Share

Lima

C I E L O

"Good job, guys! Bye!" mabilis na paalam ko at tumakbo na palabas ng studio.

Huwebes na kaya kapag katapos ng practice ay dali-dali akong pumunta sa tapat ng Colt Hospital.

I took a picture of it at pinost sa myday ko with a small caption na "where are you?" Naghintay ako sa cafe, katapat no'n. Anong oras kaya siya pupunta? Bakit hindi ko kasi natanong? Buang talaga.

Habang naghihintay, I took another picture nang makita ko na ang ganda ng kalangitan ngayon.

Kulay kahel ang langit dahil sa papalubog na araw tapos may mga dumadaang sasakyan pero hindi ko rinig ang ingay ng mga tambutso nila dahil soundproof ang cafe na tinatambayan ko.

Umorder ako ng cappuccino ng maubos ko na yung fresh juice ko.

Isang oras at kalahati na akong naghihintay at wala pa rin siya. Hindi ko pa rin siya nakikitang dumaan, I took my phone and visit my myday kung naview niya ba yung myday ko pero hindi.

I visit his wall at wala siyang kahit na isang update o kahit chat, chineck ko ang myday ng isang kaibigan niya.

Ahhh, nasa gym pala siya. Posted 8 minutes ago. Nahagip ng camera na naglilift ng dumbell si Grey, ang pogi niya talaga kaso hindi niya ko sinipot.

Hindi sinipot? Remember, Cielo? He said "let's see" nung tinanong mo siya. It means, he ain't sure if he will go or not.

I stood up and decided to went home kesa maghintay sa wala. Pagabi na rin at may mga kailangan pa kong tapusin.

So, instead embarassing myself I deleted my myday. Hindi naman na siya ata darating.

I took another picture of sky—full of star and a quarter moon. Pinost ko 'yon sa i* ko with the caption of 'city of sky, ill always come back here.'

Bakit ngayon ko lang napansin na maganda pala yung langit sa lugar na 'to? One meter away sa Colt Hospital kasi, pababa yung daan kaya nakikita yung view ng ilang mga stores at bahay tapos mountains.

Imagine that kind of view tapos sumabay pa yung ganda ng langit. Calming.

...

Isang linggo nang hindi nagsasalubong ang landas namin ni Grey, at iniisip ko pa rin siya kahit na nagc-cram na ako ngayon.

Umagang umaga tsaka ko lang naalala na may reporting ako sa prof ko sa Dulaan, buti na lang at maaga akong dumating sa school at may isa't kalahating oras pa ko para makapagprepare.

Bakit kasi ngayon ko lang naalala?! Hindi na ko nakapag almusal, at naayos ang sarili ko dahil wala na kong oras para doon.

Habang tinatype ko sa laptop yung lesson ko at nagkakabisa naman ako at may ilang tinetake notes.

"Hey," napaangat ang tingin ko ng marinig ang malalim na boses na matagal ko nang hindi naririnig.

I saw Grey in front of me, nagulat ako dahil hindi ko inaasahan na nandito pala siya.

"A-Anong ginagawa mo rito?" I asked at medyo inayos ang buhok kong medyo magulo.

"You okay?" he asked and I nodded.

"Yeh, medyo nagc-cram— nagc-cram talaga, hindi lang medyo." paglilinaw ko at hindi napigilang mapaikot ang mata ko sa binalak kong sabihin.

He chuckled at nahiya ako, ang pogi pogi niyang nakaharap sa akin habang ako naman ay napakaloshang. Minus point ako, kainis.

"Anong ginagawa mo rito? Miss mo ko?" I asked, teasing him while I was typing again on my laptop at nakangisi.

He sat towards me and observed every moves I did. Nakakaconcious naman 'to.

"Di you eat?" he asked, I looked at him and his eyes were blank. I can't read what in his mind.

"Hindi pa, ikaw?" sagot ko at binalik ko na ulit yung tingin ko sa laptop.

Hindi ako makapag focus, potaena.

"Mamaya mo na ko landiin, Grey. Nagc-cram ako today, may report ako e." biro ko sa kanya.

"Okay, I'll see you later." Agad akong napatingin sa kanya.

Hindi niya babawiin? Nilalandi niya rin ako? O sinasakyan niya lang yung mga biro ko?

He stood up and put his hands in his pocket.

"Nilalandi mo rin ako?" tanong ko, he furrowed and nodded.

Nagulat ako at hindi makapaniwalang tumayo.

"Landi na 'yon?" Hindi makapaniwalang tanong ko, he looks amused then chuckled. Ang sexy naman ng tawa niya.

"Lowkey." he said and left me.

Oh my god.

Landi na talaga yon? Hindi siya nagpaparamdam, ako lang lumalandi—no! Focus Cielo! May mga dapat kang tapusin.

Huminga ako ng malalim at inalis sa isipan ko si Grey at nagfocus ulit.

