[Kiara]
"What? Baliw ka na ba, Kiara? Paano ka makakahanap agad ng daddy ni Kian, eh wala ka ngang boyfriend?" Reaksyon ni Klea ng banggitin niya ang tungkol sa paghahanap ng daddy ng kanyang anak."Mahirap makahanap ng matinong lalaki ngayon. So make sure na mabuting tao ang mahahanap mo." Ani Dina. "Saka sa dinami-dami ng pina-blind date ko sa'yo ay wala ka namang nagustuhan. Sabi mo nga di'ba pare-pareho lang ang mga lalaki. Paano mo nasisiguro na hindi lang sex ang magiging habol ng tao na mahahanap mo? Look at you, Kiara." Itinuro ni Dina ang kabuohan niya. "You're so beautiful that's why every man will imagining a lot of sexy scenes with you in their mind, kaya wag ka ng magtaka kung bakit sex agad ang nasa isip nila.""Kaya nga nagsisimula na akong maghanap, kailangan ko ng makakita ng ideal dad para sa anak ko. Iyong mamahalin siya na parang isang tunay na anak at hindi dahil lang sa maganda ako kaya gusto akong pakasalan." Paliwanag niya. "Saka baka pwede kapag nag usap kayo ay wag niyong iparinig sa anak ko. Diyos ko! ang sarap pasakan ng talong 'yang mga bunganga niyo." Bigla niyang naalala ang sinabi ng anak niya tungkol sa panty niya. Minsan talaga ay masarap na kutusan ang mga kaibigan niya.Natawa lang ang mga 'to sa sinabi niya."Bakit hindi si Grant ang alukin mo, Kiara?" Inirapan niya ang kaibigan na si Bea dahil sa suggestion nito. "Bakit, wala namang masama sa sinabi ko. Besides, ikaw na rin ang nagsabi na gusto siya ni Kian. Bukod do'n ay ex mo naman siya." Katwiran ni Bea."Baka nakakalimutan mo ang ginawa ko sa kanya, Bea?" Tukoy niya sa paggamit niya sa binata noon. Paano kung may galit pa ang binata sa kanya at gamitin ang anak niya para maghiganti?"Move on, Kiara. It's been a long time, okay?" Tumatawang sabi ni Bea. "By the way, wag mo nga pala kalimutan na magpadala ng bouquet of flower kay tita Graciela, Kiara. Hindi muna kasi ako makakapunta sa GS building."Tumango siya kay Bea. "Ako na ang bahala." Mrs. Graciela is one of Bea's closest family friend. Palaging nagpapadala ng bulaklak si Bea sa ginang bilang paggalang rito."Think about Grant, Kiara. Malay mo pumayag siya na maging daddy ng anak mo." Ani Bea bago umalis, na tinawanan lang niya.Napabuntong-hininga siya.Hindi niya alam kung tama ba ang gagawin niyang paghahanap ng isang ama para sa anak niya. Pero kung ito ang paraan para sumaya si Kian ay gagawin niya."Lyca? Naihatid na ba ang bouquet sa GS building?" Tanong niya habang abala sa pagcheck ng inventory."Pasensya na po, Ma'am, paalis palang po ako." Saad ni Lyca habang abala ito sa paglagay ng mga bouquet sa van.Kumunot ang noo niya. "Ikaw ang maghahatid? Nasaan na sila Noel at Norman?" Tukoy niya sa kambal na tauhan niya."Nasiraan po sila ng sasakyan kaya nasa talyer sila ngayon, Ma'am Kiara." Sagot ni Lyca. "Sila Mark at Mila naman ay hindi pa tapos magdeliver, si Manang Fe naman po at si Willy ay gano'n din po." Paliwanag pa ni Lyca."Ako na ang maghahatid, Lyca. On the way na rin ako para sunduin si Kian. Kaya ako na ang bahala. Siya nga pala, next week ay magpabook ka ng flight sa Boracay, magbabakasyon tayong lahat." Napatili si Lyca sa sinabi niya."Kaya mas lalo naming pinagbubutihan ang trabaho namin dahil napakabait niyo po talaga, Ma'am Kiara! Sigurado po na matutuwa sila kapag nalaman nila 'to!" Tuwang-tuwang na sabi pa ni Lyca.Napangiti nalang siya.Deserve ng mga 'to ang magliwaliw paminsan-minsan. Lalo