EPILOGUE:MASAYANG PINANONOOD NI Roman ang ini-edit na mga eksena ng isinapelikulang buhay niya. Ang nais niya'y mapanood ng maraming kabataan ang kanyang buhay, mga pagkakamali at pagsisisi upang magbigay ng aral sa mga manonood niyon."Alam mo, Roman, hindi mo dapat ipinatanggal 'yung eksenang tumatakas ka,"pahayag ng nagi-edit ng pelikula, "maganda 'yon, e! Exciting. Ang galing pa ng leading man na gumanap bilang ikaw, kahit baguhang artista pa lang.""Exciting pero hindi naman totoo," sagot ng dating sundalo sa editor, "doon lang tayo sa totoo!""Hindi naman halatang wala kang braso kapag naka-long sleeves ka, e. Ang husay kaya ng pagkakagawa ng artificial arms mo," pakikipagtalo ng editor, "madali namang sabihin na sa aksidente ka naputulan ng mga braso," dagdag pa nito, "at saka magandang pang-come on sa viewer once na napanood sa trailer ang part na 'yon na tumatakas ka!""E, kaso, tigok naman ako do'n sa eksenang 'yon. Samantalang heto't buhay na buhay ako. E, di magagalit ang
PANGALAWANG tadyak ng masamang kapalaran iyon sa buhay ni Theodore Rossell. “Namatay po ang kakambal ng inyong anak habang nasa ICU,” pagbabalita sa kanya ng nurse na si Gemma Garcia, “nasa morgue na po ang katawan ng sanggol.” Ang unang tadyak ng malupit na kapalaran ay ang pagkamatay ng kanyang asawa sa panganganak. “Ano’ng klaseng ospital ba ‘to,” reklamo niya, “ipinagmamalaki n’yong narito ang pinakamagagaling na doktor at pinakamahuhusay na equipment, pero bakit hindi n’yo nagawang iligtas ang buhay ng asawa ko’t anak?” “Ospital lang po ito, Sir Theodore, at hindi paraiso,” sagot ng nars, “hindi po diyos ang mga doktor na nagtatrabaho dito. At wala kaming magagawa kung nais nang bawiin ng Lumikha ang buhay na ipinagkaloob Niya.” Tinalikuran na siya at iniwan ng nurse. Nagpuputok sa galit ang kanyang damdamin. Gusto niyang magwala. Magsisigaw at sisihin ang lahat ng mga nasa ospital na iyon sa “pagkawala” ng dalawang mahalagang tao sa buhay niya. Subalit pigil siya ng breedi
HINDI umiimik na pinagmamasdan ni Joanne ang bawat galaw ni Russell habang nagbubuhos ito ng wine sa baso ng alak. Pilit siyang naghahanap ng kaibahan ng mukhat at katawan nito sa lalaking nakita niya sa Shopping Mall at napagkamalang si Russel.“Parehong-pareho sila ng lalaking ‘yon,” nasa isip niya, “pati height at built ng katawan nila ay parang iisa. Parang dalawang tao na inihulma sa iisang molde!”Puzzle sa kanya ang lalaking napagkamalan niyang kanyang boyfriend at naging dahilan ng eskandalong naganap na siya ang nagsimula.“Hayup na babae’yon,” nasambit niya nang malakas, dahil sa biglang galit na kanyang naramdaman nang maalala ang babaing sumipa sa kanyang likod,“hanggang ngayon nararamdaman ko pa ang sakit ng tadyak niya sa likod ko. Pati ang kirot ng binti kong napilipit dahil sa pagkakabagsak ko nang ma-off balance ako.” “Hay, Babe, hindi ka pa ba nakaka-move on hanggang ngayon,” tanong ni Russel, “hindi na nga naghain ng reklamo ‘yong sinabunutan mo. Hindi na rin tina
“SOLENNE STEVENS!”Kunot ang noong pinagmasdan ni Solenne nang mula ulo hanggang paa ang babaing bumati sa kanya.Maganda ang babae na kung pagmamasdan ay tila nasa early 40s ang idad. Mataas ito nang isang dangkal sa kanya. At dumagdag na kagandahan nito ang makikislap, masayang mga mata na nakangiti sa kanya.“Sino ka,” Tanong niya nang may kahalong pangmamaliit, “kilala ba kita?”“Sabi ko na nga ba’t hindi mo ako makikilala, e,” sagot ng babae, “I’m Francine! Francine de Castro. Mag-buddies tayo noong college tayo.”“Francine…” Mahinang pagsambit ni Solenne sa pangalan ng kaharap, habang nag-iisip.Funk kung tawagin niya ang Francine naka-buddy niya noong college days niya. Funk, dahil pangkaraniwan lang ang mukha nito. Iyong hitsurang makikita sa tabi-tabi, sa mga palengke at mga tindera sa bangketa.“Ikaw ‘yong babaing walang ka-class-class! Mahilig makibarkada sa magaganda at may pera.” Sambit niya nang nang-uuyam.Sa kanyang sarili ay hindi niya tinanggap na buddy ang babaing ‘
