Magdadalawang linggo nang hindi nakakapunta sa site si Miles dahil sa opisina lamang siya namamalagi. May nais kasing ipadagdag ang kliyente nila sa outside structure ng building at sa interior nito na siyang tinutukan niya. Sandaling nakalimutan niya ang taong halos buong araw na nakikita niya noon at panay na nangungulit sa kan'ya na si Jeffry."Break time na muna, madam!" pukaw sa kan'ya ni Jemma na noo'y nakatayo na pala sa kanyang tagiliran ng hindi niya namamalayan na lumapit pala sabay tapik sa kanyang balikat. Mabilis naman siyang nag-angat ng tingin at diretsang itinuon ang mga mata sa kulay puti at hugis bilog na wall clock na nakasabit sa itaas na bahagi ng dingding na nasa kanyang harapan mismo. Saka lamang niya napagtanto na alas-onse y medya na pala."Oy! Lunch break na naman? Ang bilis ng oras, ah! Parang kakakain lang natin kanina tapos ngayon ay kakain na naman ulit." Tumayo siya at nag-inat lalo na sa nangangawit niyang likod at batok."Sino bang makakapansin sa ora
Halos tumigil sa pagtibok ang kanyang puso maging ang pagpitik ng kanyang pulso nang huminto ito sa kanyang tagiliran, kaya ang resulta ay patagilid din siyang nakatingala kay Jeffry habang maang na nakamasid sa ikinikilos nito.Mas lalo siyang nangilabot nang yumuko ito habang itinukod ang magkabilang kamay sa kanyang lamesa. Nang mapantayan ang kanyang mukha ay mariin siyang tinitigan nito kaya bahagya siyang nailang sa lapit ng kanilang mga mukha."T-teka lang, pag-usapan natin nang maayos 'to." Kabado at nauutal niyang reklamo sa kaibigan. Hindi na niya mawari ang sarili kung bakit ba iyon ang kanyang nasabi. Hanggang sa nanigas na ang kanyang leeg sa mga oras na iyon dahil sa pagpilit niyang iatras ang kanyang ulo upang mas lumawak pa ang distansya ng kanilang mga mukha. "Are you mad at me? As far as I can remember, wala naman yata akong ginawang kasalanan sa iyo kanina."Sandali siya nitong tinitigan sa mga mata na lalong mas nagpailang sa kan'ya. Pagkaraan ng ilang segundo ay b
Alas otso na ng gabi at kasalukuyan silang nanunuod ng telebisyon ni Jemma sa sala nang biglang tumunog ang door bell. Mabilis namang tumayo si Jemma upang silipin kung sino ang nasa labas. Rinig niya mula sa kinauupuang sofa ang malakas na boses nito sa labas na halatang nasorpresa sa taong napagbuksan ng gate.Lihim siyang napangisi. Ito ang plano niya bilang pambawi kay Jeffry. Pinagbigyan niya ito sa request nitong bonding nilang tatlo at dahil matalino siya ay sa apartment nila ito gagawin. Siguro naman ay wala nang rason si Jemma upang makaalis o maisahan siya sa pagkakataong ito."Hi! Bumili na ako ng mga ito para hindi na tayo lalabas pagdating ko rito," bati sa kan'ya ni Jeffry at ipinakita ang bitbit nitong plastic na may laman ng mga bote ng alak at iilang mga junk foods bilang pulutan."Boyscout na boyscout tayo ngayon, ah!" sagot niya rito nang nakangiti. "Kumain ka na?" tanong naman niya. Baka kasi sasalang ito sa inuman nang walang laman ang tiyan. May tira pa naman sil
“Heronsiya!” Napakislot si Miles nang marinig ang umalingawngaw na tinig ng kanyang ama na si Rodulfo sa buong kabahayan. Sinilip niya ito mula sa maliit na butas ng kanilang dingding at kitang-kita niya ang paekis-ekis nitong paglalakad palapit sa kanilang maliit na tahanan. May bitbit itong bote ng alak at pulang-pula na ang mukha dala ng kalasingan.“Anak dito ka lang, ha? Huwag na huwag kang lumabas ng kwarto pagpasok ng tatay mo, maliwanag ba, Miles?” Nagsimula nang mangilid ang luha ng kanyang ina habang masuyong hinimas ang kanyang maliit na mukha.Tanging tango na lamang ang kanyang naitugon dito sapagkat nagkumahog na itong lumabas upang salubungin ang lasinggero niyang ama. Sa edad na walo ay mulat na si Miles sa pang-aapi ng kanyang ama sa kanilang mag-ina. Araw-araw itong umuuwing lasing mula sa sugalan kaya walang gabing hindi sila umiiyak ng nanay niya dahil mas lalo itong nagbubuhat ng kamay sa kanila kapag lasing at natalo sa sugal.“R-Rodulfo,” kinakabahang sambit ng