Makalipas ang tatlumpung minuto ay napaunat na ako at inayos na ang mga gamit ko. May 15 minutes pa ko, nireview ko lang ng nireview yung notes ko at nagcoconstract sa isip ko ng mga dapat kong iexplain mamaya.

Tapos mamemental block din naman ako kapag nasa harapan na. Nako, Cielo, mapag-panggap ka.

"Eat." napatingala ako at si Grey na may dalang pagkain na mukhang binili niya sa canteen namin.

"Yieee, concern yarn?" kinikilig na ani ko.

Hoy marupok ako ah.

"Yeh, eat your breakfast." Abot langit ang ngiti kong sinarado ang notebook ko at kinuha ang pagkain.

He sat towards me while drinking his coffee. Nagsimula na ulit siyang magbasa ng libro niya, ang sarap niyang panoorin. Kahit maghapon ko siyang panoorin, hinding hindi nakakasawa.

My heart beats fast kaya nagulat ako at umiwas ng tingin. What the hell is that?

"You only have five-minute before your class." napabilis ang subo ko dahil sa sinabi niya.

Matapos kong kumain ay binuksan niya ang mineral water at inabot sakin.

"Thank you," pasasalamat ko matapos kong uminom.

"Good luck, I'll see you later." he said and ruffles my hair before he left.

What the actual fuck?

Naramdaman kong umakyat sa mukha ko ang dugo ko, napahinga ako ng malalim at pinapaypayan ang sariling pumunta sa klase ko.

Bakit ang caring naman niyang lumandi? Okay, Cielo, crush lang huh? Crush lang.

...

Aaaahhh! Natapos din!

Dumiretso ako sa labas ng campus para bumili ng bato-bato. Nagugutom na kasi ako, ang dami nilang tanong kaya sagad sagad sa buto ang three units namin kanina.

Nakita ko sa di kalayuan si Grey habang tumutuhog naman ako ng kalamares.

"Grey!" sigaw ko at kumaway sa kanya. Lumapit naman siya ng senyasan ko siyang lumapit.

"Wala ka ng gagawin? Parang kanina ka pa rito palaboy laboy ah." he chuckled when he heard what I said.

"I'm with my high school friends." he said.

"Talaga? Saan? Bakit? Anong meron?"

"They're drinking."

"Bakit hindi ka sumama?"

"Nah."

"Sayang naman, reunion niyo 'yon tapos wala ka roon. Parang buang lang." I said while eating my food.

"Ay, gusto mo? Kumain ka na ba?" I asked and he shook his head.

Inabutan ko siya ng cup at stick, "Kumain ka na. Baka mamaya at tawagin ka ng mga kaibigan mo e, mapainom ka tapos hindi ka pa kumakain." mahabang litanya ko pero para lang akong kumausap sa pader.

Ang hahaba ng mga sinasabi ko tapos yung mga sagot niya, sagot lang sa tanong ko. Hindi man lang pinapahaba. Ang hirap tuloy magkaroon ng mahabang topic sa kanya— nauubusan na rin ako!

Hindi naman siya nagreklamo at tumuhog na rin ng kwekwek.

Para siyang model kumain, Cielo, ang dami mo ng compliment para sa kanya. Grabe na.

Tahimik lang kaming kumakain ng biglang may asungot na dumating.

"Cielooooo! Libre mo ko." napairap ako ng umakbay na sakin ang asungot.

He kissed me on my cheeks kaya tinadyakan ko siya sa inis, pawis na pawis na nga manghahalik pa. Bwiset talaga.

"Ano baaa?! Lubayan mo nga ako!" inis na ani ko at sinabuyan siya ng suka pero nakaiwas siya.

"Hahahaha ang cute mo kapag napipikon." he said and pinched my cheeks.

"Una na ko." Grey said kaya napalingon ako sa kanya.

"Huh?! Tapos ka na? Saan ka pupunta?" he didn't answer me at dire-diretso lang.

"Sino yun? Siya ba yung nurse na tinititigan mo nung nasa hospital ako?" I nodded my head sa tanong ni Steve.

Tumango naman siya, epal kasi tong lalaking 'to e.

"Bwiset ka kasi! Nasira tuloy yung date namin!" inis na ani ko at tumawa naman siya ng malakas.

"Date mo lelang mo, halata ngang hindi ka niya gusto. Stop dreaming, Cielo hahahaha." Binatukan ko siya sa inis kaya nasamid siya sa sinubo niyang kalamares.

"Tangina, Cielo." he said nang maubo ubo pa kaya ako naman ang tumawa ng nagwagi sa harapan niya at tinapon na yung pinagkainan ko.

"Una na ko! Bayaran mo yung kinain ko ah." I said at tumakbo.

"Tangina mo talaga, buraot!" sigaw ni Steve kaya natawa na naman ako ng malakas.

Sayang yung moment ko kay crush.

