“Ang buhay ay hindi naman palaging umuulan. Minsan naman ay makulimlim, minsan naman may araw. Hinahayaan ng Diyos na maulanan tayo paminsan minsan dahil alam niyang pagkatapos ng ulan ay magiging mas malakas ang resistensiya natin mula sa mga sakit. Minsan hindi natin kailangan ng payong kapag umuulan kung ‘di ng taong sasamahan tayo kahit pa sa lamig na dala ng ulan.” Ito ang narration ng huling parte ng pelikula ni Blue habang hinahagod niya ang mahaba at malambot na buhok ng kapareha. Naglakbay ang kamay niya patungo sa pisngi nito. Hinawakan ang malambot na labi habang magkausap ang kanilang mga mata. Paunti-unti ay naglalapit ang mukha nila. Napangiti siya nang makitang ipinikit na nito ang mga mata. Nakatingin siya sa mga labi nito habang unti-unting inilalapit ang kanyang mga labi.Hanggang lumabas na ang mga credits. Nagpalakpakan ang buong team na nanood ng premiere night ng movie niyang “Scared to Love You.”“Congratulations Blue!”Pagkatapos ng pitong b
Nakaupo silang dalawa ni Porsche na magkaharap sa garden ng kanyang bahay sa ikalawang palapag. Abalang-abala ang kaharap niya sa pagbabasa ng script ng bago niyang pelikula samantalang hawak naman ni Blue ang isang motorsiklong laruan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala kung paano niya nakuha ito. Napangiti siya habang inaalala ang pangyayaring iyon na tinawag niyang una nilang pagkikita… “Akin ‘tong laruan na ‘to,” sabi ng batang si Blue. “Anong sa’yo. Sige ka, kapag kinuha mo ‘yang laruan kong motor, hindi ko na rin ibabalik sa’yo ‘tong laruan mong kotse,” sagot sa kanya ng isang batang babaeng nakasumbrero at nakasuot ng panlalaking damit. “Akin din, yan!” sigaw niya rito. Sa pagkakataong iyon ay itinulak siya ng kalaro. “Ang kulit mong bata ka, mas matanda ako sayo ah.” “Isusumbong kita sa Papa ko na inagaw mo ang laruan kong kotse.” “Eh di magsumbong ka. Akin na ‘to. Belat!” “Porsche, halika na. Uuwi na tayo,” tawag ng matandang driver
Haunted Kingdom. 4:00 p.m.The secret to move on is to forget.Tiningnan nang matagal ng bente otso anyos na babae ang mga gamot sa kanyang mga palad. Iba’t ibang uri ito ng gamot. May tubig naman sa kanyang harapan na nakapatong sa lamesa. Ayon sa nagbigay sa kanya ay kaya nitong tanggalin ang sakit at ang kalungkutang nararamdaman niya.Inumin mo na, sabi niya sa sarili. Makakalimutan mo na ang mga masasakit na pangyayari sa buhay mo. Kapag wala kang maalala, hindi ka masasaktan.Inilibot niya ang kanyang paningin. Nasa loob siya ng isang chamber na gawa sa kahoy ang mga dingding at kisame.“Oras na,” bulong ng isang boses.Tiningnan niya ang pinagmulan nito. Nakaupo ito sa isang sulok habang hawak nito ang cellphone sa kabilang kamay.“Gusto mo bang mailigtas ang kapatid mo o hindi?” tanong nito sa kanya.Ipinikit muna niya ang kanyang mga mata. Sa kanyang pagpikit ay inalala niya ang mga mukha ng mga mahal niya sa buhay. Ang kanyang kapatid, ang kanyang ina
Kinukuha na ba ako ni Lord? Ito ang nasa isip niya habang pinapakinggan ang musika na karaniwan niyang napapakinggan sa simbahan. Isang himig na tila ba may aparisyon na nagaganap at humihila sa kanya papunta sa liwanag na kanyang natatanaw. Pinuntahan niya ang pinanggagalingan ng liwanag na iyon. Pero sa halip na anghel ang kanyang makita ay ang mukha ng kanyang pinsang talent manager na tumatawa nang malakas na animo’y isang demonyita. Bigla siyang bangon. Hinanap niya kung saan nanggagaling ang musikang kanina pa niya naririnig na tumutugtog. Napabuntung-hininga siya nang makita ang pinagmumulan nito. Ang cellphone niya. Pinalitan na naman ng talent manager niya ang ringtone nito. Kaya pala nanghiram ito kahapon at pati sa panaginip, este, bangungot niya ay ginugulo siya nito sa pang-aasar. “Hello?” pagbati niya nang pinindot ang receive icon ng smartphone niya. “Anong hello, hello ka diyan. Nakalimutan mo na ba kung ano’ng araw ngayon?” halos pasigaw na sago
