Share

CHAPTER 4 - HIS EX-WIFE

SAMANTALA, nagpupuyos sa galit si Senyora Madeline, habang pabalik sa kanyang Mansyon. Kasalukuyan silang nasa biyahe ni Thomas, at parehong hindi maipinta ang kanilang mga mukha. Ilang sandali pa'y napangiti si Thomas na binalingan ang kanyang ina.

"Mommy, bakit hindi mo na lang tawagan si ate Shane, di ba matagal na rin siyang hinahanap ni Kuya Dustin? At hanggang ngayon alam natin na mahal pa rin siya ni Kuya kahit limang taon na ang nakalipas simula ng mag divorce sila."

Saglit na nag-isip ang senyora, biglang lumiwanag ang kanyang mukha. Si Shane ang dating asawa ni Dustin, at walang sinumang nakakaalam na anak niya ito sa dating kalaguyo niya. Upang mapunta sa kanyang anak ang lahat ng kayamanan ni Dustin, ginawa niya lahat upang, magkakilala ang dalawa. Hindi naman siya nabigo, dahil unang nainlove si Dustin sa anak niya. Ngunit pinaghiwalay niya rin ang dalawa, matapos nilang mapagtagumpayan na makuha ang Crawford Empire. Ngunit nagtataka siya, kung bakit hindi naapektuhan si Dustin ng kahirapan, gayung naubos na nilang makuha ang kayamanan nito. Alam niyang may tinatago si Dustin na yaman na hindi nila alam. At kailangan niyang pabalikin si Shane sa piling nito, upang tuluyang mawala ang putang babaeng yun, na tanging sagabal sa mga plano nila.

"Alam mo tama ka Thomas, kailangan kong tawagan si Shane ngayon din." Pagkasabi, agad niyang tinawagan ang kanyang anak, ngunit natigilan siya ng lalaki ang galit na sumagot.

"Hello! bilisan mo nang sabihin ang pakay mo, dahil nakakaistorbo ka, we are in the middle of fucking each other!"

"Ohhh,...Honey, sino ba kasi yan, malapit na ako, fuck me hard."

Muling namumula sa galit si Senyora Madeline, ng pinatay ng mga ito ang tawag niya. Parang gusto niyang puntahan ang anak niya at tirisin upang matauhan. Halatang nasasarapan pa ang ungol nito, at hindi man lang naisip na sagutin ang tawag niya. Muli siyang nagdial ng numero nito at tinawagan.

"What!"

"P*****a! Wag mo akong ma what! what! Ayusin mo ang sarili mo at bumalik sa mansyon ng ex-husband mo, ngayon mismo!"

"What the hell, mom! Ayaw ko ng bumalik doon! Hindi ako mabubuhay ng walang sex! Hindi na ako kayang paligayahin ng lumpo at bulag na yun sa kama!" Nagmamaktol na sagot ng kanyang anak, dahilan upang madagdagan ang init ng ulo ng senyora.

"At ano ang gusto mong gawin sa buhay mo!? Magsesex na lang araw-araw? Samantalang ang ex husband mo, mayroon na namang bagong asawa! Hindi mo ba alam na nagpakasal na siya?" 

"What!? Bakit pa siya muling nagpakasal, kung inutil naman ang harapan niya. Ano ang gamit niya sa pagpapaligaya sa bagong asawa niya, ang kamay niya!? Bakit hindi na lang siya, nanahimik sa mansyon niya, at hihintayin kung kailan siya mamatay?"

Muntik pang mabilaukan ng laway ang senyora, dahil sa kalaswaan ng bunganga ng anak niya. “Ang bunganga mo, Shane! Kumilos ka ng naaayon sa isang babae na may dignidad! Makinig ka, nagyon mismo, akitin mo ulit si Dustin, upag tuluyang mawala sa landas natin ang Rihanna na yan!” Nagpupuyos sa galit si Senyora Madeline na pinatay ang tawag.

