Naranasan ni Lemuel ang masasayang araw ng buhay niya dahil kay Jossa. For him, their relationship was the best thing that happened in his life. Ngunit ang babaeng buong akala niyang magiging dahilan ng lubos niyang kaligayahan ay siya din palang magiging rason ng pagkasira ng kanyang buhay. He was put in a jail because of her. Ito rin ang naging dahilan ng malaking pagbabago sa kanyang pagkatao at sanhi kung bakit siya napunta sa maduming trabaho. Several years later, they met again. Kung kailan unti-unti nang nagiging maayos ang buhay niya ay saka nagulo ulit dahil sa presensiya ng dalaga. Would he let her enter his life again? Kaya niya nga bang kalimutan ang lahat ng nangyari dahil sa pag-ibig? Would second chance heal... his scarred heart?
View MoreHawak ni Lemuel ang kamay ni Jossa habang naglalakad. Pasado alas-nueve na ng gabi at kababalik lang nila sa bahay nina Trace. Kaninang umaga pa sila umalis ng dalaga para katagpuin ang abogado ni Eduardo at iniwan nga nila roon sina Lianna at Darlene. Kung tutuusin ay kanina pa nag-aaya si Jossa na balikan na nila ang dalawang bata. Siya lang itong nagpumilit na manatili pa muna sa kanyang tinitirhan.And it was because of one reason. He can't get enough of her. Pakiramdam ni Lemuel ay kulang pa ang isang buong araw para makasama niya ang dalaga. Gusto niya pang makapiling ito nang sarilinan... nang silang dalawa lang talaga. And another thing, taking her once was not enough for him. He still wanted her... again and again.At iyon ang dahilan kung bakit sila natagalan sa pagbalik sa bahay nina Trace. Ang pagtatalik nila ni Jossa ay nasundan pa ng dalawang beses. Kung hindi lang nga dahil sa mga bata ay baka hindi niya gustuhing lumabas sila si Jossa sa kanyang silid. Gusto niyang ba
Halos mapugto ang hininga ni Jossa dahil sa ginagawa ni Lemuel sa kanyang katawan. The mind-blowing sensation brought by what he's doing almost made her forget anything else. Ang tanging laman na lang ng isipan niya ay ang ginagawa nito na halos nagpabaliw na sa kanya."L-Lemuel..." She sucked in her breath as she felt his tongue touching the portal of her femininity. Mahigpit pa siyang napahawak sa bedsheet ng higaan nito. Kung sakaling nakatayo lang siya ay baka kanina pa nanghina ang mga tuhod niya dahil sa ginagawa nitong pagpapala sa kanyang pagkababae.Something was building inside of her. Damang-dama niya iyon sa kanyang kaibuturan at alam niyang napuna ni Lemuel na malapit na niyang marating ang sukdulan. But instead to continue so she can reach her climax, Lemuel stopped what he was doing. Lumipat ang mga labi nito patungo sa kanyang kanang hita at doon ay pinaulan ng halik ang kanyang balat. Sa kung ano mang kadahilanan ay para siyang nakaramdam ng kakulangan nang abandonahi
Marahang iginala ni Jossa ang kanyang paningin sa loob ng tinitirhan ni Lemuel. Pagkapasok sa loob ay agad na isinara ng binata ang pinto saka ito dumiretso sa kusina. Mula sa kanyang kinatatayuan ay nakita niya ang pagbukas nito ng ref at pagkuha mula roon ng tubig na nasa pitsel. Agad itong nagsalin sa isang baso at bago pa man uminom ay nagtanong pa muna ito sa kanya."Do you want to drink?"Umiling lang siya rito at nanatili lang sa may sala. Si Lemuel naman ay inubos muna ang tubig na nasa baso