Share

KABANATA 14

Nangamatis na yata ang mga pisngi ko sa hiya dahil sa komento niya.

Nilaglag ko ang tuwalya mula sa buhok ko at iyon ang ginamit na pantakip sa dibdib ko. Di baleng mabasa na ang damit sa likod ko basta ba walang masabi si Kuya. Baka sabihin niya... inaakit ko siya. Hmp!

"Happy?" inis kong angil.

Nagtaas lang siya ng kamay at ngumisi. Nasalubong ko pa ang mga tingin niya na may aliw, kaibahan sa malalim niyang titig kanina. Sabay pa kaming napalingon sa sala matapos marinig ang mga katok sa pinakapinto.

Tumikhim ako at napahawak nang mahigpit sa tuwalya.

"Huh. Ako na ang magbubukas," presinta ko.

Tumango siya at hinayaan akong umakyat sa hagdan papuntang sala. Ngunit nasa gitna pa, lang ako nang pigilan niya ang braso ko.

Umiwas siya ng tingin bago pinasadahan ng dila niya ang ibabang labi. Kinagat pa nito iyon bago nagsalita.

"Huwag mong sabihing magkapatid tayo. Ang alam ng mga taga-dito ay ulila ako at walang kamag-anak."

Umawang ang mga labi ko at bahagyang sumakit ang puso ko. T
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status