Share

Chapter 1- ENCOUNTERED

Chapter 1

Kahit Hindi Na Ako

#KHNA

Carleigh Quintos

"Eh kasi naman po DJ Leigh, binasted ko siya noong nanligaw siya sa akin. Hindi ko naman kasi inaasahang magugustuhan ko din naman pala siya eh. Ano pong gagawin ko para mapansin niya ulit? I need your advice for this," ani Den na siyang caller sa 'My Sad Leigh Story' ngayong araw. Isa na akong DJ sa DHK, isang sikat na radio station at itong bahaging ito ang pinaka-inabangan ng listeners sa programa kong 'Leigh-sen To Me'. 

"Ay naku Den, mukhang ang hirap nga niyan. Binasted mo na kasi iyong tao eh, siyempre kung ako ang nasa sitwasyon ng lalaki ay matatakot na ulit akong sumubok. Hindi kasi madaling ma-reject ng taong gusto natin, diba?  May communication pa naman kayo?"

"Yes po. Nagkaka-chat or text naman po kami pero hindi na ganoon kadalas. Something's change, nararamdaman ko 'yon."

"At may nililigawan na siyang iba?"

"Iyon po ang nabalitaan ko pero hindi ko pa po alam kung totoo. May nagsasabi naman po kasing friends lang sila. Ewan."

"Okay. Ganito na lang, first huwag kang po nang po at masyadong nakakatanda."

Sabay pa kaming tumawa. 

"Siguro ay dapat mo munang alamin kung totoo bang may nililigawan na siya, after that ay siguraduhin mo rin munang gusto mo talaga siya dahil baka masaktan mo na naman lang siya in case na may pagtingin pa siya sayo. Humanap ka ng pagkakataong masabi mo sa kanya ang totoong nararamdaman mo. Wala namang masama kung maging tapat o magtapat tayo ng nararamdaman sa mga lalaki. Uso naman nga ngayon ang babae na ang nanliligaw sa mga lalaki eh." Tumawa pa ako kasabay ang clapping effect para pagaanin ang usapan. Parang napupuruhan ako ngayon sa mga salitang lumalabas sa bibig ko mismo. 

"Den nandiyan ka pa ba?" tanong ko.

"Opo, nakikinig po ako."

"Mukhang hindi eh, pino-po mo pa rin ako."

Natawa na naman ito. 

"So 'yun na nga, pero kapag sa tingin mo ay wala na talagang pag-asa pa. Eh di move-on na lang tayo, Den 'no? Huwag nating ipilit ang mga bagay na hindi pwede. Kasi kung kayo talaga para sa isa't-isa ay mangyayari iyon ng kusa. Kahit gaano niyo pa nasaktan ang isa't-isa, kung kayo talaga ay kayo talaga."

"Maraming salamat  DJ Leigh, gagawin ko ang sinabi niyo."

"Wala ka namang choice kundi gawin ang advice ko, ano pa't tumawag ka rito?"

Tumawa na naman ako para magmukhang biro ang sinabi ko. Mukhang pati itong caller ay nahahawa na lang din sa kabaliwan ko. Araw-araw ba naman akong ganito.

"Maraming salamat sa pakikinig DJ Leigh. Sobrang idol ko po kayo at ang ganda-ganda niyo po sa personal."

"Ay enebe nemen. Huwag kang maingay dahil maraming nakikinig. Salamat din at isa ka sa naging callers sa programang ito. Sana ay may naitulong ako."

"Meron po. Maraming salamat ulit."

"Walang anuman, Den. God bless."

"God bless din po." At namatay na ang linya hudyat na dapat ko na ring isara ang programa.

"Isa na namang sad leigh story ang nabigyan natin ng pansin at oras para pagnilayan ito. Huwaw! Pinagnilayan ko ba talaga 'yon?" Tumawa ako sa sarili kong linya at kasabay din naman niyon ay ang laughing effect. Ganito talaga kapag DJ on air, para kang baliw. Kailangan mong magkaroon ng split personality.

