Share

Chapter 45

Mabilis na naubos ang paninda ng tiya niya hindi pa man sumikat ang araw. Ipinagpaalam siya ng binata rito na mamasyal sa paligid ng isla gamit ang yate.

“Mag-iingat kayo at bumalik agad, hijo. Baka biglang lumakas ang dagat dahil patanghali na. Sa tanghali ngayon nataas ang tubig.”

“Opo. Tatabi naman muna po kami kapag malakas na ang amihan,” sagot ng binata.

Tumango si Tiyang Alice. “Sige na. Matatakutin pa naman sa dagat ang batang iyan.”

Ngumiti rito si Skye. “Huwag po kayong mag-alala, ako na po ang bahala sa kaniya.”

“Teka . . . Hindi ba muna kayo kakain?” tanong nito.

“Nagkape na po ako kanina at suman.”

Tumingin sa kaniya ang tiya niya. “Isabella, igayak mo ang ibang suman diyan para kapag nagutom kayo, p’wede ninyong makain.”

Tumango siya at nagpaalam na rito.

Tinungo nila ni Skye ang yate. Napansin niya na wala ang mga bodyguard nito.

“Let’s go, babe!” yaya nito habang nakahawak sa kaniyang kamay.

“Teka! Aalis tayo na wala kang kasamang bodyguard? Saka, sino ang magpapatakb
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status