IZZY'S POINT OF VIEWIbang-ibang Karson na Ang kaharap ko ngayon. Napaka lamig na ng tingin Niya sa akin. Hindi ko naman sya masisisi kung bakit na naging ganito na sya sa akin. Totoo ngang Walang lihim na Hindi na bubunyag pero Hindi ko naman ginusto na ilihim ko ito ng ganitong katagal pero kahit saan Banda pa ring tignan. Naging mahina ako at naging duwag. Ngayong sukol na ako ay Wala na. Imbis na bumalik Ang pagmamahalan namin ni Karson ay lalo lang nawala. Ngayon, nanlilimos na ako ng awa sa kanya. Pumasok sya sa loob ng mansyon nang Hindi naisasarado ng maayos Ang aming pag-uusap. Nasa loob si baby Zion kaya pumasok na rin ako. Sinundan ko si Karson at patuloy lang ako sa paghingi ng tawad.Habang nakasunod ako sa kanya ay muling nanumbalik sa akin Ang mga ala ala namin sa mansyon. Kung pwede lang bumalik sa nakaraan, itatama ko Ang mga mali Kong desisyon kaso huli na, Galit na si Karson. "Karson, sandali! Mag-usap tayo, kausapin mo ako, please?" Para syang walang naririnig.
SIMULA..."Bitawan niyo ko! Wala akong kasalanan sa inyo!" sigaw ni Izzy habang pilit na kinakalas ang tali sa kaniyang kamay."Papakawalan ka lang namin kapag umamin ka na sa amin. Saan nagtatago ang ama mo!?" wika ng lalaking nakamaskara."Hindi ko alam, hindi pa siya umuuwi sa amin." sagot niya.Halos matabingi ang kaniyang mukha ng bigla siyang sampalin nang malakas ng lalaking nakamaskara."Sinungaling!"Bakas niya sa tono ng boses nito ang matinding galit ngunit ang hindi niya maintidihan ay kung bakit siya ang ginigipit nito gayong matagal na rin niyang hindi nakakasama ang kaniyang ama."Kahit patayin niyo pa 'ko rito, wala kayong makukuhang impormasyon sa akin." matapang niyang sabi."Ahh, gano'n? Sige tignan lang natin." wika ng lalaki na tila nagbabanta."B-bakit? Ano'ng gagawin mo?"Halos manigas si Izzy sa kaniyang inuupuan dahil sa banta ng lalaki. Wala na siyang magawa kun 'di pumikit na lamang at manalangin."Diyos ko po, kayo na po ang bahala sa 'kin." dalangin niya s
"Karson, honey, pakinggan mo si Luna oh, marunong ng magsalita.""Papa!""Wow! Ang galing naman ng baby Luna ko. Sabihin mo nga ulit, papa.""Papa!""Honey, ang galing mo talagang magturo sa anak natin."Mapait na napangiti si Karson matapos marealize na panaginip lamang pala na kasama niya ang kaniyang mag-ina. "I miss you honey," wika niya sa larawang nakasabit. Anim na buwan na ang nakalipas ngunit sariwa pa rin kay Karson ang lahat.Hindi niya mapigilan ang hindi umiyak. Miss na miss na niya ang kaniyang mag-ina at labis siyang nalulungkot tuwing maiisip na hindi na niya ito muling makakasama."Honey, gusto ko ng mamatay! Miss na miss ko na kayo ni Luna." hagulgol niya habang kunakausap ang larawan ng kaniyang asawa.Pakiramdam ni Karson ay wala ng silbi pa ang mabuhay. Nilamon na siya ng galit at poot sa kaniyang puso at minsan ay sinisisi niya ang kaniyang sarili dahil kung bakit hinayaan niyang si Mang Caloy ang magmaneho ng gabing iyon.6 months ago."Oh, mang Caloy, napatawa
Karson's point of viewSinubukan kong tumawag sa mansyon upang ipaalam kay Izzy na uuwi ako sa tanghali at doon manananghalian ngunit nakakailang tawag na ako ay hindi ito sumasagot."Hindi kaya tumakas na siya?" sa isip-isip ko. Nakalimutan ko kasing ibilin sa guard na huwag palalabasin ng villages si Izzy.Dahil hindi ko siya makontak ay dali-dali kong tinapos ang aking gawain sa office para agad na makauwi.Habang nagliligpit, ay bigla kong naalala na may CCTV nga pala ako sa bawat sulok ng mansyon. Sa pamamagitan no'n ay madali ko siyang mamomonitor."Fuck! ano bang ginagawa niya?" gulat na wika ko habang pinapanuod siyang naghuhubad.Agad napako ang aking paningin sa ganda at kinis ng kaniyang katawan. "Ughhh!" saway ko sa aking alaga ng bigla itong manigas. Ang mga suso niya ay bilog na bilog at tila nang aakit. Alam kong mali itong ginagawa ngunit hindi ko mapigilan ang aking sarili na pagnasahan ang katawan ni Izzy.I enjoy watching her wearing her two piece undies but one th