"Maraming salamat sa mga walang sawang nakikinig sa boses at kabaliwan ko. Sa mga nagmamahal sa programang ito. Oras na para magsara ulit tayo! This is your DJ Carleigh saying please Leigh-sen To Me, every day! God bless everyone!"

At doon na natapos ang programa ko. Tumayo na ako at lumabas ng room. Nagbatian pa kami ni Pazz na siyang susunod na sa akin.

"Great job Carleigh, the prettiest dj on eart," malapad ang ngiting saad ni Calix. Isa rin itong DJ.

"Thank you Cal." Lumabas na ako ng station at dumiretso sa La Conchita Coffee Shop. Ito talaga ang favorite CS ko. Madalas ako ritong nakatambay pero nitong mga nakaraan ay napapadalang na ang punta ko dito. Ngayon naman lang ulit matapos ang mahigit isang buwan na hindi pagpunta rito. 

Bago kasi ako sumalang kanina ay nakatanggap ako ng mensahe mula kay Hazel na magkita kami rito. Kasama raw nito sina Kyra at Ryza. Apat kasi talaga kaming magkakaibigan. Nagkahiwalay lang kami dahil magkaibang school na ang aming pinasukan noong mag-college kami.

Si Hazel lang ang nakasama ko rito sa Manila dahil pareho kaming Mass Communication ang kinuhang kurso samantalang sina Kyra at Ryza ay naiwan sa Masbate dahil mas gusto nilang doon tapusin ang pag-aaral. Sa ngayon ay pareho na itong Public Accountant.

Masaya ako na maayos ang takbo ng career naming magkakaibigan at mas masaya ako dahil nalaman kong nasa iisang lugar na pala kaming apat ngayon. Sa wakas ay naisipan din nilang lumuwas ng Manila. 

"Oh my God, Leigh!" impit na tili nina Kyra at Ryza nang makita ako. Dali-dali ko naman silang nilapitan at niyakap.

"It's been 2 years na hindi tayo nagkita, tama ba?" masiglang tanong ko pa. Sabay naman silang napatango. Gano'n na katagal na hindi ako nakauwi ng probinsiya.

"Ang ganda-ganda mo na lalo, in fairness naman ah?" puri pa sa akin ni Kyra. Sila rin naman, mas lalo silang gumanda. Well, wala namang pangit sa aming magkakaibigan eh.

"Duh? Matagal na akong maganda 'no?" Nagtawanan pa kami. Sobrang na miss ko talaga ang dalawang ito. 

"In fairness naman Carleigh ha? Nakinig kami sa Sadleigh special mo ha? Lakas maka-advice, halatang may pinanghuhugutan ah?" patutsada ni Hazel. Natawa naman ako sabay iling.

"Pa-issue ka lagi ha? Walang ganon. Wala akong love life para may panggagalingan yong mga linyahan ko 'no?" depensa ko sa aking sarili.

"Magjowa ka na kasi," suhestiyon ni Kyra.

"Wow ha? Para namang ako lang ang walang jowa sa ating apat?" bwelta ko na ikinatawa namin. Puro kwentuhan at tawanan lang kami. Hindi na nga namin namalayan ang oras eh. 

Hapon na rin ng mapagpasayahan naming maghiwa-hiwalay na. Nasa B's Condo Units pala ang dalawa, samantalang kami naman ni Hazel ay nasa LC Condo Units naman. Pero magkakaibang location nga lang. 

Dumaan pa muna ako sa LC Mall para bumili ng damit. Marami naman na akong damit pero hindi ko alam kung bakit mas gusto kong araw-araw akong may bagong collection ng LD garments. Favorite ko talaga si Lilah Daza na siyang head designer and owner ng Lala Boutique. Batch mate and schoolmate ko rin ito.

Naalala ko pa ngang kami lagi ang ikinukumpara ng mga stupident eh. Pero hindi ko rin naman matindihan kung bakit. Yeah, pareho kaming maganda, sexy at matalino pero magkaiba naman ang personality namin. It's like serious type si Lilah samantalang ako ay parang ipinanganak sa palengke sa sobrang kadaldalan.  Kaya nga naging DJ ako eh.

