Lola's POV
Mahalaga para sa akin ang estado at kapangyarihan. Ayoko na nauungusan ako ng iba. Gusto ko na ako ang bida at ang pinaka pinag-uusapan. I always wanted the spotlight to aim at me.Sa pagpasok ko sa larangang ito, marami akong sinuong na butas ng karayom. At ipinangako ko sa sarili ko na hindi ako kailanman makokontrol o mamamanipula ng iba. Sa buhay na ito, ako ang may hawak ng kapalaran ko at ako ang masusunod kung sino ang luluhuran ko o ang paaamuhin.Lumaki akong sabik sa atensyon at papuri. Simula kasi nang ipamigay ako ng sarili kong ina sa bahay-ampunan, naging uhaw ako sa ngiti at pagbati. Mas gusto ko na makaalis sa lugar na iyon. Mas nakatuon ang atensyon ko sa paghahanap ng paraan para makaligtas at mamuhay nang maayos at matiwasay. Mas itinuon ko ang atensyon ko sa pangarap na makatagpo ng bagong mga magulang. Iyong mayaman at maimpluwensya. Iyong maibibigay ang mga bagay na hindi ibinigay sa akin ng mga tunay kong magulang. Gusto kong makaalpas sa pedestal na kinalalagyan ko. Gusto kong umahon at kalimutan ang kung anong bahid ng nakaraang ako.****All smiles na hanggang tainga ko ang iginawad ko sa harap ng maliit na camera ng cellphone ko sabay kaway at nagpa-cute na tila may kaharap akong maraming tao.Kaunting tiis na lang, Lola Lee. You're so good at lying in front of them so why bother and get tired so easily?"That's all for this day, Lolalicious! Thank you for spending all your time for me. Kitakits ulit sa susunod na vlog! Bye!" pagpapaalam ko sabay umaksyon ng flying kiss na tila isang cute na Korean Actress na napapanood ng karamihan sa TV.After that promiscious goodbye, I clicked the end record button and dropped the smile I plastered on my face. Kahit 5 minute-live lang ang ginawa ko ay nakakangalaw pa rin talaga. And in seconds, milyon na agad ang views ko.Napapalatak ako at bahagyang napaangat ang sulok ng aking labi. Kung nakikita lang ako ng mga fan ko, tiyak na malalaman nila kung paano sila naging isang uto-u***g mga nilalang na walang ibang ginawa kundi ang sundan at alamin kung paano ako mamuhay.Tsk. Waste of time.For reasonable humans, siguradong nasasabi nila na walang kwenta ang panonood ng vlogs ko. My contents were always about how to live a luxurious life with the boys I dated. I let people invade this space to insult them of the kind of life they have. Kasi kaya kong mamuhay nang ganito pero sila naroon pa rin sa pedestal na kinalalagyan nila at nanghihinayang sa buhay na mayroon sila. Wala silang ibang ginawa kundi ang mainggit sa buhay na mayroon ako.And yes, I feel shitty whenever I do this. But what's the sense of feeling shitty? I like how they recognize me. Isang live ko lang ay talagang nag-aabang na ang mga tagasubaybay ko. They want me all over their spaces. They want me because I have a life that they didn't have. Isang katok ang pumutol sa malalim na pag-iisip ko. Judging how five brief knocks thrown at my door, alam ko na kaagad kung sino iyon. Mabuti na lang ay natapos ko na ang video, kung hindi, baka magwala ako nang di-oras. Ang ayaw ko sa lahat ay ang iniistorbo ako.Iniluwa ng pinto na iyon si Scarlet, isang user-friendly na actress. Yes, naggagamitan lang kami. I don't know about her feelings, pero sa parte ko, ginagamit ko lang siya dahil sikat din siya katulad ko. Marami siyang followers at fans kaya magandang sumasakay ako sa kasikatan niya para palagi akong nakikita sa spotlight. It's how opportunists do. That's how we exist.I heard her scoffed and hand-combed her hair. Nakasalubong ang dalawa niyang kilay. Too bad, mas maganda ako sa kanya kaya 'di ko type ang pagsimangot niya. Walang poise. "I can't believe you're still not dressed up! Pupuntahan na natin si Direk. Ang sabi niya, dapat nando'n na tayo para sa script rehearsal. Don't tell me hindi ka a-attend?" bungad niyang tanong sa akin nang makapasok siya sa kwarto