Isang pamilyar na boses ang kanyang naririnig. Mas natatakot akong mabaon ang katotohanan. Napakapamilyar nito ngunit hindi niya alam kung sino ang nagmamay-ari ng boses na ito. Paulit-ulit. Pahina nang pahina ang boses hanggang sa naglaho sa kawalan. “Miss! Miss!” Naalimpungatan siya. Iminulat ang mga mata at tiningnan niya ang tumatapik sa kanyang braso. Isang security guard pala. Inilibot ni Sadako ang paningin sa paligid. Nasa loob siya ng mataas na building malapit sa MRT station dahil kitang-kita mula sa kanyang kinalalagyan ang mga bagon. Ito ang 14th floor ng ELF Building. Ang 14th floor ang tinaguriang floor ng mga executives ng TVN, short for TV Natin, isang malaking TV network ng Pilipinas. Nakatulog na pala siya sa waiting area. Nasa loob ng isa sa mga executive rooms sina CJ at Blue para sa meeting ng bagong drama na ginagawa nito para sa artista na isusunod sa slot ng primetime show “Ang Probinsiyana” kapag nagwakas na ito. “Hindi ka puwed
Nagmadaling tumakbo si Blue papasok sa emergency room ng East Avenue Medical Center nang matanggap ang tawag mula sa kanyang ina. Isinugod daw sa ospital ang kanyang ama. Kagagaling lang niya sa meeting with executives nang matanggap ang tawag ng ina. Sa sobrang taranta ay hindi na niya napansin na kasama niya si Sadako nang pumasok sila sa ospital. “Nasaan na siya?” tanong niya nang maabutan ang ina sa labas ng isang kuwarto. “Nasa loob siya. Natutulog na. Nahilo lang siya. Uminom naman daw siya ng maintenance niya kanina pero ganito pa din ang nangyari. Lately, ay nakikita kong balisa ang ama mo, Blue. Hindi siya makatulog nang maayos simula nang makita niya ang litrato sa website ng kompanya.” “Nahilo lang tapos kung makatawag kayo sa’kin, Ma.” Ipinikit niya ang kanyang mga mata at isinandal ang ulo sa dingding ng waiting hall sa ospital matapos iwanan siya ng kanyang ina dito. Hindi niya alam na matataranta siya nang ganito para sa ama. Dati naman ay m
“Sino ka? Nasa’n ako?” tarantang tanong ni Sadako sa apat na taong nasa harapan niya. “Wow, ha. Ang galing ng drama mo, girl. Pagkatapos ng ginawa mo sa’min tapos ngayon maang-maangan ka?” Galit ang tono ng isang babae. “Sino ba kayo?” “Talaga bang hindi mo kami nakikilala?” sagot ng isa pang babaeng kasama nito. Umiling siya. May tatlong babae at isang lalaki ang nagdala sa kanya dito sa isang covered court matapos piringan siya ng mga ito at isakay sa kotse. Isa’t kalahating oras din yata silang bumiyahe bago makarating sa kinalalagyang lugar. “Kami lang naman ang niloko mo para bigyan ka ng pera at pagkatapos ay pinagtaguan mo. Kung hindi ka pa naging viral hindi ka namin matutunton,” galit na sambit ng isa pang babae. “Ano?” Naguguluhan talaga siya. Hindi niya alam ang sinasabi ng mga taong nasa harapan niya. “Nag-attend ka ba ng acting workshop at parang totoo ang acting mo. Baka maniwala na ’ko,” sabi ng isang lalaking kasama nila. “Ano pa ba aasa
Nakatitig si Blue sa mga papeles sa harap niya pero wala rito ang kanyang isip.“Bakit n’yo aaminin ang kasalanan ni Kuya, Mang Teodoro?”“Kasalanan ng anak ko kung bakit nagkaroon ng aksidente, Blue. Kung hindi niya kayo inalok na magkarera ay hindi sana kayo maaksidente.”“Kahit na pagsisinungaling pa rin ‘yon. Parehas kayo ni Papa. Ayoko sa lahat ay ang mga sinungaling.”“Blue, alam kong hindi mo pa siya naiintindihan ngayon, pero balang araw, maiintindihan mo rin ang lahat ‘pag malaki ka na.”Umiling siya nang maalala ang naging usapan nila ni Mang Teodoro. “Malaki na ‘ko ngayon pero hindi ko pa rin maintindihan kung bakit kayo sumang-ayon na akuin ang lahat, Mang Teodoro,” bulong niya sa sarili habang binabasa ang imbestigasyon na nakalap ni Sir Alvarez.Tumayo siya bitbit ang isang beer at tumabi sa kanina pang nakatayo na si Alvarez. “Paano Sir Alvarez kung may alam ka sa isang pangyayari pero hindi mo ito masabi? Ano ang mararamdaman mo kapag ang kasama mo
Naging masinsinan ang pag-uusap ni Blue at Lancer kahapon pagkatapos nilang ma-rescue si Sadako. May mga bagay siyang natuklasan tungkol sa dalaga na talagang ikinagulat at ikinalungkot niya. Isang usapan na hindi nagpatulog sa kanya kagabi… “Ikaw si Lancer? Hindi mo ba ‘ko nakikilala?”tanong ni Blue. “Ikaw si Blue, di’ba? Sinong tao ang hindi makakakilala sa’yo?” “Hindi ‘yon ang ibig kong sabihin. Pumunta kami sa bahay n’yo 12 years ago. Nakita kitang naglalaro ng laruan na computer.” “Ah. Tanda ko na. At saka natatandaan ko rin na pangalan mo ang huling binanggit ni Tatay. Ikaw ang totoong may kasalananan kung bakit nagkaganyan si Ate Porsche at bakit nagkaganito ang aming pamilya,” galit nitong pahayag sa kanya. Bawat salitang binibitawan ay may diin at pait na hatid sa kanya. “I’m sorry pero hindi ko gaanong maintindihan ang sinasabi mo.” “Pangalan mo ang huling sinabi ni Tatay nang sabihin niya sa amin na hindi siya ang nagmamaneho ng araw na ‘yon.”