na at masisipag ang mga 'to sa trabaho.Nang makarating sa malaking gusali ng GS Group of Companies ay agad na lumapit siya sa receptionist."Hi, I'm looking for Mrs. Graciela. I will deliver this bouquet to her." Pinakita niya ang hawak na malaking bouquet ng bulaklak."Pasensya na po, Ma'am, pero dalawang linggo ng bumaba sa pwesto bilang CEO si Mrs. Saavedra, sa ngayon ay hindi na siya nagpupunta rito." Paliwanag ng receptionist.Natigilan siya. Hindi ba alam ni Bea ang tungkol sa bagay na ito? Wait, Saavedra? Hmm... Bakit parang pamilyar?"Gano'n ba, pasensya na, hindi kasi nabanggit ng kaibigan ko." Ani niya sa receptionist na ngumiti naman sa kanya."Ma'am, nariyan naman ang anak ni Mrs. Saavedra. Pwede mo 'yan iwan nalang sa office niya. Hindi ho kasi namin maaari na i-disclose ang address ng mga Saavedra, kaya iwan niyo nalang sa mismong office ng CEO ang mga bouquet." Magalang na hayag ng receptionist. "Tiyak naman po ako na hindi magagalit ang bagong CEO namin dahil para naman po kay Mrs. Saavedra ang mga bouquet na dala niyo. Sa ika-24th floor nga po pala ang office ni Mr. CEO, Ma'am." Dagdag ng babae.Magalang na nagpasalamat siya sa receptionist bago sumakay sa elevator. Hindi niya napansin ang lalaki na katabi niya na nabigla din ng makita siya, si Grant."Long time no see." Malalim at malaki ang boses na sambit ng katabi niya. Dahil sa pag aakala na hindi siya ang kausap nito ay hindi niya ito nilingon."Walang nagbago sa'yo, Kiara, hanggang ngayon ay gano'n ka pa rin." May ngiti sa labi na saad nito.Nilingon niya ang katabi ng banggitin nito ang pangalan niya. Nanlaki ang butas ng mata at ilong niya ng makita si Grant. Ang ex niya!Wala siyang balak na makipag usap kay Grant. Kaya naman hinarang niya ang bouquet ng bulaklak sa mukha niya."It's useless to cover your face, Kiara. Nakita na kita at nakilala kanina pa." Ani Grant. "Ano ang ginagawa mo rito?" Kaswal na tanong nito."Mister, nagkakamali ka, hindi ako si Kiara at hindi kita kilala." Pinaliit niya ang boses at saka nagmamadaling tumakbo palabas ng elevator ng makita na nasa ika-24th floor na.Bumuga siya ng hangin.Alam niya na matagal na pero nahihiya siya kay Grant. Nahihiya siya sa ginawa niya rito dati.Bakit naman kasi sa dinami-dami ng lugar ay dito pa pala 'to nagtatrabaho?![Kiara]Kumatok siya sa nag iisang pinto na nasa 24th floor. Pero ilang minuto na ang nakalipas ay walang nagbukas. Ang sabi ay narito daw ang CEO. Pero bakit mukhang wala namang tao? Wala din ang secretary nito.Ngumiti siya ng may lalaki na nagbukas ng pinto para sa kanya. Pero agad na nawala ang ngiti niya ng makilala kung sino 'to, si Grant!"Papasok ka ba o tatayo ka nalang riyan?" Tanong nito sa kanya.Natauhan naman siya at pumasok sa loob. Nagtataka man siya ay hindi na siya nagtanong pa. Sa tingin niya talaga ay empleyado 'to ng kumpanya kaya ito narito. Katulad kanina ay hinarang niya ang malaking bouquet sa kanyang mukha."Have a seat." Iminuwestra ni Grant ang kamay para maupo siya.Hindi siya umupo. "Nandito lang ako para ideliver ang mga bulaklak na 'to kay Mrs. Graciela. Pero dahil wala siya ay dito ko nalang iiwan sa opisina ng anak niya." Inilapag niya ang bouquet ng bulaklak sa desk. Halos mabali ang leeg niya sa tindi ng pagkakayuko ng ulo niya para hindi makita ni
