Share

Isla De Kastilyo Series 1: Her Luscious Rim
Isla De Kastilyo Series 1: Her Luscious Rim
Author: Hope Castillana

Prologue

Andrie

"THIS IS BULLSHIT!" Marahas kong isinampal sa assistant ko ang mga papeles na ibinigay niya sa'kin.

Naglalaman iyon ng mga report tungkol sa financial at profits na kinikita ng mga produkto sa Isla de Kastilyo, ang isla na pag-aari ng pamilya namin.

"B-Boss kanina ko palang po natanggap ang report na 'yan at kanina ko lang din po nalaman na may problema sa mga produktong inaani sa Isla. S-Sorry po." Nanginginig ito habang nakayuko na mas lalo kong ikinagalit.

"Your sorry won't change anything! Kung may problema dapat agad niyang sinabi sa'kin!" sigaw ko. Lahat ng report na nasa mesa ko ay hinagis ko sa kanya at kumalat iyon. "Lahat ng tao sa finance department they're all fired at kasama ka na d'on." Walang kaabog abog na tugon ko.

Naluluha siyang napatingala sa'kin pero kahit lumuha pa siya ng dugo ay walang mababago sa desisyon ko. Once na sinabi ko na wala ng bawian.

"S-Sorry po Boss, patawarin mo ako may sakit po ang kapatid ko at kailangan namin ng pera, hindi po ako pwedeng mawalan ng trabaho--," pagmamakaawa niya.

"I don't forgive, hindi ko kailangan ng isang empleyadong tanga! Kung may sakit ang kapatid mo sana mas pinagbuti mo ang trabaho." Bumalik ako sa pagkakaupo sa swivel chair ko. "Leave." Madiin kong utos pero imbes na umalis ay bigla siyang lumuhod sa harapan ko.

"P-Please boss, please baka mamatay ang kapatid ko kapag hindi siya naoperahan." Patuloy siya sa pagluha.

Hindi ko na ibinalik pa ang tingin sa kanya at nagpatuloy sa pagpirma ng mga papeles.

"You can leave," pag-uulit ko.

Humagulhol ito pero hindi ako nakaramdam ni katiting na awa. Hindi dapat kaawaan ang mga taong hindi pinapahalagahan ang mga opportunity sa buhay nila. Kung katangahan ang palaging paiiralin ay talagang hindi uunlad ang buhay ng isang tao.

"Napakasama mo! Isa kang demonyo!" sigaw niya ng makatayo. Nagkibit balikat ako at hindi pinansin ang mga talak niya.

I know, I'm a demon. I'm a female version of Satan, and I'm proud of it. Kung hindi ako ganito katigas ay wala ako ngayon sa posisyon ko.

"S-Sana mamatay ka na! Napakasama mo," sigaw niya.

Napilitan akong tingnan siya at hindi ko mapigilang mapangisi ng makitang galit na galit siya sa'kin. Sanay na akong galit lahat ng tao na nasa paligid ko at wala akong pakialam.

"Thanks for the compliment," I said.

Pinindot ko ang intercom na konektado sa security guard sa baba at pinatunog iyon. Kahit tunog lang iyon ay alam na nila ang dapat nilang gawin.

Hindi ito ang unang beses na may nagwala sa office ko habang sinisigawan ako. Sinasabing gusto na ako mamatay at ipinamumukha sa'kin kung gaano ako kasama. I used to it.

Napangiti ako ng ilang sandali lang ay dumating na ang mga guard para damputin siya.

"Make sure na hindi ko na makikita ang mukha niya dito," utos ko at nagpatuloy sa ginagawa na.

"Hayop ka Andrie De Calitana, demonyo ka!" Hindi na ito nakapalag pa ng kaladkarin palabas.

Gumawa ako ng memo na nagsasabing lahat ng nasa finance department ay sisante na at pwede ng umalis sa kompanya ko ngayon din. Ayokong nakakakita ng mga walang kwentang mga tao sa kompanyang itinayo ko gamit ang dugo't pawis na pinuhunan ko.

