. Naayos ko na po"

Napanganga si Karrie sa sinabing iyon ng kaniyang sekretarya at bakas ang gulat sa kaniyang itsurain, namangha siya dito dahil sa pagiging mapagkusa nito. Hindi niya akalain iyon

"Wow,  Is it true?" Takang tanong ng dalaga. Ngumiti naman si daisy sa kaniya at malugod na sumagot

"Yes ma'am, haha"

.

"Thank you so much, daisy" Sobrang na relieve yung kaba na nararamdaman ni Karrie. Kahit nuong unang pasok niya pa lamang ay halata niya nang maayos at masipag mag trabaho si daisy na inatasan ng kaniyang ama upang alalayan siya

"You are welcome, ma'am. That's my job"

Ngiting tugon ng kaniyang sekretarya, saka nito tinuro ang mga naihandang set up ng proposal plan niya. 

"Come here, ma'am. I will show you the set up! " Pag- aaya ng sekretarya 

"Okay, thanks !" Sinundan ni karrie ang kaniyang sekretarya sa meeting room.

Nang makarating sila duon ay bumungad agad sa kaniya ang napaka presentableng set up na ginawa ni daisy, sobra siya nitong napa- bilib, kung sa tutuusin nga ay parang mas compatible pa ito sa posisyon niya dahil sa pagiging responsable at masipag na katangian ng kaniyang sekretarya, ngunit dapat lang na hindi niya ipag kumpara ang kaniyang sarili sa kani- kaniyang  kakayahan.  Dahil may sarili din namang talino at kagalingan si karrie pag dating sa pagpapatakbo ng kompanya,  hindi naman siya aatasan na i- handle ang kompanya nila kung hindi nakikita ng kaniyang ama ang potensyal na meron siya sa larangan ng pag mamaniobra ng industriya

"This is so presentable, great job, daisy.  Thank you so much again for helping me to this proposal with Mr.  Cuangco. Kahit na hindi ko sinabi, may initiative ka pa rin na gawin ang trabaho mo na alalayan ako! "

"Walang anuman po iyon,  ma'am. Inaayos ko lang po ang trabaho ko sa inyo,  alam ko naman po na sobrang busy nyo din at pressured kayo sa father niyo" Sagot ni daisy, bigla namang napalitan ng mapait na ngiti ang mukha ni karrie nang biglang maalala iyon. Dahil kahit sabihin niya na ginagawa niya lahat ay parang hindi pa rin sapat upang malampasan ang mga nagawa ng kaniyang magulang para sa kanilang kompanya na naging daan upang mabigyan siya ng maayos na edukasyon sa mayabang panahon na sumoporta rin sa kaniya sa marangyang pamumuhay

"I'm so-rry po,  ma'am" Sambit ni daisy, biglang umayos ang ekspresyon sa mukha ni karrie sa naging reaksyon ng kaniyang sekretarya 

"No,  don't be sorry. Wala ka namang nasabing hindi maganda, may naisip lang ako" Tinapik ng dalaga ang braso ng kaniyang sekretarya at binigyan ito ng magandang ngiti

" Ganuon po ba ma'am " 

Tugon ni daisy. Bigla namang  may pumasok na nag aatubiling impleyado sa kinaroroonan nila

" Excuse me, ma'am. Mr. Cuangco has arrived. Papasok na po siya dito.  Kaya inunahan ko na po para sabihan kayo!" Hingal na hingal ang impleyado habang nagsasalita, tagaktak ang pawis nito sa kaniyang buong katawan, hindi alam ni Karrie ang magiging reaksyon kung matatawa ba siya o kakabahan dahil mukhang mas kabado pa sa kaniya ang kaniyang impleyado

"Uhm, thank you sa pag inform, pero uminom ka muna ng  tubig haha. mukhang napagod ka sa pag akyat ng hagdanan Hahaha"

Napakamot sa ulo si  lei, parang natawa din ito sa kaniyang sarili. " Ahahahhaha, pasensya na po ma'am. Baka po kase hindi kayo makapaghanda sa pag dating ni Mr.  Cuangco"

" No, it's okay. Nakapag prepare na kami ni daisy, thank you sa inyo dahil nagagampanan niyo ng maayos ang iyong trabaho" 

Inabot ni daisy ang sobrang bottled water na nakalagay sa long desk kay lei at uhaw na uhaw ito sa paglahok ng tubig 

"Salamat ma'am, daisy" 

"Welcome!" Ngumiti si daisy sa impleyado, sabay naman itong nag salita ulit

"O sige po ma'am karrie at ma'am daisy, balik na po ako sa trabaho" Tumango ang dalawa saka lumabas na ang impleyado, ngunit sa pag labas na iyon ay bigla niyang nakasalubong si eran cuangco. Nanlaki ang mga mata ng impleyado ngunit binigyan lamang siya ng magandang ngiti ng poging negosyanteng iyon. Gulat din ang impleyado sa approach na iyon sa kaniya, subalit nagpatuloy nalang siya sa paglalakad at hinayaan na sila karrie sa loob

Samantala habang nag uusap ang dalawa ay biglang may kumatok sa pintuang nakabukas na "Good morning! "

Nabuhay ang diwa ni karrie sa malaking boses na iyon na narinig niya. 

"Mr. Cuangco, Good morning, have a seat!" Dali- daling imwinestra ni Karrie ang kaniyang kamay na nakatutok sa upuan para kay eran, saka naman tumungo ito duon. Hindi gaanong napansin ni eran ang itsura ni Karrie kanina, ngunit nang maka- upo na siya ay biglang napagtanto ng binata na ito pala ang babaeng pantasya niya nuon na kababata ni dyke, kaya naisip niya na hindi manlang sinabi sa kaniya ni dyke iyon.