[Kiara]Natigil siya sa pag alala sa nakaraan ng marinig ang boses ni Grant."Pag isipan mong mabuti ang inaalok ko sayo, Kiara. Handa akong maghintay sa loob ng dalawang buwan. Hindi naman ako nagmamadali, so take your time. Siya nga pala, lilinawin ko lang. Kapag pumayag ka sa alok ko, gagawin natin lahat ng ginagawa ng mag asawa, including sex." Nanigas siya sa sinabi nito. Including 'sex' daw!Namutla siya at muntik ng matumba. Nanginginig ang katawan niya. Nagsisimula na siyang makaramdam ng takot.Tumayo si Grant ng mapansin ang kalagayan niya. Lumapit ito sa kanya at bahagyang inalog ang balikat niya."Kiara? What's wrong?" May pag aalala sa boses na tanong nito."I-I have to go." Nginig ang boses na sabi niya. Inalis niya ang kamay ni Grant sa balikat niya."Ihahatid na kita—""W-Wag na, salamat nalang." Tanggi niya kay Grant. Nagmamadali siyang umalis. Lalo siyang hindi papayag sa inaalok nito. Lalo na ngayon na nalaman niya na kailangan din nilang gawin ang bagay na 'yon.[G
[Grant]Nanatiling tikom ang labi niya at hinayaan si Bea na saktan siya. Hindi niya inakala na may taong nakakaalam ng sekreto niya six years ago. Alam niyang mali ang ginawa niya. Pero dahil sobra siyang nasaktan at bulag sa pagmamahal niya kay Kiara ay hindi na siya nakapag isip ng tama. Nang makita n'yang ngumingiti 'to kay Cyrus ay kinain siya ng selos. Gusto niyang balikan siya ni Kiara!Nang makita niya ang dalaga na mag isang pumasok sa kwarto ay tila na-demonyo ang utak niya. Naghalo-halo ang nararamdaman niya.Selos at galit.Pero ng mahimasmasan siya ay nagsisi din siya sa nagawa niya. Pero huli na Nagawa na niyang kunin ang dangal nito. Nang umalis siya ng tuluyan sa Pilipinas ay pilit niyang binaon ang ginawa niya at sinabi na hindi na siya babalik ng Pilipinas. Pero nagbago lahat 'yon ng malaman niya ang nangyari kay Kiara ng magkwento ang kaibigan niyang si Kier sa kanya ng bisitahin siya nito sa America. Hindi niya inakala na nagbunga ang ginawa niya at si Kiara ay n
[Kiara]BORACAY.Tuwang-tuwa ang mga tauhan niya sa flower shop ng makarating sila sa Boracay. Pagkagaling nila sa hotel kung saan sila nagpabook ay agad na humanap sila ng restaurant na pagkakainan."Ma'am, ang ganda dito, pwede bang dito nalang tayo?" Biro ni Lyca. Bakas ang saya sa mukha nito, katulad ng iba pang mga kasama."Pwede naman eh, kung gusto mo iiwan ka nalang namin dito." Birong sagot ni Willy, kaya inirapan 'to ni Lyca."Mi, pwede na ba tayong magswim?" Tanong ni Kian sa kanya."After natin kumain, anak. But for now let's enjoy our food." Aniya."Sinabi mo pa, Ma'am. Hindi ako tatayo rito hangga't hindi ko nauubos 'tong mga seafood! Mag eenjoy ako sa pagkain ng mga 'to!" May laman pa ang bibig na sabi ni Noel na ikinatawa ng mga kasama.Napatigil siya sa pagkain ng makita ang lalaki na kapapasok lang sa restaurant. Ang liit nga naman ng mundo. Nasa iisang lugar lang sila ni Grant."OMG, Ma'am! 'Yong sikat na Filipino singer na sumikat sa America, narito siya!" Tumitili
[Kiara]"Pumapayag na ako na magpakasal tayo at maging ama ka ni Kian, Grant." Agqd na sabi niya kay Grant.Nakapag desisyon na siya. Hindi na siya magdadalawang isip pa dahil para naman sa anak niya ang gagawin niya.Napangiti si Grant ng marinig ang sinabi niya. "Mabuti naman at pumayag ka na." Tumango siya. "Oo pumapayag na ako. Basta para sa anak ko, Grant. Alam ko na magiging masaya siya sa desisyon ko." Pinahid niya ang luha sa mata. Alam niya na tama ang desisyon niya. "May kondisyon ako, Grant...." Bumuga siyq ng hangin. "Huwag mo sana masamain pero pwede ba na wag muna natin isama ang pagse-sex sa kontrata natin? H-hindi ko pa kaya gawin ang bagay na 'yon. Pasensya ka na..."Tumango-tango si Grant na para bang naiintindihan ang sinabi niya. "Naiintindihan kita, Kiara. Huwag kang mag alala. Hindi kita pipilitin sa bagay na hindi mo gustong gawin. Ang mahalaga sa ngayon ay pumayag ka na makasal sa akin at maging asawa ko. I'll promise, I will take care of you both." Nabigla