Katatapos lang niyang mag-lunch break nang tawagan siya sa telepono ng kanilang Executive Director na si Sir Vince. Pinapaakyat siya sa opisina nito sapagkat may mahalaga raw itong sasabihin sa kan'ya. Mabilis ang kilos na tinungo niya ang elevator at pinindot ang numerong siyam. Nang marating niya ang palapag na kinaroroonan ng opisina nito ay agad niyang tinungo ang pinto na may nakapaskil na Executive Director's Office. Kumatok siya ng tatlong beses at pinihit ang siradura nang marinig ang sagot nito mula sa loob. Pagpasok niya ay nadatnan niya itong nakaupo sa harap ng computer.“Magandang umaga po, Bossing.” Nakasanayan na niyang tawagin itong gano’n, na siyang nais naman nito sapagkat ayaw nito ng masyadong pormal.Bahagya nitong itinaas ang tingin sa kan’ya at ngumiti. “Oh, ikaw pala iyan. Please have a sit, Arch Muñoz.” Arch for Architect. Umayos ito ng upo. "Salamat po.” Tumalima siya at umupo nang nakade-kwatro. Sa ganoong porma kasi siya komportable at hindi na rin siya n
Nagsimula na silang magtrabaho. Tiniis niyang hindi ma-distract sa kagwapuhan nito. He's too catchy to be ignored yet she managed to keep her distance from him. Natawa pa siya dahil nagmukhang linta si Jemma sa kaaaligid dito. Minsan naman ay naiinis siya sa tuwing nagpakawala ito ng napakatamis na ngiti sapagkat nahihirapan siyang iiwas ang kanyang tingin lalo na sa mapula at mamasa-masa nitong labi.Her heart pounds so fast everytime he's near especially when she smells his manly scent. God knows how it drives her mind crazier. Naghuhurumentado naman ang puso niya sa mga pagkakataong inilalapit nito ang mukha sa kan’ya kapag may ipinapakita ito sa hawak na bondpapers. Tuloy, nadedemonyo ang kanyang isipan dahil hindi maiwasan ng kanyang mata na mapagawi sa kumikibot nitong labi.Nagliligpit na sila ng gamit nang magtanong ang assistant niya. “Miss Miles, saan tayo magdi-dinner mamaya?” “Doon na lang tayo sa sikat na beach dito, Jem. Ang alam ko maganda raw roon ‘pag gabi dahil may
Dahan-dahan siyang tumingala sabay pakawala ng hilaw na ngiti na sa kanyang palagay ay nauwi pa nga yata sa ngiwi.“H-hi, Engr. Villafuente. Narito ka rin pala. Please have a seat!” Tang’na, huwag kang umupo! Ngunit nadismaya siya nang mabilis nitong inupuan ang isang silya na sa katabi pa talaga niya.“So glad na narito din pala kayo. At least hindi na pala ako mabo-boring habang umiinom.”‘Boring mong mukha mo! Sa bilis mong makadakma ng mga babae, mabo-boring ka pa sa lagay na iyon? Utot mo, Jeffry!’ “Same,” tanging sagot na lang niya. Paano ba siya makakaalis sa mesang ito ngayon? Habang nag-iisip kung paano makalalayas ay bigla na lamang nagpaalam si Jemma na may kukuyuging Afam. Halos sabunutan niya ito sa labis na inis. Ngayon ay obligado pa tuloy siyang samahan si Jeffry sa mesa kahit atat na atat siyang iwasan ito.“Good luck, Jem!” sigaw ni Jeffry sa assistant niya. Aba’y supportive din sa kalandian ang hinayupak na ‘to!Panay lang siya sa pag-inom. Wala rin siyang balak na
Ilang araw pa lang ang lumipas mula nang nagkakilala sila ni Jeffry pero sa inakto nito ay tila close na close na sila nito pati na kay Jemma. Napailing siya para sa sarili. Naiinis pa rin siya sa katotohanang unang araw at unang gabi pero nakuha na kaagad nito ang first kiss niya. Ang lalaking ito lang ang nakagagawang gibain ang pader na kanyang ginawa sa loob ng ilang taon para sa mga lalaki. For the first time.‘Pambihira ka, Miles. Ang rupok mo, ‘di mo man lang sinampal nang makabawi ka man lang sa dignidad mo,’ lihim niyang kastigo sa sarili. Pero paano nga ba niya magagawa ang litanya ng kanyang utak gayung sarap na sarap nga siya at nalulunod sa galing ng lalaking iyon na humalik? Idagdag pa ang kakaibang karisma na taglay nito.Jeffry is quiet good in talking and negotiating people. His jolly movements and sweet reactions specially his smile makes it all perfect. Gaya ngayon, lihim niyang binantayan ang bawat galaw nito habang masayang kinakausap ang assistant niya. Watching