Share

HIS SWEET SIDE

Pagkatapos ng gabing yun ay parang may nag-iba sa kanya. Hindi na gaanong rude ang pakikitungo nito. Nandito ako ngayon sa harap ng dalampasigan. Malayang lumilipad ang buhok at ang mga paa ko at hinahayaan ko mabasa ng tubig. Napakasarap ng hangin na dumadampi sa pisngi ko.

"You said, you wanted to contact your parents."Nandito pala siya sa tabi ko. Sumasayaw ang buhok nito dahil sa hangin. Nakalagay ang dalawang kamay nito sa magkabilang bulsa at nakatitig sa akin. Napaiwas agad ako dahil parang tinatangay ako.

"Hinihintay ko naman kung kailan pwede tumawag."

"Call them now." Iniabot nito ang mamahaling cellphone niya na sobrang nipis pa. "I have their number already. Just look for "Private Number".

Hinanap ko yung sinabi nito. Nag-iisa nga lang ang number. Agad ko itong pinindot para matawagan. Nagring ito ng ilang beses. Kinakagat kagat ko ang kuko dahil sa paghihintay. Sinagot naman nila ito.

"Ikaw ba ito Gwen!" Masiglang sabi ni Mama. Napaiyak agad
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status