“Ano daw ang sabi niya, pumayag ba siya?”

Binalingan ng senyora si Thomas, “Kailangan niyang pumayag, dahil kung hindi, wala siyang mahihita sa akin na pera. Alam mo naman ang kapatid mong yan, pagwawaldas at panlalalaki lang ang alam!”

“Kailangan niya talagang bumalik mommy, dahil mapupunta sa babaeng yun ang posisyon ko kapag hindi nagtagumpay si Ate.”

“Sa ngayon, wala na tayong magagawa, sakaling mapupunta kay Rihanna ang posisyon bilang CEO ng kumpanya. Hayaan na lang muna natin siya, na palaguin ang kumpanya, at siya ang mamroblema kung paano bayaran ang utang ng Crawford Empire. Kapag naging maayos na ulit ito, saka natin babawiin sa kanya ang kumpanya.”

Mas lalong naging proud ang senyora sa kanyang sarili ng marinig ang palakpak ni Thomas, “Talagang hanga ako sa talino nyo mommy, may point ka, bakit pa natin poproblemahin ang utang ng kumpanya, kung andyan naman si Rihanna, na mamroblema, at hindi lang ‘yun, pwede pa nating ibintang sa kanya ang ibang pera na ninakaw natin. Haha.”

Napangiwi ang driver, habang nakikinig sa mga palano ng dalawa, at  ang parang baliw na tawa ng mga ito sa likuran. Matagal na siyang nagseserbisyo dito, at alam niya lahat ng mga baho nito, ngunit takot lang siyang ipagsabi, dahil siya ang papatayin sakaling malaman nila na may alam siya.

***

Samantala sa Twilight X Club, abalang-abala si Madam Ritz, sa bar counter ng may tumawag sa kanya. Nang mapansin na si Celine ‘yun, agad niyang sinagot ang tawag. “Hello, bakit ka napatawag?”

“Madam Ritz, ano itong nababalitaan ko, na hindi na nagtatrabaho diyan si Rihanna. Di ba sinabi ko na sayo na higpitan mo ang pagbabantay sa kanya!?” galit na wika ni Celine sa kabilang linya.

“Ay naku Celine, ngayon pa lang sinasabi ko na sa inyong dalawa ni Zack, Wag nyo nang ituloy ang kung anomang binabalak nyo kay Rihanna, kung ayaw nyong may mangyaring masama sa inyo.”

“Ano!? Nagpapatawa ka ba? Hindi ko alam na pati ikaw, na naturingan pa namang tigre dyan sa Club, takot na rin ngayon sa isang babae na walang silbi!” 

“Wag mo akong sigawan! Baka nakakalimutan mo kung sino ang kausap mo, p*****a ka! Kung galit ka sa kapatid mo, wag mo akong idamay! Adyos!”

“Madam Ritz! Hello!” Namumula sa galit si Celine, ng makitang pinatayan siya ng tigreng matanda ng telepono. Napabalik siya sa kanyang sistema ng maramdaman ang mga halik at yakap ni Zack sa kanya. Kasalukuyan silang n*******d at magkasiping sa loob ng isang hotel upang magpainit ng katawan. Ngunit may impormasyong natanggap si Celine galing sa source niya sa Twilight X Club, na wala na doon ang kanyang step sister. ”Bakit ganyan ang mukha mo, ano ba sinabi niya?” narinig niyang tanong ni Zack at akmang umibabaw na naman ito sa kanya ng biglaan niya itong tinulak at galit na bumangon.

“Ano bang problema mo!?” galit na tanong ng lalaki sa kanya habang mabilis na kinukuha ang boxer shorts upang isuot. “Nakakawalang gana ka!” singhal nito sa kanya, at bumaba sa kama upang kumuha ng tubig sa ref na sa loob mismo ng silid.