Ang aksidenteng siya ang nagsimula, ang pag-ako ng kanyang ama, ang pagkamatay ng kanyang ina, ang pagkamatay ng kanyang ama, ang pagtigil sa pag-aaral ng kapatid, ang pagpapahirap ni Jasper sa kanya at ang buhay niya bilang Sadako. Sa isang iglap ay nagmistulang montage na bumalik sa kanya lahat. “Bakit hindi pa din siya gumigising?” Narinig niyang boses ni CJ ang nagsalita. “Wag kayong maingay, baka magising nga siya. Kailangan niyang magpahinga,” si Lancer naman. “Baka hindi niya matanggap na tinanggal siya ni Blue as PA niya?” pagtatanong ni CJ. “Lately, parang ang sungit sungit mo sa kanya, Blue. Hindi ko akalain na aabot sa pagtatanggal mo sa kanya.” “Wala akong-” Hindi na naituloy nito ang pagsasalita nang dumilat na siya. Lahat nakatingin sa kanya na puno ng pag-aalala. “Ok ka lang ba?” Halos magkakasabay silang nagsalita na para bang may speech choir sila. Tiningnan niya isa-isa. Magsimula kay Roger, Lancer, CJ at finally, kay Blue. Pagkakita niy
Naramdaman ni Blue na may humaplos sa buhok niya. Bumalikwas agad siya. Inilibot niya ang paningin. Nasa sala pala siya nakatulog. Sa sahig ay nakahandusay ang tila walang buhay na si Roger samantalang ginawang unan nito si Lancer. Si CJ naman ay naririnig niyang nagsasalita habang tulog na nakahiga sa isang panig ng sahig samantalang sa table ay puno ng mga pinagkainan nila at mga lata ng beer na wala ng laman. Ang iba ay nagkalat pa sa sahig.Ang malala ay biglang tumayo sa harapan niya si Sadako. Pinigilan niya ang sarili na mapasigaw sa gulat dahil baka mabulabog ang mga tulog.Sleepwalker na lasing? Halos ginawa nitong softdrinks ang beer na iniinom ng mga kasama niya kanina. Uminom ito nang tuluy-tuloy na para bang gusto talagang magpakalasing. At ang resulta, drunk sleepwalking.Lalo pa siyang nagulat nang yakapin siya nito nang mahigpit.“Sadako, puwede ba gumising ka,” bulong niya dito. Hindi pa rin ito bumibitaw sa kanya. “Sige ka, kapag hindi mo ‘ko binitawan, ba
“Sa pangalawang pagkakataon ngayong linggong ito ay naging trending ang artistang si Blue Sandejas dahil sa isang post mula sa isang netizen. Usap-usapan sa social media ang post ng nagngangalang Jasper Buenavidez na nagsasabing si Blue ang totoong nakapatay sa kanyang ama labindalawang taon na ang nakakaraan. Marami nang comments, reactions at shares ang post na ito sa Facebook at retweets sa Twitter. At marami rin ang nag-aabang kung ano ang paliwanag ng artista na patuloy pa ring nananahimik at hindi nagbibigay ng reaksiyon hanggang ngayon…” Pinatay ni Jasper ang radio, umupo sa driver’s seat at tumabi kay Porsche.“Akala ko ba gaganti ka?” “Ano’ng ginagawa mo, Jasper?” “Lahat ay umaayon na sa plano ko, Porsche pero hindi ko aakalain na made-develop ka sa Blue na ‘yan. Pinapunta kita sa kanya kasi alam ko we’re on the same side. Akala ko magagamit kita para gumanti.” “Inaamin kong galit ako sa kanila, Jasper. Pero mas nangingibabaw ang galit ko sa sarili ko. Mahira