Share

Chapter 9

Nagising si karrie makalipas ang ilang oras na pagtulog sa napaka- lambot na kama ng mag- asawa, nag inat ng katawan ang dalaga saka kinusot ang kaniyang mata at iginala ito sa paligid. Wala pa rin nagbago sa ayos ng kwarto mula kaninang idinala siya dito ng ginang, ngunit ramdam niya ang lamig ng hangin na lumalabas sa aircon. Bumangon siya at naglakad papalabas patungo sa sala upang hanapin sila dyke. Alam niyang duon niya makikita ang binata ngunit sa pagpapatuloy ng paglalakad, nakasalubong niya ang matandang ginang.

“Oh, gising kana pala, anak. Tamang- tama upang makakain kana, halika at ipaghahanda kita ng aking mga niluto kanina!” Nagpakawala ng ngiti si karrie sa ginang at tumango na lamang dito, subalit hindi niya maiwasang mag tanong kung nasaan ang binata.

“Nay, nasaan po si dyke?” 

“Nandoon sa may sala, nahiga na siya sa sofa. Pinatulog ko muna dahil alam kong antok na antok na rin iyon, anak. Sinabi ko naman na ako na ang mag- aasikaso sayo pag gising mo. Kaya halika na at sumunod ka sa akin!” Nagtaas baba ang ulo ni karrie simbolo ng pagpayag.

“Sige po nay, marami po palang salamat ulit sa pagpapatuloy niyo po sa amin ni dyke dito, pasensya na po kayo sa amin ha” Hinawakan ng matanda ang kamay ni karrie at marahang hinaplos ang kaniyang palad

“Walang anoman, anak. At saka isa pa, nabanggit pala ng tatay alpring mo kanina sa akin nung makatulog na si dyke. Ang matalik na kaibigan ng tatay alpring niyo dati ay ang lolo ni dyke, nagulat ako sa sinabi niya kanina kaya maari lamang naming kayong asikasuhin dahil napaka- importante niyo sa amin. Ang diyos na mismo ang gumawa ng paraan upang magkatagpo sila ng landas. Masakit man ang nangyari sa lolo niyo ay dapat na lamang nattin tanggapin” Bakas ang lungkot sa pag ku- kwento ng ginang kaya’t binigyan na lamang ito ng maamong ngiti ng dalaga. Kahit si karrie ay nagulat din at hindi makapaniwala sa kaniyang nalaman, ngunit Mabuti na rin na nakita nila si lolo alpring, kahit papano ay hindi naman nabali ang ugnayan nila ng lolo ni dyke.

Nakarating sila sa kusina at umupo na si karrie sa hapag kainan. Namangha siya sa itsura ng mukhang napakasarap na  adobong isda na nakahain sa harapan niya, nagtaka ang dalaga dahil ngayon niya lamang nakita na pwede pala na adobohin ang isda. Kakaiba ito nakagisnan niyang luto ng adobo, pero amoy pa lang ng ulam nakakapanglaway na.

“Ito na ang kanin, anak. Kumain ka ng marami. Ipinagtimpla na din kita ng kape para maibsan yang lamig sa katawan mo” Iniabot ng ginang ang tray na may kanin at kape saka ito nilapag sa lamesa malapit sa harapan ni karrie

“Thank you po, nay. Si tatay alpring naman po nasaan?”

“Inayos lamang ang kaniyang sigay sa labas, anak. Baka mamayang hapon na siya manghuli ulit ng isda”

“Ganun po ba, nay. Mahirap po siguro yung ginagawa niya?” Sambit ni karrie, kasabay naman nun ang pagbulalas ng ginang

“Hindi, anak. Libangan lamang iyon ng tatay alpring mo, pero kahit naglilibang siya nagkakaroon kami ng mauulam, kaya nga napakagandang tumira sa ganitong lugar dahil madali lang din makahanap ng pagkain, pero dapat magpondo pa rin ng pera, alam mo na, para kung sakaling mawalan may mahuhugot” 

“Ah, ganun po pala. Ako nasanay na lamang po ako sa opisina, kahit lumaki po ako sa marangyang buhay mas’ gusto ko pa rin po piliin ang simple basta kompleto ang pamilya” Kwento ni karrie sa ginang habang siya ay kumakain, bakas naman ang tuwa ng ginang sa kaniya. Dahil sa pagiging totoo nito sa sarili

“Tama iyan, anak. Pamilya pa rin talaga ang dapat isipin, ano man ang sitwasyon. Pamilya pa rin ang mananaig” Tumayo ang ginang saka binilinan si karrie

“Iwan na muna kita, anak. Puntahan ko lamang ang tatay alpring mo” Sandaling itinigil ni karrie ang pagsubo saka sumagot sa ginang

“Sige po, nay. Salamat po ulit”

 Binigyan siya ng ngiti ng ginang at saka ito tuluyang nakalayo sa kaniya. Nagpatuloy ulit ang dalaga sa pagkain. Nilasap niya ang mga ulam na hinain sa kaniya ng ginang, kahit hindi siya pamilyar sa mga putahing ito ay sobra pa rin niyang nagustuhan ang lasa, at sarap na sarap kumain. Patapos na rin ang dalaga, kaya sumagi sa isip niya na puntahan si dyke sa sala upang tignan kung nagising na ito sa pagkakatulog.

 “Dyke, Help!”

