Chapter forty nineJAMIEBinabagabag ako ng konsensya ko ngayon, kapag kalmado kana pala tsaka mo marerealize yung nagawa mong mali.Hindi na lang sana ako pumatol kay Grace alam kong magsusumbong siya, alam kong hindi naman ako ang kakampihan, at alam kong mali na nakapanakit ako ng tao.Tumitingin ako sa labas dahil inaabangan ko si Lance kaso wala pa siya, wala pa yung sasakyan niya, napansin ko na may tao sa labas at si Grace yun, halatang naghihintay at nag aabang kay Lance.I’m sure magsusumbong yan, halata naman dahil sa harapan pa siya naghintay. Uunahan na niya ako magsabi sa mga nangyari dito, kasalanan naman niya yun, nauna siya kaso may kasalanan din ako pumatol ako at nanakit.Sakto naman na may bumusina na at alam kong si Lance yun, nagpapahiwatig na buksan ang gate kaso si Grace na ang gumawa nun.Hindi na ako mag aabalang magpaliwanag, hahayaan ko na lang na siya mismo ang kumausap sa akin dahil may nauuna ng magsumbong, anong laban ko diyan? Siya ang mahal niya.Pumas
Chapter fiftyJAMIENaging normal na ang sitwasyon, iniiwasan ko na kase si Grace kesa naman ang makipagtalo pa ako sa kaniya ako nanaman yung makakapanakit, ako nanaman yung masama, mas okay umiwas.Kapag nakikita ko siya umaalis agada ko at lumalayo, para akong takot pero hindi ganun ang nangyayari, alam ko ugali niya nambabaliktad siya kaya iiwasan ko na lang.Check up ko pala ngayon, babalikan daw ako ni Lance after ng meeting niya, maaga kase siyang umalis at alam din naman niyang check up ko ngayon.Naghanda na ako dahil maya maya bubusina na si Lance, dinala ko na rin yung mga records ko at nagdala ng extrang damit baka kase mabasa nanaman likod ko, ang dali kong pagpawisan din.On time din si Lance kaya lumabas na agada ko, nilingon lingon ko pa ang paligid at wala si Grace, hindi ko siya napansin kung lumabas o nasa kwarto.“Bakit para kang kriminal?”“Mainit kase.” Yung itsura ko kase kanina lingon ng lingon tapos ang bilis maglakad.“Nagdala ka sana ng payong.”“Hindi na, m
Chapter fifty oneJAMIEMaski kaarawan ko nakalimutan ko, hindi ko namalayan, oo tanda ko kaarawan ko kaso hindi ko na namalayan na sumapit na.Mas lalong hindi ko inasahan na maaalala pa ng dati kong asawa na kaarawan ko ngayon, akala ko ang mga binili niya kanina ay pasalubong niya sa girlfriend niya, yun pala para sa akin.“Healthy foods lahat yan huwag ka mag alala, maski yung cookies.”Hindi ako makapagsalita, gusto ko umiyak pero pinipigilan ko na lang kase magmumukha lang akong tanga sa harapan ng dati kong asawa.Natural naman talaga sa kaniya ang magregalo, kase birthday ko, tama! Wala namang malisya ito. “Salamat.”Kinuha ko ang mga regalo at inalalayan niya akong bumaba, napansin kong nakatanaw ang mga kasambahay niya sa bintana at nakatingin sa amin.Pinigilan kong ngumiti kase ngiting ngiti sila sa nakita nila.Mabuti na lang teary eye palang ako kanina, tears of joy ba, hindi naman kase ako madalas makatanggap ng ganito sa kaarawan ko.Pagpasok ko. “Happy birthday!” siga
Chapter fifty twoJAMIEAko na hindi makamove on kanina sa birthday ko kanina kaya hindi ako makatulog, napapatingin ako sa bulaklak na niregalo sa akin ni Lance.Binibigyan naman niya ako nang mga ganiyan noon kaso kapag may sapat na budget, ang mahal kase ng mga bouquet, parang ilang araw na sahod ko yun noon.Pero ngayon kahit ilan png bulaklak ang ibigay niya ayos lang nakakatuwa lag kase naalala niy ako, inalala pala, ako kase wala na akong pakesa mga birthday birthday nay an, nililipas ko na lang, kung may babati man sa akin edi thank you, kung wala naman salamat pa rin kase malusog at nakaabot pa ako sa birthday ko ganun lang.Ngayon lang ako ulit naging masama.Narinig ko na ang busina ng sasakyan ni Lance.Napabangon ako sa kama ko, mukhang kasama na niya si Grace, meaning kase ng busina niya buksan ang pinto, palagi naman may nakaabang kapag paparating si Lance tinatawagan niya ang mga kasambahay niya bago siya pumasok dito sa compound.Nacurious ako bigla, ewan basta gusto
