Share

Chapter 13

Lola's POV

"H-ha?" iyon lang talaga ang kaya kong sabihin pagkatapos kong marinig ang mga sinabi ni JD mula sa kabilang linya. Sa totoo lang, hindi pa nagpoproseso sa utak ko ang mga sinabi niya. Wala rin sa loob na napabangon ako mula sa aking pagkakalublob sa tub matapos kong marinig ang mga sinabi niya. Nagririgodon na naman itong puso ko.

"Where are you?" bigla ay pag-iiba niya ng usapan.

Napalunok ako ng laway at napahawak sa dibdib. "N-nasa bahay. Bakit mo natanong?"

"Liar. Wala ka rito sa condo mo. Nasaan ka?" mabilis na sagot nito na ikinalaglag ng panga ko.

"A-ano? Teka, paano mo nalaman? N-nasa condo ka ba ngayon?" Teka saglit. Paano niya natunton ang address ko? Wala naman akong natatandaan na may binigay akong address sa kanya. Come to think of it, hinatid niya ako dati sa tapat ng condominium building pero dahil sa preoccupied ang isip ko ay hindi ko na iyon tinanong pa. Bakit parang ang bilis naman yata ng lahat ng pangyayari? Bakit biglang nagkakaganito ang kumag na 'to? Ano na naman bang gusto niya?

"Kailangan kitang makausap. I should've asked you first bago ako pumunta rito. I am completely embarrassed. Pinagtitinginan na ako ng mga tao rito..." aniya sabay narinig ko mula sa background ang maingay na tilian ng mga babae.

Natampal ko ang noo ko at mariing napapikit. Gosh! Bakit nangyayari ito sa akin? Kung kailan naman kailangan ko ng beauty rest ay saka naman nanggugulo itong si Mr. Vhajayna! Ang weird talaga nitong si JD. Galit na galit siya kanina at bigla-biglang manghahalik at sasabihing palabas lang ang lahat, tapos ngayon gusto niyang makipagkita?

Bwisit talaga!

Napahinga ako nang malalim at saka naglakas-loob na tumugon sa kanyang tanong. "Give me 40 minutes..."

*****

Madaling madali ako na mag-ayos ng sarili ko. Mabuti na lang at marami pa akong damit dito sa mansyon kung kaya't nakapagpalit ako kaagad at sumakay sa kotse ko. Kahit na ayaw ko pa munang mag-drive ay pinaharurot ko na ang sasakyan pabalik sa aking Condo Unit.

Pagkarating doon sa building ay hindi nga nagsisinungaling si JD nang madatnan ko na halos mapuno na ang buong lobby ng mga hindi magkamayaw na fans.

Halos hindi na sila makontrol ng mga empleyado sa pagdagsa. Mabuti na lang at naka-disguise ako ngayon. Simple lang ang suot ko ngayon at nagsuot din ng black shades. Napakuyom na lang ako ng kamao at unti-unting napapikit habang nagpipigil ng galit.

Ang unit ko ay sa 7th floor pa. Kung gagamit naman ako ng elevator ay madali akong mapapansin ng mga fans ni JD. S***a talaga! Balak ba niya akong pahirapan?

No choice ako kundi ang dumaan sa emergency staircase. Kahit na simple ang suot ko ay naka-heels pa rin ako. Magsisinungaling ako kung sasabihin ko na hindi ako maiiyak habang paakyat ng hagdan. First floor pa lang ay ngalay na ngalay na ako sa pag-akyat. Ini-imagine ko na ang malakas na pagbatok ko kay JD kapag nakita ko siya.

"Humanda ka talaga sa 'kin, JD!" hiyaw ko habang papaakyat.

3rd floor.

4th floor.

5th floor.

6th floor.

Pagkarating sa 7th, mabilis akong lumabas ng emergency room. Hindi ko namalayan na may kung ano na pala na humila sa akin. Muntik pa akong mapahiyaw ngunit may isang kamay pa na nagtakip ng bibig ko. Bago ako matangay ng kung sinong tao na ito ay nahagip pa ng mga mata ko ang dagsaang tao sa harap ng condo unit ko. That's when I realized that there are doors closed at my face.

The last thing I know, I was inside the elevator. A pair of dark brown orbs stared into mine. Nakatakip pa rin ang kamay niya sa bibig ko. If it wasn't because of his hand, my jaw must've dropped upon seeing him.

