Share

85. He lied

[Kiara]

"Ano na naman?!" Hindi maipinta ang mukha ni Grant ng pagbuksan siya. Tumingin ito sa panibagong pagkain na dala niya. "You cooked again?" Hindi makapaniwala na tanong nito.

Nakangiti na sunod-sunod siyang tumango. "Ah, oo. Hindi ka pa kasi kumakain. Kaya kung ako sa'yo kakain na ako. Kapag tinapon mo kasi ito ulit ay magluluto lang ulit ako para sayo at magdamag kang kukulutin hanggang sa kumain ka." Pinigilan niya ang mapangisi ng makita kung paano nalukot ang mukha ni Grant.

Inikot niya ang daliri sa dulo ng buhok n'yang nakalugay. Bago siya naghatid ng pagkain ay naligo muna siya at nagsuot ng kulay pulang nighties dress niya. Naglotion pa siya, nagpabango! Aba, tingnan nalang niya kung hindi ma-akit si Grant sa kanya ngayon! Sana lang ay mabawasan man lang ang kasungitan nito ngayon!

"Nanginginig ka ba?"

Pilit na ngumiti siya at umiling. "H-Hindi no!" Tanggi niya.

Bakit naman kasi ang lamig-lamig dito! Parang may kasamang yelo ang hangin sa islang ito! Nakapatay naman ang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status