Kababayan ko rin pala si Lilah Daza. At ang rinig ko nga ay ikakasal na ito kay Alester Hernandez na isa sa Hernandez boys at siyang naging CEO ng La Conchita Company. Ang swerte nila isa isa't-isa. Bagay sila. Sana all na lang talaga.

Pumasok na ako sa Lala Boutique at agad na namili ng damit. Isang crop top, hanging blouse at pantulog na damit ang napili ko. Agad din na pumanhik ako sa counter. Napataas-kilay pa ako nang may biglang sumingit sa unahan. 

Kung ang ibang mga babaeng nasa pila ay halos mangisay dahil sa lakas ng dating ng lalaking singitero ay ako naman ay hindi mapigilang mairita. Kapag lalaking gwapo talaga ay palaging nakakakuha ng special treatment. Ang ganda pa ng ngiti ng cashier. 

"Gwapo nga, singitero naman," wala sa hulog kong sambit. Lahat naman ay napalingon sa akin maliban sa lalaking nasa unahan.

"Bakit? May problema ba?" tanong ko pa sa kanila. May nanlaki pa ang mata na para bang nakakita ng multo sa katauhan ko.

"Oh my gosh, DJ Carleigh! OMG!" tili ng teenager na nasa pila. 

Doon na ako naalarma ng lahat ng nasa loob ng boutique, babae o lalaki ay napatingin na sa akin at hudyat na magsisimula na ang commotion. Bigla na lang din akong nawala sa aking sarili. Tiyak na pagkakaguluhan ako rito.  Ang bilis ko namang na karma. Minsan na nga lang magmaldita eh.

"Shit," mahinang usal ko. Mas nagulat pa ako ng may mga kamay na humawak sa pulso-pulsohan ko at basta na lang akong hinila palabas ng boutique. Meron pang nagtangkang habulin ako pero mabilis ang kilos ng lalaking nanghihila sa akin. Mabilis kaming nakakubli sa bandang game zone.

Sobrang lakas ng tibok ng aking puso dahil sa pinaghalong kaba dahil sa nangyayari at sa pagod na rin.

"Thank..." Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng mapagtantong ang singiterong lalaki pala ang kasama ko ngayon. Naka-mask pa ito. Nanliit na lang bigla ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. Magsasalita na sana ako nang mapagtanto kong nasa kamay ko pa pala ang damit na dapat ay babayaran ko na.

Gusto kong magpadyak dahil sa inis pero hindi ko ginawa. Mariin na napapikit na lang ako saglit. Ito talaga ang isa sa pinakaayaw ko sa trabahong meron ako eh. Nawawalan ako ng kalayaang maglagalag kung saan dahil kapag may nakakakilala sa akin ay hindi pwedeng walang lumapit sa akin. 

Okay lang naman kung isa o dalawa pero iyong marami ay baka nasu-suffocate lang ako. I mean, ayokong pinagkakaguluhan dahil pakiramdam ko ay literal na mawawalan ako ng oxygen sa katawan. At higit sa lahat ayoko ng sobra-sobrang atensiyon at kasikatan. Pero sadyang kasabay na nga siguro iyon sa trabahong pinasok ko. Dinaig ko pa ang isang celebrity, nakakainis!

Napatingin ulit ako sa lalaking kasama ko pa rin. Hindi man lang ito nagsasalita. Bitbit na nito ang paper bag na galing sa LB. Kung hindi lang ito sumingit ay baka hindi ako nakapagsalita at hindi rin ako napansin ng mga tao doon. 

"Hoy Mister! Kasalanan mo ito eh! Next time kasi huwag kang sumingit na lang nang basta. Ayoko sa mga singitero o singitera, kaya nga may tinatawag na pila eh. It means, first come, first serve. Hindi porke't malakas ang dating mo ay kailangan ikaw ang nauuna palagi. Matuto ka ring gumalang sa kapwa mo. Hindi mo ba alam ang good manners and right conduct? Wala ba kayong GMRC subject nong elementary? Values nong high school at P.E nong college?" asik ko pa at inirapan ito. 

