LINGGO nang umaga.Nagising ako at naalimpungatan sa pag-ri-ring ng aking cellphone. Wala na sana akong balak na sagutin ang tawag pero paulit-ulit iyon at hindi na ako makatulog.Putragis! Wala nga akong pasok ngayon pero ang aga-aga namang mambulabog ng mga kaibigan ko.Pero kagagawan ko rin naman. Every week kasi ay may conference call kami, alinsunod na rin sa kagustuhan ko dahil nag-aalala ako para kina Adeena at Zemira.Sa pangambang baka may nangyari nang masama sa kanila ay pipikit-pikit kong kinuha sa ilalim ng aking unan ang cellphone, saka ko sinagot ang kanilang tawag nang hindi binasa kung sino ang gumawa ng conference call.“Adi, ano? Gusto mo na akong ampunin diyan sa Micora?” salubong kong tanong sa kabilang linya na hindi naman sumagot kaya naisip kong baka wala pa sa tawag si Adeena.“Oh, Zemira, pare, may problema ba kay Hera o kay Onion?” nakapikit ko pa ring pag-uusisa bago ko minura nang malakas 'yong putang inang lalaking nang-iwan sa kaniya.Pero wala na naman
“TAKE this as an opportunity, Sir. Minsan lang ako tumulong,” pagbibida ko kahit na kaninang-kanina pa namumula ang kaniyang mukha sa galit.“I-I don’t need these toys!” he answered, blurting out as he forcefully gave back the box to me. Napaatras tuloy ako nang maramdaman ko ang impact.“Iuwi mo na iyan!” mariin niya pang utos habang nakaturo sa malaking kahon na ngayon ay yakap-yakap ko.Umiling naman ako upang umapela. Putragis!“Isang buwan kong sahod ang isinakripsiyo ko rito, tapos ayaw mong gamitin,” mahina kong sumbat kasunod ng paghinga ko nang malalim. Nakakadismaya. Ngayon lang ako nakita ng taong niregaluhan na, hindi pa natuwa.“Did I tell you to buy those things for me?” Sinamaan niya ako ng tingin bago umigting ang kaniyang panga. Isang matalim na irap naman ang nakuha niya mula sa akin.“Hindi mo sinabi, pero hindi ba pwedeng tanggapin mo na lang at mag-thank you ka sa'kin, Sir?” Pinagdiinan ko ang pagtawag ko sa kaniya, ngunit lalo lang tumindi ang galit niya sa aki
PUTRAGIS! Hiyang-hiya akong tumakbo papalabas ng kaniyang bahay matapos kong ma-realize ang katangahang ginawa ko.Putang ina. Bakit ko isinubo?!Huminga ako nang malalim na malalim. Hindi na sana ako magpapakita sa kaniya ngayong araw na 'to dahil sigurado akong wala na naman akong babalikang trabaho.Iyon nga lang ay bigla siyang tumawag kagabi. Hindi niya ako sinesante, pero ramdam kong mas pinahirapan niya naman ako sa trabaho.“Did you really change my coffee?” he asked after he took a sip on the cup of coffee. Lihim namang napuno ng inis ang aking dibdib dahil parang ipauulit niya naman yata sa akin ang kaniyang kape.Putragis!Hinihingal na ako sa kapapabalik-balik sa pantry room at sa kaniyang opisina, pero wala pa rin yata siyang balak na pagpahingahin ako.“Sir, sinunod ko na 'yong gusto mo kanina. Nilagyan ko na ng asukal iyan,” imporma ko habang nagtitiis na ngumiti. Nang marinig ang aking tinuran ay mabilis niyang ibinaba ang baso sa kaniyang mesa. Lantaran na tuloy akong
KALIWA’T kanan ang reklamo ng mga empleyado dahil sa executive order ni Yevhen na 'No Office Romance.'Hindi dapat ito ang pinoproblema namin kundi 'yong issue niya kay Sir Xavier, pero sadyang iniiwasan niya lang ang diskusyon sa tuwing babanggitin ko iyon sa kaniya.“Maria, nasabihan mo na ba ang head ng Product and Design Department?” Napatigil ako sa pag-ta-type sa computer nang marinig ko ang aking boss. Lumabas pala siya sa kaniyang lungga at kasalukuyang papalapit pa sa aking mesa.“She’s late for our meeting. Sinabihan mo ba talaga?” tanong niyang nagtunog na nagdududa. Agad naman akong tumango at tumayo upang salubungin siya.“Oo naman, Sir. Pinuntahan ko talaga iyon. Narinig ko pa nga ang reklamo ng mga staff tungkol sa No Office Romance policy mo,” nakangiti kong sagot na punong-puno ng hinanakit.Binanggit ko rin sa kaniya na hindi lang mga empleyado sa Product and Design Department ang hindi sang-ayon sa kaniyang desisyon, kundi lahat ng mga tauhan niya sa kompanya.“Why