ko.Napairap naman ako at bumalik ng higa sa malambot kong higaan. I'm inside my condo unit. Naisipan ko talagang mag-vlog dahil katatapos lang ng renovations na pinagawa ko. I need a change, of course. At dahil useless na ang dead air sa ilang araw sa buhay ko, I need to do something or else I will be long forgotten by the people who also follow Scarlet around as an actress.The bed I used to have is a queen-sized pale all-white bed with a normal duffet sheet. Nakakairitang tingnan. Dahil bored ako ay naisipan kong ipabago ang lahat sa paligid ko. Isa na doon ay ang gawing king-size ang higaan at gawin itong modern classic style katulad ng kama ni Jennifer Lopez sa last interview sa kanya sa America. With the trusted interior designer that I have, naging successful ang 5-minute vlog ko kanina."Hayaan mong maghintay ang direktor, bitch. The offer is not even worth it to get serious at. You can't possibly compare it to your last project. Why are you all serious? What's with the face? Wala naman sigurong target locked person na involved dito, 'di ba? It's just a petty project!" komento ko naman habang naglalagay ng Korean facial mask at humarap sa vanity mirror sa tabi ng higaan ko. Pati ito ay pinabago ko na rin. Sa tuwing makikita ko na ang repleksyon ko rito ay mas nagagandahan na ako sa sarili ko.Hayy... Ang ganda mo talaga, Lola Lee. Isa kang diyosa!Napaupo na rin si Scarlet sa kama at napabuntong-hininga. "Lolita, money is nothing for me. What matters to me is my career and the fans. Gusto kong i-accept ang challenge nila na magkaroon naman ako ng role na mas kawawa pa sa last role ko. I like being the kawawa, mas sumisikat ako," Scarlet sarcastically laughed. Knowing her, may addiction din siya sa katanyagan, kaya palagi kaming nagkakasundo. Oh, opportunists always be opportunists."Ewww, bitch! Stop calling me Lolita. I feel so old. Hindi ko rin gets ang parents ko kung bakit ganito ipinangalan sa akin, e. May galit yata sila sa akin. Ugh!" Iyon talaga ang mas inuna kong sabihin.Speaking of my name... matagal ko nang ipinagpipilitan sa parents ko na palitan nila pati ang first name ko, but unfortunately, iyon talaga ang natipuhan din nilang name ng baby nila noon kaya ayaw nilang palitan ang sa akin. I feel so harrassed at that time. Pero wala na akong magagawa, kaya ginawan ko ng paraan para ma-remember lang ng mga friends ko sa alta sociadad na ang name ko talaga ay "Lola". As in, Low-Laa."But come to think of it, bakit hindi na lang kaya ikaw ang tumanggap sa role, instead of being always the kontrabida? Ayaw mo no'n? You will be higher than your rank as of this moment. What do you think?" biglang suhestiyon ni Scarlet. I was still preoccupied by my first name when she dropped that bomb out of her mouth.Napairap ako sa kanya. "Duh! Don't you dare ask me that. I will not definitely do that. Never!" mariin kong tanggi. Puro kontrabida roles ang kinukuha ko dahil mas madali kong makukuha ang atensyon ng mga viewer. Mas nakakainis na role, mas mahirap kalimutan. Kapag lagi akong second role, mas madaling kainisan and at the same time, kagiliwan nila dahil sa paningin nila, maalwan ako sa buhay at ako ang bida sa totoong buhay."Are you really sure about that, bitch?""Of course, bitch! Sure na sure!""Kahit ang makakatambal mo pa ay ang tinaguriang Filipino's sexiest man alive?"My jaw dropped when I heard the coined name. Bigla akong napatayo at napaharap kay Scarlet. "Sexiest man alive you mean..." I trailed off my sentence and saw how Scarlet slowly nodded her head like she's telling me she can really read my mind. "James Dean Ferrer? Are you hell serious with that, bitch?"Instead of answering, a curve suddenly traced on her lips. An evil and wicked plan is now coming out of my precious mind. Napangiti na rin ako.Ito na ba ang hinihintay kong big break? Makakadaupang palad ko na ba talaga siya? I