saka naglakad na pabalik sa kanya. Basta na lang din nito iniwan sa ibabaw ng lababo ang pitsel at basong pinag-inuman."Matagal ka na ba ritong nakatira?" usisa niya. Gusto niya lang na may mapag-usapan. Nababalot kasi siya ng pagkailang dahil sa kaalaman na silang dalawa lamang doon ni Lemuel. Mula nga sa shop na pag-aari ng binata ay doon na sila dumiretso."Ilang taon na rin," tugon nito. "Mas dito ko na piniling tumira. Katulad mo, gusto ko na rin lumayo sa Sta. Monica. Though, sinisi
"Are you sure about that, Miss Lodado? H-Hindi ka ba nabibigla lang sa pasya mo?" halos hindi makapaniwalang tanong kay Jossa ng abogado ng kanyang Daddy Eduardo. Kasama niya ito ngayon na sadyang nakipagkita sa kanya upang pag-usapan nila tungkol sa ilang mahahalagang bagay.Kasalukuyan silang nasa isang sikat na restaurant. Kaharap niya sa pagkakaupo ang matandang abogado habang katabi niya naman si Lemuel na hindi pumayag na lumakad siya nang mag-isa.Nang tawagan siya ng abogado ay agad siyang nagpasya na makipagkita rito. Ngunit sa halip na tanggapin ito bilang bisita sa inuupahan nilang apartment ay mas pinili na lamang ni Jossa na katagpuin ito sa ibang lugar. Hindi niya alam pero hindi niya gustong tumanggap ng ibang bisita sa bahay na inuupahan nila ng mga bata.When Lemuel learned about it, he initiated to come with her. Hindi na siya umangal pa. Alam niyang nag-aalala pa rin ang binata para sa kapakanan niya at nina Lianna at Darlene lalo na ngayong hindi pa rin nahahanap n
Maang na napatitig si Jossa kay Lemuel. Halos hindi siya makapaniwala sa mga sinabi nito. Nang makita ng binata ang naging reaksiyon niya ay mabilis itong humakbang palapit at agad na hinawakan ang kanyang mga kamay. Ramdam pa ni Jossa ang marahan nitong pagpisil doon."Makinig ka sa akin, Jossa," wika nito. "It's not what you think. I have no choice that time. Pinasok ko ang trabahong iyon kapalit ng pagtulong sa akin ni Alejandro na makalabas ng kulungan. He was my last resort.""G-Gaano ka katagal na nagtrabaho sa organisasyong iyon?" usisa niya."Maraming taon din, Jossa. Nahinto lang nang piliin ni Alejandro na tumiwalag sa organisasyon nila. Ang kanyang ama na muli ang namamahala niyon. Nang umalis siya sa grupo ay mas pinili kong mamuhay na rin nang tahimik. I started a shop just like what Tatay Simeon used to have when we were still in Sta. Monica. Iyon na lang ang pinagkakaabalahan ko ngayon.""Si... Si Trace? Parte rin siya niyon?""Ang aming ama ang mas naunang naging parte
"What do you mean? Wala na rito si Masha? Hindi na siya rito nakatira?" sunod-sunod na tanong ni Lemuel sa matandang babaeng kapitbahay lang ng dati niyang kasintahan.Sinadya niya ang bahay ni Masha upang komprontahin ito tungkol sa ginawang pakikipagtulungan kay Eduardo na muntik pang ikapahamak nina Jossa at Lianna. Bago malagutan ng hininga ang kinilalang ama ni Jossa ay nabanggit nito na si Masha ang dahilan kung bakit nito nalaman ang kinaroroonan ng kanyang mag-ina. At hindi iyon pupuwedeng palampasin ni Lemuel. Gusto niyang makaharap si Masha at papanagutin din ito sa ginawa.Kasama si Trace at dalawa sa mga tauhan ng kanyang kapatid ay pinuntahan nila ang apartment na tinutuluyan ni Masha. But sadly, wala silang dinatnan doon. Naka-lock na ang naturang bahay patunay na walang tao sa loob. Doon na siya nagtanong sa matandang babaeng saktong dumaan sa harap nila. Namumukhaan niya ito at alam niyang kapitbahay ito ng dati niyang kasintahan."Nang isang araw pa umalis si Masha da
