Maingat niyang inilapag si Katleah, sa malambot na kama. Matagal muna niya itong tinitigan bago pinasadahan ng mga maliliit na mga halik ang buong mukha nito. "I love you so much my wife, ngayon ko lang napagtanto na hindi ko pala kayang mawala ka sa buhay ko. Ang isipin ko palang na may mangyayaring masama sayo ay ikakabaliw ko na." "Babe ano ka ba? Bakit ba mula pa ng dumating ka kanina, yan na ang bukambibig mo? Walang mangyaring masama sa akin okay? Di ba sumumpa ako sayo nung kasal natin na lagi akong naririto para sayo? Sayong-sayo ako babe at hinding-hindi ako mawawala sa tabi mo.” malambing na sabi niya sa asawa. Masuyong pinagmasdan ng mabuti ni Katleah ang kanyang asawa, at nakikita niyang may namumuong luha sa mga mata nito. Naramdaman niyang may tinatago itong problema. "Babe, sabihin mo na sa akin kung ano ang gumugulo diyan sa utak mo, handa akong makinig. Asawa mo na ako ngayon, ayoko rin na mawala ka sa buhay ko babe, hindi ko kaya, Baka magugulat nalang ak..... "S
DELA VEGA MANSION"Tito, totoo ang sinasabi ko na inakit lang ng babaeng yan si Marco. Pina Imbestigahan ko ang family background niya at nalaman ko na lumaki siya sa bundok sa probinsya. Sa tingin ko pera lang ang habol niya sa anak ninyo. Tito Philip, bakit hindi mo subukan na pa puntahin dito yung babaeng yan para turuan natin siya ng leksyon? Kung matitiis niya ang mga pahirap natin sa kanya ibig sabihin mahal nga niya si Marco, pero kung hindi siya magtatagal, isa lang ibig sabihin nun, kayamanan lang ni Marco ang gusto niya." wika ni Sandra. Desperado na siyang gawin ang lahat para lang mangyari ang lahat ng pinaplano niya."Pero Iha, ayokong pakialaman ang buhay ni Marco, atsaka mahal niya ang asawa niya. Kilala ko ang anak ko,hindi siya basta-bastang magpapakasal kapag ayaw niya sa babae, kaya hayaan nalang muna natin siya sa kanyang mga desisyon." wika ni Don Philip."Tito papayag ka na lang ba na iiwan rin niya ang anak mo sa bandang huli pagkatapos niyang makuha ang gusto n
Masayang lumabas ng company building ang mag-asawang Marco at Katleah, habang magkahawak kamay, nang biglang inabot ng bata ang isang bouquet ng white roses sa sa kamay ni Katleah. Nakakunot noo na tinanong niya ang bata. "Bata, kanino galing to?"Tumingala ang bata sa kanya. “Hindi ko po kilala ang gwapong mama eh. Sabi, po niya tingnan mo nalang daw yong card." at agad na itong tumakbo papalayo sa kanila. Mabilis niyang tiningnan ang card na nakasabit sa bouquet at binasa ang nakalagay doon."A flowers cannot blossom without sunshine, and I cannot live without your Love." - frm. Raven ColsterUmangat siya ng ulo para lang makita ang kanyang asawa na kanina pa nagdidilim ang paningin sa galit. Hinablot nito ang ponpon ng bulaklak sa kamay niya, pinag hahampas sa sahig atsaka inapak-apakan. Nagwawala ito, at pinagsusuntok suntok ang malaking haligi ng parking lot."Raven Colster! papatayin kita!” sigaw nito habang nanlilisik at namumula ang kanyang mga mata sa galit. Pati mga tauhan
SHANGRILA HOTEL" Sandra, hindi ka parin nagbabago. Paano kung sasabihin ko sa yo na hindi ako sang-ayon sa mga plano mo? "" Wala kang magagawa Raven, kundi ang sumunod sa mga plano ko. Alam ko ang totoo mong pagkatao. "Saglit na natigilan si Raven, bago humarap ulit kay Sandra. "Sabihin mo nga sa akin? Bakit mo ba ito ginagawa?" galit na tanong niya kay Sandra." Sinabi ko na sayo diba? Akin lang si Marco, at hinding hindi ako papayag na mapupunta siya sa Katleah na yan. Gagawin ko ang lahat, para lang maghiwalay sila. Matagal akong naghihintay kay Marco, tapos sa isang iglap lang, ang babaeng yon pa ang pinakasalan niya? Kaya kailangan mo akong tulungan. "" Sandra, may iba akong plano at kung hindi ka makapaghintay, gawin mo ang plano mo. Huwag mo akong idamay. Iba ako, kung magplano Sandra. Hindi ako nagpa padalos dalos ng desisyon.""May gusto kanaman kay Katleah noon pa diba? Magkasama tayo noon nung makalaban mo siya sa Taekwondo. Alam kong sinadya mo na manalo siya, dahil n