Nang medyo nakalayo na ako ay naglakad na lang ako at natanaw ko si Grey with his friends. Seryoso pa rin siya at walang imik katulad sa iba niyang mga kaibigan.

He is wearing a simple white shirt with his black cargo pants and white sneakers. Sa simpleng suot niya ay ibang iba ang dating niya.

Siguro kung papasok siya sa model industry, siguradong pasok na kaagad siya dahil sa sobrang gwapo niya.

Gaano ba siya katagal ginawa ng Lord para maging ganyan kagwapo?

His kissable red lips, pointed nose, brown eyes, thick eyebrows, and messy hair. His height's like in 5'11, his white skin and slightly masculine body ay bagay na bagay sa kanya. Hindi ganoon kalakihan yung katawan niya, tama lang kaya hindi siya nagmukhang basagulerong di mo malaman.

Naramdaman niya atang may nakatingin sa kanya kaya nilingon niya ang gawi ko.

I smiled at him, and waved my hand again. Blangkong iniwas niya lang ang tingin sa akin, aba suplado.

Kinuha ko ang cellphone ko at nagbukas sa i*.

: busy ka?

Tiningala ko siya at hawak na niya ang cellphone niya. Naks, laging nakabukas ang data ng cellphone ah.

Grey: No.

: labas tayo! :>

Yaya ko at tiningala siya ulit. He look at me and furrowed.

Grey: Ok.

Napangiti ako ng malawak nang umo-oo siya. Nagpaalam lang siya sa mga kaibigan niya at kinuha ang gamit niya.

Sinalubong ko na siya bago siya makalapit.

"Gusto mong kumain?" yaya ko pero hindi siya sumagot.

"May alam akong cafe, nung nakaraang linggo ko lang napuntahan. Sobrang ganda niya, highly recommended ko sayo kapag nag aaral. Let's go! My treat." I said and hold his hand to pull him.

Hindi naman na siya nagpabigat at sumunod na lang sakin. Kyahahaha, chance ko na 'to.

Naglakad lang kami paahon para marating yung Colt Hospital, at saktong hapon na rin kaya medyo nagkakahel na ang langit.

Hindi talaga ako nakapaglunch kanina kasi wala naman kaming break.

First subject ko kanina ay alas otso hanggang alas onse ng umaga, tapos yung reporting ko naman ay alas onse hanggang alas dos ng hapon, at may pe ako kanina ng alas dos hanggang alas kwatro kaya talagang lantak ang ginawa ko sa street foods.

Maaga kasing nagsara yung canteen kanina, at ayoko rin naman na magrice ako dahil nalipasan ako ng gutom. Pero nagsuka ako hahahaha.

Nauuna akong maglakad kay Grey habang paahon dahil, ang bagal niya. Nasa tuktok na ako at siya wala pa.

Hinintay ko siyang umahon, at lumiwanag siya sa paningin ko.

I mean, yung sinag ng araw tapos sunset ang background. Tapos may umaahon na gwapong nilalang.

Umiwas ako ng tingin dahil baka hindi na crush ang mangyari at magustuhan ko na siya, at delikado yon.

"G-Grey! Bilisan mo! Ang tagal mo naman" bahagyang sigaw ko sa kanya nang nasa tapat na ako ng cafe at hawak ko na ang pinto.

Nakita kong bumuntong hininga siya bago nagmadaling maglakad palapit sa akin.

Tuluyan ko ng binuksan yung pinto at pumasok.

"Mango fresh juice, and this brownies. Anong iyo Grey?"

"Americano."

"And one americano. Ano pa?" tanong ko ulit at tiningala siya para tingnan.

"That's it." he said at nagulat ako ng iabot niya ang card niya.

"H-Hoy! Sabi ko, treat ko." I said habang hinahatak ang braso niya pero kinuha na ng cashier ang card.

"Find a table for us." he simply said at wala naman na akong nagawa.

Dagdag points yon.

Naghanap ako ng pwesto namin at doon ako naupo sa sulok sa tabi ng bintana, for two person ang table.

Pumwesto ako sa may pader para kita ko yung pagbaba. I really love sky, just like my name. When I felt pressured, stress, bothered, I always looked up the sky because it is calming.

It makes me feel peace, but I don't want to be rest in peace for now.

I look up at Grey while he was putting down our order. He is so serious.

"Grey, I think I've got the flu." I said while acting na para bang masama ang pakiramdam ko.

He furrowed then scanned me.

"Wanna give me a shot?" banat ko at puppy eyes ko sa kanya habang nakangiti ng konti, at nakapatong yung dalawang siko ko sa lamesa at nakapangalumbaba ako sa mga palad ko.

"Eat." he said at naupo na.

Yun na yon? Hindi man lang siya kinilig? Sinearch ko kaya yon kanina.

I rolled my eyes at kumain na habang siya naman ay nagbasa na ulit sa libro niya na puro sakit sakit, ewan ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status