Share

Chapter 16

Hatinggabi na nang maihatid siya ng binata sa dorm. Tahimik na ang paligid at walang ibang tao sa labas kun’di ang mga gwardiya na nasa hindi kalayuan ng school na malapit sa dorm. Mula sa gate ay may naka-assign din na isang gwardiya roon, kaya naman panatag ang loob niya kahit gabihin sila ni Carl kapag may raket sila.

“Did you enjoy the night?” narinig niya nang bubuksan na nito ang pintuan ng sasakyan. Yakap niya ang malaking teddy bear na nakuha nila sa games.

“Opo. Salamat po sa pagpasyal sa akin dito kahit sobrang busy mo,” matipid na wika niya.

“Maliit na bagay. Hayaan mo lagi kitang ipapasyal sa buong bayan para mapamilyar mo na din.” Tinanggal nito ang seatbelt at lumabas saka siya pinagbuksan ng binata.

“Dapat hindi ka na bumaba. Kaya ko na ito. Baka may makakakilala sa iyo dito.” Luminga siya sa paligid pero hinila siya nito papasok ng gate.

“It’s late in the evening, walang makakakita sa atin,” wika nito saka kinuha ang susi na hawak niya at binuksan ang pinto ng dorm.

“S
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status