Oh, gosh! Bakit ganito siya kagwapo kahit pawisan na? Lord, ang unfair!

Nakasuot siya ng pinagpawisang brown shirt at pants. Hindi siya nakapang-disguise. Carefreely, he exposed himself to all of his fans there.

May kung anong kumakatok sa dibdib ko. Hindi ko na mawari iyon kung ito ay ang puso ko o ang kamay ko. Either way, I still wouldn't be safe from his charms. I'm still doomed and even though I said I wouldn't dare to involve my heart in it, his eyes and lips never have failed to charm me. Tila may kung anong enerhiya ang pilit akong hinihila papunta sa kanya at huwag mag-iwas ng tingin.

Nakita ko ang pagtaas-baba ng kanyang dibdib. Nanggaling ba siya sa pagtakbo? Hinahabol din ba siya ng mga fans niya? Sobrang pawisan siya ngunit hindi man lang iyon nakabawas sa nakakaliyong bango niya. His manly scent sent chills down to my spine until it reached a circling sensation below my navel.

Sa sobrang dami ng iniisip ko ay hindi ko namalayan na binitiwan na pala niya ako. But that didn't remove me from my wild imagination. It felt as though I'm still drawn to his lips. His arms still cornering me to the iron wall of the elevator. Nakasandal lang ako doon habang siya ay nakatitig sa akin.

Napalunok akong muli. "K-kanina ka pa ba rito?" Ako ang unang nagtanong.

Napatango naman si JD sa akin, staring at my lips. Wait— my lips?! Omo!

He breathed deeply. "Good thing magaling akong magtago. What took you so long?" pagrereklamo niya habang nakasimangot sa akin.

Napaiwas na lang ako ng tingin. Gusto ko ring iwaksi sa isipan ko ang mga ideya na nabubuo sa utak ko. Gosh! Ang halay ng utak ko ngayon! Kumalma ka, Lola! "S-sorry... umuwi lang ako sa bahay. I just thought that I can't sleep in my unit. The truth is... n-natatakot akong mapag-isa..." pag-amin ko sabay nag-angat muli ng tingin.

Wrong move, Lola!

Nakita ko ang paglamlam ng kanyang mga mata habang titig na titig siya sa labi ko. It was a long silence between us while he resists himself from doing anything stupid. I had a glimpse of his own battle. Bahagya niyang ipinilig ang kanyang ulo at pinutol na ang malalim na tingin sa akin sabay napabuntong-hininga. "I understand..."

"S-siya nga pala... Bakit gusto mo akong makausap? Akala ko ba busy ka?" tanong ko pagkakuwan, still flushing away the color from my cheeks.

"I just want to know kung nakita mo na ang news. Just making sure that I've already paid back what I took from you. Your pride..."

I scoffed at his words at bahagyang napatawa. "Oo na. Nakita ko na kanina. Happy? Pwede na ba akong magpahinga? Nasa kalagitnaan ako ng pagbu-beauty rest ko at heto ka at iyon lang pala ang gustong malaman. Sana nag-text ka na lang, 'di ba?" Napairap ako. Nakakainis! Iyon lang naman pala ang gusto niyang malaman pero pinapunta pa niya ako rito.

Hindi ko narinig ang sagot mula sa kanya. Nang tumunog ang isang matinis ngunit malumanay na bell ay unti-unting bumukas na ang pinto. Laking-gulat ko nang bigla niya akong hawakan sa kamay.

"Are you ready to run?"

"Ha?"

As if on cue, bigla niya akong hinila at mabilis na tumakbo. Doon ko lang na-realize na may mga babae nang humahabol sa amin. Ilang pasikot sikot pa ang dinaanan namin. Ni hindi ko na nga alam kung anong floor ito. Basta ko na lang naramdaman ang muli niyang paghila sa akin hanggang sa nakalapat na ang likod ko sa pinto na kanyang isinara. Nasa loob na kami ng isang condominium unit.

Madilim pa ang paligid at ang tanging naririnig ko lamang ay ang tibok ng puso ko at ang malalalim naming paghinga.

Biglang sumabog ang liwanag nang buksan ito ni JD gamit ang keycard niya. He's not looking away from my eyes.

