[Grant]
Nanatiling tikom ang labi niya at hinayaan si Bea na saktan siya. Hindi niya inakala na may taong nakakaalam ng sekreto niya six years ago. Alam niyang mali ang ginawa niya. Pero dahil sobra siyang nasaktan at bulag sa pagmamahal niya kay Kiara ay hindi na siya nakapag isip ng tama. Nang makita n'yang ngumingiti 'to kay Cyrus ay kinain siya ng selos.Gusto niyang balikan siya ni Kiara!Nang makita niya ang dalaga na mag isang pumasok sa kwarto ay tila na-demonyo ang utak niya. Naghalo-halo ang nararamdaman niya.Selos at galit.Pero ng mahimasmasan siya ay nagsisi din siya sa nagawa niya. Pero huli na Nagawa na niyang kunin ang dangal nito. Nang umalis siya ng tuluyan sa Pilipinas ay pilit niyang binaon ang ginawa niya at sinabi na hindi na siya babalik ng Pilipinas. Pero nagbago lahat 'yon ng malaman niya ang nangyari kay Kiara ng magkwento ang kaibigan niyang si Kier sa kanya ng bisitahin siya nito sa America.Hindi niya inakala na nagbunga ang ginawa niya at si Kiara ay nagdusa ng sobra. Kinain siya ng pagsisisi. Gusto niyang bumalik para aminin ang lahat kay Kiara. Gusto niyang makita ang anak nila at makasama pero pinigil niya ang sarili. Alam niya na hindi siya tatanggapin ng mahal niya dahil sa ginawa niya at sa pisikal niyang anyo. Kaya naman inaral niyang mabuti ang pagpapatakbo ng kanilang negosyo at nagsimulang mag ehersisyo. Para sa pagbalik niya ay karapat-dapat na siya sa dalaga. Ang pagsikat niya sa ibang bansa ay hindi naman niya inaasahan.Akala niya ay magugustuhan na siya ni Kiara pero mali siya. Dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya magustuhan nito. Mabuti nalang at nagustuhan siya ng kanilang anak. Ang pagkagusto sa kanya ng anak niya ang gagamitin niya para mabuo ang pamilya niya.Isang sampal muli ang pinadapo ni Bea sa mukha niya."Magbabayad ka sa batas, Grant!" Ani Bea. "Kulang pa ang sampal para sa mga ginawa mo! Magbabayad ka sa ginawa mo!""Wag ka mangingialam sa mga plano ko, Bea-""At sino ka para pagsabihan ako niyan, Grant? Wala akong pakialam sa plano mo dahil ang kasalanan mo ang pinag uusapan natin dito!" Giit ng galit na si Bea."Shut your mouth kung gusto mong tulungan kita na makuha si Kier!" Natahimik si Bea sa sinabi niya.Alam niya ang lihim ni Bea. At gagamitin niya iyon para manahimik ito."Mahal mo si Kier, di'ba? Kaya ka nga nakipagkaibigan noon kay Kiara ay dahil sa kuya niya. Para may dahilan ka para mapalapit lalo kay Kier ng hindi niya nahahalata. Ngayon sabihin mo sa akin. Gusto mo bang matululoy ang kasal ng kapatid mo kay Kier o gusto mong tulungan kita na mapasa'yo siya?"[Bea]Naumid ang dila niya. Hindi siya nakapagsalita. Paano nalaman ni Grant ang tungkol sa bagay na 'yon?Ngayon ay nahahati ang isip niya. Gusto n'yang tulungan si Kiara para makamit nito ang hustisya. Pero ang isipin na matutuloy ang kasal ng ate Britanny niya sa lalaking mahal na mahal niya ay hindi niya kaya.Baka ikamatay niya kapag nangyari ang bagay na 'yon!FLASHBACK..."Beatrix!" Malakas na sigaw ni Kuya Brix ng makita siya na pinakikialamanan ang cellphone nito."K-Kuya-""Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na wag mong pakialamanan ang gamit ko?" Kinuha nito ang cellphone sa kamay niya. "Pansin ko lang, ha. Bakit palagi ka nangingialam ng cellphone ko? Umamin ka nga."Nagdududa na tumingin sa kanya ang Kuya niya. "Ano ba ang hinahanap mo sa phone ko? Just tell me what it is-""Wala nga sabi eh!" Namumulang tumakbo siya palayo sa kuya