Samantala si dyke naman ay mahimbing na natutulog sa sofa nang bigla siyang maalimpungatan sa kalagitnaan ng kaniyang panaginip. Mabilis siyang nagmulat ng mata at hingal na hingal na bumangon. Pawis na pawis ang binata mula nuo hanggang katawan, kaya naging dahilan ito ng pamumula ng kaniyang makinis at maputing mukha. 

“Karrie!” Agad niyang sambit, nag- aalala siya sa dalaga jaya ganun na lamang ang pagkadespirado niyang tawagin ito, Tumingin siya sa paligid at sumigaw muli

“ Karrie!” 

Sunod- sunod ang pagpapakawala niya ng kaniyang hininga, saka naman tumakbo papalapit ang dalaga sa pinaroon niya. Nadinig siya ni karrie mula sa kusina, sakto ay tapos na rin siyang kumain. Buti na lamang ay nailagay na ng dalaga ang mga pinggan na ginamit bago niya pa marinig ang sigaw ng binata, nagmamadali siyang lumapit dito at nag- aalala nag tanong

“ Nandito ako, dyke--!” Hindi na naituloy ng dalaga ang sasabihin ng bigla na lamang siya lukuban ng yakap ng binata. Dahil sa mahigpit na pagkakayakap nito sa kaniya, malaya niyang naririnig ang sigaw at bilis ng tibok ng puso nito

“Akala ko kung ano na ang nangyari sayo, I thought you’re dead. I saw a man in my dream, he shoots you!” Nagtatakang kumawala si karrie sa yakap ng binata, saka siya marahang bumalin dito

“Huh? relax dyke, that was just a dream, buhay na buhay ako oh” Gumaan ang paghinga ng binata saka tipid na ngumiti, mistula itong nabunutan ng tinik

“Ugh, thank God, I can’t lose you karrie” Hinawakan niya ang kamay ng dalaga at kalmadong nagbigay ng atensyon sa kaniya

“Salamat kung ganun, hindi naman ako mawawala, wag mong isipin yun. Nasa opisina lang naman ako palagi, tinangay mo lang ako kaya wala ako ngayon duon, hahaha” Biro ni karrie, natawa na lang din si dyke sa sarili saka umupo ulit sa sofa.

“Anak, ano iyong narinig naming na sugaw kanina?” Nagulat ang dalawa ng biglang dumating ang mag- asawa. Nagtataka nagtanong si tatay alpring habang nasa tabi niya naman ang ginang na bakas din ang pag- aala sa mukha.

“Ako po yun, tay. Nanaginip lang po ako, akala ko po wala na si karrie” 

“Ay nako, masamang pangitain iyan anakkong, mag iingat kayo sa pagbyahe ah! Ayos kana ba?” Singit na batid ng ginang saka ito kinamusta si dyke

“Opo, nay. Ayos lang po ako, panaginip lang naman po iyon” 

“Buti naman kung ganoon, anak. Maiinis niyo na rin bang umuwi? Anong oras na rin kase, baka kayo gabihin sa daan mamaya” Nagtaas baba ang nuo ni dyke, at sumang- ayon

“ Opo nay, uuwi na rin po kami. Maraming salamat po sa pagpapatuloy niyo sa amin, lalo na rin po s aiyo tatay alpring, Lubos po akong nagpapasalamat na nakilala ko kayo” 

“ Kaya nga, anak. Alam kong sobrang saya din ng lolo mo sa langit ngayon dahil hindi hinayaan ng diyos na maputol ang koneksyon namin na dinugtungan mo” Ngumiti si dyke sa matanda at bumalin ito kay karrie. Binigyan siya ng malugod na ngiti ng dalaga at nag angat ito ng magkabilang balikat

“ Maari ulit kayong pumunta dito sa susunod, anak. Paghahandaan na talaga namin ang muli niyong pagbisita dito!”

“ Sobra po ang naging pagtanggap niyo dito sa amin, tay kaya hindi po kaming magsasawang bumisita dito” 

“Tama po iyon, tay. Lagi na rin po akong sasama kay dyke tuwing bibisita siya dito” Suhestiyon ni karrie, biglang pumalakpak ang taenga ni dyke sa tuwa ng marinig ang sinabing iyon ni dyke.

“Oh sige, anak. Mag- asikaso na kayo ng inyong sarili, mag- iingat kayo sa byahe” Sambit ni tatay alpring, kumilos na si karrie at nag- abala nang mag- ayos, sabay namang hinugot ni dyke ang kaniyang cellphone upang tawagan ang kaniyang driver upang ipakuha ang kotse niyang inabutan na ng mahabang oras sa parke, Sinabi niya ang lokasyon nila duon at ibinalin na muli  ang atensyon sa mag- asawang tumanggap sa kanila.

“Hanggang sa susunod po ulit, nanay at tatay alpring. Maraming salamat po”

Yumakap siya sa mag- asawa, na halatang nalulungkot sa kanilang pag- uwi. Para kay dyke napakaganda ng pagtatagpong iyon na nangyari dahil nawala man ang kaniyang lolo, pumalit naman si tatay alpring na matalik nitong kaibigan. Kahit gaano man katagal tayong nawala sa ating mga malalapit na kaibigan, ang tadhana pa rin ang mismong gagawa ng paraan, upang muli kayong pagtagpuyin

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status