Erhart received a call from unknown person and warned him to stop his plan. Ang tinutukoy nitong plano ay ang patuloy na pagsuway sa kaniyang ama. Kailan lang siya naging masaya dahil kay Sarah ‘tapos heto na naman ang problema niya. Parang wala na siyang karapatang maging masaya dahil may kapalit ‘yon.
Sinubukan niyang sundin ang kagustuhan ng ama na kumuha ng kursong Political Science. Okay naman ang unang dalawang taon niya sa kolehiyo pero ang mga sumunod na semester ay naging bangungot na para sa kaniya. Napabayaan niya ang pag-aaral dahilan upang bumagsak siya sa ibang subjects. Naka-graduate na dapat siya kung hindi siya nagloko.Hindi niya ‘yon gustong mangyari pero nagsawa na siya sa pagdidikta ng kaniyang ama kung ano ang dapat niyang gawin at hindi. Wala na siyang ginawa kundi ang sundin ang lahat ng gusto nito kahit labag ‘yon sa kaniyang kalooban pero may hangganan ang lahat.
Na
Salamat po sa pagbabasa. Pasensiya na po at hindi po agad ako nakapag-update. Sobrang busy lang po talaga sa trabaho. Susubukan ko pong mag-updte every Wednesday. Salamat po. Sana i-add niyo to sa library at i-vote. Puwede rin pong mag-comment. Thank you!
(Hindi na nagbibigay ng pera ang nanay mo. Balita ko mayroon kang magandang trabaho. Kailangan namin ng pera.)Nangunot ang kilay ni Sarah sa text mesasage na natanggap mula sa hindi kilalang numero. Hindi ‘yon ang unang beses na nakatanggap siya ng ganoong mensahe kaya inignora niya lang ‘yon. Baka wrong sent lang. Pero nitong mga nagdaang araw, napansin niyang madalas na siyang nakakatanggap ng mensahe mula sa parehong numero na ‘yon.Buburahin na sana niya ang message nang biglang may nag-text, ‘yon din ang numero na gamit.(Pupuntahan kita kapag hindi mo ako pinadalhan ng pera.) Banta ng nag-text. Nag-text din ito kung kanino ipapadala ang pera. Ano ‘to, sinusuwerte? Napagdesisyonan ni
“Huwag mong ilagay riyan!” Napakamot si Sarah sa kaniyang ulo nang pilit na isiniksik ni Erhart ang ham sa fridge. Paano naman kasi magkakasya ang apat na pirasong hamon sa loob ng maliit na refrigirator lalo pa’t may iba pang nakalagay roon? Nagbigay na ng pamasko ang company nila kaya umuulan ng hamon. “Tanggalin mo muna ‘yong mga bote ng tubig at ilipat mo sa baba, bago mo ‘yan ilagay.”“E ‘di na gaanong malamig ‘yong iinumin nating tubig.”Nagpapalamig ng tubig ang nobyo gamit ang kanilang ref dahil wala naman ito no’n at doon na rin ito kumakain sa kanila. Kulang na lang ay sa kanila ito tumira. Wala naman siyang reklamo dahil nagbibigay ito ng pang budget kahit hindi naman niya hinihingi at kung minsan ay naggo-grocery din iton.“Pagtiyagaan mo muna ‘yong hindi nagyeyelong tubig. Tubig pa rin naman ‘yon at nakakapawi pa
Pagkaalis na pagkaalis ng mag-ina ay agad na tinawagan ni Sarah si Remi. Tiyak na makakakuha siya ng impormasyon mula rito, pero bigo siya. Hindi raw nito kilala ang mga ‘yon. Halos hindi siya makatulog sa kakaisip sa nangyari. Mabuti na lang at Christmas break na nila sa school kaya kahit papaano ay nakahabol pa siya ng tulog.Iyon nga lang, hindi siya makapag-focus sa trabaho. Mainit din ang ulo niya kaya mabilis siyang mairita. May napagalitan siyang agent kanina at maging ang kaniyang nobyo ay nasusungitan niya.“You look bothered,” puna ni Erhart habang nakatitig sa kaniyang mukha. “Is there something wrong?”Umiling siya ngunit hindi ito kumbinsido. Nagdududang tingin ang ipinukol nito sa kaniya. “Wala nga.”“You don’t have to deny it. Sinabi na sa akin ni Jessica,” anito sa nag-aalalang tinig. “Bakit hindi mo man lang ako ginisi
Napatingin si Sarah sa relong-pambisig. Tatlong minuto na lamang ang nalalabi at malapit na siyang mag-out sa trabaho. Atat na atat na siyang umuwi, maging ang buong team niya dahil rest day na nila. “Sarah.” Nabaling ang kaniyang tingin kay Pia, ang operating manager niya. Nagtatrabaho siya bilang team manager sa isa sa pinakamalaking call center sa bansa. “OM.” Alanganin itong ngumiti at napakamot sa ulo. Nahulaan na niya kung ano ang pakay nito sa kaniya. “Don’t push your luck, OM. I’m going home.” Ang tinutukoy niyang ‘home’ ay sa Rizal. Once a month siya kung umuwi sa probinsya upang bisitahin ang kaniyang mga tiya. Nangungupahan siya sa isang apartment malapit sa pinagtatrabahuan niya sa Quezon City kasama ang kaibigan niyang si Jessica kaya madalang siyang umuwi roon. Napairap ito. “I didn’t say anything but you refused right away.” “