Maagang nagbihis si Katleah at naghanda ng bumaba ng hagdan. Hindi na siya naka tulog pa hanggang umaga dahil sa kakaisip niya ng kanyang panaginip. Parang andoon talaga siya sa eksena na yon, ngunit hindi niya maipaliwanag sa sarili kung bakit hindi maalis sa isip niya ang pangalang Amarah." Hinimas himas niya ang kwintas niyang suot, bakit niya nakikita ang kwintas niya sa kanyang panaginip? may malaking parte kaya ito sa nakaraan niya? Hindi na siya makapaghintay pa na makausap ang lalaking tumawag. Akmang nasa pintuan na siya palabas ng Mansion ng tawagin siya ni Don Philip."Katleah, saan ka pupunta, bakit hindi ka muna mag-almusal?” pag-aaya nito sa kanya.Nahiya naman si Katleah, kaya bumalik siya at pumunta na rin sa dining upang kumain.""Mamaya na ako kakain manang, nawalan na ako ng gana,” Padabog na tinulak ni Marie ang sariling plato ng akmang uupo na si Katleah sa harap ng mesa."Marie!, Huwag kang bastos.! Bumalik ka dito!” sigaw ni Don Philip sa anak ngunit parang wala
" Kamusta na siya doc? Bakit bigla siyang nawalan ng malay pagkatapos sumakit ang ulo niya,” tanong ni Harry." Walang namang problema sa kanya. Sa ngayon kailangan muna niya ng sapat na pahinga at iwasan ang sobrang pag-iisip. Hindi kinaya ng utak niya ang sobrang pressure na maalala ang nakaraan kaya nagtriger ito ng stress dahilan para mawalan siya ng malay.”"Doc, may pag -asa pa bang maalala ko ang aking nakaraan?" tanong ni Katleah ng magising na rin ito. Kanina ng magising siya, napagtanto niyang nakahiga pala siya sa loob ng private room at nagkataong narinig niya ang lahat ng sinabi ng doctor." Iha, normal na sa tao na habang tumatanda ay nakalimutan niya ang ala-ala ng kanyang pagkabata. Ngunit minsan may mga karanasan sa kanyang pagkabata na hindi kayang kalimutan sa pagdaan ng panahon at bumabalik ito lalo na kung mararanasan niya ulit iyon. Huwag mong epressure ang iyong utak para piliting maka-alala dahil lalo lang itong sasakit. Hayaan mong kusa itong lalabas sa tamang
3 YEARS AFTER"Katleah!.. Sandali!..”Napatigil siya sa paglalakad ng marinig niyang may tumatawag sa kanya. Nang lingunin niya ito ay nakita niya si Marie na humahangos habang malalaki ang mga hakbang na papalapit sa kanya. “Pwede ba kitang makausap sandali?, doon sa may coffee shop sa labas nitong University natin nalang tayo mag-usap ng maayos.""Bakit? wala akong oras.. Kailangan ko nang umuwi ngayon para mag-aral, may exam pa ako bukas.""Kailangan mo pa ba yan? Simula ng pumasok ka dito sa University, Ikaw lagi ang nangunguna. Lahat ng professor bilib na bilib sa katalinuhan mo, kaya pwede bang mag chill chill ka na lang muna kahit sandali , Sister?"Saglit siyang natigilan ng tinawag siya nitong sister. “Sabihin mo na kung ano ang kailangan mo Marie nagmamadali ako. ""Umaasa ka pa bang susunduin ka ni Kuya? Hindi mo ba alam na magkasama sila ngayon ni Sandra?”"Anong ibig mong sabihin?'’ nakakunot-noong tanong niya dito."Well, dahil hindi ka naman sasama sa akin para magcofee
Nagising si Katleah sa isang silid na hindi pamilyar sa kanya. "Nasaan ako?'' tanong niya sa sarili. Akmang babangon na siya nang mapabalik ulit ang katawan niya sa pagkakahiga sa kama. Parehong may tali ang dalawa niyang kamay at paa. Ang kanyang bunganga ay natatakpan ng makapal na tela upang hindi siya makapagsalita. Tuluyan nang bumuhos ang luha sa kanyang mga mata. Mamatay na ba siya na hindi man lang nabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanyang mga magulang? Sasapitin ba rin niya ang katulad sa sinapit nila? “Dad, Mom, help me please…” taimtim niyang dasal sa sarili nang biglang may pumasok na lalaking naka masked at may hawak itong baril."Isuot mo na ang damit mo at umalis dito." sabi ng lalaki sa kanya habang tinatanggalan siya ng tali at busal sa bibig."Isuot?" Nasindak siya ng makita ang sarili na walang kahit anumang saplot sa kanyang katawan."Mga walang hiya kayo, anong ginawa niyo sa akin? Mga hayop kayo? agad niyang sigaw ng matanggal na ang busal sa kanyang bunga