Hindi pa man ako tuluyang nakakapirma sa isa pang dokumento ay tumunog ang cellphone ko. My personal phone na tanging ang dalawang kapatid ko lang ang nakasave na numero.

Cathy calling...

Cathy is my younger sister at nag-aaral ito ngayon sa Isla De Kastilyo. Sinagot ko ang tawag dahil alam kong mahalaga ang sasabihin niya. Minsan lang siyang tumawag sa'kin at nangyayari lang iyon kapag may importante siyang kailangan.

"Yes?" sagot ko. I don't used to say hello dahil hindi ako sanay na bumabati sa kahit na sinong tao even if she is my sister.

"Ate, marami pong tao ngayon sa labas ng mansyon nagwewelga sila dahil hindi daw sapat ang sahod na natatanggap nila sa maghapong pagtatrabaho." Bakas ang takot sa boses niya.

Napatiim bagang ako dahil sa ibinalita niya.

Dalawang taon na akong hindi nakakauwi sa Isla dahil nasa Maynila ang main branch ng beverage company ko at si Candros- ang isa ko pang nakababatang kapatid, ang binilin ko para panatilihin ang kagandahan ng ani, mga trabahador at pati na ang pagpapalago ng negosyo namin sa isla pero mukhang pambababae lang ang inaatupag niya.

Ngayon ko lang nalaman na may problema na pala sa farm namin doon dahil wala siyang sinabi sa'kin.

"Si Candros?" tanong ko.

"Wala po dito ate panay lang kasi ang pagnanight out niya tapos palaging may dalang babae kapag umuuwi dito sa mansyon," sumbong niya.

Naikuyom ko ang kamao ko dahil sa sobrang inis sa kapatid ko. Kahit kailan hindi naging matino ang gagong 'yon, palaging sakit sa ulo at problema ang dala.

"Ang mga tauhan sa resort kumusta?"

"Iyon nga rin po ate ang budget po doon ay hindi raw po every month dumadating minsan daw po delay kaya hindi gaanong nasusustain ang needs ng resort especially the guest." May pag-aalinlangan pa ang boses niya ng sabihin 'yon dahil alam niyang sasabog ako sa galit.

Nagtatagis na ang mga bagang ko dahil sa mga kapalpakan ni Candros.

"Okay, uuwi ako dyan kaya sabihin mo kay Pulahan na ihanda ang mga tao," utos ko.

"Yes, ate," maagap niyang sagot.

Marahas kong dinampot ang coat ko at cellphone bago tuloy tuloy na lumabas sa opisina ko. Lahat ng madadaanan kong emplyado ay tila natutuod kapag nakikita ako at mabilis na yuyuko. May iilan na namumutla kapag nakakasalubong ko ng tingin at agad na iiwas.

Walang nagtangkang humarang sa hallway na dadaanan ko dahil alam nilang mawawalan ng trabaho ang lahat kung saang team sila nabibilang. Naniniwala ako na ang kasalanan ng isa ay kasalanan ng lahat kaya.

Bago tuluyang pumasok sa elevator ay dumaan ako sa finance department. Aligaga ang lahat sa pag-aayos ng mga gamit at umiiyak ang mga ito.

"Bilisan niyo ang pag-aayos ng mga gamit niya dahil may mga papalit na sa inyo, before I leave gusto kong nakaalis na kayo dito sa kompanya ko." Iyon lang at muli akong umalis.

Nagbubulong bulungan pa sila pero hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin. I won't die because of their gossips.

"Napakasama niya, hindi manlang nagbigay ng konsedirasyon."

"A devil woman in corporate attire."

"See? Palagi siyang mag-isa dahil walang nakakatagal sa ugali niya, napakasama."

Iyon ang mga narinig ko bago ako makapasok sa elevator. Yeah, palagi akong mag-isa dahil walang tumatagal sa ugali ko and I prefer being alone than to mingle with nonsense people. Kahit assisstant at secretary ay walang tumatagal sa'kin.