Multo?Biglang preno si Blue sa kanyang gray na Honda civic. May nakita kasi siyang babae sa harapan pero sa isang iglap ay nawala ito. Bumaba siya ng sasakyan. Nanindig ang balahibo niya pagkakita sa babaeng nakahandusay sa harapan nito. Unti-unti niyang nilapitan ang nakadapang babae. Napalunok muna siya bago hinawakan ito. Tao nga. Nabangga ko ba siya? “Miss?” Sabay dutdut ng mukha nito na parang nadidiri o natatakot. “Miss… Gising…”Walang reaksyon. Dutdut... Wala pa din. Pinaharap niya ito at inangat ang katawan nito. Pinakiramdaman niya muna ang ilong nito kung humihinga pa. Buhay pa! Lumingon siya sa paligid. Walang katao-tao doon dahil papaliko pa lang siya papunta sa highway. Mabilis siyang nagdesisyon. Sa kanyang pagbuhat sa babae ay siya namang paglaglag ng suot niyang relo na birthday gift sa kanya ni Jamie nitong taon. Sa ospital na inabutan ng hapunan si Blue. Tiningnan niya kung anong oras na sa relo niya pero saka niya lang napansin na w
Siya ang tinaguriang “The Wonderland King ng Pilipinas” dahil siya ang CEO ng HAPPY-GO-FAMILY Corp., isang kompanya na binubuo ng limampung theme park-resort. Aqualand, Sand Palace, Blue Island at Haunted Kingdom-iilan lang ito sa theme park-resort na pag-aari niya na matatagpuan sa iba’t ibang lugar sa Laguna, Batangas, Cavite, Bulacan, Pampanga at sa iba pang probinsiya ng Pilipinas.Two kilometers away from Haunted Kingdom is the main office of the Happy-Go-Family Corp. in Pampanga. Ang nasabing kompanya ay may tagline na “Gusto ko happy ka kasama ng iyong pamilya” na makikita sa mga TV at print advertisements. Layunin ng kompanya na maging masaya ang bawat pamilyang Pilipino sa pinakamahahalagang araw ng kanilang buhay kaya nilikha ng ama niya ang kompanyang ito.Sa malawak na CEO’s office, naroon ang models ng bawat theme park-resort na mistulang diorama na nagsama-sama. Bawat detalye ay carefully crafted at may mga collection siya ng limited action figures ng mg
“Ang gara naman. Galing sa sasakyan ang pangalan n’yong magkapatid.”Manghang-mangha ang kausap niyang binatilyo. Nakatitig ito sa kanya at nakangiti.“Mahilig kasi si Tatay sa sasakyan,”nahihiya niyang pahayag habang abala siya sa pagkalikot ng motorsiklo ng tatay niya. “Halata nga. Sobra ang pag-aalaga niya sa mga sasakyan namin.” “Marunong ka magmaneho ng kotse?”“Hindi. Motor lang.”“Wag mong sabihing ito?” Itinuro ng binatiyo ang motorsiklong nakaparada katabi ng kotse. Tango ang isinagot niya.“Hindi ko alam magpatakbo ng motor. Kotse pa lang alam kong imaneho.”“Wow. Ang galing mo naman. Ilang taon ka na?” Nakuha nito ang curiosity ng dalagita.“14.”“14 ka pa lang pero marunong ka na magdrive.”“Ikaw nga, magrunong magmotor. Ako, hindi ko natutuhan ‘yan eh. Sige nga, ipakita mo sa’kin kung kaya mong paandarin.”“Sige ba. Gusto mo karera pa tayong dalawa eh.”Pinaandar ng dalagita ang motorsiklo, sa binatilyo naman ang kotse.Naunang tumatakbo n
After exhausting 3 days and 2 nights ay nakapagpahinga na rin sa wakas si Blue. Maginhawa ang pakiramdam niya na nagising at maghanda para sa schedule ng script reading ng pelikula. It’s nice to be back home.Kinuha niya ang tuwalya at bumaba para maligo. Humihikab pa siyang pumasok sa banyo pero… “Aaah!…” Muntik na siyang matumba buti na lang ay nasalo siya ni Alvarez. But in a very very familiar pose. Iyong pose na naalala niya na karaniwang eksena sa mga pelikula na nakahawak si leading man sa baywang ng niligtas na leading lady in an erotic and slow motion. Ang problema ay nasa posisyon siya ng leading lady! AWKWARD! Tumuwid agad siya ng tayo. Grabe ang gulat niya kay PO2 Napoleon Alvarez na puno ng shaving cream ang mukha at nakatapis lang ng tuwalya sa pang-ibaba. “Sir, sa susunod pakilock naman ng pintuan,” gigil niyang paalala. “Sorry, Sir Blue.” Lumabas siya uli. Siya namang paglitaw ng isang babae sa harapan niya na magulo ang buhok at nak