Share

Kabanata 2

“Beshiwap! A-alam mo na ba ang balita?!”

“Anong balita?”

Walang buhay na tanong ni Laura sa kaibigan. Abala ito sa pag-iisip ng paraan kung paano niya bubuhayin ang sarili ngayong itinakwil na siya ng pamilya. Frozen lahat ng credit cards niya. Hindi na ito makakapasok sa mga properties ng pamilya. Alam na ng buong angkan ang eskandalong niluto lang ni Clarissa para sirain siya.

Pare-pareho ang pitik ng mga utak nito kaya hindi na magugulat si Laura sa mga posibleng mangyari kapag nagcross ang mga landas nila. Siya na naman ang lalabas na masama at kontrabida. Kaya ‘wag na! Better be quite!

Kung hindi siya mag-iisip ng solusiyon ay mamatay siya sa gutom o ‘di kaya ay sa kahihiyan. Alam niyang wala rin siyang aasahan sa kaibigan dahil wala naman itong matinong trabaho. Kasalanan ba nya kung nakipagkaibigan sya sa mahirap? Iyong inuman nila sa bar kung kailan may nangyari sa kanila ni Mikhail ay sagot niya lahat iyon kaya sinulit talaga ng lintik niyang kaibigan ang paglaklak. Tapos ang ending siya ngayon itong naparusahan.

“Kung ano man ‘yang bwusit na balitang ‘yan, itahol mo na. Wala ako sa mood.”

“Ang makapal mong pinsan na si Clarissa ay engage na!”

Kumibot lang ang nguso ni Laura. Ano naman ang pakialam niya kung ikakasal ito? Napakamalas naman ng lalaking mapapangasawa ng demonyita.

“At ang mas pinakanakakaloka pa ay sa nag-iisang Mikhail Razon pa! Arghh! Alam mo ‘yang pinsan mo sumusobra na talaga ‘yan!”

Bahagyang natigilan si Laura sa paggawa ng resume. Pinagpupunit niya iyon sa inis tsaka binilog at ibinato sa kaibigan. Gulat itong napatingin sa kanya pero hindi niya pinansin.

“Sinasabi na nga ba eh! Malamang ay pinikot nito ang lalaki gamit ang videong hawak nito.”

“Ang sabi pa ay ilang buwan na raw nag-di-date ang dalawa at ngayon ay inaasahang buntis na ang malandi!”

Nag-di-date? Paano mangyayari ‘yon? Eh, malamang gawa gawa na naman ng mag-ina ang kwentong pinalabas sa media para mapagtakpan ang kasinungalingan ng anak at higit sa lahat yaman at kapangyarihan lang naman ang habol ng mga ito kay Mikhail.

Sabay silang napabuntong hininga sa inis.

“Anong plano mo ngayon, Beshiewap? Aatake ka ba? Sasabihin mo bang ikaw ang nakalampungan ni Prince Charming noong isang linggo?”

“Bakit ko naman gagawin ‘yun?”

“Ha? Wala lang, naisip ko lang. Demokrasiyang bansa ang Pilipinas no? May kalayaan kang magpahayag ng iyong damdamin kaya ‘wag mong pigilan ang sarili mo, Beshiewap!”

Hindi nalang pinansin ni Laura ang kaibigan. Kung papatulan niya pa ito ay baka pagsisihan na niya na naging kaibigan niya ang babae. Tumayo na lang si Laura matapos ang mahaba at malalim na pag-iisip.

“Lalabas ako ng bansa.”

***

Makalipas ang anim na buwan.

“Where’s my Alessia?”

“She’s on the wa—”

“Bring her to me, now!”

Napaigtad si Aira nang biglang hampasin ng matandang si Arthur Goldsmith ang mga kagamitang pang-ospital dahilan para magtumbahan ang mga iyon sa sahig. Kaagad namang nataranta ang mga personal nurses nito at dali daling binalik sa dating ayos ang mga kagamitan sa takot na may mangyaring masama sa matanda.

Kumilos ang personal assistant ng matanda para utusan ang mga bodyguards na hanapin si Laura. Siya lamang ang tanging caretaker na gusto ng matanda kaya hindi ito kakalma hangga’t hindi nakikita ang hinahanap.

“Laura! Oh my god, Beshiewap! Mabuti naman at nandito kana! Bilisan mo at kanina ka pa hinahanap ng alaga mo!”

“Ha? Teka, sandali, masakit pa ang likod ko.”

Bahagyang nag-unat si Laura habang nakahawak ang isang kamay sa lumalaki niyang tiyan. Six months na siyang buntis. Napakaswerte niya pa dahil tinanggap siya ng matandang Goldsmith sa mansiyon nito kahit buntis na siya noong namasukan siya.

