Share

Chapter 5

PRESENT

Gustong gusto pa niyang matulog ng mahimbing, yung gusto pa niyang manatili sa panaginip ng kanyang masasayang kahapon.

Nagbabalik kasi ang nakaraan sa kanyang mahiwagang panaginip.

Kasama pa niya ang nag-iisang lalaking minahal niya ng lubos at isinumpang ito lamang ang kanyang mamahalin habang nabubuhay siya. Kay sarap balikan ng mga senaryo na iyon. Na damang dama niya pa ang pagmamahal ni Cedrix.

Lalo na yung tagpo na napakahalaga para sa kanya.

Isinuko niya sa lalaki ang kanyang pagkababae. Dahil sa labis na pagmamahal niya dito ay pumayag siyang angkinin nito. Gusto din kasi niyang isigurado ang kanilang walang wakas na pagmamahalan sa isa’t isa.

“Alex.”

Medyo napakunot ang kanyang makinis na noo, habang nakapikit siya, patuloy ang kanyang mga panaginip. Pagkatapos ay sumilay ang ngiti na iyon sa kanyang labi. Ang tinig na hinding hindi niya makakalimutan. Hanggang ngayon ay napakasarap sa kanyang pandinig kapag tinatawag nito ang kanyang pangalan.

“Alex, mahal ko.” Nanunuot sa kanyang kaibuturan ang mga katagang iyon. Napakasarap sa kanyang pandinig talaga. Sa tinig pa lang ng lalaki ay damang dama na niya ang pagmamahal nito na laan lamang sa kanya.

“Drix.” Hindi niya namamalayan na nasambit din niya ang pangalang iyon habang nakatingin siya sa lalaking nakatayo sa kanyang harapan. Buong tamis na nakangiti sa kanya habang nakalahad ang dalawang braso. Alam niya na gusto siyang yakapin nito.

Medyo naipilig niya ang kanyang ulo, napatanong din siya sa sarili. Parang totoo kasi ang lahat. Naguguluhan siya. Ayaw niyang isipin na isang panaginip lamang ang lahat. Lalo pa at dinig na dinig niya na sinambit nito ang kanyang pangalan.

Pagkatapos niyon ay parang may nararamdaman siyang mga mumunting halik na patuloy na dumadampi sa kanyang mukha. Mainit sa pakiramdam ang mga halik na iyon, pero nagugustuhan niya.

Patuloy lamang siyang nakatitig sa gwapong mukha ng lalaking mahal na mahal niya.

Kahit may nadarama na siyang pwersa na nais siyang hilahin at dalhin sa kung saan. Ayaw niyang maglaho sa kanyang paningin si Drix.

“Alex, patawarin mo ako.” Kasabay ng pagkarinig niya sa pakiusap na iyon ay unti unti na yatang naglalaho ang imahe ni Drix sa kanyang harapan. Lumalabo na ito sa kanyang paningin.

Patuloy din na umaalingawngaw ang sinasabi nito na patawarin niya ito.

At sa ilang sandali pa ay, napakalakas na ng pwersa na pilit hinihila ang kanyang kamalayan. Ayaw niyang umalis, ayaw niyang iwanan si Drix doon.

“Drix.”

Pero nauubusan na yata siya ng lakas. Lalo na at may dalawang mainit na palad siyang nadama na humawak sa magkabilang pisngi niya.

“Alex si Drix ito, nandito na ako.” Kay lamyos ng tinig na iyon.

Hindi niya alam ang nangyayari, kung nasaan ba siya? Parang bigla kasi siyang nagising, at napunta yata siya sa kakaibang lugar na iyon. May kadiliman ang paligid na iminulat niya ng maliit ang kanyang isang mata. Muli kasi siyang napapikit dahil sa pakiramdam na parang kay bigat ng mga talukap ng kanyang mga mata.

Idagdag pa ang tila kay bigat na bagay na nakapatong sa kanya.

Umungol siya para alisin ang nararamdaman niyang pagkahilo yata. Nalilito siya.

Hindi agad rumehistro sa kamalayan niya ang huling pangyayari na naganap.

“Alex, nandito na ako.” Napakahina ng tinig na iyon kasunod ng mainit na hininga na naramdaman niyang dumampi sa kanyang bahaging tainga. Napaungol siya sa hirap na nararanasan niya.

Mabigat ng pakiramdam niya, feeling niya ay nahihilo siya. Tapos ay puro kadiliman ang nakikita niya kahit imulat niya ang kanyang mga mata.

