Share

Chapter 12

Lola's POV

Tita Jet, my manager, couldn't stop shaking her head nang bumisita ako sa kanya na may dalang delubyo na balita. Well, alam naman na niya ang headline. Ilang beses na rin niya akong tinawagan noong araw na iyon pero hindi ko masagot dahil sa dami ng iniyak ko kanina. Idagdag pa ang pagiging paasa ni JD! Akala ko pa naman totoo 'yung kiss niya. Bwisit! I hate to admit na apektado pa rin ako hanggang ngayon. Hindi mawala-wala sa sistema ko ang ginawa niya.

"Balak mo ba talaga akong patayin nang maaga, ha bruha ka?!" asik sa akin ni Tita Jet. Nasa loob kami ng opisina niya sa kanyang bahay.

Ako naman ay nakaupo lang sa isahang sofa at nakapanghalukipkip. I just rolled my eyes and looked away. Here goes this drama again...

"Ilang beses ko bang sinabi sa'yo na layuan mo na siya dahil sa ginawa mong pang-eeskandalo sa birthday party niya?" pagpapatuloy niya. "I knew this would happen at heto na at nagkakatotoo na ang sinasabi ng mga netizens na mag-aaway talaga kayo ni Gaia! Ilang beses nating iniwasan 'yan, 'di ba? Bakit ngayon ka pa hindi nakinig, ha?"

"What can I do? Nangyari na ang nangyari. At isa pa, nakagawa naman na ako ng paraan. 'Wag mo nang isipin masyado ang tungkol d'yan," I dismissed. "Maiba tayo... Anong schedule ko bukas?"

"Isa-isa nang nawawala ang photoshoots for endorsement mo, bruha! Nang dahil sa leaked video ng sagutan n'yo ni JD, marami nang umayaw sa'yo. Naku! Tumataas na naman ang alta-presyon ko sa'yo! Ayusin mo 'yan, ha. Kailangan ko pang kumbinsihin ang iba na i-reconsider nila ang endorsement mo mamaya. Iisa-isahin ko pa sila!" Napasalampak ng upo si Tita Jet sa swivel chair at napahilot ng sentido.

May magagawa pa ba ako? Galit na galit na ang manager ko at halos bahain na ako ng bash simula nang kumalat ang follow-up video ng kissing scene namin ni JD sa loob ng private indoor pool. Ayon sa kanila, ako ang lumapit kay JD at sinunggaban siya ng halik.

Paano ko naman gagawin 'yun e hindi ko nga magawang mapalapit sa puso niya, halik pa kaya?

Gosh! Sa tuwing maaalala ko ang eksena roon sa indoor pool, mas nangingibabaw sa akin ang pakiramdam noong maglapat ang mga labi namin. Halos makalimutan ko na ang pangalan ko. Nakalimutan kong huminga at nakalimutan ko na maaari iyong maging isang biro. Isang biro na hindi ko akalain na magpapasakit ng pride ko... at ng puso ko.

Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Alam ko naman kung anong estado ko kay JD. Alam ko rin na pawang tungkol lang sa pagiging social climber ko ang ginagawa ko. Gusto ko si JD bilang apple of the eye ko, not for strings attached. I mean, hindi ko pinapangarap na gustuhin ko ang isang tulad niya. Wala sa isipan ko ang ma-in love, not for someone like him. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? May kung anong bahagi ng puso ko ang umaasa na sana hindi na lang ganito ang relasyon namin ni JD. Tila nagnanais pa ang puso ko na sana totoo na lang ang halik na iyon at hindi napupuno ng pagpapanggap.

"Hoy, bruha!" untag sa akin ni Tita Jet at doon lamang nahinto ang malalim kong pag-iisip.

"Ha?" wala sa loob na tanong ko.

Kanina pa pala ako tinatawag ni Tita Jet. Napatayo na nga siya at nakapamaywang na nakaharap sa akin. "Kaninang kanina pa kita tinatawag. Ano ka ba? Kulang ka ba sa tulog? Inuutusan kitang buksan ang TV!" She let out an exasperated sigh and took the remote control on top of the table. Binuksan niya ang TV at kaagad na tumambad sa amin ang isang News Flash.

May isang showbiz reporter ang ipinakita sa screen at nagsimulang magsalita. "Naulat kamakailan ang hiwalayang James Dean Ferrer at Lola Lee nang mayroong kumalat na video tungkol sa kanilang pag-aaway. Ang tanong ng karamihan, talaga bang hiwalay na sila?" pagsisimula ng babaeng reporter.