Anong connect ng P.E? Eh di para matutunan niya ang tamang kilos o galaw, hindi iyong singitero siya!

Wala akong pakialam kung anong sasabihin niya sa akin. Partida at alam kong kilala niya na ako dahil sa kakatili kanina ng mga nakasama namin sa boutique. 

Naalala kong once kaming nagkita noon ni Lilah sa boutique at nagpalitan pa kami ng calling card. Last year pa iyon at sana naman ay hindi siya nagpalit ng number. Hindi man halata pero magkakilala talaga kami ni Lilah noong college palang kami.

Paano ba namang hindi eh siya ang Suma at ako ang Magna niya? Tanggap ko naman na mas matalino talaga siya sa akin. Hindi naman ako iyong taong nuknukan ng insecure sa katawan eh. Ang mahalaga sa akin ay pareho kaming matalino at maganda.

Napangiti na lang ako nang makita kong naka-save sa contact ko ang number nito. I need her help right now. Bahala na ito, kakapalan ko na talaga ang mukha ko.

"Hello? Who's this, please?" pormal pa nitong tanong nang sagutin na ang linya. Bahagya akong napasandal sa wall. Ginaya ko lang naman itong mukhang teroristang singiterong ginoong medyo bastos eh. Ang haba niyon, wala man lang punctuation.

"Uhm... Is this Lilah Daza?"

"Yeah, speaking. May I know who is this?"

Napatikhim pa ako at napatingin sa kay Mr. Singitero. Bahagya itong nakayuko at para bang walang balak na iwan ako. Nagmumukha tuloy siyang body guard ko. Okay na rin at baka pagkaguluhan na naman ako. 

Iba na talaga ang sikat, nakakawindang ng sistema at the same time ay nakakaasar din.

"This is Carleigh Quintos, remember me? Iyong kambal mo raw?" biro ko pa sabay tawa. Yong hiyang nararamdaman ko ay itinatawa ko na lang. Saglit pa itong natahimik.

"Yeah, Miss Magna, right?"

"Ahuh! You got it Miss Suma." Gano'n talaga ang tawagan namin mula ng grumaduate kami. 

"What's up?" usisa niya na. Nagtataka rin siguro ito sa biglaang pagtawag ko. 

"Baka may trabaho ka pa, nakaisturbo ba ako?"

"Ah nope, actually nasa LC Mall lang kami ni Alester, nag-iikot. Why?"

"OMG! Talaga ba? Sakto!" halos patili ko pang saad. Naramdaman kong siniringan naman ako ng tingin ng lalaking nasa tabi ko na hindi ko pa rin kilala. Pero iyong pabangong gamit niya ay parang ang pamilyar sa akin eh.

"Bakit? Anong meron?" Walang alinlangang ikinuwento ko rito ang nangyaring kamalasan sa akin. Hindi naman kami gano'n kalapit sa isa't-isa pero sa pagkakataong ito ay para bang isa siya sa kaibigan ko. Komportable naman ako sa kanya, siguro ay dahil baka wala talaga akong hiya. O sadyang ganon lang kabait para sa akin si Lilah.

"Oh. So where are you? Puntahan ka namin. Wala naman sa aking problema kahit hindi mo bayaran 'yan pero you know, you need the receipt for that or else mapagkakamalan kang magnanakaw ng security guard doon sa exit." Napakamot naman ako sa noo. Direkta talaga itong magsalita eh. Tama naman ito, mahigpit  pa naman ang seguridad dito sa LC. Kahit magnanakaw na langgam ay walang lusot.

"Kaya nga eh, I need your help. Ayokong bumalik sa boutique mo."

"Okay. Nasaan ka ba?"

"Nasa bandang game zone eh."

"Really? Kugtong ka, nasa game zone na kami eh. Wait... Babe, hanapin ko muna si Carleigh, dito ka lang ah?" saad pa nito. Sigurado akong si Alester ang kausap nito.

"Sama na ako." Napapalatak naman ang babae na mukhang walang magagawa kundi ang isama ito.

