Share

Apat

C I E L O

Dalawang araw na at hindi pa rin ako inaaccept ni Grey sa f* at tweeter niya pero finallowback niya naman ako kanina sa i* niya kaya hindi mawala yung ngiti sa mga labi ko.

Haayy! Ang saya saya ko na naman. Habang kumakain ako ng ice pop sa may bench sa ilalim ng puno dito sa ground school ay nakatingin pa rin ako sa notif ko na finallow nga ako ni Grey.

I decided to chat him.

: Hi! Tuloy ka ba Thursday?

Bigla siyang nag log in at sineen ang message ko.

Grey: Let's see.

: Busy ka today? Ako free

Chat ko at nagsend ng picture ko na kumakain ng ice pop.

Naseen niya agad 'yon at nagsend din siya ng picture. Nagbabasa siya.

Grey: I'm studying.

: What are you taking up?

Grey: Med.

: No, I mean, you will take up your major right? What will you take?

Grey: Surgeon.

: Ohh, but I think Cardiologist suits you

I chatted pero sineen niya lang ako kaya sinundan ko na.

: Because something about you makes me want to give you my heart <3

Sineen niya lang ang chat ko at ilang minuto ang lumipas bago may nakalagay na typing pero nawala rin.

Grey: I'm busy.

Napasimangot ako sa reply niya. Ibig sabihin ba no'n, rejected na ko? sakit ah.

: Okay, I won't disturb you

Huling chat ko at hindi na nga rin siya nagreply.

Nakasimangot na nginata ko na lang yung ice pop. Ang hirap naman niyang landiin, hmp!

"Miss Cielo." Napaangat ang tingin ko ng may tumawag sakin.

"Po?" tugon ko ng tingalain ko siya.

"A-Ah, about kasi sa cheerdance. Kulang kasi ng isang babae, nung last week pa kami naghahanap wala pa ring interesado hanggang ngayon." ani ng babaeng mukhang taga cheerdance club.

"Huh? Hindi ba kayo nag announce? Nag abot ng flyers?" takang tanong ko kasi parang imposible namang ayaw magsisali ng iba.

"Opo, ginawa na namin. But the problem is— hindi naman po sa namb-body shame po pero kasi karamihan ng sumasali ay chubby. Stunt girl po kasi ang kailangan e." ani niya.

"Hindi ba makakapagperform kapag kulang ng isa?" takang tanong ko.

"Makakapagperform naman po, but we pity those others na gustong gusto po talagang makasama sa competition this upcoming sports event. Sayang naman kung aalisin namin sila e, magagaling din naman sila. They deserve to join at the competition, may balak rin po kasi kaming gawin kaya kailangan talaga na kumpleto ang babae." I sighed.

Anong gagawin namin?

Bakit ba kasi ako ang ginawang head ng department namin? Yan tuloy, kailangang ako ang gumawa ng paraan. Nakakabanas.

"Alright, alright. Let me see, ako na ang idagdag niyo." her eyes widened when I said that to her.

It is actually fine with me to be part of the cheerdance because when I was Highschool I was the captain of the cheerdance club.

I planned to join them when I was first year, pero nag aadjust pa ko no'n sa environment ng school at hindi rin pala chill chill lang ang education kahit na first year kaya hindi na ko sumali.

Pagkakataon nga naman.

"I-Ikaw po?" she asked na para bang hindi siya naniniwala.

"Bakit? Bawal akong sumali?" I asked frankly and she shook her head.

"No, no, oh my god! I didn't expect that po. S-Shall we go?" I smirked at her and we went to the cheerdance studio.

When I entered the studio, my mouthed form an 'o' because their studio is actually nice. Sa may labas pala ng campus ang studio nila pero sa front lang din ng campus, sa front left ng main gate.

There has a fixed window at the front, facing the road. Black and gray is the theme of the studio, light brown wood ang floor at may mga mat rin na nakalagay sa sahig for safety purposes of course.

"Ma'am Cielo, why are you here?" their captain asked me, Jones.

"Magt-try out?" hindi sure na sagot ko kaya naging patanong.

He furrowed, looks confused.

"Why?" I asked.

"N-Nothing, are you sure?" he asked.

"Akala ko ba kailangan niyo ng isa pang member?" sagot ko tanong niya ng tanong din, at tinaasan siya ng kilay.

He was too stunned to answer me.

"Ano na?" I asked na nagpabalik sa ulirat niya ng ipitik ko rin sa harapan niya ang mga daliri ko.

Ano bang nakakagulat 'don?

"D-Diba busy na kayo? Paano kung—"

"Responsibilidad ko ang bawat isa sa inyo, kailangan kong punan ang mga kulang. Hindi rin naman pwedeng hindi tayo makapagperform sa Sports Competition. We need to get our revenge sa Athens, remember?" I told him and he nodded his head.