“Wala ako sa mood ngayon Zack, pwede ba!? Galit ako sa babaeng yun, akala ko, tuluyan na siyang mabubulok sa Club na iyon, ‘Swerte niya, nakatakas pa siya. Walang hiyang lumpo na yun, tinulungan pa ang putang babae, na makaalis!”

“Ano ngayon ang pinaplano mong gawin?” tanong ni Zack bago lumagok ng tubig.

“Zack, paimbestigahan mo ang bulag at lumpo na lalaking yan na tumulong kay Rihanna. Kung kailangan natin siyang bayaran upang pahirapan si Rihanna, gawin mo. Kumukulo na talaga ang dugo ko sa babaeng yun. Ayaw ni mommy na makabalik pa si Rihanna sa bahay, kaya kailangan na gumawa ka ng paraan.”

"Okay, pagkatapos ng business meeting ko sa Crawford Empire bukas, gagawin ko ang pag-iimbestiga. Papalit ng bagong CEO ang Crawford Empire, at kailangan kong makakuha ng appointment sa bagong CEO, para sa bagong project ng Lawson Industries.

"Okay sige, sasamahan kita, bukas, tutulungan kitang makakuha ng appointment sa Crawfrod Empire.

**

Samantala, sa mansyon ni Dustin, masayang sinusubuan ni Rihanna si Dustin, habang kumakain sa Dinning table, ng biglang lumapit si Mr. Stuart at sumaludo kay Dustin at Rihanna.

“Paumanhin po ninyo Master, ngunit nasa labas po si Shane.”

 Saglit na natigilan si Dustin, nagtataka siya kung bakit biglang nagpakita ang dati niyang asawa. Ang asawa niya na isang taon niyang iniyakan, dahil sa pag-iwan nito sa kanya. “Papasukin mo.” 

“Matutupad po, Master.” Muling sumaludo si Mr. Stuart kay Dustin, at tumingin ng makahulugan kay Rihanna, bago umalis. Hindi alam ni Rihanna, kung ano ang kanyang mararamdaman sa mga oras na ito, hindi niya inaasahan na mapapadali ang pagbalik ng asawa ni Dustin, samantalang hindi pa siya nakapagsimula sa paghihiganti niya. Paano kung bigla nalang sabihin ni Dustin, na hindi na siya nito kailangan?

Ilang sandali pa’y pumasok na ang matangkad, at seksing babae, at dere-derecho ang lakad nito papunta sa kanila. 

“Dustin, Honey, I miss you,” maluha-luhang wika nito sabay yakap at halik sa mga labi ni Dustin. Naiinis naman si Rihanna, dahil kanina lang, siya pa ang humahalik sa mga labi ng asawa. At itong asawa niya, hindi man lang umiwas nang hinalikan ni Shane. Parang may kung anong kumurot sa puso ni Rihanna, dahil sa kanyang mga naiisip.

“Bakit ka bumalik?” galit na wika ni Dustin sa Ex wife niya. 

“Honey, I’m very sorry, nagsisisi na ako sa ginawa kong pag-iwan sayo, ngunit nandito na ako ngayon, gusto kong bumawi sayo hon, Sana bigyan mo pa ako ng chance para patunayan sayo kung gaano kita kamahal.” malanding wika ni Shane, at sinamahan pa  ito ng makatotohanang iyak.

“Huli na Shane, may asawa na ako ngayon, pwede ka nang umalis.”

Sa halip na umalis, lalo lang nilakasan ni Shane ang kanyang pag-iyak na akala mo’y sobra talaga siyang nasaktan. Lumuhod pa ito sa harap ni Dustin at niyakap ang baywang nito.

“Hon, alam kong hanggang nagyon, mahal mo pa rin ako, alam kong kaya ka lang nagpakasal upang bumalik ako sa piling mo. Nandito na ako hon, at nangangako akong hindi na kita iiwan pa. Pleaase, forgive me, bigyan mo pa ako ng pagkakataon na iparamdam sayo ang pagmamahal ko. Kahit may asawa ka na, titiisin ko pa rin ang sakit, nakahanda akong magtiis, alang-alang sa pagmamahal ko sayo.”