INILAPAG ni Paul ang isang envelope na naglalaman ng mga impormasyon sa harap ng kanyang kapatid na si Graciela. "Narito na ang mga impormasyon tungkol kay Miss Kiara Somana, ate Graciela. Nag iisa pala siyang anak na babae ng mga Somana, ngunit itinakwil siya ng pamilya ng siya ay mabuntis ng hindi kilalang lalaki." Paliwanag ni Paul sa kapatid. "Nagkaroon siya ng nobyo, si Cyrus Bautista. Nakapagtataka na hindi daw ito ang ama ng anak ni Miss. Kiara, samantalang ito palang ang naging nobyo ng dalaga."Lalo lang nagngitngit sa galit si Graciela sa nalaman. "Isa palang puta talaga ang babaeng 'to! Isang kahihiyan sa pamilya kung hahayaan ko na maikasal ang anak kong si Grant sa disgrasyadang babae na 'yan!""Hindi naman ganyan ang narinig ko tungkol kay Miss Kiara ate Graciela, hindi naman siya isang malanding babae-""Tumahimik ka, Paul! Wag kang magmarunong! Kung hindi siya isang puta, bakit siya nagpabuntis sa murang edad? Hindi lang iyon, wala pang ama ang kanyang anak! Sayang at g
[Kiara]Bumuga ng hangin si Grant bago inihinto ang kotse sa gilid ng kalsada. Nasa tapat na sila ng maliit na apartment kung saan sila nakatira mag ina.Nang papasok na siya sa bahay ay hinila siya ni Grant. Mabilis na pumaikot ang braso nito sa balingkinatan niyang katawan."I must apologize for what my mother's said, Kiara. I'm really sorry." Nagsimulang manubig ang mata niya. Dahil sa pag ungkat ng Ginang sa pamilya niya ay naalala niya ang lahat. Nabuhay ang galit niya sa pamilya niya. Ang sakit at pait sa dibdib niya ay muli niyang naramdaman.Pero tama ang Mama ni Grant. Isa siyang kahihiyan..."Ako dapat ang humingi ng sorry, Grant." Lumayo siya kay Grant at pinahid ang luha. "Sorry kasi magpapakasal ka sa isang tulad kong disgrasyada. Pero Grant maniwala ka hindi ko ginusto na mangyari sa akin 'to. Hindi ko ginusto na mapunta sa sitwasyong 'to." Nang maalala ang nangyari sa kanya ay lalo siyang napaluha. Lumayo siya kay Grant.Niyakap niya ang sarili at nagyuko ng ulo. Sigura
[David](David FLASHBACK)Nang bayaran niya ang bill ng babae na Kiara ang pangalan ay palagi na siyang nakasubaybay rito. Nalaman niya na may dengue ang anak nitong lalaki at walang ibang pamilya na dumadalaw rito."Salamat po Diyos ko. Kung sino man po ang taong 'yon pagpalain ninyo siya ng doble at bigyan ng umaapaw na biyaya. Hinding-hindi ko po makakalimutan ang tulong niya!" Umiiyak at nakaluhod na dasal ng babae sa loob ng chapel ng hospital.Sinundan niya si Kiara hanggang dito.Sumilay ang ngiti niya sa labi sa sinabi ng babae. Hindi siya sigurado kung dalaga pa ba 'to o may asawa na. Pero sa napapansin niya na wala itong kasama o dumadalaw na lalaki rito o maski isang kaibigan.Isang araw ay bigla nalang siya nilapitan ni Kiara."Mister, maraming salamat po sa tulong mo." Umiiyak na saad ni Kiara. "Salamat po talaga!"Nagulat siya. Paano nito nalaman ang ginawa niya? Gayong confidential ang bagay na 'yon?"Napansin ko kasi na palagi kayong nakatingin at nakasunod sa akin at