"Nasaan ka ba nagtatago?" tanong ulit nito. Nagpalinga-linga naman ako.

"Ah, nasa may left side ng game zone, sa may computer shop."

"Okay, nakita na kita." Hinanap ko naman ito. Napangiti ako ng papalapit na ito sa gawi ko.

"Thank you Lilah, you're my angel talaga. Tingnan mo nga ito at nasa mga kamay ko pa." Ipinakita ko pa sa kanya ang damit. Natawa lang ito. Nginitian ko lang din si Alester. Tipid naman itong ngumiti. 

Alien din talaga, buti at nagkakasundo naman sila. 

"Zei?" tanong pa ni Alester sa kasama ko. Halos mawala na sa isip kong may kasama pala akong alien din.

Sabay kaming napatingin ni Lilah sa lalaking tinawag na Zei ni Alester. 

Zei? Wait...

Pinakatitigan ko ang lalaki. Unti-unting kinikilala ng paningin ko ang kanyang mga mata at ang klase ng tingin na ibinibigay nito sa akin ngayon. Napahawak pa ako sa braso ni Lilah nang mapagtantong si Zeiroh Hernandez pala ang kasama ko. 

Hindi ko maintindihan kung bakit bigla na naman lang bumilis ang tibok ng aking puso ng direktang magtama ang paningin namin sa isa't-isa.

"Zei? Iyong pinsan mo?" bantulot na tanong ni Lilah sa kanyang soon-to-be husband samantalang ako ay tila ba nalunok ko na ang dila ko.

"Yes. What's up? Nakauwi ka na pala from Paris?" tanong pa ulit ni Alester sa pinsan nito.  Hindi man lang ito nag-abalang tanggalin ang kanyang mask.

"Yeah. Nag-iikot ikot lang ako," tipid niya pang sagot. 

"Magkasama kayo?" usisa ni Lilah. Sunod-sunod na iling naman ang isinagot ko. Hindi pwedeng malaman nila na magkasama kami at baka kung ano pa ang isipin ng mga ito.

"Ah no. Nagkataon lang na nandito siya nong tumago ako rito," palusot ko pa. 

"Galing ka ding LB, Zei?" usisa pa sa kanya ni Alester sabay tingin sa paper bag na hawak niya. Gusto ko namang mapasapo sa noo. Mukhang mali pa ang palusot ko ah.

"Yeah but hindi nga kami magkasabay," tanggi niya rin. Nakahinga naman ako nang maluwag.

"Do me a favor Zeiroh. Pwede bang ilagay mo na lang diyan sa paper bag mo itong damit ni Carleigh? Para naman hindi na siya mag-abalang makipila ulit doon. Baka kasi hindi siya palabasin dito kapag bitbit niya lang 'yan."

Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa sinabing iyon ni Lilah. Saglit pa akong natahimik. I thought tutulungan ako nito, bakit tila ipinahamak lang ulit ako nito sa lalaking ito?

"No, hindi na bale. Babayaran ko na lang ito doon. Baka wala naman na ring customers doon eh," tanggi ko pa. Ramdam ko ang titig niya sa akin kaya mas naaasiwa pa ako.

"Hindi nawawalan ng customers sa LB unless pasara na ito," natatawa pang sambit ni Lilah. Sinimangutan ko siya.

"I thought tutulungan mo ako?" maktol ko. Mas lalo pa itong natawa. 

"Yeah, tinutulungan na nga kita. Tutal naman nandito si Zeiroh. Pwede kang makilagay sa paper bag niya. Libre ko na 'yan sayo. Lagi kitang ililibre, just text me up lang kapag napagawi ka sa LB. Kakausapin ko na ang staffs doon."

Natuwa naman ako dahil sa sinabi niya. I really love LD garments but kakayanin naman kaya ng bituka kong makisama sa isang alien? 

Oh well Leigh, hanggang exit lang naman. Biyaya na ito from Lilah Daza, your favorite designer, patusin mo na.

