Nagising ako nang makaramdam ako ng pag-ihi kaya bumangon ako pero nagulat pa ako dahil katabi ko si ate Rica nabaling pa ang tingin ko sa sahig dahil may ingay akong naririnig nang mapansin ko na may taong naka-higa sumilip pa ako kung sino. Ang kaibigan pala namin ni ate dito pala sila natulog nang hindi ko namalayan ang huling natatandaan ko lang nagpunta kami sa asawa ko hinatid pala niya ako dito sa bahay.Umusog ako at bumaba ng hindi masyadong nag-iingay dahil tulog mantika naman si ate hindi naman siya kaagad magigising. Lumabas na ako sa kwarto at naglakad pababa nakita ko pa ang bayaw ko natutulog sa tabi ng sofa nakahiga ito sa comporter. Nilampasan ko na lang at dumeretso ako sa banyo para umihi saka mag-hilamos na rin nang matapos nagpunta ako sa kusina kung saan nandoon ang ref para kumuha ng maiinom. Nag-tingin ako sa freezer kung ano ang pwede kong lutuin para sa tatlong bisita ko at sa dalawang anak ko.Malinis naman ang bahay kaya hindi ko kailangang mag-linis. Nag-
Umalis na kami sa set nang matapos ang taping inabot ang ginagawa namin ng alas-nuebe ng umaga kaya ihahatid nila ako sa Batangas at ang ibang gagawin ko ngayong araw ikakansela dahil wala pang kami tulog nauunawaan naman ng ibang director ang hiling ng manager ko. Isang taping lang ang gagawin ko ngayon mamaya pang alas-siete ng gabi malayo man ang byahe pauwi kailangan kong umuwi para makapag-pahinga ako kahit ilang oras. Nang dumating kami sa bahay nagtaka ako pagbaba namin na bukas ang ilaw ng labas nang bahay. Pinarada lang ng driver ang van sa labas dahil hindi naman mag-kasya sa loob ang van dahil nakaparada ang sasakyan ko. "May kasama ka bang ibang tao dito?" pagtatanong nila sa akin umiling naman ako kaya nagtaka ako binuksan ko na lang ang gate mula sa labas bago ako pumasok mula nang bumalik ako dito madalang na lang magpunta dito ang caretaker na inutusan kong mag-linis ng bahay kapag matagal akong hindi umuuwi. Pumasok ako sa loob at naka-amoy kami nang nilulutong ulam
"Wala ka bang work ngayon kahit sa studio?" tanong ko naman sa asawa ko. Umiling naman siya at bumangon na siya umupo na ako sa tabi niya naka-bihis na ako para magpunta sa taping. Dadaanan ako ng mga ka-team dito sa bahay huminga na lang ako nilingon ko naman siya nang magsalita siya. "May nag-bully na naman sa panganay mo at dahil sa kanya iba ang tingin ng mga schoolmate nila sa anak mo." seryosong banggit naman niya natigilan naman ako na-kwento na pala nang anak namin ang tungkol doon. "Sinabi ba ng anak mo sa'yo?" pagtatanong ko naman sa kanya nagbago rin ang tono ng pananalita ko. "Nagtaka ako nang kausapin ni ate ang anak mo nang makita niya ang itsura niya at nagbago ang pag-mumukha ni ate pagkatapos sila mag-usap tinanong ko nga ang bunso mo kung ano ang nangyari sa ate niya, sabi naman ng bunso mong anak na tanungin ko na ang panganay mo 'yon ang ginawa ko kaninang umaga hinatid namin siya sa school bago ko naman ihatid sina ate sa bahay nila." paliwanag naman niya a
Hindi talaga ako makapaniwala sa nakita ko kanina nang lumabas mula sa bahay na 'yon si Nikka kung saan lumabas si George hindi ako pinanganak kahapon para hindi ko mapansin ang tinginan nilang dalawa. "Hindi naman ako bulag sa nakita ko, anong meron sa inyong dalawa ni Nikka siya ba ang pinalit mo kay Karen?" sabat ng manager ko kay George. Natawa ang mga kasama niya sa loob ng van nagtaka ang manager ko sa mga reaksyon nila at hindi naman ako nagsalita nakatingin lang ako sa kanya. "Kung ano man ang iniisip nyo bahala na kayo dahil okay kaming dalawa ni Nikka at walang malisya ang PAGKAKAIBIGAN namin kahit matagal ng panahon na hindi kami nagkita at saka, elementary hanggang college mag-kakilala na kaming dalawa sabay kami na tumanda at nagkaroon ng pamilya." bulalas niya sa amin nakatingin lang ako sa kanya. "Kasi naman, manager nakita nyo lang na lumabas sa bahay iba na ang nasa isip nyo ni Karen masyado nang lumakbay sa ibang planeta nakakahiya naman kay Nikka sobrang bait
