Share

LOVE SERIES#1 [LOVE AND LIES]
LOVE SERIES#1 [LOVE AND LIES]
Author: SEENMORE

Chapter 1. Estranghero

[Kiara]

Pagkatapos mag ayos ng kanyang sarili ay dali-daling nagtungo si Kiara sa lugar kung saan sila magkikita ni Grant. Ngayong araw ay puputulin na niya ang relasyon nilang dalawa. Nakuha na niya ang gusto niya kaya wala nang rason para tumagal pa ang pakikipagrelasyon niya rito.

Makailang beses muna siyang bumuga ng hangin bago nilapitan ang binata.

"Maghiwalay na tayo, Grant."

Gumuhit ang sakit sa mukha ni Grant ng marinig ang sinabi ni Kiara. "P-Pero bakit? May nagawa ba akong mali? Sabihin mo sa akin para maayos natin ang relasyong 'to." Pagsusumamo ng binata sa basag na tinig.

"Hindi naman talaga kita mahal, Grant. Pinatos lang kita dahil matalino ka at kailangan ko ng tulong mo." Siwalat niya. "Can't you see that? Matalino ka naman kaya dapat ay alam mo 'yon." Dugtong pa niya.

"K-Kiara, naman..." Garalgal ang boses na wika ni Grant. Nasasaktan ito sa mga naririnig at alam niya 'yon ngunit wala siyang pakialam.

"Sa tingin mo ba talaga, magugustuhan ko ang isang tulad mo?" May pandidiring pinasadahan niya ang kabuohan ni Grant. "My god, Grant. You're not my type. Kung hindi ka lang talaga matalino ay baka... hindi kita nilapitan."

Naluluha na nagyuko ng ulo ang binata. May kapayatan si Grant, ngunit matangkad, mayro'n itong makapal na salamin sa mata, may brace sa ngipin at may kahabaan ang makapal na buhok na palaging nakaharang sa mukha. Hindi niya alam kung mayro'n bang ibang babae na pumapatol rito bukod sa kanya. Wala kasi itong kadating- dating.

"Patas lang tayo, Grant. Binigay ko naman sayo ang first kiss ko, di'ba? Kaya sana walang samaan ng loob." Nag iwas siya ng tingin nang maalala ang first nilang dalawa.

Tinalikuran niya ito, pero agad din na huminto ng may maalala. "Siya nga pala, wag na wag mong sasabihin kay kuya ang tungkol sa ating dalawa. Sinabi ko lang naman sayo na ilihim natin ang relasyon natin dahil wala talaga akong balak na ipakilala ka. Kapag nalaman ko na sinabi mo kay kuya ang tungkol sa naging relasyon nating dalawa ay isusumbong kita kay Cyrus." Banta niya. Si Cyrus ang nobyo niya ngayon.

"K-Kiara..." Lumuluha na tawag ni Grant sa pangalan niya. Nang magtangka itong hawakan siya ay agad siyang lumayo. Kaya naman mas lalong gumuhit ang kirot at sakit sa mukha nito

Iniwas niya ang tingin sa binata. ‘I’m sorry, Grant.’ Piping usal ng isip niya bago ito iniwan.

Hindi na niya ito kailangan.

Tapos na ang kailangan niya rito. Nakapasa na siya sa exam dahil sa tulong nito. Hindi rin siya nababahala na magsusumbong ito sa kanyang kapatid, na kaibigan ni Grant, dahil alam niya kung gaano siya nito kamahal.

Malas lang ni Grant dahil wala ni katiting na pagmamahal na nararamdaman siya para dito.

.

.

.

"MABUTI naman at hiniwalayan mo na ang nerd na 'yon, Kiara. Akala namin ay patatagalin mo pa ang pagsama-sama sa kanya." Ani Dina, isa sa mga kaibigan niya.

"Hindi talaga ako makapaniwala na kaibigan siya ng kuya Kier mo. Like what the hell! Your brother is so damn hot, while his friend is just like a trash!" Diring sambit naman ni Klea. "Mukhang hindi siya naliligo at ang baduy niya, just eww!" Dugtong pa ng dalaga.

"Hoy wag kayo, natiis ni Kiara na jowain 'yon sa loob ng isang taon!" Pang aasar naman ni Bea na sinabayan ng halakhak.

