Share

CHAPTER 3

ISABEL

"Diyos kong bata ka, saan ka nanggaling at ngayon ka lang? pinag-alala mo ako ng husto!" nag-aalalang boses na iyan ni yaya Lorna ang agad na sumalubong sa akin pagkabukas na pagkabukas ko pa lang ng aming pinto.

Nilukob naman agad ako ng matinding kunsensya dahil hindi ko lang naririnig ang labis-labis na pagkabahala sa kaniyang boses kung 'di kitang-kita ko rin ang matinding pangamba sa kaniyang mukha dala ng pag-uwi ko ng ganitong oras gayong kagabi pa dapat akong nandito sa bahay.

"Anong nangyari sa 'yo? ayos ka lang ba?"

Bago niya pa mainspeksyon ang aking katawan ay naiunat ko na ang dalawa kong braso sa harapan.

"Wala pong nagyari sa akin yaya, ayos lang po ako," tugon ko na agad niyang ikinakunot-noo. 

"Kung gano'n bakit ngayon ka lang?"

Nagsimulang maglumikot ang aking mga mata kasabay ng pag urong ng aking dila kaya hindi na ako nagtaka nang bigyan ako ng suspicious na tingin ni yaya Lorna.

"Ija, ano ba talagang nangyari?" dahan-dahan akong inalalayan ni yaya na umupo sa munti naming sofa. "Ilang beses nagpunta rito si Ressa kagabi hanggang madaling araw, tararantang-taranta at hinahanap ka. Kaya ako heto, kagabi pa halos atakihin sa puso sa pag aalala."

Hawak-hawak ni yaya ang dalawa kong kamay kaya ramdam na ramdam ko ang panginginig niya. Lalo lamang tuloy akong nagi-guilty dahil habang naroon ako nakikipag a-ano sa hindi ko kilala ay heto sila't sobra-sobra ang pag aalala sa aking kalagayan.

"Maayos lang po talaga ako, n-nakatulog lamang ako sa isang kwarto roon dahil sa pagod," habang binibigkas ko ang mga salitang 'yan ay nanatili lamang akong nakayuko at hindi manlang nag abalang mag angat ng tingin.

"Ija," hinawakan ni yaya ang aking baba at dahan-dahan 'yong itinaas. "sanggol ka pa lang ay ako na ang nag aalaga sa 'yo. Sa tingin mo ba hindi ko alam kung kailan ka nagsasabi at hindi nagsasabi ng totoo?"

Napakagat labi na lamang ako. At wala pang dalawang minuto ay muli na siyang nagsalita.

"Sige, magkukunware akong naniniwala sa 'yo sa ngayon. Basta siguraduhin mo lang na walang nangyaring masama sa 'yo kagabi at may ibang bagay ka lang na ginawa na hindi mo pa kayang sabihin sa akin ngayon."

Kahit papaano ay nakahinga naman ako ng maluwag matapos ng aking narinig. Sumuko na lang siguro siya nang mapansing wala akong balak na sabihin ang totoong dahilan kung bakit ngayon lang ako nakauwi.

Ang swerte ko talaga at nagkaroon ako ng yaya na katulad niya. Wala siyang katulad. Kaya hindi ako masyadong nangungulila kay mommy Elina nitong mga nakalipas na taon dahil nariyan siya at tinupad talaga ang pangako niya noon na siya na ang bahala sa akin. Heto nga at kahit napaka hirap ng kalagayan namin sa paglipa-lipat ng tirahan ay hindi niya ako iniwan.

"Pumaroon ka na sa iyong kwarto at mag pahinga. Tulog na tulog pa ang iyong anak. Napagod iyon kahahanap at kahihintay sa iyo kagabi."

My poor baby.. I'm so sorry.

Pakiramdam ko tuloy napaka sama kong ina. Hindi ko manlang naisip ang anak ko kagabi at mas piniling magpakalunod sa init na pinaramdam sa akin ng kung sinumang lalaking iyon.

"Salamat po yaya," tanging naitugon ko na lamang.

Wala naman siyang sinabing iba pa at tumango lamang ng bahagya.

Pagpasok ng kwarto ay agad kong nilapitan si baby Watkins na mahimbing pa ring natutulog. Habang pinagmamasdan ito ay nilalamon na naman ako ng kunsensya dahil sa aking pinanggagawa kagabi.

Ilang beses akong humingi ng tawad sa aking isipan kahit alam ko namang walang magagawa 'yon dahil nangyari na ang dapat na hindi mangyari. Hanggang sa namalayan ko na lamang na may luha na palang tumulo sa aking pisngi kaya agad ko 'yong pinunasan gamit ang aking kanang palad.

Hindi rin naman nagtagal ay nagtungo na ako sa banyo upang maglinis ng katawan. At doon, nakita ko ang lahat ng bakas ng mga kaganapan kagabi. Hickies are all over my body.

The hidden parts at least na kahit papaano ay ipinagpapasalamat ko dahil hindi ko na talaga siguro alam ang gagawin kung sakaling lantad na lantad ang mga ito lalo na't nakadress lang ako.

I can clearly tell how rough my experience last night was just by looking at these love bites. Para akong pinapak ng malalaki at  gigil na gigil na lamok.

Ang mas nakakainis pa ay hindi manlang ako nakakaramdam ng pagsisisi sa anumang nangyari kagabi. I mean, yeah, nagi-guilty ako dahil pinag-alala ko ang mga mahal ko sa buhay but being regretful towards what happened last night ay wala akong kahit na kaunting nararamdaman.

Kahit kanina pang bumibyahe ako pauwi rito sa bahay kanina ay wala talaga akong makapang kahit na kaunting pagsisisi.

Which makes me feel like the most terrible mother and horrible human being.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status