niya. Hinding-hindi siya aamin na hinahanap niya ang cellphone number ni Kier!Hindi niya kasi magawang hingin ang number ni Kier sa kaibigan niyang si Kiara. Nahihiya siya at natatakot na makahalata ang kaibigan sa nararamdaman niya para sa kapatid nito. Kaya halos araw-araw siyang nasa bahay nila Kiara ay dahil sa kapatid nitong si Kier, napupuno ng saya ang puso niya sa tuwing nakikita niya ito. Wala ng papalit dito sa puso niya. Simula ng makita niya si Kier ng sampong taon palang siya ay pinangako niya sa sarili na ito lamang ang mamahalin niya. At isang araw ay gagawa siya ng paraan para mapansin siya nito.END OF FLASHBACK...Gumuhit ang matagumpay na ngiti sa labi ni Grant ng makita sa mukha niya ang pagkalito."I will help you if you will shut your mouth, kaya kung gusto mong mapasa'yo si Kier, sundin mo ang gusto, 'yon ang pananahimik mo, Bea. Pretend you didn't know anything and Kier will be yours." Ani Grant sa kanya.Hindi niya mapigilan ang mapaluha. Hindi niya gustong maglihim kay Kiara. Pero hindi niya kayang mapunta si Kier sa iba."Hindi ko akalain na tuso ka pala, Grant." Malayo na 'to sa Grant na kilala niya noon."Nagbabago ang tao depende sa sitwasyon, Bea. Tulad ng sitwasyon na mayro'n ka ngayon. Pumili ka, ang makasal ang kapatid mo kay Kier, o pigilan ang kasal nila?" Tanong ni Grant.[Kiara]Gulat na tumingin siya sa kaibigan na si Bea ng bigla 'tong sumulpot sa harap niya. Namumula ang mata ng kaibigan niya. Halata na galing 'to sa pag iyak. Nabigla siya ng biglang yumakap sa kanya ang kaibigan habang umiiyak."I'm sorry.... I'm really sorry, Kiara." Humihikbing saad ni Bea. Nasa mukha niya ang labis na konsensya.Nakokonsesnya ba 'to dahil sa nangyari sa kanya?Gumanti siya ng yakap rito. "Wala kang kasalanan, Bea. Kaya ayaw ko sabihin sa inyo dahil alam ko na sisisihin niyo ang mga sarili niyo." Nakabuntonghininga na saad niya.[Bea]"Sana balang araw ay mapatawad mo ako, Kiara... Patawarin mo 'ko dahil sa nagawa ko." Kulang ang salitang paghingi niya ng tawad sa kaibigan. Alam niya na balang araw ay malalaman nito ang tungkol sa bagay na 'to. Dahil walang sekreto na hindi mabubunyag.Sa ngayon ay puso niya muna ang pagbibigyan niya. Dahil hindi niya makakaya na mapunta si Kier sa ibang babae."I'm really sorry talaga..." Aniya sa kaibigan habang patuloy sa pag iyak.Salamat sa pagbabasa 🥰 Wag niyo kalimutan na i-rate ang story ko🙂 Comment din kayo 🥰🙂
[Kiara]BORACAY.Tuwang-tuwa ang mga tauhan niya sa flower shop ng makarating sila sa Boracay. Pagkagaling nila sa hotel kung saan sila nagpabook ay agad na humanap sila ng restaurant na pagkakainan."Ma'am, ang ganda dito, pwede bang dito nalang tayo?" Biro ni Lyca. Bakas ang saya sa mukha nito, katulad ng iba pang mga kasama."Pwede naman eh, kung gusto mo iiwan ka nalang namin dito." Birong sagot ni Willy, kaya inirapan 'to ni Lyca."Mi, pwede na ba tayong magswim?" Tanong ni Kian sa kanya."After natin kumain, anak. But for now let's enjoy our food." Aniya."Sinabi mo pa, Ma'am. Hindi ako tatayo rito hangga't hindi ko nauubos 'tong mga seafood! Mag eenjoy ako sa pagkain ng mga 'to!" May laman pa ang bibig na sabi ni Noel na ikinatawa ng mga kasama.Napatigil siya sa pagkain ng makita ang lalaki na kapapasok lang sa restaurant. Ang liit nga naman ng mundo. Nasa iisang lugar lang sila ni Grant."OMG, Ma'am! 'Yong sikat na Filipino singer na sumikat sa America, narito siya!" Tumitili