"Magwarm up ka muna, ma'am ." he said and I nodded my head at him.

Binaba ko lang ang bag ko sa isang sulok at nag umpisa ng magwarm up.

I am wearing a blue wide leg pants, white tank top, and a cream blue longsleeves polo.

Nag warm up lang ako sandali at tinali ang buhok ko bago pumwesto sa harapan ng club.

"Let's start." I said, smiling at them.

I was getting excited... for almost two years, makakapag cheerdance na ulit ako.

"Do you have any experience?" Jones asked and I nodded my head.

"Yes, I was doing this for like 6 years? Nahinto lang nung magcollege ako." I explained and they all nodded.

"Malakas ka pa ba?" the another guy asked.

Bakit? Mukha ba kong mahina? Gano'n na ba ako katanda sa paningin niya? Grabe naman 'to.

I did the back flip full twist thrice then looked at them.

"How 'bout that? Do I look like weak?" I asked and grinned at them.

They all nodded, mukhang pasado na ako sa kanila.

"Sumama ka na sa practice namin, Binibining Cielo para maka catch up ka." ani ni Jones at tumango naman ako sa kanya.

Ang maganda lang sa educ, kahit na hindi ka pa teacher ay tinatawag ka na nilang ma'am, sir, or miss, kahit mga professor namin ay ganoon din ang tawag.

But I prefer calling me Binibini dahil major ko yon, atsaka sa panahon kasi ngayon hindi ko na naririnig yon na tinatawag sa mga kababaihan kahit na sa guro.

Atsaka feeling ko kasi ay dalagang pilipina ako kapag ganoon.

Nagpractice naman na kami, tinuro ang ilang steps and stunts.

...

"Good job, everyone! Let's pack up!" lahat kami ay nagpalakpakan bago na nag asikaso ng mga sarili namin.

"Shane, ibalik ko na lang 'to bukas. Thank you" I told Shane, na nagpahiram sakin ng t-shirt niya. Dahil nga sa damit ko kanina ay kailangan kong magpalit ng damit at saktong may extra si Shane. Siya raw ang may pinakamaraming extrang damit na laging may dala sa grupo.

Hinubas ko lang kanina yung pants ko dahil naka cycling shorts naman ako na hanggang ibabaw ng tuhod ko.

"Sure, no problem." he said and went to the locker. Inayos ko na yung mga damit ko sa bag ko, buti na lang ay medyo malaki ang gamit kong bag.

"Cielo." I look around and saw Shane. He handed me another shirt.

"Basa ka ng pawis, ibalik mo na lang ulit." I smiled at him, and nodded.

"Thank you." he slightly smiled at me before left.

Pumunta na akong rest room para magpalit nang biglang nag ring ang phone ko.

Sinagot ko iyon habang naglalakad papuntang rest room.

"Oh Ja, bakit?" tanong ko kay Janna pagkasagot ko ng phone.

"Sama ka? ITD?" she asked at nagliwanag naman ang paningin ko.

"Sure! Daanan niyo na lang ako sa labas ng campus." I said at her.

"Wow! Walang komentong 'layo'?"

"Wala, bye!"

Pagkababa ko ng tawag ay mabilis na kong nagpalit ng damit, pagkarating ko sa rest room. Naghilamos lang ako at sinuklay ng bahagya ang buhok ko gamit ang mga daliri ko.

Nang punasan ko na ang mukha ko ay nag apply lang ako ng sunscreen at liptint bago lumabas ng rest room.

Pagkalabas ko ay kaming dalawa na lang ni Jones ang nasa studio.

"Una na ko, " paalam ko and he looked at me. He nodded and smiled.

"Take care." he said and I smiled at him bago na lumabas ng studio.

Pagkalabas ko ay nandoon na sa may main gate sina Karra. They are using Janna's car, nag commute lang ako kanina kasi sunrise yon.

I wanna watched the sunrise earlier that's why I took a mini jeep earlier. So far, ang ganda ganda.

Feeling ko aesthetic ako kanina kasi nagkakape pa ko sa loob ng mini jeep habang naka earphone at pinapanood yung araw na sumikat. Aircon pa yung mini jeep, at malinis kaya mas na feel ko yung aesthetic vibe choss.

Tumakbo na ko papuntang sasakyan nila habang nakasalag sa mukha ko yung kanang kamay ko dahil sa sinag ng papalubog na araw.

Pumasok na kaagad ako sa sasakyan at nagulat pa sila.

"Oh! Saan ka galing? Doon pa kami lahat nakatingin sa main gate." sabi ni Sere.

"Nandoon ako sa studio ng cheerdance." I told them and they all looked at me. Hindi makapaniwala.

"Magch-cheerdance ka ulit?" Kara asked and I nodded at them happily.

I looked at Kara and Sere.