TAGAKTAK ng pawis ang aking noo nang muli akong nakabalik sa executive floor ng building. Sabay akong napapamura at napapadasal na sana ay hindi niya pa nabubuksan ang ipinasa kong email.“Putragis!” pagmumura kong muli habang naglalakad patungo sa kaniyang opisina. Inilabas ko rin ang aking cellphone para tawagan at alamin kung alam niya na ba ang aking ginawa.“Kaya ba hindi magaling ang performance niya sa kama ay dahil kulang talaga siya ng practice dahil sa debosyon niya?” pag-uusisa ko bago ko hinanap ang kaniyang numero sa cellphone ko.Tumigil din naman muna ako sa paglalakad saka ko itinapat sa aking tainga ang cellphone. Habang naghihintay na sagutin niya ang aking tawag ay kagat-kagat ko naman ang aking mga kuko sa kamay dahil sa kaba at pangamba.Nalintikan na ako. Sa kapalpakan ay mukhang masisisante na talaga ako nang tuluyan. “E, 'yong tsismis na bakla siya, hindi ba talaga iyon totoo? Paano si Hero?” Napapikit ako sa inis at natampal ko rin ang aking noo sa rami ng m
HE is in ecstasy. Putragis! Nasa punto naman ako ng buhay ko na nakatulala lamang habang pinagmamasdan ang pabilis nang pabilis na pagtaas at pagbaba ng kaniyang pagkalalaki.Kagat ko rin ang aking pang-ibabang labi habang pinakikinggan ko ang kaniyang mahihinang halinghing at ang pag-indayog niya sa silya.Mayroon tuloy akong napansin at natutuhan. Walang buhok ang kaniyang banana at lalo pa lang lumalaki iyon kapag hinahawakan.“Maria,” hirap na hirap niyang tawag sa aking pangalan kaya bigla kong naibagsak ang aking cellphone sa sahig nang dahil sa pagkagulat. P-putragis!Katapusan ko na.Nang marinig niya ang tunog na nagmumula sa ilalim ng kaniyang mesa ay agad siyang napatigil at naalerto. Nagsusumiksik naman akong maigi sa pinakadulo, ngunit parang tumigil ang mga mundo naming dalawa noong bigla siyang sumilip sa ilalim ng mesa.Putang ina. Sabay na nanlaki ang aming mga mata at pareho rin kaming napasigaw nang makita namin ang isa't isa.“M-Maria!” he shouted in surprise be
TANG INA.Dahil sa nangyari ay hindi ako nagpakita sa trabaho kinabukasan.Gulong-gulo ako. Litong-lito. Hindi ako nakatulog nang maayos. Sa tuwing ipipikit ko kasi ang aking mga mata ay banana ni Yevhen ang aking nakikita.Putragis!Isa lang ang alam kong makakapagpahinahon sa akin, at iyon ang gagawin ko. Nagpa-book ako ng chikababe na ngayon ay hinihintay ko na sa lobby ng motel.“Napakatagal,” paanas kong reklamo bago ako umupo sa mahabang couch na nasa lounge. Tiningnan ko rin ang aking relong pambisig. Sampung minuto na siyang late.Kanina pa ako rito. Nakapagbayad na nga ako at nakuha ko na rin ang susi ng kwarto namin, pero sige, understandable naman na matagal talagang mag-ayos ang mga babae.“Hello. Ikaw ba si Masien De Dios?” tanong ng isang magandang dalaga na hapit na hapit ang suot na pulang dress. Napatayo naman agad ako sa aking kinauupuan saka ko siya nginitian.Siya nga ito dahil pareho kaming nagpalitan ng nagpalitan ng pictures kaninang umaga.Putragis! Heto na. Mab
HINDI niya ako hinalikan. Napikon lang siya at iniwan akong mag-isa sa motel. Nagmukha tuloy akong nanghihingi ng halik sa mata ng maraming tao.Putragis! Lalo tuloy lumala ang hindi namin pagkakaintindihan. Ang hindi ko lang talaga alam ay kung saan siya kumukuha ng lakas ng loob para magpanggap na mayroong amnesia.Pagkatuntong na pagkatuntong ko pa lang sa loob ng kaniyang opisina kaninang umaga ay napakanatural lang ng kaniyang mga kilos at salita.So, ano? Ako lang ang hindi maka-move on?!“Miss Masien, nandiyan ba si Sir?” Bigla kong naitigil ang malalim na pag-iisip nang lumapit sa aking mesa si Eva.“May schedule siyang lunch meeting kanina. Hindi pa bumabalik,” sagot ko kasunod ng pagtingin ko sa aking relong pambisig. Hindi pa nga pala ako kumakain ng tanghalian.Kasalanan na naman ito ni Yevhen. Kung hindi sana siya takbo nang takbo sa isip ko ay hindi ko makakalimutang kumain.“Ano ba’ng kailangan mo? Ako na lang ang magsasabi mamaya.” I volunteered before I stood up. H