Isang napakahigpit na yakap ang iginawad niya sa 'kin nang sandaling makita niya akong nakatayo sa gilid ng pool at abala sa pagtulong kay Manang sa pagtatanggal ng mga dahon na nagkalat sa tubig nito.
Kung hindi lang naging matatag ang pagkakatayo ko ay may posibilidad na bumagsak kami sa tubig nang dahil sa ginawa niyang pagtalon sa likod ko. Sa halip na magalit at mairita sa ginawa niya ay bahagya na lang akong natawa sa panggugulat ni Mama.
“Breakfast is ready, Baby,” ani niya bago humalik sa pisngi ko na bahagya ko pang kinatawa.
“May kailangan ka ba, Ma?”
Bahagya siyang napanguso sa biro ko bago natatawang umiling na tinawanan ko rin 'di kalaunan. “Porque ba naglambing ako nang ganito, may kailangan na kaagad?”
Pagkatapos nang pag-uusap namin no'ng nakaraang linggo ay tila ba nagkaroon siya ng pag-asang lumaban sa trangkasong dumapo sa kanya. Hindi ko alam kung anong nangyari, pero natitiyak ko na ang ginaw
Ramdam ko ang panginginig ng mga kalamanan ko nang dahil sa ipinadalang mensahe ni Daddy. Ilang sandali lang ay agad nang nagsibagsakan ang mga luha sa gilid ng mata ko, lalo na sa tuwing maaalala ko ang mga dugong nagkalat sa skyway kanina.Posible bang sa kanila ang mga dugo na 'yon?“Bilisan mo ang pagmamaneho, Klaude!” sigaw ko sa kanya.Ilang minuto na kasi ang nakalipas simula nang makarating kami sa The Coastal pero magpahanggang ngayon ay naririto pa rin kami sa skyway at tila ba naghihintay na naman ng pag-usad ng mabagal na trapiko na dulot ng aksidente kanina.Panay na ang busina ni Klaude sa harapan na tila ba sinasabi nito sa mga sasakyang nasa harapan na bigyan kami ng sapat na daan upang makaalis sa napakabagal na usad ng trapiko— na hindi man lang pinapansin ng mga sasakyang nasa unahan namin.“Ano ba Klaude, dalian mo—”“Can you please calm down—”“How can I
Pinanood kong lumapit si Daddy sa himlayan kung saan nakahiga si Mama kasama ni Tita Amanda. Bakas ang panlalambot sa paglalakad ni Daddy habang si Chloe naman ay tila ba inosenteng sumusunod at tumatalon-talon lang sa paglalakad kasama ni Daddy.Wala akong nagawa kundi ang malungkot na mangiti sa sarili ko habang pinagmamasdan silang dalawa sa pagtutulos ng kandila at paglalagay ng bulaklak na pasalubong pa nila galing sa States.Dalawang buwan pagkatapos mawala ni Mama, nagdesisyon si Daddy na umalis at magpalamig muna sa States kasama ni Chloe. Sinubukan niya akong imbitahang sumama sa kanila ngunit nagdesisyon lang akong manatili rito sa Pilipinas upang abalahin ang sarili ko sa pagtatrabaho, at nang sa gano'n ay malihis ko ang pangungulila ko sa ibang bagay sa halip na maisip ko ang pagkawala ni Mama.“Mukhang okay na sila ngayon,” pabulong na ani ni Klaude sa gilid ko na katulad ko ay pinagmamasdan din si Daddy at si Chloe na ngayon ay ta
NAKATIRIK ang araw sa labas ngunit hindi ito ang naging dahilan upang pigilan ang mga batang kasing-edad ko na naglalaro sa labas kasama ng mga kapwa nila bata.Hindi ko alam pero naiinggit ako sa ginagawa nila. Sa bawat paghahabulan nila ay para bang kating-kati ang mga paa ko na sumali at makiisa sa paglalaro nilang lahat. Bakas sa mukha nila ang saya habang abala sa paghahabulan at tawanan— bagay na ni minsan ay hindi ko man lang naranasan sa tanan ng buhay ko.Sa edad kong anim na taong gulang ay hindi ko man lang nagawang maranasan ang bagay na pinapangarap din ng mga bata sa ganitong edad na gaya ko— ang makipaglaro at magkaroon ng simpleng araw katulad ng isang normal na bata.Wala na sigurong mas sasaya pa sa paglalaro. Wala kang ibang gagawin kung hindi ang maglaro maghapon at uuwi lang upang kumain at matulog. Wala kang ibang gagawin kung hindi ang sisihin ang mga kalaro mo kung bakit kayo natalo sa pustahan. Wala kayong ibang po-problemahin kung hindi an
PINALAKI ako ng mga magulang ko nang may takot sa Diyos at iyon ang pinanghahawakan ko hanggang sa ngayon at tiyak kong dadalhin ko rin hanggang sa dulo ng buhay ko.Wala na sigurong mas sasaya pa kundi ang paglapit at pagsamba sa kanya, hindi ba? Wala nang mas sasaya pa kung maniniwala ka sa kapangyarihan niya. Wala kang ibang gagawin kung hindi ang maniwala at kumilos upang matupad ang bagay na lihim mong ginu-gusto at pinapangarap. Nasa kanya ang desisyon at nasa iyo naman ang gawa. Magagawa niya namang ibigay sayo ang lahat kung maniniwala ka sa kapangyarihan niya. Alam niya rin ang mga bagay na ikabubuti mo at hindi mo rin naman kailangang magalit sa kanya kung sakaling hindi niya maibigay sayo ang lahat dahil sa umpisa pa lang, kung nararapat para sa iyo ang isang bagay ay ibibigay niya ito sayo ng walang pag-aalinlangan.Maraming mga bata ang napa-pariwara ang buhay ngayon at ang kalimitang dahilan nito ay ang hindi man lang paglapit sa kanya. Isa na sa mga rason