“Mr. Goldsmith?”

Malambing na tawag ni Laura sa matanda matapos ang pahirapang pag-akyat sa hagdan. Sinenyasan niya ang mga nurse na lumabas dahil wala namang magagawa ang mga ito at mas lalo lang magwawala ang matanda kapag nanatili pa ang mga ito sa loob.

“Where have you been? I’ve been looking for you. I thought you have left me again.”

Naiintidihan ni Laura ang nararamdaman ng matanda. Nakikita kasi nito sa kaniya ang yumaong anak na kamukhang kamukha niya. Akala ng matanda ay siya ang anak nito. Kaya tuwing nawawala siya sa harapan ay nag-aalburuto ito.

“I won’t leave you, Mr. Goldsmith. It’s our promise, right?”

Naluluhang tumango tango ang matanda.

“Pinky swear?”

“Yes, pinky swear.” Nakipag-pinky swear si Laura sa matanda. Nang huminahon ito ay doon niya na ito pinakain at pinainom ng gamot. Binasahan niya rin ito ng libro hanggang sa makatulog.

Sa totoo lang ay awang-awa si Laura sa matanda. Nasiraan ito ng bait simula nang namatay ang anak nito. Dinukot at walang awang pinatay ang anak na babae. Hindi matanggap ng matanda ang nangyari sa anak dahil sinisisi nito ang sarili.

Masyado kasing naging abala sa pagpapayaman si Mr. Goldsmith noon at nawalan ng oras sa anak. Namatay naman ang asawa nito sa heart disease kaya mas lalong nadurog ang matanda. Simula nang mabaliw ang matanda ay iniwasan na ito ng mga kaanak. Ang tanging naiwan na lamang sa kaniya ay ang kayamanang pinaghirapan.

“Ayos ka lang ba?” Salubong ni Aira sa kaibigan.

“Medyo nahihilo ako.”

“G-ganun ba? Umupo ka muna at ikukuha kita ng tubig.”

Nang mahimasmasan ay napasandal si Laura sa sofa habang nakahawak sa kaniyang tiyan. Walang araw na hindi niya naiisip ang magiging kinabukasan ng mga anak kapag nanganak siya. Paano niya ipapaintindi sa mga ito ang totoo sa oras na dumating ang araw na magka-isip na ang mga ito?

“Magpahinga ka kasi. Baka mapaano iyang kambal, naku!”

“Ayos lang ako tsaka—”

“Help! Help! Somebody call an ambulance!”

Sabay na napalingon ang magkaibigan dahil sa pagsisigaw ng isang nurse mula sa second floor. Kaagad nagtugma ang iniisip nila kay dali dali silang tumakbo papunta sa kwarto ng matanda. Naabutan nila itong nag-aagaw buhay. Ginawa ng nurses lahat ng makakaya nila pero hindi na kinaya ng matanda.

Napahagulhol si Laura. Sa loob ng anim na buwan ay napalapit na ang kalooban niya sa matanda. Marami siyang natutunan mula rito. Dito niya rin naramdaman kung paano maging isang sobrang nakapahalaga sa isang tao. Sa pamamagitan ng matanda ay naramdaman niya ulit maging isang anak.

***

“W-what?.”

Nanginginig ang boses ni Laura dahil sa narinig. Hindi ito sigurado kung nabibingi lang ba siya o nagkamali ng sinabi ang lawyer ni Mr. Goldsmith.

“You heard it right, Ms. Laura De Silva. Mr. Goldsmith wrote in his last will that you will be inheriting all his businesses and all the money in his bank account.”

Mabilis na umagos ang mga luha sa mga mata ni Laura. Hindi niya alam ang sasabihin. Literal na umuurong ang dila niya dahil gusto niyang umiyak nalang ng malakas.

“Is this what I am worth for him? Tell him, Mr. Hopkins! Did he really meant to give me all his fortune?!”

“There’s no denying to that, Ms. De Silva. You are the only family he have. That’s what he told us and we’re only following his orders.”

“Oh my god… Mr. Goldsmith…”

Ginawa ni Laura ang lahat para hindi masayang ang tiwala at halagang ibinigay sa kaniya ng dating alaga. Nag-aral siya sa larangan ng negosyo. Mas pinalawak niya ang pang-unawa niya sa lahat ng bagay at mas nagpursige na mas palago ang mga negosyong iniwan sa kanya ng matanda.

She did her best. Day and night. Hindi siya nagpahinga hangga’t hindi siya umaabot sa goal. And after years, she has a breakthrough. A moment she reach the top at nagbagong bihis sa pangalang….

Alessia De Silva Goldsmith.

For she is worth more than gold… At ang pagbabalik niya…

Malapit na….

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status