Share

Kabanata 32: Ang Paghihiwalay

Nakauwi sa sariling bahay na nanlulumo si Dra. Lorena Ignacio dahil sa hindi nangyari ang kanyang inaasahan na makausap ang anak na si Larry nang maipagtapat ang totoong pagkatao at relasyon niya sa binata.

Sa sobrang pagod at panghihina ay dumeretso na agad sa kanyang sariling kuwarto, hindi na naisip na maghapunan.

Nang nasa loob na siya ng kuwarto ay naisipan ng doktora na buksan ang kanyang laptop. Bumulaga sa kanyang paningin ang matagal na niyang hinihintay na sagot sa email mula sa Xycone Mining, Inc. na nagnanais ng doktora na magkaroon ng appointment sa isa sa mga Board of Director ng kumpanya na si Larry Evangelista.

Umasa ang doktora na mababasa niya sa email ang pagpayag ng kanyang anak na si Larry Evangelista na magkaroon sila ng appointment nang makapag-usap ng personal, ngunit kabaligtaran ang naging sagot sa email.

“Maaari bang huwag na ninyo ako istorbohin, kung hangad lamang ninyo na perahan ako ay hindi kayo magtatagumpay at sana tigilan na ninyo kung ano man
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status