[Kiara]"Pumapayag na ako na magpakasal tayo at maging ama ka ni Kian, Grant." Agqd na sabi niya kay Grant.Nakapag desisyon na siya. Hindi na siya magdadalawang isip pa dahil para naman sa anak niya ang gagawin niya.Napangiti si Grant ng marinig ang sinabi niya. "Mabuti naman at pumayag ka na." Tumango siya. "Oo pumapayag na ako. Basta para sa anak ko, Grant. Alam ko na magiging masaya siya sa desisyon ko." Pinahid niya ang luha sa mata. Alam niya na tama ang desisyon niya. "May kondisyon ako, Grant...." Bumuga siyq ng hangin. "Huwag mo sana masamain pero pwede ba na wag muna natin isama ang pagse-sex sa kontrata natin? H-hindi ko pa kaya gawin ang bagay na 'yon. Pasensya ka na..."Tumango-tango si Grant na para bang naiintindihan ang sinabi niya. "Naiintindihan kita, Kiara. Huwag kang mag alala. Hindi kita pipilitin sa bagay na hindi mo gustong gawin. Ang mahalaga sa ngayon ay pumayag ka na makasal sa akin at maging asawa ko. I'll promise, I will take care of you both." Nabigla
INILAPAG ni Paul ang isang envelope na naglalaman ng mga impormasyon sa harap ng kanyang kapatid na si Graciela. "Narito na ang mga impormasyon tungkol kay Miss Kiara Somana, ate Graciela. Nag iisa pala siyang anak na babae ng mga Somana, ngunit itinakwil siya ng pamilya ng siya ay mabuntis ng hindi kilalang lalaki." Paliwanag ni Paul sa kapatid. "Nagkaroon siya ng nobyo, si Cyrus Bautista. Nakapagtataka na hindi daw ito ang ama ng anak ni Miss. Kiara, samantalang ito palang ang naging nobyo ng dalaga."Lalo lang nagngitngit sa galit si Graciela sa nalaman. "Isa palang puta talaga ang babaeng 'to! Isang kahihiyan sa pamilya kung hahayaan ko na maikasal ang anak kong si Grant sa disgrasyadang babae na 'yan!""Hindi naman ganyan ang narinig ko tungkol kay Miss Kiara ate Graciela, hindi naman siya isang malanding babae-""Tumahimik ka, Paul! Wag kang magmarunong! Kung hindi siya isang puta, bakit siya nagpabuntis sa murang edad? Hindi lang iyon, wala pang ama ang kanyang anak! Sayang at g
[Kiara]Bumuga ng hangin si Grant bago inihinto ang kotse sa gilid ng kalsada. Nasa tapat na sila ng maliit na apartment kung saan sila nakatira mag ina.Nang papasok na siya sa bahay ay hinila siya ni Grant. Mabilis na pumaikot ang braso nito sa balingkinatan niyang katawan."I must apologize for what my mother's said, Kiara. I'm really sorry." Nagsimulang manubig ang mata niya. Dahil sa pag ungkat ng Ginang sa pamilya niya ay naalala niya ang lahat. Nabuhay ang galit niya sa pamilya niya. Ang sakit at pait sa dibdib niya ay muli niyang naramdaman.Pero tama ang Mama ni Grant. Isa siyang kahihiyan..."Ako dapat ang humingi ng sorry, Grant." Lumayo siya kay Grant at pinahid ang luha. "Sorry kasi magpapakasal ka sa isang tulad kong disgrasyada. Pero Grant maniwala ka hindi ko ginusto na mangyari sa akin 'to. Hindi ko ginusto na mapunta sa sitwasyong 'to." Nang maalala ang nangyari sa kanya ay lalo siyang napaluha. Lumayo siya kay Grant.Niyakap niya ang sarili at nagyuko ng ulo. Sigura
[David](David FLASHBACK)Nang bayaran niya ang bill ng babae na Kiara ang pangalan ay palagi na siyang nakasubaybay rito. Nalaman niya na may dengue ang anak nitong lalaki at walang ibang pamilya na dumadalaw rito."Salamat po Diyos ko. Kung sino man po ang taong 'yon pagpalain ninyo siya ng doble at bigyan ng umaapaw na biyaya. Hinding-hindi ko po makakalimutan ang tulong niya!" Umiiyak at nakaluhod na dasal ng babae sa loob ng chapel ng hospital.Sinundan niya si Kiara hanggang dito.Sumilay ang ngiti niya sa labi sa sinabi ng babae. Hindi siya sigurado kung dalaga pa ba 'to o may asawa na. Pero sa napapansin niya na wala itong kasama o dumadalaw na lalaki rito o maski isang kaibigan.Isang araw ay bigla nalang siya nilapitan ni Kiara."Mister, maraming salamat po sa tulong mo." Umiiyak na saad ni Kiara. "Salamat po talaga!"Nagulat siya. Paano nito nalaman ang ginawa niya? Gayong confidential ang bagay na 'yon?"Napansin ko kasi na palagi kayong nakatingin at nakasunod sa akin at