I'm Andrei De Catalina, a devil woman in corporate attire, a heartless CEO of De Catalina Beverage Company, and a brute and rude owner of Isla De Kastilyo. Lahat ng negative na ugali ay nakakabit sa pangalan ko, and it's fine with me. Sanay na ako.

Pagkarating sa rooftop ay kinuha binuksan ko ang cellphone ko at tinawagan.

"Fardo, kailangan ko ng helicopter papuntang Isla De Kastilyo." Agad kong bungad.

Fardo Akonza is the owner of Akonza International Airport. Isa sa mga taong nakilala ko sa business na pinasukan ko. Nasa airline niya ang mga helicopter na pag-aari ko at nasa ilalim ng pangangalaga niya dahil siya ang magaling sa bagay na iyon. We're not friends becuase I don't have friends, walang tumatagal sa'kin.

"Yow, tomboy kong suki lakas makautos ng ungas na 'to. Gwapo ka? Gwapo?" natatawang sagot niya.

"Fuck your ass Akonza," asik ko.

"Wag mong kakalimutan na may p****k ka kaya hindi ka pwedeng maging gwapo tulad ko," pang-aasar niya pa.

Napasentido ko dahil sa mga salitang lumalabas sa bibig niya.

"Papuntahin mo dito ang isa sa mga pilot mo, sa rooftop ng company ko." Iyon lang at agad ko ng pinatay ang tawag dahil baka abutin kami ng siyam siyam kung pakikinggan ko lahat ng litanya niya sa buhay.

Ilang sandali akong nakatanaw sa buong syudad na kitang kita dahil sa taas ng building ng kompanya ko ng makarinig ako ng ugong ng helicopter. Napangisi ako. Hindi ako matitiis ng tibo na 'yon dahil isa ako sa may malaking investment sa airline niya at kapag hindi niya ako sinunod ipopull out ko 'yon para mawala ang mahal niyang paliparan.

Mas lalong lumapad ang ngisi sa labi ko ng makitang siya ang nagpapalipad ng helicopter. Naglakad ako papalapit doon ng makalanding at mabilis na sumakay at nagsuot ng gear.

Tumingin siya sa'kin at bahagyang sinapak ang braso ko. "Tangna, lakas ng dating natin tsong."

"Fuck you." I raised my middle finger.

"Di tayo talo pareho tayong may mani, tangna mo maghanap ka ng ibang ikakalantare," pagkatapos niyang sabihin 'yon ay tumawa siya ng malakas.

Napapailing nalang ako.

"I'm not interested, asshole."

"Hindi ako aso gago!"

Hindi ko alam kong paano nakakaya ng isang tulad niya ang maghandle ng isang napakalaki at sikat na airline sa buong mundo kung sa paraan palang ng pananalita niya ay parang nasa kalye siya. But she's good in that field kaya minsam hindi rin dapat pagdudahan.

"Bakit ka nga pala uuwi sa Isla niyo?" Nagsimula ng umangat ang helicopter. Panay ang daldal niya habang ang mga kamay niya ay parang may sariling isip na gumagalaw at ginagawa ang dapat para paandarin ang sinasakyan namin.

"May problema sa farm at resort," simpleng tugon ko pero hindi mapigilan ang pag-init ng ulo ko sa isiping palpak na naman si Candros.

"Nambababae na naman?" Tumango ako. "Kaya ayoko ng lalaki kasi mahilig sa mani kaurat," yamot niyang sagot.

Hindi ko na pinansin ang sinabi niya. Inabala ko na lamang ang sarili ko sa pagtingin sa tanawin aa baba. Napakarami na pala talagang tao sa syudad, nagsisiksikan na ang mga bahay at iilan nalang ang mga punong makikita sa paligid. Ibang iba sa lugar na kinalakihan ko pero kailangan kong masanay dito para sa mga nasimulan ko at para may magandang kinabukasan ang mga kapatid ko.