Magkasing edad silang apat, pareho rin ang takbo ng mga utak nila. Nang sabihin niya ang plano no'n sa tatlo, si Bea lang ang tumutol sa mga ito. At dahil matigas ang kanyang ulo ay ginawa niya pa rin ang kanyang plano. Wala siyang pinagsisihan dahil nakuha niya ang gusto niyang mangyari. Tinakot kasi siya ng daddy niya na hindi bibilhan ng kotse kapag mababa ang grade niya.

Si Grant ay ginamit lang niya para magkaro'n siya ng libreng tutor. Kaibigan ito at kasing edad ng kuya Kier niya. Nang mahalata niya na may gusto ito sa kanya ay ginamit niya ang pagkakataon na iyon para magamit ito. Hindi naman siya nagkamali, dahil tama ang narinig niya mula sa kapatid niya noon, matalino ito. Pero bukod doon ay wala ng katangian na maganda sa binata. Matangkad lang ito at wala ng iba. Tama ang mga kaibigan niya, isa itong baduy. Mabuti nalang at umalis na ito ng Pilipinas, hindi na siya mababahala na malaman ng kuya Kier niya ang namagitan sa kanila.

Humawak siya sa dibdib ng makaramdam ng konsensya. Naalala niya ang luhaang mukha ni Grant.

Bumuntong hininga siya. ‘Hindi ko na dapat pa si Grant.’ Isip-isip niya at tuluyang inalis sa isip ang binata.

Tinaas niya ang hawak na beer. "Let's not talk about that nerd, guys! Narito tayo ngayon para magsaya, right?" Pag-iiba niya ng usapan. "Walang uuwi ngayong gabi!" Ito ang unang pagkakataon na iinom siya ng alak. Last week lang siya tumuntong sa ika-labinwalong kaarawan niya kaya naman pinayagan siya ng mga magulang na sumama sa mga kaibigan niya. Narito sila ngayon sa bahay nila Bea. Kaarawan ng kuya nitong si Brix, kaya imbitado sila.

"My Kiara is right, wag niyo ng pag usapan ang payatot na 'yon, nagseselos tuloy ako." Agad na umakbay sa kanya si Cyrus, ang boyfriend niya.

Nakagat niya ang labi dahil sa kilig. Tatlong buwan palang silang magkasintahan ni Cyrus, sinagot niya agad ito ng manligaw sa kanya. Bakit pa niya patatagalin kung matagal na siyang may gusto rito. Si Cyrus talaga ang tipo niya.

Hindi sinasadya na napatingin siya sa kamay kung saan nakasuot ang singsing na regalo sa kanya ni Grant ng ika-labinwalong kaarawan niya. Sinadya niya na huwag na itong ibalik, bukod kasi sa maganda ang singsing, bagay na bagay din ito sa kamay niya.

"Kiara, tama 'yan," Inagaw ni Bea ang hawak niyang beer. "Lasing ka na-"

"K-Ka-kaya ko pang u-uminom!" Namumungay na ang mga mata niya. Tinamaan na siya. Umiikot na rin ang paningin niya.

"Naku naman, malalagot tayo kay Kier-I mean kay k-kuya Kier, kapag inuwi natin si Kiara ng ganito." Napapalunok na saad ni Bea. Na para bang hindi gustong ma-bad shot sa kapatid niya.

"Ako na ang maghahatid kay Kiara -"

"No, Cyrus! I don't trust you so back off!" Tinabig pa ni Klea ang kamay ni Cyrus ng hahawakan sana siya ng nobyo.

"Kj niyo, bahala na nga kayo d'yan!" Inis na pakli ni Cyrus bago sila inis na tinalikuran.

"N-No! Sabi ko naman sa inyo, di'ba, hindi pa ako l-lasing, saka sino ang nagsabi na uuwi ako? Dito ako matutulog ngayon, girls!" Halos hindi na maintindihan ang sinasabi niya dahil sa kalasingan.

Nagkatinginan nalang sina Dina, Klea at Bea, at sabay-sabay na napabuga nalang ng hangin ang tatlo.

Humawak siya sa tiyan ng makaramdam ng tila masusuka siya. Nagmamadali na tumakbo siya papunta ng restroom ng malaking bahay nila Bea, pero pagdating niya roon ay punuan, kaya naman napilitan siya na umakyat sa ikalawang palapag at do'n magpunta.