can't believe it!Just thinking of him made my heart pound faster.At last... James Dean Ferrer...Chapter 1Lola's POVAng malakas na sigaw ni Direk Bim ay nalunod sa maugong na tunog ng takong ko habang papasok ng opisina ng BTX Network. Nang magbukas ang pinto ay taas-noo kong sinalubong ang kumalat na katahimikan at mga nahihiyang ngiti ng karamihan sa pagpasok ko. Of course, this first day of my mission isn't done perfectly without a glamorous entrance.Nagsuot ako ng pamatay kong glittery fitted dark violet formal dress at ang killer heels na 5 inches. I need to stand out. I already measured the height of my new apple-of-the-eye kung kaya ay sigurado ako na kahit suotin ko pa ang pinakamataas na takong sa buong mundo ay hindi ko mahihigitan ang tangkad niya. I just put on my simple make-up and hairdo and voila! 100% na mapapansin ako ng karamihan. At hindi ako nagkamali ng akala.All eyes are on me but the feigning silence told me that new signed-up artists have the same feelings like me on every first-day. Nakakakaba at nakakaintriga. Ga
Lola's POVI never thought that the first day of shooting was the most troublesome of all that I encountered.Una, na-late ang PA ko at kailangan ko pang ibigay ang plastic kong ngiti sa kanya habang nakatingin ang maraming fans ko at ni JD sa labas ng set. Gusto kong magwala at magmura nang bongga pero kinailangan kong tiisin ang mga tingin na ipinupukol sa akin.Kahit na lagi akong kontrabida roles sa mga pelikula at teleserye, wala akong nakitang bad or hate comments sa akin as a person. Lagi akong napupuri dahil para sa kanila ay effective villainess ako. Sa harap ng maraming tao, I portray a very energetic and kindhearted Lola Lee. But behind my mask is a cunning bitchy woman that I am.Pangalawa sa nakakainis sa araw na ito ay si Director Bim. Ilang beses nag-role ang eyes ko sa katangahan niya. Forgetting the next scenes he should not be forgetting and forgetting to remind a dumb assistant director to complete all the props, etc. Nakakaimby
Lola's POVNagpipigil lang ako ng gigil ko. For tenth time's attempt, masasabi ko na nawawala na ako sa porma.Ilang beses kong sinubukan na agawin ang atensyon ni JD. We're still at the set pero ni isang beses ay hindi ako tinapunan ng tingin ng lalaki.Para na akong asong u*ol na sunod nang sunod sa kanya pero hindi ko lang pinapahalata. Maraming mata ang nakamasid sa akin and they will do anything just to prove any suspicion of me.Relax lang, Lola Lee. Huwag kang mawala sa poise mo. Keep your cool. Mapapansin ka rin ni JD. Eventually, he will get tired of walking away. Itaga mo 'yan sa boobs ni Scarlet! sabi ko sa aking sarili.Kasalukuyan akong naglalakad habang pasimple at patay-malisyang nakasunod kay JD. Nakahawak siya sa kanyang script habang ang kanyang make-up artist ay nagre-retouch sa kanyang mukha. Ang salubong niyang kilay na nagpapakita ng pagkaseryoso ang nabungaran ko.At heto naman akong si sunod lang at kunwar
Lola's POV“Pwede ba namin kayo ma-interview, Miss Lee and Mr.. Ferrer?” Matapos umalis sa harap namin ni Jaxx ay pumalit naman ang isang TV reporter.Ngiti lang ang iginawad ko at gano’n din si JD.“Of course! Ano po ang mga questions ninyo?” I said in a delighted tone. Ha! I should be awarded for Oscars. Kung ganito ang ginawa ko noong umpisa pa lang ay sana 'di na ako nahirapan pa, sabi ko sa aking sarili.Kung hindi ako masyadong nagpakampante, e 'di sana matagal na akong naka-score kay JD! Kung bakit naman kasi napaka-cold niyang tao! Hindi ba siya naaapektuhan sa kagandahan ko? Mabuti pa si Jaxx ay napansin ako kaagad. Nagalit pa siya dahil hindi ako pinapansin ni JD. But little did he knows that I'm only bluffing. At kahit sa mata ng media ay hindi ko papalampasin ang pagkakataon na ito.To corner a James Dean Ferrer.Inilahad ng reporter ang isang maliit na microphone malapit sa amin at nagsimulang magsalita. “Ano na po a