"Pupulbusin namin kayo," I said at them and Sere mocked me.

"Inamo, Athens kaaway niyo hindi kami. Nananahimik na nga lang kami e, si Cam gawin mong abo." Natawa ako kay Sere at pinaandar na ni Janna ang sasakyan.

"Kailan ka pa nasali?" tanong ni Janna.

"Kanina lang." Sagot ko naman, "Ay, oy, daan muna taying drive thru. Nagugutom na talaga ako, wala pa kong lunch."

"Gago, traffic. Doon ka na kumain sa ITD." kontra ni Janna.

"Sandali—"

"Doon na nga, mas matatagalan pa tayo kapag huminto pa tayo."

"Porket ikaw nagd-drive!"

"Of course, kung sinong nagd-drive siya ang masusunod." she said and smirked at me. I rolled my eyes at her, at sumandal na lang sa kinauupuan ko.

ITD

Pumwesto na kami sa pinakamalapit na mga tindahan at gilid na gilid na table habang hinihintay namin si Cam.

Medyo mad-delay daw siya ng konti dahil pinatawag siya ng professor niya sa isang subject niya.

Dahil gutom na talaga ako, tumayo na ako at pumunta sa counter na nagtitinda ng mga topsilog.

"Beefsilog nga po tapos isang mineral din po. Atsaka dalawang order na rin po ng sisig, wait lang po ate, kunin ko lang po yung wallet ko." she nodded her head at mabilis naman akong bumalik para kunin yung wallet kong naiwan ko sa table ko.

Nagulat ako dahil nakaorded na pala sila ng alak, grabe talaga 'tong mga 'to.

"Shot, Cielo." aya ni Sere pero umiling ako.

"Pass muna, mamaya na kapag nakakain na ako." ani ko at tumango naman siya.

"Oo nga pala, hindi ka pa pala nakakalafang. Umorder ka na? Samahan kitang kunin." she offered at tinanguan ko naman siya dahil marami ang binili ko.

She chugged the shot of rum na dapat ay para sakin bago tumayo at inakbayan ako.

"So, how's your relationship with that handsome doctor?" she asked while looking at me playfully.

"H-Huh? Wala, wala pa hehe. Hirap landiin beh, pero ang sexy niya." kwento ko kay Sere while remembering the day nung nagluto siya ng breakfast para sakin, wearing an apron tapos umiinom siya ng kape.

She poked my waist kaya nagitla ako, hinampas ko si Sere pero tinawan niya lang ako.

"Yiieee, so, nakapagmomol na kayo? Nabalitaan ko, doon ka natulog nung lasing na lasing ka sa condo niya ah. Nyaayyy! Ikaw ah!" tukso niya kaya nahampas ko na naman siya.

"Gaga hindi, tinatanong ko nga kung bakit eh, hindi niya ko sinagot." natawa naman si Sere ng malakas.

"Totoo? You asked him? Kung nagplokplakan ba kayo? ebarg ka girl!" natawa naman ako at umiling iling.

Inabot naman na samin yung binili ko kaya pumunta na kaming table namin at nandoon na si Cam.

Sere hugged Cam at naglambingan na ang dalawa.

"How's my Cam huh? I miss you so muchhhh bestieee!" landi ni Sere at hinalikan pa sa pisngi si Cam.

"Oh my goddd! Ano ba, babe! You always makes me kilig na langgg~" maarteng komento naman ni Cam.

"Cringeee, tangina niyong dalawa. Tigilan niyo nga yan." banas na sabi ni Kara na pinaghahampas ang dalawa.

"Si Grey, Cielo." turo ni Janna kay Grey na dumaan sa harapan namin at nagbabasa ng libro niya, ewan ko kung ano yon.

"Ang sexy niya." bulalas ko habang nakatingin kay Grey.

He was reading his book seriously, and he is wearing his eyeglasses. He wore a black shirt tucking in on his black slack pants, a silver watch, ring and bracelet, messy hair, black shoes.

Siya yung naka itim lahat pero ang sexy, I gulped because I felt hot.

Umiwas ako ng tingin ng huminto siya at lingunin kami. Naramdaman niya atang may nakatingin sa kanya, pinaypayan ko yung sarili ko dahil feeling ko namumula yung pisngi ko at sumubo sa pagkain ko.

Crush ko lang siya. Cielo, crush mo lang siya, oo, ganon, parang fans, ganon.

"Behhhh, ang kabog ng taste mo talaga." sabi ni Sere sa akin at hinampas pa ako. Nginitian ko na lang siya na abot tenga kasi kinikilig ako tapos buo pa yung araw ko.

Tumagay na kami ng tumagay habang ako naman ay tinitingnan ang grupo nila Grey. They are all drinking except Grey. He was there to study, and not to get drunk.

Gusto ko siyang i-chat pero sabi niya kasi busy siya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status