Nagpunta ako sa standby area ng mga boys may humarang pa sa dinadaanan ko inawat pa ako ng isa sa cast na kasama namin dahil masyado na akong pakialamera sa buhay ni Vhan."Para kang baliw, Karen mahal mo man siya ayaw na niya sa'yo marami pa dyan at makaka-hanap ka pa ng lalaking mamahalin ka." awat nila sa akin may humawak sa balikat ko at nalingunan ko ang manager ko at nasa tabi nito ang isa sa kasama ko na umiiling na lang.Hinaltak naman nila ako palayo at nakakarinig ako ng mga bulungan mula sa mga taong kasama namin."Ako ang nahihiya sa ginagawa mo, Karen iwas na iwas sa'yo si Vhan mula nang magkasama kayo sa van niya hindi na kayo katulad ng dati." sabi ng manager ko umalis sa gilid ng van ang mga taong nakatayo doon ng paalisin sila ng personal assistant ko."Gus—" putol kong sabi nang magsalita ulit ang manager ko."Hindi ko rin alam kung sino sa inyo ang nagsasabi ng totoo, Karen dahil sa nakita natin kanina hindi ako bulag sa tinginan nila ni Nikka, baka ex-girlfriend ni
Nakatanggap ako ng video call sa asawa ko at sinabihan niya ako na hindi siya makakabalik ng Manila dahil malakas ang ulan sa kanilang lokasyon.Nag-text naman ako sa mga anak ko gagabihin ako ng uwi sa townhouse. "Bumabagyo nga daw sa lugar na sinabi mo," bungad ng kaibigan ko at narinig namin ang sinasabi ng balita sa TV.Napalingon ako sa TV at nakinig naman ako ng balita inabutan naman niya ako ng alak."Ihahatid kita sa inyo mamaya," bulalas ng kaibigan ko at na-kwento ko sa kanya ang nangyari.Sinabihan niya ako kanina na siguradong nag-hihinala si Karen sa nakita niya sa dating bahay."Wala naman akong pakialam dahil wala naman kami tinatago sa kanya ang hindi lang namin nilalantad ang katotohanan na mag-asawa kaming dalawa at ako ang Mama nina Riko at Gen." pahayag ko."'Yon ang tinatago nyo sa kanya, at 'yon din dahilan para gumawa siya ng eskandalo kapag nalaman niya 'yon." sagot sa akin ng kaibigan ko umirap na lang ako sa kanya.Tumungga naman ako ng baso na may laman na
After 17 yearsBabalik ako nang may karangalan nakuha sa ibang bansa kaso ang kapalit naman nito ang pagkawala ng communication ko sa pamilya ko."Hindi ka ba masaya na babalik ka sa bansang sinilangan mo?" tanong ng kaibigan kong modelo."Masaya ako.." sagot ko na lang sa kasamahan ko."Parang hindi naman, friend wala ka na sa industriya ng pag-momodelo naging instructor ka na lang nila." tukoy nito sa mga kasama naming modelo.Pagkatapos ng kontrata ko sa agency kung saan ako naging modelo kinuha nila akong instructor para sa mga baguhan."Sinabi mo na ba sa magulang mo na nakabalik ka na sa Pilipinas?" tanong nito habang kinukuha namin ang mga maleta sa umiikot na machine."Wala na ang magulang ko ang nabubuhay na lang ang mga kapatid ko," sabi ko na lang at kumuha ako ng cart bago nilagay ang maleta."Kung nag-asawa ka lang noon paniguradong may kasama kang uuwi sa Pilipinas," biro nito sa akin hindi naman ako nakasagot sa sinabi niya.Ang pamilya ko lang ang nakakaalam ng totoong
Miss na miss ko na kayo mga anak...Niyakap ko na lang ang mga anak ko at kumain na kami sa dining area."Kamusta na kayo?" tanong ko sa mga anak ko nakatingin ako sa kanila."Mabuti naman kami, Mama, kayo?" tanong ng bunso ko."Hindi ako okay, dahil sobra ko kayo iniisip ko kung okay lang ba kayo dito." sabi ko."Sensiya mga pamangkin kung hindi ko binigay ang cellphone number ng Mama nyo kapag nalaman nilang may kontak kayo sa Mama nyo hindi na kayo makakapunta dito," sabat ng ate ko sa mga anak ko."Saan ba kayo nakatira?" tanong ko sa mga anak ko nang balingan ko sila ng tingin."Kay Papa, Ma nagsasama na sila tita Karen sa isang subdivision kaya kami nandito dahil nasa ibang bansa sila ngayon." sabi ng anak ko."Pwede ba na dumito kayo ng tatlong linggo?" tanong ko sa mga anak ko nagka-tinginan naman sila."Magpapaalam pa kami sa kanila, Mama kasi gusto nila na isang linggo lang kami manatili kay tita." sabi ng anak ko sa akin."Kalat na siguro sa labas nakabalik ka na, Nikka at