Lola's POVNakailang pilit na si Scarlet sa akin kinaumagahan nang bumisita siya sa condo ko sa Makati. I admit, ngayon ko lang naiisip na nakakainis ang kaibigan kong ito. Ang hirap na niyang gamitin sa alta sociadad. Masyado na akong nagagasgas sa mga galaw ko kay JD. Simula nang samahan ko ang bruha na 'to ay puro na lang kamalasan ang nangyayari sa buhay ko. Isa na roon ay ang nangyari kagabi.Well, ano pa nga ba ang ginagawa ng bitch na 'to sa tabi ko? Pinipilit lang naman ako nito tungkol sa nangyari kagabi.Of course, kalat na sa buong Pilipinas ang nangyaring rebelasyon na pinapakalat ko ng buong gabing iyon at heto ako, nakatalukbong ng kumot sa loob ng kwarto at ayaw pa sana magpaistorbo. Ayaw ko na sana na may isang tao na nakakakilala sa akin ang kakausapin ako tungkol sa nangyari. I can't even face my manager! Wala ako sa mood. Hanggang ngayon ay hindi ko pa matanggap ang lahat. Ito lang talagang bitch na 'to ang mapilit at gustong pumasok sa
Lola's POVKaunti na lang talaga ay gusto ko nang sabunutan ang buhok ni Gaia. Ang arte sobra! 'Di ba siya na-inform na ako ang fiancee ni JD? Ang kapal ng fez! Kung makakunyapit naman siya akala niya pagmamay-ari niya na si JD. Nakakainis! At ito namang si JD, nagpapalandi rin. Hay nako! Tunog nagseselos na fiancee na talaga ako.Wala naman akong pakialam kung maglampungan sila sa harap ko, e. Pero dahil kailangang ako ang gumawa no'n dahil target locked ko na si JD, hindi ako makakapayag na sirain nila ang mga plano ko!Hindi ko tuloy maiwasang mapairap dahil doon. Ayokong ipakita ang inis ko ngayon pero hindi ko mapigilan. Maya-maya ay may naisip na akong evil plan para mahati ang atensyon ni JD.I smirked internally to my idea. Haha! Watch me, Bilbo!I stood up from my comfy foldable cloth chair and started to do my catwalking towards the commotion. Hindi ko na inintindi pa ang pagtawag sa akin ni Jaxx. Nagpatuloy lang ako sa drama ko
Lola's POVSeeing the laundry, the laundry wires, and the bubbles, they all made me turn into a fragile child I used to be. Flashes of my fragment memory came all back to me in a manner of seconds. Pakiramdam ko ay may nakatarak na kung anong matalim sa may ulo ko. Nanunuot ang sakit nito hanggang sa dalhin na ako ng aking kamalayan sa aking nakaraan..."Lolita! Lolita!" pagtawag sa akin ni Mama. Galit na galit siya at pinapapasok ako sa loob ng kwarto niya.“Anong ginawa mo sa uniform ko?! Bakit ang laki ng butas?” sigaw niya sa akin nang makalapit ako.Napayuko ako sa kahihiyan. Nagsimula nang manginig nang husto ang katawan ko. Sa tuwing ganito na ang tono ng kanyang pagsigaw ay nahihintakutan na ako. “M-Ma… k-kasi po… nakalimutan ko kanina—” Naputol ang pagrarason ko nang biglang dumapi ang palad ni Mama sa aking pisngi. Literal na tumalsik ako sa sobrang lakas ng pagkakasampal niya.Anim na taong gulang pa lang ako nito. Ang rason ku
Lola's POVNagising na naman ako na nasa loob ng kwarto ko sa ospital. Nakaramdam ako ng pagkislot ng sakit na pumipintig sa sentido ko. Matapos niyon ay napasimangot ako, lalong lalo na nang maalala ko ang mga sinabi sa akin ni JD. Tila may dumaan na malaking pison sa dibdib ko sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Literal na napahawak ako sa aking dibdib nang dahil doon.Ganito na kaagad ang epekto sa akin ng mga sinabi niya sa akin. Hindi ko malaman kung dahil ba ito sa nangyari sa akin kanina sa set. Kung masyado lang ba akong sensitive ngayong araw o dahil sa nilalagnat ako.Ever since that time that I was left by biological mother, I've never thought that those episodes would be this fatal to me. Hindi ako kailanman nakaramdam ng ganito sa tanang buhay ko. Wala akong natatandaan na nagkaroon ako ng ganitong sakit. Although I have some anxiety attacks kapag sobrang nag-aalala ako sa isang sitwasyon. Pero hindi pa nangyayari sa akin ito na may isang sit