WE’RE SORRY BUT YOUR SCRIPT….”Nanlalabo ang mga matang hindi na itinuloy ni Shelley ang pagbabasa sa Email letter na kanyang natanggap.“Rejected na naman!”Hindi na niya naiwasan ang mapaiyak. Bumabaon sa kanyang damdamin ang sakit nararamdaman dahil sa halos hindi na niya mabilang na rejection ng kanyang mga script, mula nang magsimula siyang sumulat ng mga istorya at nobela.Nangingipuspos na sumubsob sa kanyang laptop si Shelley.“Ilang rejections pa ba ang kailangan kong tanggapin bago ako maging isang writer?” Umiiyak na tanong sa sarili.Matagal na sandali rin siyang naglunoy sa kalungkutan, bago pinakalma ang sarili. Isinara ang laptop.“Hindi ko siguro kapalaran ang maging manunulat,” pakikipag-usap sa sarili, “mag-iisip na lang ako ng ibang career na puwede kong pasukin.”Nangalumbaba. Nag-isip ng iba’t-ibang trabaho na puwede niyang karerin.“Hindi ako puwedeng maging sales manager, kasi mahina ako sa sales talk,” simula ng pakikipagdiskusyon sa sarili, “mag-vlog na lang k
BOG!Namilipit sa sakit na naramdaman si Rustan Ramirez. Hawak ang leeg niyang naghahabol ng paghinga, sanhi ng suntok sa lalamunan na tinanggap mula sa nakaaway.Na sinundan pa ng isang malakas na bira sa dibdib niya!BRAGG!Bumaluktot ang kanyang tuhod at paluhod na bumagsak sa harapan ng taong puno ng kalupitan ang kalooban.Walang malay na sumubsob sa paanan ng malupit na kaaway.Walang nakakilos sa mga taong naroon. Walang nakakibo. Lahat ay naghihintay nang mga susunod pang mangyayari.“Hindi lang ganyan ang aabutin ng kahit sinong magtatangkang kumalaban sa akin! Dahil ako ang nag-iisang hari ng seldang ito. Ako si…”“DOMINGO SABADO!”Napatingin ang lahat sa pumutol sa sinasabi ng hari ng selda.“Kilala kita,” saad ng lalake, “ikaw ang pinakamalupit at may pinakamalaking chain of gangs sa siyudad na ito, isang drug lord at… ano pa nga ba? Nakalimutan ko na ‘yung, iba,e.”Kumunot ang noo ni Domingo habang tinitingnan ang lalaking papalapit sa kanya.“Fans kita?” Tanong niyang na
“AYUN! “ Napalingon si Brendon sa pinanggalingan ng malakas na tinig. “Yong gagong ‘yon ang gumago sa akin sa loob ng selda.” Itinuturo siya ng lalake. Maputi na ang buhok ng lalake. Humigit kumulang sa animnapung taon na ang idad. Kumilos ito upang sugurin siya. Nasa mga mata ang labis na galit na sa wari ay handa siyang patayin sa gulpi. Nangiti si Brendon. Sa tingin niya ay hindi kakayanin ng matandang lalake na pasugod sa kanya ang lakas ng kanyang kabataan. Mayabang niyang iniliyad ang kanyang dibdib. Inilagay ang kanyang mga kamay sa kanyang balakang at hinintay na makalapit sa kanya ang matandang napopoot. Nang bigla niyang maalala ang eksenang naganap sa selda 13, kung saan nakakulong ang lalaking iniutos ng kanyang ina na kanyang takutin, at bantaan na huwag ng tangkain pang tumakas sa kulungan dahil siguradong kamatayan lang ang sasapitin nito. “Si Domingo Sabado!” Nasabi niya na biglang nahintakutan. Agad siyang kumaripas ng takbo. “HOY!” Narinig niyang sigaw nit
PAK! Malakas na lumagapak ang palad ni Solenne sa pisngi ni Brendon. Pakiramdam niya ay umugong ang kanyang tainga at wari ay nakakita siya ng biglang sinag ng liwanag na hindi niya malaman ang pinagmulan, sa tindi ng sampal na kanyang tinanggap. “Ma, Bakit?” Tanong niyang nagtataka. “Nagtanong ka pa,” ganting tanong ni Solenne sa anak, “di ba’t ang sabi mo sa akin ay nanginig na sa takot ni Domeng? Na kailanman ay hinding-hindi niya tatangkain man lang na tumakas sa bilibid.” Naumid ang dila ng sinampal. “O, ayan,” isinalpak ni Solenne ang pahayagan kay Brendon, “balita na sa buong Pinas na nakatakas na naman ang hayup na matandang ‘yon!” Inihagis ni Brendon ang pahayagan. Inis na ibinagsak ang sarili, paupo sa silyang naroon sa receiving area ng bahay. “Sa kilos at arte mo ay parang alam mo nang nakatakas na nga ang Domingo Sabadong ‘yon,” saad ng ina, “ibig sabiin ginawa mo akong tanga na paniwalang-paniwala na nakakulong ang impaktong 'yon sa selda, pero yon pala ay nasa p