Chapter oneJAMIESobrang dami ng tao ngayon sa eatery ko, naakatuwang pagmasdan pero nakakapagod, sulit ang pagod tuwing ganito karami ang pumupunta, long weekend kasi kaya napakaraming dumadaan na turista, may malapit na magandang pasyalan dito sa amin kaya napakamabenta ng kainan ko ngayon lalo tanghalian na.“Ate Jam malapit na maluto ‘yon sinaing, siguradong marami pang kakain mamaya.”“Magdagdag pa kayo pagkaluto n’on.” “Opo.”May tatlo akong kasama dito sa kainan ko, hindi ko rin naman kakayanin kung mag isa ko lang, ako kase yung nandito sa kaha kaya palagi akong abala lalo at kailangan kong maging alerto sa mga taong mapansamantala.Ang hirap masalisihan baka may hindi magbayad, may mga ganung klaseng tao kase ‘yon bang eat and run na tinatawag, nakakalimutan na magbayad, sa sobrang sarap ng luto ko akala nila nasa bahay lang sila tapos aalis na agad pagkatpos kumain.Marami na akong naencounter na ganiyan simula ng nagpatayo ako ng kainan, wala naman kase akong maapplyan na
Chapter twoLANCEAfter a long long time I’ve been waiting for this!“Success ang proposal mo sir, congrats!”“Salamat.”“Congrats sir Lance!”My sleepless nights, my back pain, my stress and my overthinker mindset are now gone, sulit na sulit lahat ng iyon dahil sa nakamit kong gantimpala ngayon galing sa prestihiyosong parangal sa ibang bansa.Hindi ko akalain na mas marami ang kapalit ng mga sakripisyo ko kaya naman may kaunting salo salo kami ngayon dito sa kompanya.Lahat sila masaya para sa akin, lahat ng mga empleyado ko ay nagsisibati sa kung ano na ang narating ko. “I’m happy for you Lance.” Alex said, isa siya sa mga matagal ko ng empleyado dito. “ Sir Lance pala I’m sorry.” Sa sobrang tagal na naming magkakilala para na kaming magkapatid, mag ate dahil mas matanda siya sa akin ng dalawnag taon, yun nga lang may napapansin akong kakaiba sa kaniya may araw at oras na masyado siyang malapit sa akin, kumbaga higit pa sa magkapatid ang turing niya sa akin, hindi ko alam kung gun
Chapter threeJAMIETinulungan ako ng kasama ko sa karindirya na mamili ng isusuot ko sa pupuntahan kong kasal, nakakatuwa lang kase medyo gumaan ang pakiramdam ko hbang ginagawa ko yun, kailangan din pala talagang lumabas para magunwind.Nakakagaan sa pakiramdam, araw araw na lang kse ang trabaho at maghanap ng pagkakakitaan kaya naman yung mood ko paiba iba din kung minsan, kailangan pala gumala din at maglibang, kaso nga lang iniisip ko yung gastos kapag lalabas ako, pero kagaya kanina magaan naman ang pakiramdam ko kapag lumalabas ako, gagawin ko na iyon isang beses sa isang linggo.May binili na rin akong regalo para sa kaibigan kong ikakasal sana magustuhan niya, dalawang araw bago ang kasal niya at pinaalam ko na din sa mga kasama ko sa karindirya na magsasara muna kami, parang day off na rin nila iyon.Nag aayos na ako ng gamit ko dahil tutuloy ako sa hotel ng dalawang gabi at isang araw, hindi naman kase ako makakauwi agada gad pagkatapos ng kasal, ang sab isa akin ni Martha
Chapter fourJAMIENaghihintayan kaming may magsalita, maski siya ramdam kong gusto niyang makipag usap sa akin kaso ang tipid kong magsalita, gusto ko rin naman makipag usap sa kaniya kaso naiilang ako, hindi ko maiwasan ang nararamdaman kong pagkailang sa kaniya.Habang nagpapakiramdaman kami pareho naman kaming order ng order ng maiinom, nararamdaman ko na nga yung tama sa akin ng alak na iniinom ko.“Congrats nga pala.” Bati ko sa kaniya dahil naalala ko yung napanuod ko sa balita noon.“Huh?”“Nakita kita sa balita noong nakaraan.”“Ah yun ba.”“Congrats.” Inulit ko muli siyang batiin. “Ang layo na ng narating mo.” nag uumpisa na akong dumaldal, hindi ko alam saan ko kinukuha ang lakas ng loob kong magsalita at kumausap sa kaniya kase naman parang umeepekto na yung alak a nainom ko, konti lang daw ang tam anito kaso naramihan ko ang inom. “ Habang ako ganito parin, hamak parin.”“What do you mean?”“Walang pagbabago, parang straight line lang na hindi gumagalaw, walang pagbabago