Naisipan niyang igalaw ang kanyang katawan na nakalapat sa malambot na bagay na iyon. Para kasi siyang nasa ibabaw ng isang malambot na kama kung hindi siya nagkakamali.

Sa pakiramdam niya ay medyo nakatulong iyon para tuluyang magising ang kanyang diwa. Kahit nahihirapan siyang igalaw ang kanyang katawan ay inulit niya iyon.

“Alex gising ka na ba?” Tuluyan niyang naimulat ang dalawang mata niya dahil sa narinig. Napakadilim ng paligid na nakikita niya. May munti man siyang naaaninag na liwanag ay hindi pa rin nakakatulong iyon para makita niya kung nasaan ba siya. Parang nasisilaw pa nga siya doon.

Unti unti na ring bumabalik sa kanyang gunita ang huling pangyayari na naganap sa kanya, kasabay ng matinding takot na naramdaman niya ng maalala ang nakakatakot na mga matang iyon na tinignan siya mula sa rear view mirror ng sasakyan.

Agad na binaha siya ng matinding takot at kaba ng ganap na niyang naalala ang lahat. Sumakay nga pala siya sa isang kotse na napagkamalan niyang isang taxi. Naalala din niya ang kanyang ina, kausap pa niya iyon at sinabi niyang pauwi na siya.

Kaya ang malaking tanong ay kung nasaan ba siya?

Sa pakiramdam niya ay napakatagal niya yatang tulog. Dumagdag tuloy ang pag-aalala niya sa kanyang ina. Alam na niyang hinihintay siya nito, dahil sabay silang kakain ng dinner.

“Alex, I’m here.” Napamulagat siya sa narinig, narinig niya mula sa lalaking nakakubabaw sa kanya. Nakadama siya ng matinding paghihilakbot, hindi niya maaninag ang mukha ng nasa ibabaw niya na nagsasalita.

“S-sinu ka?” Kasunod ng kanyang pagtili, gusto na niyang maghisterikal sa takot. Inipon niya ang kanyang lakas para itulak ang kung sino man na nasa ibabaw niya.

“Alex ako ito.” Dinig na dinig niya iyon, pero kahit may bahagi ng utak niya ang nagsasabi na kilala niya kung sinuman iyon ay patuloy siyang natatakot. Ayaw niyang tanggapin sa sarili niya kilalang kilala niya ang kasama niya na iyon sa madilim na lugar na kinaroroonan niya.

“Bitawan mo ako! Umalis ka dyan!” Malakas na ang kanyang boses. Buo ang loob niya na manlalaban siya. Dahil kung mamamatay man siya ay sisiguraduhin niyang mamamatay siyang lumalaban.

Kaya inipon niya ang kanyang buong lakas. Itutulak niya ang lalaking nakapwesto sa ibabaw niya.

“Alex, calm down.” Narinig niya. “Don’t be afraid, kilala mo ako,” patuloy niyang naririnig ang mga paliwanag na iyon. “Hindi ka mapapahamak, Alex.” Pero wala siyang balak na paniwalaan ang mga sinabing iyon. Dahil kung wala itong balak na masama sa kanya, ay bakit siya naroroon sa isang estrangherong lugar na iyon.

Naalala pa niya ang mukha ng nagdadrive ng sasakyan. Yung hinampas niya sa balikat at tinignan siya ng masama. Sigurado siya, hindi niya kilala ang driver na iyon.

“Ahhhh.! T-tulooong!” Malakas siyang sumigaw, iyon na yata ang pinakamalakas na sigaw ang nagawa niya. Pilit siyang umaasa na may makakarinig sa kanyang paghingi ng tulong. Kahit nagsusumigaw ang utak niya na walang makakarinig sa kanya doon.

Lagi niyang iniisip ang payo ng Papa niya noong nabubuhay pa ito. Na huwag na huwag siyang susuko, na kahit sa mga sitwasyon na mukhang wala ng pag-asa, ay patuloy siyang maniwala na may darating pa rin na pag-asa, kahit napakaimposible na ng lahat.

Iyon nga ang naging panuntunan niya sa buhay.

“Alex, please calm down.” Mahinang sabi nito. “Hindi ka mapapahamak, please trust me.” Gusto na niyang manampal sa galit. Nagagalit na siya sa lalaki. Dahil ayaw nito na bitawan siya. Paano nga siyang hindi matatakot gayong nakakubabaw ito sa kanya na nasa madilim silang lugar. Ganoon ba ang walang intension na masama?

Gusto rin niya murahin ito ng malakas, dahil sa lakas ng loob nito na sabihin na please trust me.