Kung hindi lang dahil kay Dustin, kanina pa gustong tadyakan ni Rihanna si Shane, lalo na at umiiyak ito na wala namang luha. “Ahhmm, Miss Shane, pwede  bang magtanong, magandang klase ba yang tissue nyo? Ceramic ba yan or plastic?” wala sa loob na tanong ni Rihanna kay Shane, dahilan upang tumigil ito sa pag-iyak at tiningnan din ang kanyang tissue na hawak sa kamay. Umangat siya ng tingin upang tingnan si Rihanna.

“Bakit?’ Nagtatakang tanong niya dito.

“Ahhemm, ano kasi eh, bibili din sana ako, gusto ko rin kasing gumamit ng ganyan. Biruin mo, kanina pa kayo iyak ng iyak, hanggang ngayon hindi pa rin nababasa ang tissue nyo. Abah, napakagandang klaseng tissue yan.”

Nagpipigil na tumawa si Mr. Stuart dahil sinabi ni Rihanna. Nakita kasi niyang namumula sa galit si Shane, dahil agad siyang binuking ng bagong asawa ni Dustin.

“Shane, umalis ka na, may bagong asawa na ako ngayon. Hindi ko kailangan ng isa pang asawa. Wife, dalhin mo na ako sa silid natin, gusto ko nang magpahinga.”

“Sure, Luv,” malanding sagot din ni Rihanna, dahilan upang bahagyang natigilan si Dustin. Parang musika ‘yun sa kanyang pandinig. Bakit nag-iba naman yata ang endearment nito sa kanya. Lihim siyang napangiti dahil alam niyang sinadya yun ni Rihanna upang mas lalong pagselosin ang Ex wife niya. 

Akmang aalis na si Rihanna, habang tinutulak ang Wheelchair ni Dustin, ng lihim na pinigilan ni  Shane ang Braso nito at madiin na binulungan. “Kung akala mo, pwede ka ng magreyna-reynahan sa pamamahay na to, pwes nagkakamali ka, hindi ako titigil hanggat hindi ka pinapatapon ni Dustin.”

Binalingan ng masamang tingin ni Rihanna si Shane, at pwersahang siniko sa tagiliran dahilan upang bitawan siya nito, “Gawin mo, Hindi kita uurungan. Tapos na ang kontrata mo bilang asawa ni Dustin. Sa ating dalawa, ako ang mas may karapatan, kaya hanggat hindi sinasabi ni Dustin na kailangan ko nag umalis, hindi ako aalis!”

Nagpupuyos sa galit si Shane habang sinusundan ng tingin si Rihanna na tulak-tulak ang Wheelchair ni Dustin, papasok sa Elevator. Nasa Ikaapat na palapag ang Master’s Bedroom kaya need nilang mag Elevator dahil hindi naman pwedeng dumaan si Dustin sa hagdan.

Nang mahagip ng kanyang tingin ang mga katulong na nakatingin sa kanya, agad niya ang mga itong sininghalan. “Anong tinitingin-tingin nyo!?” Mabilis namang nagsi-alisan ang mga katulong at bumalik sa kanilang mga trabaho.

“Madam Shane, please, you need to leave.” magalang na pakiusap ni Mr. Stuart, habang nilalahad ng kanyang mga palad ang direksyon ng pintuan palabas.

“Humanda ka sa akin Rihanna, sa pagbabalik ko, siguraduhin ko ng mayroon akong hawak na alas upang manatili sa bahay na ito. At kapag nangyari 'yun, gagawin kong impyerno ang buhay mo.” usal ni Shane sa sarili bago tuluyang nilisan ang Mansyon ni Dustin.

Comments (28)
goodnovel comment avatar
Marsha Manmuth
nice story
goodnovel comment avatar
Riza Marasigan Magpulhin
nice story
goodnovel comment avatar
Rex Garey
napaka ganda
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status