It was Kiel.
Kiel is standing in the hallway, staring at her sister, to Vish, to her.
Nakikita niya ang pagtataka sa mukha nito. Vish then slightly moved and hid her behind his back.
Kiel’s eyes suddenly landed on her and Vish intertwined hands. Then he looked up at her again and their eyes met.
She immediately looked away.
Vish then looked at her. “Let’s go?”
Tumango lang siya.Ilang sandali lang ay nagsimula ng humakbang si Vish habang marah
DAYS AFTER…..She’s sweating cold. At ang lakas ng kabog ng dibdib niya.Sumasakit na ang tiyan niya sa sobrang kaba. At kanina pa siya pinagsasabihan ng makeup artist niya na kumalma dahil nasisira na ang makeup niya dahil sa matinding pagpapawis.“Ma’am, paulit-ulit po tayo ngayon dito. Kumalma lang po kayo. Alam kong mahalagang araw ‘to para sa’yo at excited na kayo pero, ma’am, baka pagdating mo do’n sa simbahan, mukha ka ng ewan. Kalma lang, ma’am. Pumapangit na ‘yung makeup mo. Jusko naman”. Reklamo ng bakla niyang makeup artist.Hindi ‘to mahalagang araw sa’kin. She wants to voice out those words pero pini
WARNING: SPG!Nang iilang tao na lang ang naiwan sa loob ng simbahan, humakbang palapit sa kanya si Kiel.Napahakbang siya paatras. He was just straightly looking at her.Bigla nitong tinutukan ng baril si Vish dahilan para mapaatras rin ito.Then Kiel even steps closer.“Let go of her!” May diing ani Kiel.Lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa binata. Tiningnan siya nito at nakikita niya ang takot sa mga mata nito.She immediately felt guilty. She loosened her grip on his hand.Pagkatap
It has been a week.Isang linggo na ang lumipas simula nang mangyari ang kaguluhan sa mismong araw ng kasal niya.At isang linggo na rin silang nananatili sa walang katao-tao at tahimik na isla. Kiel said that he own the island kaya do’n siya nito dinala.Dalawang araw na ang lumipas simula ng umalis ang binata para raw ayusin ang gulong nangyari. And she just let him do it. Hinayaan niyang ang binata na mismo ang lumutas niyon.She trust him. Sa kabila ng mga ginawa nito, she still trust him. Her heart tells her to trust him again.She’s just praying na sana ay hindi na siya nito biguin ulit.
"Ms. Sandejas, get the first aid kit!" Malakas na utos sa kanya ng kanilang Co-pilot. Kaagad siyang kumilos at patakbong pumasok sa maliit na silid na nilalagyan ng mga emergency kits. Kaagad niyang hinalungkat ang bawat sulok roon hanggang sa makakita siya ng box na may pulang cross na nasa cover niyon at may nakalagay na "first aid". Dali-dali niya iyong kinuha at patakbo ulit na dumalo sa isang babaeng nawalan ng malay sampung minuto na ang nakakaraan. Nakahandusay ito sa masikip na espasyong daanan. Ayon sa kasama nito, may sakit raw ito sa puso at dalawang minuto na itong walang pulso at hindi na humihinga. Kaagad niyang iniabot ang first aid kit sa co-pilot at kaagad naman nitong tinanggap. Makalipas ang mahigit kalahating oras na pag re-revive sa bab
Nagising siya nang biglang tumunog ng malakas ang kanyang alarm clock. Inabot niya ito mula sa bed side table at saka in-off ito. Inalis niya ang kumot na nakatakip sa kanyang katawan at nag inat. Dahan-dahan siyang tumayo at nagtungo sa banyo para magmumog at maghilamos. Pagkatapos ay nagtungo sa kusina para lutuin ang dalawang itlog na binili niya kagabi. Nang maluto ang itlog ay nagsuklay muna siya bago lumabas sandali para bumili ng adobong manok at kanin sa karinderya na nasa tapat lang nila. Nang makabalik siya kaagad niyang inalagay sa platito at plato ang binili niya pati na ang itlog na nilaga niya. Marunong naman siyang magluto kaso tinatamad siya at nananakit pa rin ang katawan niya sa sobrang pagtatrabaho. Ti
Nagsisimula na siyang mag-impake ng mga gamit na dadalhin niya sa resort. Sapat na sa kanya ang walong pares ng damit at undergarments. Pinagkasya niya sa isang ‘di kalakihang maleta ang lahat ng mga gamit niya. 10:52 na ng umaga. Nagpaalam na siya sa kanyang landlady na ilang linggo siyang mawawala. Nagpaalam na rin siya pati sa nanay niya. Tinext siya kagabi ni Jane na bawal magdala ng phone sa loob ng resort kaya baka matagal pa bago siya makatawag sa mga ito. Patapos na siya sa pag-iimpake nang biglang mag ring ang phone niya. Kaagad naman niyang itinigil ang ginagawa at tinungo ang kanyang phone na nasa bedside table. Si Kiel.
Warning SPG!!! R18+!! Mature Content!! Tumabi ang mga inosente!! Mag a-alas onse na ng tanghali nang magising siya sa isang maganda at bagong silid. Nagising siya dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mga pisnge niya mula sa nakatabinging kurtina ng bintana. Bumangon siyang kusot-kusot ang mata sabay nag inat. Bahagya niya pang inaalala kung nasaan siya. Hanggang sa pumasok sa isip niya ang tungkol sa resort. Humakbang siya papasok sa kanyang banyo para maligo. Pagkatapos maligo ay nagsuot siya ng isang two pice at ipinailalim niya iyon sa isang mahabang floral dress. Saka pinaresan lang iyon ng isang pare
May kung anong malaki at makapal na bagay ang pinupukpok dahilan para lumikha ng malakas na ingay. Nagising siya dahil sa ingay na ‘yon. Nang subukan niyang imulat ang kanyang mga mata, mabilis siyang nasilaw sa liwanag na hindi niya alam kung saan nanggaling dahilan para maipikit niya ulit ang mga mata niya. Sinubukan niyang tumayo pero kaagad niyang naramdamang parang mabibiyak sa sakit ang ulo niya kaya napahawak siya rito sabay mahinang napaigik. “Arghhh! Ang sakit ng ulo!” Binalik niya sa pagkakahiga sa malambot na kama ang katawan niya. Pinilit niyang alalahanin ang nangyari kagabi pero lalo lang sumasakit ang ulo niya. Nanatili muna siyang nakahiga ng ilang minuto habang nakahawak pa rin sa kanyang ul