Sinasabi tuloy ng isip niya na baka may sira sa ulo ang kidnaper niya.

Nagpahinga siya ng saglit lang, dahil muli siyang nag-iipon ng lakas para lumaban, pero sa kabila niyon ay talagang nanghihina ang dalawang braso niya.

“Bitawan mo ako, hayop ka!” Malakas na sigaw niya, parang sa mga sandaling iyon ay ganoon na lamang ang magagawa niya.

Naramdaman niyang medyo tinakpan ng lalaki ang kanyang bibig, hindi naman mahigpit o madiin para yata hindi siya masaktan. Pero dama niya na ayaw siyang pasigawin nito.

“Alex, please stop.” Sa tingin niya, ay parang umiiyak ang tinig nito.

“Sino ka ba?” Malakas na tanong niya ng makawala ang kanyang bibig sa palad nito. “Ha! Sino ka?” Isang buntong hininga ang narinig niyang tugon. Kaya natigilan siya. Ayaw pang sabihin ng extrangherong lalaki ang pangalan nito.

Sinasabi ng sistema niya na kilala niya ito, na alam na alam niya kung sino ba talaga ang kidnaper na iyon, pero ayaw tanggapin ng pagkatao niya. Dahil ayaw n niyang maalala ang taong matagal na niyang ibinaon sa limot.

Dahil sa hindi niya pagkilos ay sinamantala iyon ng lalaki. Narinig pa niyang humigop iyon ng hangin, at ang kasunod na nangyari ay hindi niya inaasahan.

Hinalikan siya nito ng buong lalim.

At dahil sa talagang nakaawang ang kanyang mga labi ay walang kahirap hirap na nagawa iyon ng lalaki. Otomatikong nagpumiglas siya. Inipon pa nga niya ang mga natitira niyang lakas para maitulak iyon at makawala sa malalim na halik na patuloy niyang nararamdaman.

Pero hindi sapat ang kanyang lakas.

Lalo pa at hinawakan ng lalaki ang magkabila niyang kamay na pilit na nagpupumiglas para hindi na siya makagalaw. Kahit nasasaktan siya sa higpit ng pagkakahawak sa kanyang magkabilang palad ay wala siyang magawa. Hindi siya makakawala.

Alam niya na desidido ang lalaki sa gusto nitong gawin.

Huwag kang mawalan ng pag-asa Alex. Sabi ng kanyang utak.

Nang madama niyang pumasok ang napakainit na dila nito sa kanyang bibig ay doon natuon ang kanyang buong pansin. May kung anong pakiramdam ang hatid sa kanyang katawan ng malalim na paghalik na iyon.

Yung pakiramdam na ibinabalik siya sa nakaraang mga pangyayari sa buhay niya, na hindi niya mawari. May pilit na mga alaala na gustong lumitaw sa diwa niya, kahit pilit niyang nilalabanan.

Kilala niya kasi ang halik na iyon. Sinasabi ng isip niya na pamilyar sa kanya ang malalim na halik na iyon. Iyong tipo na para siyang gustong ubusin. Yung puno ng pananabik sa kanya.

Parang hinihintay lamang ng lalaki na maubusan na siya ng lakas dahil kusa nitong binitawan ang magkabila niyang palad. Para yakapin siya nito ng buong ingat.

Ang isang palad nito ay sumiksik sa ilalim ng kanyang batok, dahil gusto yata nito na buo niyang matanggap ang init ng mga halik na iginagawad nito sa kanya. Tapos ay nadama rin niya ang isang braso nito ay pumulupot sa kanyang maliit na beywang.

Talagang damang dama na tuloy niya ang mainit na singaw ng katawan nito dahil mukha na silang hindi mapaghihiwalay sa ayos na iyon.

Lalo tuloy siyang nawawalan na ng lakas para lumaban pa. Dahil ang katawan niya ay nagsasabing nagugustuhan niya ang umaapoy na katawan na nakapulupot sa kanya, nahahawa na rin ang katawan niya sa init na natatanggap niya.

Hindi na rin niya maintindihan ang sarili dahil sinasabi nito sa isip niya na nasasarapan na siya sa mga halik na natatanggap niya, kaya unti unti na yatang nawawala ang kanyang takot sa lalaking nasa ibabaw niya. Nagugustuhan na ng sistema niya ang ginagawa nito, ang paggising nito sa pagkababae niya.

Ang kanyang katawan na ngayon ang matinding kalaban niya, dahil parang sabik na sabik na iyon sa mga susunod pang mangyayari na batid niyang nakatakda yatang maganap sa oras na iyon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status