"Okay, fine." Basta ko na lang kinuha kay Zeiroh ang paper bag niya at iniligay ang damit. Wala man lang itong naging reaction. 

"Ayan, problem solve. Mauna na kami sa inyo. Bahala na kayong magdiskusyon," paalam nito at hinila na paalis si Alester. Naiwan naman kaming walang imikan.

Bakit ba hindi ko agad ito nakilala? Tatlong taon din na hindi ko ito nakita. Tatlong taon na rin ang nakaraan mula noong bastedin ko ito. Graduating na kasi siya noon samantalang ako ay nasa 3rd year palang. Siguro naman ay hindi na ako nito gusto. Baka nga ay may girlfriend na ito ngayon eh.

Napasinghap naman ako sa hindi ko malamang dahilan.

"Ako na magdadala nito," saad ko. Akmang maglalakad na ako pero agad na nahawakan niya ang kamay ko. Wala sa sariling napadako ang tingin ko doon. Agad naman siyang napabitaw. May dinukot siya sa bulsa ng kanyang hood. Mask din iyon at kulay peach pa. My favorite color.

"Wear this. Don't be so reckless Miss Quintos. You're not kid anymore," aniya saka kinuha ang paper bag na hawak ko at nauna ng naglakad. Napatingin na lang ako sa mask na hawak ko na pala at isinuot na lang ito. Sinundan ko na lang siya. Akala ko ay mag iikot pa siya pero hindi. Direktang exit door ang lakad niya. 

Hindi na daw ako bata? Eh bakit noon ba ay bata ako sa paningin niya? Wow. Just wow.

Huminto lang siya sa paglalakad nqng nasa parking lot na kami. Pumanhik siya sa harap ng sasakyan na katabi din ng sasakyan ko. Pagkakataon nga naman.

Walang imik na binuksan niya ang paper bag at kinuha ang damit na binili niya tsaka iniabot sa akin ang paper bag. Gentleman naman pala. Wow, just wow.

"Thank you Mr. Singitero," saad ko. Kahit magpakabait siya sa akin ay hindi niya maiwawaglit sa isip ko na naningit lang siya sa pila kanina kaya nakapagbayad agad siya.

Tinanggal naman niya ang kanyang mask at lumantad ang gwapo niyang pagmumukha. Napatulala naman ako sa kanya. Hindi hamak na mas naging gwapo pa siya. 

"Stop calling me singitero dahil hindi ako naningit. Nauna naman talaga ako, umalis lang ako saglit sa pila dahil may tumawag sa akin," walang emosyong paliwanag niya.

Napamaang naman ako. Ang suplado pa rin pala pero mukha namang may improvement siya. Mahaba na rin siya kung magsalita. Hindi tulad ng huli naming pag-uusap. Napakaboring at halos bilhin ko na ang salitang lumalabas sa kanyang bibig.

"Okay? Galit agad? Nagpapaliwanag ka ba sa lagay na yan? Anyway, thank you ulit and nice meeting you here again," nkangiti ko pang saad. Siyempre, kailangan nating maging mabait sa taong tumulong sa atin kahit na halfhearted lang iyon. Tsaka, nakakatakot makarma no?

"Walang 'nice' sa pagkikita natin ulit," asik niya pa saka pumasok na sa sasakyan. Napatulala naman ako at pilit na ipinoproseso sa utak ko ang kanyang huling sinabi.

"Walang 'nice' sa pagkikita natin ulit."

Nagpaulit-ulit pa iyon sa aking kukuti. Nagulat pa ako ng bumusina siya. Nagising ang diwa kong malayo ang lipad dahil sa sinabi niya.

Kung ang iba nga ay hinahabol pa ako kapag nakikita pero siya ay hindi natuwa na nagkita kami? 

Wow, just wow! Kugtong siya, kugtong!

Tinanaw ko na lang ang kanyang sasakyan na paalis na habang nanliliit ang mga mata. Kung makaasta ay para bang hindi siya nagtapat sa akin noon na gusto niya ako? Psss! People change, so as the feelings Carleigh.

______

Vote★ Comment★ 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status