[Kiara]"Ma'am, pasensya na pero nasa garden si Senyora nagpipinta. Gusto ko man kayo dalhin sa kanya ay hindi muna sa ngayon. Hintayin ho muna natin siya na matapos sa ginagawa niya." Ani ng isang kasambahay ng mga Saavedra sa kanya.Narito siya ngayon sa mansion ng mga Saavedra para kausapin ang ina ni Grant."Sige ayos lang. Maghihintay nalang ako sa kanya hanggang sa matapos siya." Aniya.Alam niya na nasa opisina si Grant. Sinadya niya magpunta dito ng hindi alam ng binata. Hindi niya gusto malaman nito ang tungkol sa ginawa sa kanya ng Mama nito. Paano kung magalit ito sa sariling ina? Eh kung paano sa kanya 'to magalit at isipin na nagsisinungaling siya?"Ma'am, ayos lang sa'yo na maghintay ng mga tatlong oras?" Tanong ng kasambahay."Tatlong oras?" Di makapaniwala na tanong niya. Nasa garden ang ina ni Grant ng tatlong oras para lang magpinta? Nagpipinta ba talaga ito o nagdadamo?"Ah... kasi ho..." Alanganin ang mukha na bumulong ang babae sa kanya. "Ganyan na talaga si Sen
[Kiara]"Daddy!" Agad na yumapos si Kian kay Grant ng dumating ito. "Aalis na po tayo?" "Yes. I miss you, son. Excited ka na ba?" Tanong ni Grant."Opo, daddy! Pero saan po tayo pupunta? Wala naman daw po akong Lola saka Lolo at saka mga tito sabi ni Mi." Tumingin si Grant sa kanya dahil sinabi ng anak."Kian, mamaya pa tayo aalis. Mag uusap pa kami ng daddy mo." Sabi niya sa anak at saka tumingin ng seryoso kay Grant. "Mag uusap tayo, Grant." Hinintay muna niya na makalayo ang anak bago nagsalita. "Balak mong dalhin ang anak ko sa mga Somana?" Halata ang pagkabigla sa mukha ni Grant.Well, inaasahan na niya 'yon."Somana?" Takang ulit nito. Hindi siya sumagot.Tumango-tango si Grant na tila ba nakaunawa. "Dahil ikakasal na tayo. Naisip ko na ipaalam sa pamilya mo ang tungkol sa kasal natin—""Hindi na kailangan, Grant. Hindi nila kailangang malaman. Hindi sila kailangan na imbitahan at lalong hindi sila kailangan na makilala ng anak ko." Matigas ang tinig na wika niya na tila hin
"Nakita mo na, Belinda? Mana ang babaeng 'yon sa kanyang ina!" Hindi maipinta ang mukha ni Graciela habang nasa isa silang restaurant ng kaibigang si Belinda. Pagkagaling nila sa Salon ay dito sila dumiretso. "Hindi ko ma-imagine ang sarili ko na magkaroon ng isang apo na hindi ko naman kadugo! Nabilog na ng putang 'yon ang utak ni Grant!""Gracie, wag ka naman ganyan kay Kiara. Sa ayaw at sa gusto mo ay mapapangasawa na siya ni Grant kaya tanggapin mo nalang. Saka maniwala ka sa akin, mabuting bata si Kiara." Ngunit kahit anong paliwanag ni Belinda ay walang pakialam si Graciela."Hindi mo ako naiintindihan, Belinda. Sigurado ako na pera lang ang habol ng babaeng 'yon sa anak ko! Tinakwil na siya ng mga Somana kaya naman naghahanap ang babaeng 'yon ng makakapitan, kumbaga para siyang linta! Kung saan may masisipsip na dugo ay naroon siya!" Litanya ng ayaw magpatalo na si Graciela. Napailing nalang si Belinda sa sinabi ng kaibigan, hindi talaga niya mababago ang pananaw nito.[Somana