Kinabukasan,Maagang gumising si Izzy upang maghanda ng almusal. Naisip niyang mag-saing dahil ayaw ni Karson ng tinapay ang almusal."Hamsilog with black coffee for the win!" masiglang wika niya habang naghahain.Sakto naman na pababa ng hagdan si Karson kaya agad niya itong niyaya."Sir, nakahanda na po 'yung almusal."Hindi siya kinubo ng kaniyang amo at dire-diretso lang itong nagtungo sa lamesa.Nang makita ni Izzy na nagsisimula na itong kumain ay agad siyang pumunta sa kaniyang kwarto upang magpalit ng damit pang eskwela. Matapos magbihis ay kinuha niya rin ang kaniyang bag at isinukbit iyon sa kaniyang likuran. "Nasaan na 'yun? Nandito lang 'yun kagabi." Halos mahilo na si Izzy sa kakahanap ng kaniyang essay ngunit hindi pa rin niya ito makita. Deadline na kasi ng pasahan nila ngayon at tiyak na babagsak siya kapag hindi niya ito naipasa."Sino kaya ang gumawa nito?" mangiyak-ngiyak niyang sabi nang makita niya ito na nasa basurahan.Wala naman silang ibang kasama rito sa m
Izzy's point of viewHindi ko maintindihan ang ipinapakitang ugali sa 'kin ni sir Karson. 'Yung tipong hindi ko masabi kung mabait ba siya o hindi.Paano ba naman kasi, kung pagsalitaan niya ako ng kung ano-ano ay gano'n na lang.Wala siyang puso! Kung maliitin niya ako ay akala mong kung sino siyang perpekto.Sa isang banda ay pasalamat pa rin ako, kung hindi dahil sa pagtanggap niya sa akin bilang katulong ay malamang palaboy-laboy na ako ngayon sa lansangan."Nasa'n ka na ba 'tay? Ano ba ang totoong nangyari at bakit kinailangan mong magtago? Totoo bang pinatay mo ang mag-ina ni sir Karson?" halos mapuno na ng luha ang kabibili ko lang na yellow pad dahil sa kakaiyak.Miss na miss ko na kasi ang aking itay at maraming bagay ang gumugulo sa aking isipan. Mga tanong na tanging si itay ko lamang ang makakasagot."Ehemmm!!" wika ng isang pamilyar na boses.Mula sa pagkakadukdok ay dali-dali akong nag-angat ng mukha."Sir Jay!!" gulat kong sambit sa kaniyang pangalan. Paano ba naman ay
Karson's point of viewDahil ngayon lang kami ulit nagkasama ng aking kababata na si Billy ay masyado kaming nalibang sa aming pagkwe-kwentuhan. Marami kaming napag-usapan na tungkol sa mga buhay-buhay namin pati na rin sa mga negosyo.Kahit na gusto ko pa sanang makabonding siya ay kailangan ko nang magpaalam dahil mayroon pa akong kailangang sunduin."Brad, pasensya ka na, may importante pala akong appointments ngayon, i have to go." pagsisinungaling ko, i can't believe na heto ako ngayon at nagsisinungaling. Ayoko naman kasing aminin sa kaniya na katulong ko ang susunduin ko. Nakakahiya.Nagmamadali kong iniligpit ang aking mga gamit at mabilis na tumayo. "Magkita na lang ulit tayo sa ibang araw."Sinubukan kong umarte ng normal at propesyonal na isinalansan sa attachecase ang aking mga gamit."Seriously? Hindi yata ako maniniwala sa 'yo na appointment 'yang pupuntahan mo. Umamin ka nga, babae 'yan noh?" natatawa niyang sabi."Brad, meeting ang pupuntahan ko, anong babae ka d'yan?"
Warning: Rated SPGPasado alas-kwatro na ng hapon nang marating ni Karson ang lugar na sinasabing pinagtataguan daw ni mang Caloy.Masukal at magulong lugar ang kaniyang mga dinaanan bago niya narating ang eskinita na papasok sa inuupahan nitong bahay.Tanging sarili lamang niya at isang baril na nakasuksok sa kaniyang likuran ang tanging dala-dala ni Karson nang pasukin niya ang nasabing bahay."Mang Caloy, Lumabas ka d'yan!!" sigaw niya sa nang makitang walang tao sa loob ng bahay.Naisip niyang baka nasa loob ito ng kwarto kaya naman buong lakas niyang tinadyakan ang pinto at tagumpay naman niya itong nabuksan. Ngunit nang pasukin niya ang loob nito ay wala rin siyang tao na nakita rito."MAGPAKITA KA SA AKIN!!" Sigaw niya sa loob ng silid ngunit napagtanto niya na mukhang wala naman talagang tao rito dahil walang kagamit-gamit ang loob ng bahay.Mukhang mali ang ibinigay na address ng kaniyang inupahang imbestigador o 'di kaya ay natunugan ni mang Caloy na may sumusubaybay sa kani