"Kumusta ka na, Jossa? Halos isang dekada rin tayong hindi nagkita," masiglang bati ni Art kay Jossa isang umagang dumating sila sa bahay ng mga ito. Pagkarating na pagkarating sa Sta. Monica ay doon na sila dumiretso.Halos aligaga pa ang kaibigan ni Lemuel nang makita ang kanilang pagdating. Mabilisan nitong niligpit ang mga damit at laruang pambata na nagkalat sa pahabang upuan na gawa sa matibay na kahoy. Nang masigurong maayos na roon ay saka sila nito inayang maupo."Maupo kayo. Pagpasensiyahan niyo na dahil makalat," nahihiya pa nitong saad.Si Darlene ang unang pumuwesto sa upuan na sinundan naman ni Lianna. Lumingon pa muna siya kay Lemuel na tinanguan lang siya. Wari bang nag-uudyok itong maupo na siya katabi ng dalawang bata habang ito naman ay nanatiling nakatayo sa may hamba ng pintuan.Tulad ng napag-usapan nila ni Lemuel ay muli nga silang umuwi ng Sta. Monica. Kasama nila sina Lianna at Darlene na kapwa nasabik sa kaalamang babalik sila sa naturang bayan. Kahit kasi ma
Mabilis na kumilos si Lemuel. Agad niyang niyuko ang baril na kanina ay inilapag niya sa sahig. Kinuha niya iyon saka itinutok kay Eduardo. Gustuhin niya man itong gantihan dahil sa ginawang pamamaril kay Brix ay hindi niya agad nagawa. Nanlaki na lamang ang kanyang mga mata nang makitang itinutok din ng matandang lalaki ang baril na hawak-hawak nito kay Lianna na nang mga oras na iyon ay wala nang humpay sa kaiiyak."No!" malakas niyang sigaw kasabay ng pag-alpas ng takot mula sa kanyang dibdib. Isipin pa lang kung ano ang maaari nitong gawin sa kanyang anak ay labis nang nagpakaba sa kanya.Hindi niya naman magawang patamaan si Eduardo sapagkat sinadya ng matandang lalaki na iharang sa harapan nito si Lianna. Waring nahuhulaan nitong kukunin niya ang baril at gaganti ng putok kaya mabilis nitong hinatak ang kanyang anak.For the first time in his life, Lemuel felt that kind of fear as he saw Eduardo pointed the tip of the gun to Lianna's head. Nanlamig ang kanyang buong katawan nang
Sunod-sunod ang paglunok na ginawa ni Jossa habang marahan siyang naglalakad palapit sa isang napakataas na gate. Sarado iyon at dahil mataas din ang bakod ng buong solar ay wala siyang masilip sa loob. She knew the place. Nang bata siya ay minsan na rin siyang nakapunta roon.It was one of the properties owned by her parents. Nang umalis sila ng Sta. Monica ay doon muna sila unang tumuloy bago nanirahan na sa Maynila. The house was located somewhere in Laguna. Malaki iyon at halos naging bakasyunan lamang nila noon.Matagal na siyang hindi nakapupunta sa naturang lugar. Nang lumipat na sila sa Maynila, lalo na noong nagkasakit na ang kanyang ina, ay inakala niyang naibenta na ang bahay na iyon. Hindi niya na rin kasi naririnig na pinag-uusapan iyon ng kanyang Daddy Eduardo at Mommy Lucille. Ikagulat niya pa nang malamang doon dinala ng kanyang amain si Lianna. Hindi niya alam na pag-aari pa nito ang lugar na kinaroroonan niya ngayon.Ilang hakbang bago tuluyang makalapit sa gate ay d
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.