Marami pang sinabi ang reporter na iyon pero isa lang ang tumatak sa akin.

"Nang tanungin namin kung tunay ang mga spekulasyon na ito..." anang reporter.

Sabay namang nag-flash ang mukha ni JD sa TV at seryosong nakatingin sa camera. "It's all just a misunderstanding. The engagement is still valid. And please, don't take it on her. It was my fault. Lumayo siya sa akin pero hindi ko siya tinantanan. Ako ang gumawa ng paraan para makipag-ayos sa kanya. Ako ang nag-arrange ng lahat. So, please stop those headlines that hurts her image. My fiancee doesn't deserve this. I love her and I don't want her to feel lost while doing our project..." mahabang litanya ni JD.

Bigla bigla namang nagrigodon ang puso ko matapos kong marinig ang mga sinabi niya. Gusto kong umasa sa mga salita niya. Gusto kong umasa sa mga sinasabi niya as if he really meant every word he said. Masarap pa rin kayang ma-in love sa pangalawang pagkakataon? Natatakot na ako. Ayoko na sa hulihan ay mawala ang lahat ng pinaghirapan ko para lang sa isang tulad niya.

Pinaalalahanan ko ang sarili ko na lahat ng iyon ay fake lang. Pakitang tao. Pagpapanggap. Hindi totoo na may pakialam siya sa akin. Hindi totoo na may pakialam siya sa reputasyon ko. At higit sa lahat, hindi totoo na mahal niya ako.

Everything about us is fake.

Ang totoo lang sa sinabi niya ay ang pinag-awayan namin. Those mean words that he said to me.

Never believe in his words, Lola. Never believe.

"Hmm... this boyfriend of yours has balls. Sige. Medyo natanggal na ang sakit ko sa ulo. Mas madali na lang makumbinsi ang lahat na kunin ka ulit lalo na at lumabas na ang balita na iyan. Magpasalamat ka at hindi ka niya hinayaan na tuluyang bumagsak!" Tita Jet commented while faking her amused face upon seeing the news.

I laughed sarcastically. "As if naman hiningi ko ang tulong niya. Siya naman ang nag-alok na tulungan ako. Pahiya kasi silang lahat! Pinagtulungan nila ako sa set saying that I physically hurt Gaia for no reason. Hello? Hinimatay pa nga ako sa sobrang sakit ng pananabunot niya sa akin. Dapat nga sinampahan ko na siya ng kaso pero hindi ko ginawa dahil magiging pangit lang lalo ang relasyon namin sa set. Kailangan ko lang tiisin ang lahat ng ito. Pagkatapos na pagkatapos ng project na 'to, hindi na ako tatanggap ng bidang role at ang mga project na nandoon siya at si JD. Higit sa lahat, hinding-hindi na ako tatanggap ng project na kasama si Direk Bim!" I declared.

Then, a text message suddenly popped out of my phone screen. It's from an unknown number.

I hope you saw the news. I saved you. No one's gonna hurt you now.

Bigla ay dumagundong na naman ang tibok ng puso ko. Is this JD? Did he send me this message about the news?

Gosh! Why do I feel like he's saying this seriously like a real fiance of mine? Taena, JD, 'wag kang paasa! Marupok ako!

*****

Pagkatapos ng napakahabang araw na iyon at nagdesisyon akong umuwi sa mansyon ng mga Lee. Maraming nakatira rito na mga matatagal nang yaya namin simula noong inampon ako ng foster parents ko. Not one relative of my foster parents were living here. Noong mamatay sila, marami sa mga kamag-anak nila ang tinangka na agawin ang mansyon. I was about to be ousted on my own home when the family attorney came and told us that I am the only person who is in charge of all of my parents' assets. Doon lang ako nakapagdesisyon na paalisin sila at ang patirahin dito ay ang mga kasambahay namin na matagal nang naninilbihan dito.

My adoptive mother's name is Leona Perez-Lee. She is a half-American, half-Filipino woman who was married to my adoptive father, Albert Lee. Simula nang mamatay silang dalawa ay hindi ko na tinirhan ang mansyon na ito at ipinaubaya na sa mga katulong ang pangangalaga rito. Saka lang ako uuwi tuwing gusto ko at kung tuwing may birthday sa mga anak ng mga katulong namin. Hinayaan ko rin kasi sila na patuluyin ang kani-kanilang pamilya. Malaki ang mansyon at maraming bakanteng silid ang nandito. Sayang naman kung walang titira. Isa lang talaga ang kabilin-bilinan ko sa kanila. Ito ay ang huwag pakialaman ang master's bedroom noon nila Daddy at Mommy at ang kwarto ko.