I maybe a heartless pero 'pag dating sa kapakanan ng mga kapatid ko ay ibinubuhos ko lahat maibigay ko lang ang mga gusto nila. Mga bagay na hindi nagawa noon ng mga magulang namin. Naikuyom ko ang mga kamao ko ng masagi sa isip ko ang mukha ng mga magulang namin.

"Hoy baka maging yelo 'yang salamin ng bintana." Natatawang puno ni Fardo pero hindi ako kumibo.

Napansin niya sigurong wala ako sa mood kaya natigil din agad siya sa pambubuska niya.

Wala akong makapang kahit na anong emosyon sa puso ko. Siguro meron pero purong galit lang iyon wala ng iba. My life is full of darkness. It's lifeless. Para akong nabubuhay lang dahil hindi ko pa pwedeng iwan ang mga kapatid ko hanggat hindi pa sila nalalagay sa tahimik.

Medyo malayo ang Isla De Kastilyo sa kamaynilaan. Kung babyahe gamit ang sasakyang panlupa ay aabutin ng twenty two hours dahil kailangan rin sumakay sa fairy boat at tumawid ng karagatan pero kung helicopter ang gamit ay halos dalawang lang.

Nakarating kami sa landing area ng hotel at nasa himapapawid pa kami ay tanaw ko na ang mga tauhan ko na nakahelira. Nasa unahan ng mga ito si Candros at Cathy, sa likod nila ay si Pulahan.

"Maraming salamat ha?" Sarkastikong sabi ni Fardo ng makababa ako. Tumango ako na ikinasimangot niya.

"Putangina talaga nito hindi manlang nagpasalamat," asik niya.

"I don't need to thank you kasi bayad ka at isa pa hindi ako marunong magpasalamat."

Tuluyan na akong humakbang pababa. Sinalubong ako ni Cathy at agad na yumakap sa'kin habang kasunod niya sa likod niya si Candros na nakayuko at hindi makatingin sa'kin.

Gumanti ako ng yakap kay Cathy at hinalikan siya sa noo pagkatapos ay si Candros naman ang hinarap ko.

"Ate---" Umangat ang kamao ko at dumapo iyon sa panga niya. Natumba siya dahil sa lakas ng pagsuntok ko at dumugo ang labi niya.

Matalim ang tinging ipinukol ko aa kanya.

"Mag-uusap tayo."

Lumakad ako papasok sa resort, yumuyukod lahat ng mga tauhang nakahelira na sumalubong sa'kin pero wala akong pinansin ni isa. Nagpupuyos ako sa galit kaya walang nagtatangkang kumausap sa'kin.

Dumiretso ako sa opisina ko at pabalang na naupo sa swivel chair. Hindi man ako madalas dito ay may sarili pa rin akong opisina dahil bigla bigla nalang akong sumusulpot kapag may emergency tulad ngayon.

Papikit na sana ako ng bumukas ang pinto at pumasok si Pulahan, may dala siyang mga folder.

"Naks lakas makamanny pakman." Natatawang sabi niya.

"Tarantado." Asik ko pero umangit rin ang sulok ng labi ko.

"Yan nga pala ang mga kailangan ng resort na hindi natugunan sa mga nakaraang buwan tapos ang mga kaganapan dito sa mga panahong wala ka," aniya sabay lapag ng folder.

"Bakit hindi mo agad sinabi sa'kin na may problema dito?" Inis na tanong ko sabay padarang na binuklat ang nauunang folder.

"Gago! Paano kita matatawagan ni number mo ayaw mo ibigay sa'kin nakakatouch ang pagiging magkaibigan natin."

"Hindi kita kaibigan." Maagap kong sagot.

"Pakyo sagad sa core! Hindi kaibigan pero alam ko lahat ng tungkol sa'yo pati bilang ng bulbol mo." Tumawa siya ng tumawa.

Inis na hinubad ko ang suot kong sapatos at ibinato sa kanya. Napangisi ako ng tumama 'yon sakto sa bunganga niyang nakanganga. Napaubo ubo siya at sinugod ako ng suntok. Nagsuntukan kami at natawa ng sabay kaming bumagsak sa semento.

Gago talaga ang isang 'to.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status