"Ow! karrie Villegas! akala ko ma'am mo ang ka- meeting ko,  ikaw na pala yan. Hindi ko napansin"

Gumuhit ang kunot na nuo ng dalaga, nagtataka ito sa sinasabi ni eran

"Huh,  wait what? "

"It's me, eran  cuangco "

"Ya, I know but,  paano mo ako nakilala? "

" Eran Cuangco, kaibigan ni dyke nung high school na nagbigay ng flowers sayo sa gitna ng campus! " Biglang bumalik ang mga Ala- ala ni karrie nuon sa high school, at na- realize na ito pala ang lalaking nangungulit sa kaniya nuon, sobrang tagal na rin kase

"Omg, hindi ko agad napansin, ikaw pala yun! " Tumango tango si eran sa gulat na dalaga 

" Yes, you look different!"

"Oww,  thank you! " Medyo nailang si karrie ngunit nagpasalamat na lamang siya sa sinabing iyon ni eran, ngunit sa gilid naman ay napatunganga lamang ang kaniyang sekretarya habang nakabalin kay eran. Halata ang ningning ng mga mata nito sa binata, mukhang may kakaibang presensyang naamoy si karrie subalit hinayaan na lamang iyon dahil kailangan niyang mag simula na sa pag pre-present ng proposal kay eran

"By the way, let's start. Can we? "

"Uhm, no.  Hindi mo na kailangan mag present sa akin, ayos na iyon. Sinabi na sa akin ng dad ko ang mga kailangan at kung paano tatakbo ang partnership namin with your company!"

"Huh, but-? " 

" It's okay, you don't need to present or prove anything to me, ako na ang bahala!"

Gulat na gulat talaga si karrie sa binatang ito. Sobrang nakapag tataka lang talaga dahil hindi niya na kailangan magpaliwanag ng gagawin dito, unlike the other negotiator nila dati ay kailangan pa ng mahabang paliwanagan para lang maka- siguro na hindi magkakaroon ng problema sa company nila, first time lang talaga ang maka- encounter siya ng ganito. Hindi naman sa pag a- assume ay parang napaka special naman ng treatment sa kaniya ng binata. Pero hinayaan na lamang ito ni Karrie at hindi na pinansin ang mga bagay na iyon kaya't tumango na lang din siya. 

" Okay, but I'll gonna give these forms to you, para makasiguro ka sa deal ng company namin. Nandyan lahat ng plano for the whole year!" Inabot ng dalaga ang makakapal na papeles na iyon kay Eran, sabay naman ito kinuha ng binata ngunit hindi na binuksan pa ang mga pahina. 

" Great, thank you. Btw, are you free today? " Walang pag- aalinlangang pagkakasabi ng binata. Ngunit otomatiko namang humindi ang dalaga

"No! " Mabilis na tugon ni Karrie, nagulat naman si daisy sa sinabing iyon ni eran, parang may konting kurot sa pakiramdam ng dalaga, at parang napahiling na lang din na sana lahat tinatanong ng ganun. Nasa isip ng sekretarya kung siya siguro iyon ay mabilis niyang sasabihin na Oo.

" How about tomorrow?" Pangalawang tanong ng binata.

" Hindi pa rin,  masyado kase akong maraming ginagawa" 

" Mukhang malabo kitang mapapa- payag sa simple lunch lang naman" Tipid na ngiti ni karrie kay eran, kahit pa business partners sila ay parang wala talaga siyang balak na pumayag pag sa mga ganitong sitwasyon, dahil baka may iba pang mangyari, ang katwiran ng dalaga, pag  business, business lang.  Wala kang dapat pa na involved.

"Hehe,  maybe next time, marami kase talaga akong ginagawa Mr. cuangco!"

"Oops, don't call me Mr. Cuangco, Just call me Eran, mas maganda"

"Okay, Eran! " Sambit ni Karrie sa binata, kaya't tinapos niya na meeting na iyon. 

" Uhm, siguro settled naman na lahat, so let's end this convo!" Parang may panlulumong naramdaman si eran sa sinabing yun ni Karrie, ngunit tumayo na lamang siya at nakipagkamayan na lamang sa dalaga. Ngumiti naman sa kaniya ito at maayos pa rin ang pakikitungo sa kaniya, kahit papaano ay nandun pa rin ang pag galang ni karrie sa kaniya na sumasalungat naman sa gusto ng binata. 

"Okay, I'll gonna leave. Thanks ms.  Villegas, I'm sure na magiging maayos ang partnership ng company namin sa inyo, but umaasa pa rin ako sa next time na yan na free kana! " 

Tumango ng malugod si Karrie sa kaniya at sabay sabay na lamang silang naglakad palabas ng meeting room hanggang sa makababa ng palapag. Nagpasya si eran na umalis na lamang kaagad dahil nanlumo siya dahil walang time si Karrie. 

Parang nalungkot si daisy para  kay eran ngunit sa kabilang banda ay may saya sa pakiramdam niya, ngayon lang nakaramdam si daisy ng ganito. Sobrang humahanga talaga siya sa taglay na kagwapuhan ng binata kanina, pati na rin ang baritong boses nito habang nagsasalita. Para nga silang nagmukhang bata ng boss niya na si Karrie kanina dahil sa sobrang tangkad din ng binata. Umaasa ang sekretarya na sana mapansin din siya ng binata sa susunod kahit alam niya naman sa sarili niya na hindi siya ganuon kaganda tulad ni karrie.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status