Ipinasyal ni Ian ang nakababatang kapatid na babae sa park ng exclusive subdivision kung saan nakatira ang kaniyang pamilya. Paglabas niya sa trabaho ay doon siya dumeretso. Ika-labing-isang kaarawan ni Arianne sa susunod na linggo, pero sa araw na ‘yon niya nagpagpasyahang i-celebrate ang birthday nito.Naghanap siya puwesto kung saan siya puwedeng maglatag ng picnic mat. Ilang oras na lamang at malapit nang lumubog ang araw pero pinili niyang pumuwesto sa ilalim ng manga. Presko sa pakiramdam ang lilim na hatid ng punong-kahoy na ‘yon. Gusto niya sanang ipasyal sa mas maganda at magarang lugar ang kapatid subalit hindi niya magawa dahil wala siyang sapat na pera. May posibilidad din na hindi siya pahintulutan ni Sonia dahil ikagagalit ‘yon ng kaniyang ama.Mahigpit ang kaniyang ama pagdating sa seguridad ng kapatid at naiintindihan niya ‘yon. Napapayag niya lamang si Sonia dahil sa paglalambing ni Arianne at sa isang ko
Sinundan ng tingin ni Sarah si Jessica, ang kaibigan niya. Para itong pusa na hindi matae, panay ang labas-pasok nito sa bahay. Nahihilo siya habang pinagmamasdan ito. “Jessica, puwede bang pumirme ka sa isang tabi?” Nakabalik na siya mula sa Rizal. “Ano bang dapat na ibigay ko sa kanila?” wala sa loob na tanong nito. Nagsalubong ang kaniyang kilay. “Regalo ba ‘yon? Para kanino?” “Ngayon lilipat ‘yong bago nating kapitbahay. Gusto ko sana silang bigyan ng kahit na ano para ma-feel nilang welcome sila rito.” Sa pagkakataong ‘yon ay umarko naman ang kaniyang kilay. “Kailan ka pa nag-abala na i-welcome ang bagong boarder ni Aling Nena?” Walang nagtatagal na boarder ang matandang babae dahil napakasungit nito. Sanay na sila na buwan-buwan na may umaalis at dumarating na nangungupahan. Nagtataka siya kung bakit gusto pa itong i-welcome ni Jessica. “For a ch
Inagahan ni Sarah ang pagpasok sa trabaho. Iniiwasan niyang makasabay sa paglalakad ang bagong kapitbahay dahil nahihiya siya sa nangyari. Naging mapanghusga siya at hindi niya ito hinayaang magpaliwanag. Dapat ba siyang humingi ng tawad? “Pero, bakit naman ako mahihiya? Wala naman akong ginawang masama!” iritadong wika niya. Natural lang naman na pag-isipan niya ito nang hindi maganda dahil sa pagsunod-sunod nito sa kanya. “Hindi ako magso-sorry!” “Miss, kung ayaw mong matulog, huwag kang maingay!” sita ng kung sino mang naistorbo niya sa pagtulog. Madilim sa sleeping quarters kaya hindi niya makita ang mukha ng sumita sa kanya. Doon siya nagpalipas ng oras dahil maaga pa, pero hindi naman siya makatulog. Sobrang lamig doon, para siyang nasa loob ng chiller. “Sorry.” Nagpasya siyang lumabas para hindi makaistorbo sa iba. Binuksan niya ang cell phone at ang liwanag na nagmumula roon ang nagsilbi
Bumalikwas ng bangon si Sarah. Nagising siya sa ingay na nagmumula sa ibaba ng bahay. Dinig na dinig niya ang boses ni Jessica at ng lalaking kausap nito. Napagpasyahan niyang bumaba. Nasa kalagitnaan pa lang siya ng hagdanan ay nakita na niya ang kakuwentuhan ng kaibigan. Tumikhim siya upang ipabatid ang kaniyang presensya. “Uy, gising ka na pala!” masiglang wika ni Jessica. “Nakapagluto na ako ng hapunan.” “Ang ingay n’yo kasi,” reklamo niya. Masuwerte ang mga ito dahil wala siyang pasok sa gabing ‘yon kaya palalagpasin muna niya ang pag-iingay ng mga ito. “Maliligo lang ako ‘tapos kumain na tayo.” “Okay.” Bumalik siya sa taas upang kumuha ng towel at damit na pamalit. Maliit lang ang apartment na ‘yon at isa lang ang banyo. Pagbaba niya ay nandoon pa rin si Erhart at prenteng nakaupo sa sofa. Nilagpasan niya ito na parang wala siyang nakitang tao. Binilisan niy