Napupuno ng memories ang mansyon na ito. Ang kalahati ng childhood memories ko ay nandito kaya masakit sa akin ang palaging manirahan dito pagkatapos ng pagpanaw nina Mommy at Daddy.

Mahal na mahal ko sila kaya sobrang sakit nang mamatay sila.

Hindi ko tuloy maiwasang maalala ang tungkol sa alitan ni Daddy at ng isang artista nang dahil sa away namin ni Gaia. If Dad is here, he would've protected me from them. From those people who bash me.

Parang naulit lang ang rivalry ni Daddy Albert at Jo Herrera.  Jo Herrera is Gaia's uncle. Nag-uunahan noon sa kasikatan ang dalawang bigating aktor na ito noong kapanahunan nila. It was supposed to be an on-screen rivalry na nauwi sa love triangle. Isang babae kasi ang pinag-aagawan nila noon. My mom, Leona. The rivalry ended up my dad marrying my mom, si Leona Perez. Maganda naman kasi talaga ang mommy ko. Hindi maipagkakaila na isa siya sa mga artista noon na pinakahinahangaan sa industriya. Some really think that I am their real daughter dahil sa aming malaking pagkakahawig. Pero malinaw pa sa sikat ng araw na hindi niya ako kadugo at inampon lamang niya ako sa isang bahay-ampunan kung saan ako iniwan ng totoo kong ina. And all I did was to return all the favor of adopting me when I grew up to be who I am. Naging maayos ang childhood ko. Ito ang buhay na gusto ko na ni kailanman ay hindi ibinigay sa akin ng totoo kong magulang.

Talking about rivalry, noon pa man, palagi na kaming pinag-aaway ng mga fans at netizens ni Gaia pero hindi ko pinapatulan dahil busy ako sa social climbing projects ko. Bukod pa roon ay ayaw talaga ni Tita Jet na nadidikit ang pangalan ko sa ibang artista lalo na kung manggagaling pa ito sa angkan ni Jo Herrera. I was so focused on myself that time kaya mas nauungusan ko pa rin si Gaia sa showbiz.

Ito ang pinakaunang project na magkasama kami at ngayon lang kami nakakapag-usap nang gano’n. Simula kasi noong araw na 'yon, dumagsa na ang rants and bashes against me. Kesyo gold digger at social climber ako. Desperada and many other names that I don’t remember. Sobrang sakit. Wala na nga akong napala kay JD, sira pa pangalan ko. Halos hindi ko na buksan ang social media accounts ko. Bumaba ng 500 subscribers ang blog site ko.

I wonder why people are blinded by artists in the spotlight? Gano’n na ba talaga ka-toxic ang industriya namin? Nakakaurat at nakakadismaya na ang mga tao ay tumatangkilik sa mga bagay na walang saysay para sa kanila. But they all made us their happy pills. Kahit hindi man nila maabot ang buhay na mayroom kami, nagpapasalamat pa rin sila kahit na marami pa silang dapat tapusin.

I was well aware of Gaia’s stardom. Ang masaklap pa, pareho kaming gustong lapitan si JD. Well, in my case, ako ang gustong lumapit sa kanya. Si Gaia, effortless. I even heard her not interested with JD noon. She ignores him dahil focused siya sa kanyang career. But now, everything is different. Could she be falling in love with him right now?

Ano bang pake mo, Lola? Ikaw ang desperada sa atensyon ni JD, 'di ba?

I sighed. Oo nga, ako ang may gusto, hindi si JD.

I just continued what I need to do that night. Iyon ay ang maligo sa jacuzzi for 2 hours. Nakatulala lang ako sa kisame habang binabalutan ako ng makakapal na bula sa katawan.

I sighed and continued looking at my phone screen. Nandoon pa rin ang text message ni JD sa akin. Nakatulala lang ako roon.

Sasagutin ko ba ang text message niya? Ano naman ang sasabihin ko?

Sa kawalan ng masasabi ay inilapag ko na lang sa tabi ng tuyo na tiles ang phone ko.

That was when I heard the vibrating sound of it. Pagkalingon ko ay isang unregistered phone number ang tumatawag. Being a natural snobber, hindi ko na muna iyon pinansin. Pero tumawag ulit.

I am drawn to my phone again at wala sa loob na kinuha iyong muli at sinagot ang tawag.

I froze when I heard that familiar voice.

"I don't want you to ignore my messages. Better reply in every text and call for I don't give that luck to most of people around me. Don't try my temper, woman..." JD uttered on the other line.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status