Share

Chapter 10: Masakit na katotohanan

NAPASAPO sa dibdib si Divine Joy nang maibaba ang telepono. Tulala na napatingin kay Yosef na nasa kanyang harapan ngayon.

"Are you ok?" tanong muli ni Yosef sa kanyang secretary. Agad siyang lumabas upang kamustahin ito nang malaman na tinawagan ito ng kanyang Ninang Lydia at pinaalam na nasa Hospital si Marie.

"Hey!" Niyugyog na nito ang balikat ng dalaga dahil parang natuod na ito sa kinatatayuan.

"A-ang kapatid ko!" Nauutal na wika nito at nag-unahan sa pagpatak ang mga luha sa mata.

"Huminga ka muna ng malalim," agad na inabotan ito ng binata ng tubig. Parang tinusok ng karayom ang kanyang dibdib nang makitang umiiyak si Joy.

"Kailangan kong puntahan ang kapatid ko, baka napaano na siya!" Nanginginig ang kamay na inabot ang bag at hindi pinansin ang inaabot ng binata.

"Samahan na kita," maagap na inalalayan ito ni Yosef dahil parang mabuwag sa pagkatayo.

Patuloy lang na lumuluha si Joy habang nasa daan. Mabilis ang pagpatakbo ni Yosef ng sasakyan kung kaya thirty minutes lamang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status