NAGDAGSAAN ang mga taong isa-isa at magkakasamang pumapasok sa loob ng simbahan upang maghanap ng mauupuan. Wala na nga halos kaming makitang bakanteng upuan na mauupuan dahil gaya nga ng sinabi ko kanina ay maraming dumalo sa pagpapasalamat para sa kapistahan.Isa ang bayan namin sa may pinakamalaking populasyon sa buong lalawigan kaya naman ang makitang ganito karami ang dumagsang tao upang makiisa sa pagpapasalamat ay talaga namang nakakagulat at nakakataba ng puso.Dito mo makikita kung sino nga ba ang tunay na nagpapasalamat. Idinadaan nila sa kilos ang pasasalamat hindi katulad sa ibang tao na puro pasalamat na nga lang sa salita ngunit mararamdaman mo sa mga tono nila na napipilitan lang sila sa mga salitang ibnubuka ng bibig nila.Tama bang makaramdam ng pagpipilit sa pasasalamat sa Diyos? Hindi angkop ang kilos na ito kung ganito lang din naman ang naiisip at nararamdaman mo sa tuwing makakausap mo siya sa pamamagitan ng isip.Lahat halos ng mga tao
"JONAS," matamis niyang ngiti kasabay ng pagbaling niya ng tango kay Mama.Sa paraan ng pagtingin niya ay para bang may mga salita siyang ibinibigkas sa isip nito at mukha namang nakukuha ni Mama dahil panay siya sa pagtango. Tila ba isang pasahan ng pribadong mensahe sa utak at ayaw na iparinig sa akin.Tila ba pinaghalong adorasyon at pagkasabik ang nakita ko sa mga mata nito nang bumaling siya ng tingin sa 'kin at masuri akong pinagmasdan magmula ulo hanggang paa. Mukha naman siyang natutuwa sa presensya ko rito sa harap nilang tatlo kaya naman hindi ko maiwasang mangamba.Sa itsura kasi ng mga galaw nila Mama ay para bang pumapayag silang tatlo at abala sa diskusyon kung paano akong ibibigay sa panibagong tao na nasa harapan ko ngayon. Dahil sa pagkailang at pagkagulat ay para bang ginusto ko na lang na tumakbo palayo kaya naman hindi ko naiwasang mapaatras sa pagkakatayo. Napansin niya ang mumunti kong kilos kaya naman nang bumaling siya sa akin ay dito na ako
NANGAKO siya na babawi siya sa mga pagkukulang niya kahit na kalahati sa pagkatao ko ang nagsasabing wala naman siyang pagkukulang sa akin.Kung kailan ko ipinapaliwanag sa kanya na hindi ko kailangan lahat ng pagbawi na sinasabi niya ay siya namang ikinakatigas ng ulo niya. Ang ibig ko lang namang sabihin ay sa halip na humanap siya ng ibang mapagkaka-abalahan ay sa akin natutuon ang atensyon niya.Nararamdaman ko iyon dahil hindi lang naman ako ang tao sa bahay. Hindi lang naman ako ang nakakaramdam ng bagay na iyon dahil alam kong maski si Mama ay nararamdaman na ang pagbawi na paulit-ulit na ipinapangako sa akin ni Tita Hyacinth.Yes, Tita Hyacinth. Magmula nang sinabi niyang babawi siya at magmula nang napapadalas ang pagtungo niya sa bahay upang kamustahin ako ay nasanay na ako sa presensya niya at pagtawag sa pangalan niya. Naging close kami, oo at nararamdaman ko iyon. Lahat ng bagay na mayroon siya ay mayroon din ako. Magmula sa mga sapatos at damit
Normal lang ba na kapatid ang turing mo sa asawa mo? Normal lang ba na kapatid ang ituring mo sa lalaking nagharap sa 'yo sa simbahan kasama niya? Tama bang ituring na kapatid ang taong kasama mo sa lahat ng mga pangakong binitiwan mo sa harap mismo ng Diyos na kung saan ay naging saksi sa sumpaan niyong dalawa? Normal lang ba na kapatid ang turing mo sa lalaking kasama mo sa iisang bahay at may anak na kayong dalawa? Kapatid ang turing niya kay Daddy, pero mag-asawa silang dalawa. Ang gulo, hindi ba? Dahil nga sa medyo bata pa sa mga ganitong klase ng usapan ay sa halip na pagtuunan pa iyon ng pansin ay malaya na lamang akong napapikit at dinama ang mga mahihinang tapik ni Mama sa hita ko. Sa isang madilim na mundo, si Mama lang ang nagiging kakampi ko sa lahat ng bagay. Siya lang rin ang kaisa-isang taong sumusuporta at walang sawang nakikinig sa akin sa tuwing makaka-encounter ako ng mga problema. 'Yung tipong kahit na wala naman siya