Halos maisuka niya ang lahat ng kinain niya kanina. Pawis na pawis rin siya at nanghihina. Sumusuray na pumunta siya sa guestroom nila Bea, kung saan sila madalas matulog nila Dina at Klea. Pagkapasok niya ay naghubad siya ng damit at pumasok sa banyo, tinapat niya ang sarili sa shower para mabawasan ang pagkahilo niya.

Pagkatapos niyang maligo ay lumabas siya ng n*******d, naka-lock naman ang pinto kaya kampante siya na walang ibang tao maliban sa kanya.

Napatili siya ng biglang mamatay ang ilaw, kasabay ng pagtakip ng kamay sa bibig niya. Ginamit niya ang natitirang lakas para magpumiglas, ngunit dahil sa kalasingan at nahihilo pa siya ay wala siyang nagawa ng ihiga siya ng estranghero sa kama.

Nanlaki nalang ang mata niya ng maramdaman ang malambot na bagay na nakalapat sa labi niya. Nang tangkain niyang itulak ang nasa ibabaw niya ay pwersahan na itinaas nito ang kamay niya sa uluhan habang patuloy siyang hinahalikan.

"P-Please, wag po." Pakiusap niya ng bumaba ang mainit na labi nito sa leeg niya pababa sa kanyang dibdib. Hilong-hilo siya sa kalasingan, pero ramdam niya ang takot sa kanyang dibdib, may parte sa puso niya na umaasa na may darating para pigilan ang lalaki na lumalaspatangan sa katawan niya.

Ginawa niya ang lahat ng makakaya niya para pigilin ito subalit mas malakas ito kumpara sa kanya.

Gumapang ang kilabot sa buo niyang katawan ng maramdaman ang pangahas nitong labi na ngayon ay nasa dibdib na niya, habang ang kamay niya ay hawak pa rin nito paitaas sa kanyang ulunan.

Nahigit niya ang hininga ng maramdaman ang kamay nito na humihimas sa pagkababaę niya. Nang maramdaman ng lalaki na wala na siyang lakas para manlaban pa ay saka lamang nito binitiwan ang kamay niya.

Tuluyan ng tumulo ang luha niya ng maramdaman ang matigas na bagay na ipinipilit nitong ipasok sa lagusan niya. Hindi man niya nakikita ay tiyak siyang malaki ito— at tama nga siya ng hinala. Pakiwari niya ay mamamatay siya sa sobrang sakit.

Halos mapugto ang hininga niya ng tuluyan nitong ibaon sa loob niya ang kahabaan nito. Napanganga siya sa sobrang sakit.

"M-Masakit-" Tinakpan ng labi ng estranghero ang labi niya kaya nakulong ang mga d***g at hikbi niya sa loob ng labi nito.

“Ughh, ahhhh!” D***g ng lalaki na nasa ibabaw niya.

Hindi niya tiyak kung dala lang ng kalasingan niya— pero pamilyar ang boses nito. Nawaglit sa isip niya ang tungkol sa bagay na iyon ng isagad nito ang paglabas-masok sa loob niya.

“T-Tama na, p-please…. M-Masakit!!!” Marahas ang pag angkin nito sa kanya at mapang-angkin.

Hindi niya matandaan kung ilang beses ng ginamit ng lalaki ang katawan niya. Until-until ng bumibigay ang katawan niya sa antok, pagod, at sakit.

“You’re mine, Kiara! Ohhh, ohhh, ohhh!”

Bago nawalan ng malay ay narinig pa niya ang mahinang pag ungòl nito sa sarap habang patuloy sa pag indayog sa ibabaw niya.

Nang magising siya ay nag iisa na siya sa kama. Gusto niya isipin na panaginip lang ang lahat pero ng makita ang pulang mantsa ng dugo sa bedsheet at ang hubad na katawan ay umiiyak na niyakap niya ang sarili.

Hindi panaginip ang lahat! Ang iniingatan niyang pagkababaę ay nawala sa kanya sa isang iglap lang.

Comments (4)
goodnovel comment avatar
SEENMORE
Salamat po sa pagbabasa ...️
goodnovel comment avatar
linda mandayog
kawawa nman siya
goodnovel comment avatar
SEENMORE
Salamat po sa pagbabasa ...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status