Wala sa loob na napalunok ako. "A-anong ginagawa natin dito? Kaninong unit 'to?"

"I bought this 2 years ago..." he answered, then moved away in front of me. "I tried this unit because they were planning to sell this whole place to me. But I didn't because the place is too crowded. Hindi siya nababagay sa concept ng company," he said while removing his shirt.

Nanlaki ang mga mata ko at awtomatikong napatalikod. Hayp ka, JD! Nananadya ka ba para maglaway ako, ha?! "Ah..." I awkwardly laughed my nervousness away. Gusto ko na lang na lamunin ako ng lupa ngayon. Bakit kailangan akong parusahan nang ganito? "Kaya ba alam mo last time ang address ko kasi dito ka rin nakatira?" naisip ko na lang na itanong.

"Hmm... You can say that. Anyway, I'm done. You may come here..." pag-uutos niya.

Ako naman ay napapa-sign-of-the-cross na sa isipan ko sa sobrang kaba. Pagkatapos niyon ay humarap na ako at naglakad papunta sa kanyang pigura na nakaupo na sa upuan at nakahawak ng isang envelope.

He gestured his hand to an empty chair, signaling me to sit. Tumalima naman ako pagkakuwan.

Nang makaupo ay iniabot niya sa akin ang envelope.

"Ano 'to?" tanong ko.

"See for yourself..."

Wala na akong nagawa kundi ang tingnan ang nilalaman niyon. Pagkabukas ko ay may papel doon na naka-staple. Hinugot ko iyon mula sa loob at binasa ang mga nakasulat.

Mutual Agreement Contract. Namilog ang mga mata ko pagkabasa ng title ng document. Kinurap-kurap ko pa ang paningin ko pero ganoon pa rin ang nabasa ko. "Para saan 'to?"

JD rested his back against the chair and looked at me in his bland stare. "Since nasimulan na natin itong pagpapanggap, I decided to make the terms legal. At para hindi na maulit ang ganitong insidente na maglalagay sa mga pangalan natin sa alanganin. I am a man of my words, Lola. I may be an actor in your eyes but I am a businessman. I want everything formalized and legalized.

"Number 1 rule is that, this agreement is non-disclosure. Walang sinuman ang pwedeng makaalam ng agreement na ito, even how we are in private. Number 2, we won't be meddling on each other's affair in private. We will be displayed as a couple in public but off cam, we are on our own. Number 3, no strings attached. We may have intimate scenes on-cam but off-cam, we're strangers. We should respect each other's privacy. No personal questions. And last but not the least... never ever dare fall in love with each other," mahaba niyang salaysay na nagpanganga sa akin. "Both parties are obligated to do the terms as stipulated. Any possible breach will result in making this contract null and void and pursue legal charges. Both parties may charge 2 million pesos in case of any breach. Do you understand this, Lola?"

Ilang beses kumurap-kurap ang mga mata ko habang binabasa ang kontrata. Seryoso ba talaga ang mga nakalagay rito? 2 million?! "K-kailangan ba talagang may pera na involved sa contract? Is this really necessary?" nanlulumo kong tanong. I know I'm being stupid for asking him that. May pera ako, pero may pinaglalaanan ako para sa iniipon ko ngayon. Kukulangin na ito sakali na may malabag ako sa rules kasi kaunting-kaunti na lang at bibigay na ako!

"Why? Do you know how to pay me back in case you can't give me that money?" he asked, leaning forward to me.

Napaatras ako sa aking kinauupuan nang gahibla na lang ang pagitan naming dalawa. Napalunok ako at wala sa loob na napatingin sa kanyang labi. "M-may pinaglalaanan kasi ako ngayon. Hello! I'm living on my own now!" pagdadahilan ko using my puppy eyes. "Wala akong sapat na pera para bayaran ka halimbawang biglang may malabag ako. Ang unfair naman, 'di ba? Ikaw lang ang mayaman sa ating dalawa," sabi ko pa.

He, then, smirked at me. "Why? Are you planning on doing the breach? On which part?" he said in a very sexy and seductive tone.

Napalunok na naman ako habang nakatitig sa nang-aakit niyang mga mata.

"Do you want to try and start to disobey the rules? You are free to do it habang hindi ka pa nakakapirma. So, which one should you want to disobey? The part which you may kiss me or the part which you can love me?"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status